Six part 1

1098 Words
CHAPTER: SIX BRIELLE… Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa mga nangyari sa engagement party namin. “Why are you still looking at your ring?” Tanong sa Akin ni Bullet. I look at him who’s driving now going to my school. Lumingon pala siya kaya nahuli niya akong nakatitig sa kamay ko kung saan nakasuot ang singsing na bigay niya. “It’s sparks good so I like it,” sagot ko naman. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kamay ko na may singsing habang nagsasalita ako. “I didn’t know that you like sparkling things,” ani Bullet na hindi ko pinansin. “I’ll buy you a lot of sparkling things from now on,” sabi na naman ni Bullet. I look at him this time, seryoso na siyang nagsasalita habang nakatitig sa daan. “You don’t have too, this ring will do.” Sabi ko. Nagsisi akong bigla ng sabihin ko ang sparkling na iyan, hindi ko alam bakit iyon ang nasabi ko. “You’ll be my wife soon,” ani Bullet na parang iyon na ang sagot sa lahat. Hindi na ako nakapagsalit pa nang huminto na kami sa tapat ng gate ng school ko. “I can’t walk you to your classroom, may dadaanan pa ako.” ani Bullet na ikinataas ng kilay ko. Tinignan ko siya pero hindi ako nagsalita, nakatingin din siya sa akin na para bang may hinihintay siyang sabihin ko. “Okay,” walang gana na sagot ko sa kanya. Bumaba na ako ng sasakyan niya na hindi siya nililingon pa, narinig ko na lang na humarurot ang sasakyan niya paalis. Ni hindi man lang ako naihatid ng tanaw na makapasok ng gate. Usap-usapan ang naging engagement party ko, iyong mga school mates ko na nakapunta at mga classmates ko na rin ang nagpakalat ng engagement ko. pati mga teacher pinag-uusapan ang naging party ko, may ilan na natuwa, may ilan na naiingit daw, at may ilan na deadma lang. Naiilang ako pero wala naman akong magagawa, hindi ko sila pwedeng utusan na huwag nang pag-usapan ang nangyaring party. Lalo na iyong part kung saan lumuhod si Bullet para mag-propose sa akin. na sana nga hindi na lang ginawa ni Bullet kasi pinagkasundo lang naman kaming dalawa. Hanggang sa maghapon na, uwian na ang Bullet na inaasahan ko hindi ko na nakita. Si Pink Frog ang nakita ko, este Arthur pala ang sumundo sa akin. “Nasaan na naman si Bullet?” tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya. Kinuha niya ang mga gamit ko at inilagay sa loob ng sasakyan bago niya ako alalayan na pumasok sa loob. “May trabaho si Boss,” sabi na lang nito bago isinara ang pintuan. Nang ako na lang sa loob ng sasakyan agad kong inilabas ang cellphone ko. wala namang message si Bullet o maging tawag. Nakakapagtaka tuloy bakit hindi siya ang sumundo sa akin. ito na ang pangalawang beses na hindi niya ako nasundo, mula nang malaman kong ipinagkasundo kaming dalawa. Mabuti pa noong hindi kami mag-fiance siya talaga ang sumusundo sa akin. Hindi naman sa nagtatampo ako o ano pa man, ang sakin lang naman kasi nasanay ako na si Bullet ang sumusunod sa akin. Tapos kasi fiancé ko na siya ngayon, kumbaga nga nasa relationship na kaming dalawa ngayon. “Ano ba ang trabaho ni Bullet?” tanong ko kay Arthur nang makababa na ako ng sasakyan at nasa tapat na kami ng bahay ng mga magulang ko. Nag-iwas ng tingin si Arthur, “much better na si Boss ang tanungin mo Madam. Wala ako sa posisyon para sabihin sa ‘yo kung ano ang trabaho niya.” At nang dahil sa sinabi na iyon ni Arthur hindi na ako nakatulog ng gabing iyon kakaisip kung ano nga ba ang trabaho ni Bullet. …………………………………….. NAGKATAON nga lang ba o iniiwasan na ako ni Bullet, kasi simula ng ma-engage kami hindi ko na siya madalas makita. Si Arthur na ang palaging nagsusundo at naghahatid sa akin sa school o sa bahay man lang. Ang rason ni Arthur busy lang talaga ang boss niya at madaming tanggap na trabaho. Kaya himala na lang na makita ko si Bullet sa labas ng gate ng bahay namin ngayon umaga at siya ang maghahatid sa akin papasok ng school. Nang makita niya na ako agad niya akong sinalubong at kinuha ang mga gamit ko. pero parang tulad ng dati wala kaming pansinan na dalawa. Basta sundo ko lang siya na maghahatid naman sa akin papunta ng school. “I’m sorry Brielle,” anito nang nasa tapat na kami ng school gate. Nilingon ko siya pero hindi ako nagsalita, hinihintay ko siyang magpaliwanag pero wala siyang sinabi sa akin. “Kung ano man ang dahilan mo bakit ka nagso-sorry sa akin, wala akong pakialam.” Alam ko tunog bitter lang ako. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko, basta na lang akong bumaba ng sasakyan niya at ako na mismo ang kumuha ng mga gamit ko. Para akong isang babaeng nasa menopausal stage, nagsusungit nang hindi man lang alamin kung bakit. Nagdadabog pa ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit koi to ginagawa sa totoo lang. “Brielle,” tawag sa akin ni Bullet. Pero hindi ko siya pinansin at nagdere-deretso na akong naglakad papunta sa entrance gate ng school namin. Napahinto lang ako ng may mahigpit na braso ang yumakap sa akin mula sa likuran ko. “Please, huwag kang magalit. I’m just saying sorry, kasi hindi na kita nasusundo at naihahatid. I was too busy, inaamin ko naman iyon, but I have a lot of job. Ipapaliwanag ko na lang sa ‘yo ang lahat once na maayos na, sa ngayon kasi hindi ko pa masasabi sa ‘yo kung ano ang trabaho ko kasi magulo pa. Just think about it that I’m doing all of this because of you and our future together and that I don’t want to disappoint our parents.” Napakalas na lang ako sa pagkakayakap ni Bullet sa akin ng marinig ko ang mga iba’t ibang comment ng mga tao sa paligid namin. Nahihiya ko siyang tinignan, “mamaya na natin pag-usapan. Kung talagang nagso-sorry ka sa akin sunduin mo ako mamaya. Saka natin pag-usapan ito, pero kapag si Pink frog na naman ang sumundo sa akin. magkita na lang tayo sa araw ng kasal natin, iyon ay kung sisipot pa ako sa kasal na iyon.” Ito na naman ako sa pagiging masungit ko, hindi ko na nga hinintay na sumagot si Bullet at basta na lang akong umalis at tinalikuran siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD