Six p2

2133 Words
Chapter: 6 part 2 BRIELLE… HINDI AKO MAKAPAKALI, it was my last class for this day. And any time soon, uwian na. panay na ang tingin ko sa orasan ko, maging sa may orasan ng classroom namin. And when the time comes, ako ang pinakaunang lumabas ng classroom namin para umuwi. Sa paglabas ko pa lang nagulat na ako nang makita ko si Bullet na nakasandal sa pader at mukhang malalim ang iniisip. Hindi niya ako na pansin na nasa tabi na niya ako at nakasandal din sa pader. “Bye Brielle, galingan mo okay!” sigaw sa akin ni Michelle isa sa mga classmate ko. Hindi ko masasabihin close ko si Michelle pero hindi naman ako aloof na aloof sa mga kaklase ko. Wala man akong malapit na malapit na kaibigan, at least nakikipag-minggle naman ako sa kanila. May matatawag pa rin naman akong kaibigan ko sa kanila. “Brielle!” gulat na gulat na bulalas ni Bullet sa akin. Malalim nga ang iniisip niya, halata naman sa mukha niya ngayon. “Kanina ka pa ba dyan?” tanong niya pa sa akin na hanggang ngayon gulat na gulat pa rin. Hindi ako nagsalita at nakatingin lang ako sa kanya. Kinuha niya ang mga dala-dalahin ko tulad ng palagi niyang ginagawa. “Brielle,” tawag niya sa akin nang hindi pa rin ako nagsasalita. Huminga muna ako nang malalim, “tara mag-date.” Sabi ko sa kanya na hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Natigilan si Bullet sa sinabi ko at nakatitig lang siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. At habang tumatagal na hindi nagsasalita o sumasagot si Bullet hindi ko tuloy alam kung ano na ang susunod kong sasabihin sa kanya. Parang nagsisisi na ako at nakinig pa ako sa sinabi ni Michelle sa akin kanina. FLASHBACK FOR THE first time, nahila ako ni Michelle na magpunta ng canteen at doon mag-lunch break. Madalas naman akong ayain ni Michelle sa canteen kahit noon pa. Ako lang talaga itong mas gusto na mapag-isa sa garden at doon kumain ng tanghalian. “Ang loner mo naman kasi talaga, bakit ba mas gusto mo sa may garden kumain ng lunch?” tanong ni Michelle sa akin. “Tahimik kasi sa garden,” sagot ko naman sa kanya. Iyon naman talaga ang habol ko sa garden tahimik lang. hindi tulad dito sa canteen ang ingay ng mga kapwa ko estudyante. “Tahimik na garden lang ba talaga ang habol mo? baka naman mahigpit sa ‘yo ang fiancé mo. Mukhang ayaw niya na nalalapit ka sa ibang tao. Most especially sa mga lalaki,” sabi ni Michelle na may kakaibang ngiti sa labi niya. Umiling lang ako, “hindi naman mahigpit si Bullet, wala naman siyang dapat na ikahigit.” Pero kahit na sinbi ko iyon parang hindi ko rin alam kung tama ba ang sinabi ko. parang naguluhan nga ako sa sinabi ko sa kanya, parang mali ang paliwanag ko. “Wala nga ba?” hindi talaga naalis ang ngisi ni Michelle. Kahit hanggang sa makabili na kami ng pagkain namin at makahanap ng bakanteng uupuan. Tahimik lang akong kumakain, naiilang ako kasi panay ang tingin sa akin ni Michelle. “May tanong ako Brielle,” sabi nito ng nasa kalagitnaan na kami nang pagkain. “Hindi ba sweet ang fience mo sa ‘yo?” Natigilan ako sa pagsubo nang dahil sa tanong niya. Sweet? Gusto kong matawa sa tanong niya. Bakit naman magiging sweet sa Akin si Bullet. We’re just arrange to be married that’s all. Malinaw naman sa kanila iyon, alam ko nasabi ko sa kanila na arrange marriage lang naman ang lahat sa amin ni Bullet. “No, hindi naman kailangan.” Tinawanan lang niya ako sa naging sagot ko. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko, o sa naging sagot ko kaya siya tumatawa. “Iba talaga kapag mayayaman. But beshie ang swerte mo na, magkakaasawa ka ng gwapo. Sure na akong gwapo at magaganda magiging anak ninyo,” sabi na naman ni Michelle. Bumalik na naman sa isip tuloy iyon, basta iyong ano naiisip ko na naman. “Change topic please,” sabi ko bago pa man ako mawalan ng gana sa pagkain at kung saan na lumipad ang utak ko. “Sige change topic, iyong date na lang. Saan kayo nagde-date?” tanong na naman niya na hindi ko na naman ang isasagot ko sa kanya. “Hindi naman kami nagde-date ni Bullet,” agad na sagot ko sa kanya. “What?! As in? Hindi ba talaga kayo dumaan sa boyfriend-girlfriend stage? Kasi sa totoo lang sa buong school naman yata ang alam namin mag-jowa talaga kayong dalawa.” Tuluyan ko ng ibinaba ang hawak kong kutsara at tinidor. “Did I told you that everything is just arrange by our parents. Everything between us is just because we—” Hindi ko alam kung ano na ang susunod Kong sasabihin sa kanya. Ano nga ba ang meron kami Ni Bullet? Bukod sa pagiging mag-fiance namin dahil sa hiling ng mga magulang namin. Ano Pa? Hindi ko nga masabi na naging magkaibigan kaming dalawa. Though, palagi naman kaming nagkakasamang dalawa dahil nga siya ang sundo ko. “Hay naku, so hindi talaga kayo naging mag-jowa?” Tanong ni Michelle na iling naman ang sagot ko. “Hindi man Lang kayo nagde-date talaga? As in walang sweet-sweet-an, ganoon?” tanong na naman niya na iling agad ang sagot ko. Huminga siya ng malalim saka umiling, “you need to be more sweet with each other. Iyan ang secret ng parents ko.” Alam ko naman ‘yon, kasi nakikita ko naman sa mga magulang ko ‘yon. But how can I or how can we do that sweety thing kung wala naman kaming love sa isa’t isa. “Ikaw na ang mag-aya ng date,” biglang sabi nito na ikinagulat ko. “Doon nagsisimula ang lahat, sa date. Kapag nagde-date na kayo doon na magsisimula ang sweet-sweet-an niyo,” anito na nagtataas-taas Pa ng kilay sa Akin. “How will I do that? Michelle ako ang babae,” gulat na sabi ko sa kanya. “Gagi, kahit na ikaw ang babae eh ano ngayon. Paano gagalaw ang relationship niyo kung walang mauuna sa inyo. Hindi pwedeng habang buhay na arrange marriage Lang namamagitan sa inyo. Minsan okay Lang na ang girl ang mauna, marami ng boys ang torpe,” paliwanag niya na nakangisi. Paano ako makikinig sa babaeng ito kung parang di naman siya seryoso sa mga pinagsasabi niya. “Paano ba makipag-date? Hindi kp naman alam ang date-date na ‘Yan.” Nanghahaba na ang nguso ko. Parang nanliit ako bigla kasi tumawa siya ng malakas, nagtinginan tuloy ang mga nasa paligid namin na nakarinig sa kanya. “Sorry, mahilig ka naman magbasa ng mga romance books bakit wala kang alam. Baka mabigla ka sa Akin kapag sinabi kong ang alam Kong date iyong sa biglang liko. Tagain mo Pa ako ng kindness mo,” sabi niya na tumatawa. See papaano ako maniniwala sa mga pinagsasabi ng babaeng ito. Parang hindi sixteen kung magsalita. “Kung gusto mo ng advice sa—” “—no please Michelle, enough I had enough information thank you. I think I’ll just refer all my future experience to all the books I’ve read.” Tawa na naman siya nang malakas kaya nakatingin na naman sa amin ang mga tao sa paligid. END OF FLASHBACK I FEEL AWKWARD, walking side by side with Bullet inside the mall. Ang nakakadagdag ng awkward feeling sa Akin, magkahawak kamay kaming dalawa. Tapos naka-uniform pa ako, habang si Bullet naman naka-civilian na lang kasi collage na siya. Hindi naman kami mukhang awkward sa paligid kasi may mga nakikita rin naman akong mga estudyante na katulad namin na nandito sa Mall. Naiilang lang talaga ako kasi ngayon lang namin ito ginawa ni Bullet. Ngayon ko lang ito ginawa, kasi wala naman akong ibang destinasyon kung hindi bahay-school lang talaga. Mapupunta man ako sa ibang lugar palaging kasama ko ang mga magulang ko lang naman. Ngayon lang ako nakipag-date kung date na ba talagang matatawag itong gagawin namin ni Bullet. “Where do you want to go?” Tanong ni Bullet sa akin. Saan nga ba kami pupunta sa ganitong lugar? Cinema? Arcade? Damn dapat pala hindi ako basta-basta nag-aya. Nag-reseach na muna pala dapat ako, hindi katulad ngayon na sinabihan lang ako ni Michelle na ayain ko ng date si Bullet. Ano ngayon ang sasabihin ko kay Bullet? Ang lakas ng loob ko tapos nga-nga naman pala sa ganitong bagay. “I don’t know,” I honestly said. Nahihiya ako sa kanya, pero mas nakakahiya naman yata na hindi ako magsabi ng totoo sa kanya. Kasi kahit na anong kalkal ko sa utak ko kung ano ang gagawin namin dito hindi ko naman alam kung ano talaga ang gagawin namin dito sa sinasabi kong date. Huminga naman ng malalim si Bullet, nagtingin-tingin siya sa paligid namin. Saka niya ako hinila na parang alam na niya kung saan niya ako dadalhin. Nakita ko na Lang na papasok na kami ng bookstore. “Why here?” gulat na tanong ko sa kanya. He look at me before the whole place, “isn’t it you love reading books? I’ll buy you books you wanted to read.” Minsan talaga naguguluhan na ako sa lalaking ito. He knew a lot about me, mga bagay na hindi ko inaasahan na alam niya tungkol sa Akin. Una kasi nagkikita Lang naman kami kapag susunduin niya na ako para ihatid sa school o kaya naman ihahatid na niya ako pauwi ng bahay namin. kaya iyong may malaman siya nang tungkol sa akin parang nakakagulat talaga. Kasi ako wala akong alam sa kanya sa totoo lang, ni hindi ko alam kung anong course ang kinukuha niya. “How did you know my hubby?” “I just know,” anito na nakangiti habang nakatingin sa akin. Natahimik ako, anong isusunod kong sasabihin? Pipilitin ko pa ba siyang sabihin sa akin kung bakit alam niya na mahilig ako sa mga libro. Pero sa huli mas pinili ko na lang na manahimik at mamili ng libro tulad ng sinabi niya sa akin. He’s the one who pay my books, sunod na pinuntahan namin sa may food court para magmeryenda. I was really amaze with this guy, alam niya rin ang gusto kong pagkain. “I’m starting to freak out Bullet,” pag-amin ko na sa totoong nararamdaman ko. Nagtataka na tinignan niya ako, “sorry, but can you explain it why you’re about to freak out?” Nakipagtitigan pa muna ako sa kanya ng ilang sandali bago ako sumagot sa kanya. “Why you knew these things about me? How did you know that I like quiet places, like the garden and the library in my school? The books, how did you know that I love reading books, and this…” itinuro ko ang mga pagkain na binili. “How did you know I like this foods?” Bumili lang naman siya ng soimai, lumpiang sariwa, French fries, at gulaman. Which is the foods that I really love to eat, as in kapag may nakikita akong stall na ganito ang ibinebenta agad akong bumibili nito kahit busog ako. Mula sa pagiging seryoso ni Bullet, ngumiti na lang siya bigla at inabot ang ulo ko. Para niya akong anak na hinanaplos ang ulo ko. “I just knew things about you, we knew each other since birth so…” nagkibit balikat siya bago niya ibinaba ang kamay niya. “I just knew it, that’s all.” Gusto ko na naman siyang kulitin pero hindi ko na naman ginawa, nanahimik na lang ako pagkatapos kong tumango bilang sagot sa kanya. Matapos kaming kumain nagpasya na kaming umuwi na. Para sa akin hindi date itong ginawa namin, para lang akong nagdahilan na pumunta ng Mall para makabili ng libro. Nakakahiya pa at si Bullet ang ginawa kong tagabili at tagabitbit na rin ng pinamili ko. “Thanks for the books,” sabi ko na lang ng nasa tapat na kami ng bahay namin. “No big deal, kapag may sarili na tayong bahay gagawan kita ng mini library mo. and I will buy more books,” aniya na ikinalingon ko at ikinatitig ko sa kanya. “I have fun today,” sabi pa niya habang magkatitigan kami. Napasimangot naman ako, “you had fun? Wala naman tayong ginawa kung hindi bumili ng books at kumain.” Tumawa siya pero mahina lang, pinisil niya pa ang pisnge ko. “Being with is fun, can we do it often? Can we date often?” tanong niya na hindi ako handa. Napamata na lang ako sa kanya at hindi na alam kung ano pa ang isasagot ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD