PRENTENG nakaupo si Jude sa isang wine red love seat sa loob ng opisina ni La Diva. He got surprised when he found out who La Diva was. Ito iyong babaeng nagpakilala sa kanya bilang Ladine noon sa art gallery. He bet, hindi rin iyon ang totoong pangalan nito. He was waiting for her to give his driver’s license. Naiwan kasi niya iyon sa opisina nito nang huling silang magkita for final seduction test. Feeling niya sadya nitong ninakaw ang driver’s license niya for a purpose. Ayaw na sana niyang bumalik sa opisina na iyon pero wala siyang choice dahil hindi naman siya makapagmamaneho kung wala siyang lisensya. Professional pa naman ang license niya dahil nagda-drive din siya ng bus paminsan-minsan.
“Come on, give me back my driver’s license,” naiinip na hirit niya. “I know what you did. You stole it from my wallet.”
Tumawa lang si La Diva habang mabagal na hinahanap nito ang license niya sa drawer ng mesa nito na nasa tapat niya. Pangisi-ngisi lang din ito habang umaarte na may binubuklat sa drawer. She was wearing a stunning red evening gown na halos lumuwa ang hinaharap at masyadong mataas ang slit. Sadya itong yumuko para ipakita sa kanya ang cleavage nito. Tapos na ang seduction class and he passed pero pakiramdam niya, hindi roon magtatapos ang pangse-seduce ng babaeng ito. He underwent two phases of seduction class. The first one was about mastering the art of seducing women, something that he passed easily. The second one was about resisting temptation that he almost failed. Kung ano-ano ang ginawa ng babaeng ito para akitin siya. Kung saan-saan din siya nito dinala at nag-invite pa ito ng professional dancers na kasama nitong sumayaw ng sexy sa harap niya as part of the test. Dahil kasama sa rule ng RnJ ang mahigpit na pagbabawal na maakit o ma-in love sa client, that test was highly a must.
Aminado si Jude. Kung wala siya sa RnJ at kung nakilala niya ito sa ibang paraan, papatulan niya ito. He proved that La Diva was not just a woman. She’s a perilous woman indeed. That made her more exciting to be with. Ang kaso, iba ang sitwasyon niya ngayon. ’Di siya sigurado kung ang patuloy na pang-aakit nito ay dahil lamang natural na seducer ito or still, humahanap ito ng ikasisira ng contract niya sa RnJ. It might be a game that Ricardo wanted to play. Kaya hangga’t maaari, he opted to stay away from her.
“Oh, I finally found it!” Iniangat nito ang kanang kamay na may hawak ng driver’s license niya. Naglakad ito palapit sa kanya at agad na kumandong sa binti niya. Aagawin na sana ni Jude dito ang ID niya nang ilayo nito iyon sa kanya. “Do me a favor first, my darlin’,” sabi ni La Diva. She wrapped her hands around his neck. At inilapit ang katawan nito sa kanya.
“What do you want?” tanong niya. “Puwede ka na namang humingi ng favor anytime. You don’t have to stole my ID.”
Tumawa ito. “Kapag humingi ako ng pabor, may chance ka na humindi. Kaya kumuha na lang ako ng anything na importante sa ’yo para makuha ko ang gusto ko.”
“Which is?”
“Be my escort tonight.”
Umiling siya. “Alam mong ibi-bid ako mamaya.” Sa gabing iyon magaganap ang Adonis Gala. “I can’t fulfill that duty well tonight.”
She rolled her eyes. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at isinuksok nito sa bulsa ng tuxedo niya ang ID niya. “Ang dami mong arte! Just do it!” Tumayo ito at hinila na siya papalabas ng opisina nito.
Nagpatianod lang si Jude. Few seconds more nasa mataong Domain of Lust na sila. Adonis Gala was an underground event. Imbitado ang mga mayayamang babae sa event na iyon. The purpose was to bid for their ideal husband for hire. He wondered what do people get with this? RnJ would certainly earn millions in one night for charity work. The bidders would spend millions to get what they want. Pero silang ibi-bid? What would they get? A part of his mind shouted the word, pride. Oo nga naman, iyong pride na mas mataas ang pagkaka-bid sa ’yo, kumpara sa kasama mong ibi-bid sa event na iyon.
Nahinto ang pagmumuni-muni niya nang umangkla sa braso niya si La Diva habang naglalakad sila papunta sa holding area sa backstage ng opera house. Pumasok sila sa isang air-conditioned na holding room. Nagsisimula na ang program. Mula sa audio monitor sa loob ng holding room ay naririnig na ang boses ni Council Xean habang nagbibigay ito ng introduction at instructions para sa bidding na magaganap. Ito ang tumatayong auctioneer.
Naabutan nila sa loob ng silid ang mga tulad niyang husband for hire din. Ang ilan sa mga ito ay nakasama ni Jude sa training tulad nina Raven, Kanye, at Penny. Ang ilan naman ay familiar sa kanya; mga nakasasalubong niya sa facility once in a while o nakasasabayan niya sa gym.
Hindi lahat sa kanila ay maisasalang sa bid sa gabing iyon. Ang unang phase kasi ng bidding ay pipili ang participants ng ibi-bid sa kanila. Maibi-bid lang ang husband kapag may nag-open sa kanya for bidding.
“Hi, my darlings!” bati ni La Diva sa lahat nang nasa silid na iyon sabay kalas nito sa pagkakalingkis sa kanya. No one responded though. Gets na ni Jude kung bakit. “Kayo talaga, hindi ko naman kayo kakainin nang buhay.” Bumaling ito sa kanya. “Lalabas muna ako. Enjoy your first Adonis Gala, my darlin’ Jude.” Papalabas na sana ito nang mag-overtake dito si Raven.
“I’m outta here. I don’t give a damn with this bidding sh*t,” hirit nito.
“You have to stay here—hoy! Buwakanang husbando ka!” gigil na buska ni La Diva nang magtuloy lang sa pag-walk out si Raven.
Seconds more, the two were all gone. Hinabol na rin kasi ni La Diva si Raven.
“It seemed like he’s good at it.” Binalingan ni Jude ang nagsalita. The guy offered him his hand. “Kervin.”
Nakipagkamay siya rito. “Joseph,” pagpapakilala niya.
“Let him do what he wants. Every wrong move here has penalty,” sabi ni Jayson.
“Agreed. Even in La Diva’s class, nag-walkout siya,” dagdag ni Jude. Alam niya dahil na-witness niya kung paano naghabulan ang dalawa, matapos lang ni Raven ang seduction test nito.
Then they heard that Council Xean called Pedro Batumbakal. “Mauna na ako, mga p’re.” Inayos nito ang bowtie ng suot na blue tuxedo bago lumabas ng holding room.
Sa mga sumunod na sandali ay napako ang atensyon nila sa flatscreen monitor kung saan nila napapanood ang nagaganap na bidding sa labas. Pedro was closed at Eight Million Pesos for one-day contract.
“Who’s gonna be next?” tanong ni Kanye. No one of them have the idea. Nakadepende kasi iyon sa system na ginagamit ng mga bidders at bid caller.
Sunod na tinawag si Rico Salazar. “Finally. It’s boring to wait.” Nagpaalam ito sa kanilang naiwan.
Sinamantala naman ni Jude ang pagkakataon para sumilip sa kanyang cell phone. Nakita niyang may mensahe sa kanya si Manong Chris sa Facehook messenger app. Larawan iyon ng bouquet of red and pink roses na pinasuyong niya ritong i-pick up at i-deliver sa Arella Meat Market Corporation. Para iyon kay Jibelle. Nalaman niya sa pag-stalk niya sa Facehook nito na birthday pala nito noong araw na iyon. Ayon sa mensahe, nakuha at personal na naipadala na nito ang bulaklak. Agad siyang nagpasalamat dito.
He received a message from Jibelle sa Pinder pero hindi siya nag-reply. Hindi rin siya nag-pin back. Naging abala na siya sa RnJ kaya nawalan siya ng oras sa ibang bagay tulad ng pagha-happy happy kasama ang mga babae. Mayroon pa naman siyang ugali na ’pag type niya ang babae, binibigyan niya ito ng oras. Kaya ayaw niya munang i-pursue si Jibelle. Hindi kasi niya ito mabibigyan ng sapat na oras habang nakatali siya sa RnJ. Though, hindi rin niya napigilan ang sarili na i-stalk ito. He even went to Arella Meat Market Corporation several times just to see her from afar. Tumatambay lang siya ng isa o dalawang oras sa waiting shed sa tapat ng kompanya nito at magpapasundo na lang sa company van nila pagkatapos. Sa puwesto kasing iyon ay tanaw ang balkonahe ng bahay ni Jibelle. At masuwerte siyang makita itong nakatambay sa balkonahe ng bahay sa tuwing gagawin niya iyon. It was like a developing habit. Jude was still curious why he felt happy doing that weird thing. He would surely find the reason behind it pretty soon.
“The bid for Mr. Rico Salazar is now closed at Twelve Million Pesos!” narinig ni Jude mula sa audio monitor kaya napatingin siya sa screen.
“Next on the list, Mr. Joseph Reyes.”
Lumabas na siya ng holding room at umakyat ang stage. Nag-start ang bid sa kanya sa halagang Five Million.
“Eight Million!”
Napalingon siya sa nagtaas ng number at nagsalita. Kinabahan siya. Why La Diva is bidding for me? He was hoping na may mag-bid nang mas mataas. Hindi naman sa ayaw niyang makasama si La Diva pero . . . parang gano’n na nga.
“I’m raising the bid for Ten Million Pesos. Any takers?” anunsyo ni Xean.
May isang babaeng nagtaas ng placard at nagsabi ng, “Ten Million.”
Nakahinga nang maluwag si Jude nang may ibang nag-bid. Ngunit biglang nag-raise uli si La Diva for Twelve Million Pesos. Bumalik si Jude sa pananalangin. And his prayers were answered when the bid for him was closed at Fifteen Million Pesos for a one-day contract with someone else.
***
“HAPPY, birthday, Anak! Ano’ng birthday wish mo?” tanong ng ama ni Jibelle sa kanya over a video call. Kasalukuyan siyang nasa office niya at nakaharap sa kanyang laptop.
Nasa Canada ang mga magulang niya. Nakatira ang mga ito sa bahay ng kanyang tita na isang chief nurse doon. Nang maka-recover sa sakit sa kidney ang kanyang ina, nagdesisyon ang kapatid nito na kunin ito para doon sa Canada magpagaling nang husto. Sumunod doon ang kanyang ama nang mapagdesisyunan nilang doon na ito magpa-heart bypass. Sa ngayon, ipinagpapasalamat ni Jibelle na okay na ang mga magulang niya. In fact, her father recently opened a convenient store few blocks away from where they lived in Canada habang ang kanyang ina naman ay malapit nang matapos sa caregiving course. Sa wakas, matutupad na rin ng kanyang ina ang pangarap nitong makapagtapos ng pag-aaral.
Pabirong ngumiti siya sa tatay niya. “Lalaki, ’Tay; mga sampu. Para every day, iba-iba ang kasama ko ’tapos puwedeng two men a day ’pag trip ko mag-overtime,” biro niya.
Tumawa nang malakas ang kanyang ama. “Puro ka kalokohan, anak. Mildred, tingnan mo itong anak mo, sari-sari ang sinasabi,” tawag nito sa nanay niya.
“Hoy, Jibelle, anak. Baka naman kung sino-sinong lalaki na iyang sinasamahan mo riyan, ah. Naku, mapapauwi kami ni Bert niyan nang wala sa oras.” Sumulpot bigla sa screen ang nanay niya.
“Naku, ’Nay. Wish ko lang ano. Eh, wala nga ni isa.”
“Wala pa ba? Kung sabagay, nasa tamang edad ka na, anak. Puwede ka na ngang mag-asawa.”
“Salamat, ’Tay sa blessing. Ang taray! Nauna pa po ang blessings kaysa boyfriend, ano po? Ipadala n’yo na po ang mga lalaki nang makapamili na ako,” natatawang hirit niya na tinawanan lang din ng mga magulang niya. Bigla siyang napangiti habang nakatitig sa mga magulang niya. Seeing her parents happy and okay was actually the best gift for her. Kaya nga hindi na niya sinabi sa mga ito ang struggles niya. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito. “Ang totoo po, isa lang ang hiling ko—ang manatili kayong ligtas sa sakit at panganib.”
Her parents gave her a sweet smile and said, “I love you, anak.”
“I love you rin po, ’Nay at ’Tay.”
After few minutes, nagpaalam na ang mga ito and the video call ended. Napasandal si Jibelle sa back rest ng swivel chair niya. Yes, it was her birthday and also the dead-end of her love life. Wala na, tapos na. Nag-effort siyang mag-reach out kay Joseph but the guy didn’t response. Ngayon ay kailangan na ni Jibelle tanggapin ang masaklap na hatol sa love life niya. Tatanda na siyang dalaga dahil nakalipas na ang taong dapat sana ay makatutuluyan niya. A decision was made. Kalilimutan niya na ang tungkol kay Joseph. Itutuloy na niya ang planong magpa-artificial insemination para magkaanak siya. Magpo-focus na lang siya sa kanyang health problem. If it became successful, hindi na siya mag-iisa. Ihahanda na niya ang sarili na maging single mom at palalakihin niya ang magiging anak niya na busog sa pagmamahal tulad ng pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.
I can do it! Tumayo siya at lumapit sa mini-altar niya. Panahon na para magising sa reyalidad na hindi lahat ng hula ay nagkakatotoo. Sa araw na iyon, itatago na niya lahat ng nasa mini-altar niya. Binuksan niya ang drawer at pinaglalagay roon ang mga kandila, insenso, at ang picture frame na may caricature ng faceless na lalaki. Pagkatapos noon ay bumalik siya sa mesa niya at dinampot ang kanyang cell phone.
Nag-decide siyang i-delete na lang ang mga photo ni Joseph na naka-save sa cell phone niya. She browsed over her photo gallery para hanapin ang pictures ng lalaki. Ngunit nang bumungad sa kanya ang guwapong mukha nito ay tila nagdalawang-isip siya. Can I keep these as remembrance? Napailing siya.
Sa huling pagkakataon, binigyan niya ang sarili ng sapat na oras para magpaalam sa kanyang so-called destined one na lumipas na. Tinitigan niya ang solo picture nito sa cell phone niya. She remembered his smiles, his glances, and the way he gave the treasured rose she kept in a box inside her drawer. Isang araw lang ang ibinigay ng tadhana para sa kanilang dalawa pero naging sapat ang isang araw na iyon para hindi ito mawaglit sa isip niya.
“Alam mo, iba ka rin, eh,” pagsisimula niya. “Ibinigay ko na nga sa ’yo ang number ko. Nagpaka-Carly Rae Jepsen na nga ako. But here’s my number so call me, maybe. Pero ano? Wala kang ginawa. Natagpuan nga kita sa Pinder. I pinned you, pero wala ka pa ring paramdam. Ni hindi ka nag-pin back! Nag-chat na nga ako ng, ‘hi.’ Hindi ka man lang nag-reply ng, ‘hello.’ Hindi mo ba alam na kapag may nag-hi sa ’yo, automatic maghe-hello ka? Paano na ngayon? Lakas mong maka-Katy Perry, ah. Ano? The One That Got Away na natin agad ang isa’t isa? Hindi man lang nakapaglandian, TOTGA na agad? Kaloka!
“Pero, pasensya ka na kung isasantabi muna kita, Joseph. May kailangan akong asikasuhin sa buhay ko, eh. But don’t worry about me. Mariah Carey kaya ’to. I can make it through the rain. Pero alam mo, aasa pa rin ako na sa future magtatagpo uli tayo. Sana by that the time, marunong ka nang mag-reply. Bad trip ka rin, eh. Ni smiley ’di ka man lang nagparamdam. Pero iyon nga, ayoko pa ring magsara ng pinto. Malay natin, delay tactics lang ito ng tadhana. Ikaw rin, ah. Sana ’wag kang magsara ng pinto para sa akin. Kasi alam mo, Taylor Swift ako. I promise that you’ll never find another like me. Kaya umayos ka, ha, kung ayaw mong i-BTS kita. Padalhan kita ng kita ng Dynamite, eh!” Napatawa si Jibelle sa mga pinagsasabi niya. Muli niyang tinitigan ang picture ni Joseph. “Ikaw, ah. Magmu-move on na nga ako. ’Wag ka nang mang-akit. ’Wag mo nga akong titigan nang ganyan. Ene be?” dagdag hirit pa niya sabay sipit ng lumalay niyang buhok sa tainga niya.
Naistorbo ang pakikipag-usap niya sa picture nang may kumatok. Nasundan iyon ng pagpasok ni Carsing na may bitbit na bouquet of red and pink roses.
“Madam, may nag-deliver nito para sa ’yo,” sabi nito sabay abot ng bouquet of pink and red roses sa kanya.
“Sino?” tanong niya nang tanggapin ang bulaklak.
Nasagot ang tanong niya nang mabasa ang message na nasa card na nakasipit sa bouquet.
Miss Jibelle,
Happy birthday. I hope you like the flowers.
Joseph
Kumabog ang puso niya. Bakit ba tuwing nagtatangka siyang kalimutan ang binata, biglang may mangyayari na muling nagkokonekta sa kanilang dalawa? Nagpapalit-palit ang tingin niya sa bulaklak at sa photo na naka-view sa screen ng cell phone niya na muling nang-aakit sa kanya. Hohemji! What is the meaning of this?