Chapter 7
BRIELLE…
NAKAILANG silip na ba ako sa bintana? Tapos sisilip din sa may life size mirror ko. Ilang beses na ba akong nagpalit ng damit? Nakakahiya, hindi ko alam bakit ako nahihiya.
I still have plenty of time, ang aga kong gumayak. And I know what time he’ll be here to pick me up. Pero hindi ako mapakali sa isang tabi.
“You’re going crazy about this date, Brielle.” Kausap ko sa sarili ko habang nakatitig sa reflection ko sa salamin.
Everytime I will close my eyes I will see Bullet’s face telling me that he’ll take in-charge in our date next time. And that next time is today, and I’m getting anxious about these date.
Halos mapatalon ako nang may kumatok sa may pintuan ng kwarto ko.
“Ma’am Brielle, nasa baba na po ang sundo ninyo.” Ani ng isang katulong namin.
Bigla na lang ang lakas ng t***k ng puso ko.
“Tell him I’m coming in a minute,” sagot ko.
Kanina pa naman ako nakapagbihis, pero bakit kailangan ko pa ng ilang minuto.
I’ve read a lot of romance books, ganito ang nababasa ko doon. Ganitong-ganito ang mga explanations ng writer sa mga nararamdaman ng mga character nila sa ganitong sitwasyon. Kasalanan yata ito ng mga nababasa ko. Ayan tuloy nararamdaman ko na ito ngayon kasi nakatatak sa isip ko ang nga nabasa ko.
After a few minutes nagkalakas loob na ako para bumaba na.
And when I saw him, parang gusto Kong kumaripas na naman patakbo pabalik sa kwarto ko to check myself in the mirror.
Why he’s so handsome today? Palagi ko naman siyang nakikita na ganito ang get-up. Pero bakit extra gwapo siya ngayon?
Wala naman akong magagawa kung Hindi ang ituloy na ang pagbaba ko ng hagdan.
“Hi Brielle,” bati niya sa akin.
Kinakabahan ka Lang Brielle. Kaya ang lakas-lakas ng t***k ng puso mo. Pagpapalubag loob ko sa sarilu ko.
I smiled at him as answer, but it’s suddenly went off when I saw what’s he’s holding. A bouquet of white roses.
“For you,” sabi ni Bullet sabay about sa akin ng hawak niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Bullet at sa bulaklak na bigay niya.
“Oh, how sweet of you Bullet,” I didn’t know that my mom was just sitting next to Bullet.
“Thanks Tita Bel, it’s nothing.”
“Saan ba ang lakad niyong dalawa? It’s a date I guess? Hindi naman kayo lumalabas na dalawa before, I’m so happy you anak ko,” ewan ko ba naiilang ako sa mga pinagsasabi ng Nanay ko.
Para kasi siyang kinikilig na ewan habang nagsasalita. Napailing na lang ako, saka ko ibinaba ang dalang bulaklak ni Bullet para sa akin.
“It is indeed a date Tita Bel, maybe we should do this often so we’ll get to know each other more before our wedding,” sabi naman ni Bullet.
Their talking like I’m not around, hindi naman kasi ako nagsasalita.
“That’s a great idea,” sang-ayon naman ni Mommy kay Bullet.
“Tara na?” bulong ko kay Bullet na mukhang balak pang makipagkwentuhan sa Nanay ko.
Don’t get me wrong okay, hindi ako nagmamadaling makaalis para masalo ko si Bullet. Gusto ko Lang makalayo kay Momny bago niya ako simulan na tuksuhin. Iyon Lang ang rason ko wala nang iba Pa.
Nang mapatingin ako kay Mommy, she’s looking at me like she’s about to tease me. Kakaiba na ang ngisi niya na may kasama pang maniningkit ng mga Mata.
At iyong nga bumuka na ang bibig ng Nanay ko, pero bago pa man siya may masabi sa amin ni Bullet naitulak ko na si Bullet palabas ng bahay namin.
“What’s wrong?” takang tanong pa ni Bullet sa akin habang tulak-tulak ko siya.
“Huwag muna ninyo kaming bigyan ng grandchild okay! Let the wedding happen first!” habol na sigaw ng Mommy ko sa amin ni Bullet.
Napahinto kaming dalawa at nagkatinginan pa talaga kami, kasi kung narinig ko ang sinabi ni Mommy. Sure akong rinig na rinig din ni Bullet ang mga sinabing iyon ng Mommy ko.
“Pwede naman kayong gumamit ng—”
“Ah! Mommy! Enough!” sigaw ko sa sarili kong nanay.
Tinakpan ko pa ang tenga ni Bullet para lang wala na siyang marinig, bakit ba naman kasi ang galing mang-alaska ng Nanay ko.
Malakas na tawa ni Mommy ang huli kong narinig bago ko isinara ang pintuan nang makalabas na kami ni Bullet. Nahihiya akong tumingin kay Bullet kasi alam kong hindi siya pinanganak kahapon para hindi niya malaman ang gustong sabihin ng Nanay ko. Ako nga na wala pang kahit na anong experience sa ganoon alam ko. Si Bullet pa kaya na ‘di hamak na mas expose sa paligid, tapos baka malamang may experience na siya sa ganoon.
“Kakaiba talagang magbigay ng payo si Tita Bel,” narinig kong sabi ni Bullet.
“I dont like the topic,” sabi ko na lang saka nauna na akong maglakad papunta sa may sasakyan niya.
Napahinto ako nang ibang sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay namin.
“You bought another car?” takang tanong ko sa kanya nang malingunan ko siya at nakasunod sa akin.
“No, I just borrow it.” Sagot niya na nag-iwas pa ng tingin.
“Where is your car?”
I don’t want to fry him, pero ewan ko ba nagiging madaldal ako kapag kasama ko siya. though may mga oras na ayokong ituloy ang mga nasa isip kong itanong sa kanya.
“Ah…nasira, nasa casa.”
He said a valid reason, pero bakit may pakiramdam akong wag maniwala sa kanya. Na may iba pang dahilan bakit hindi niya gamit ang sasakyan na iyon.
“I like that car, sana maayos pa.” sabi ko na lang sa kanya na nakatitig sa kanya.
Dahil sa titig ako sa kanya, nakita kong para siyang napangiwi. Pero tulad nang madalas kong ginagawa, kapag may gusto akong itanong sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili ko at hahayaan na lang na lumipas ang nasa isip kong mga tanong.
“Anyway, you look pretty today,”pag-iiba ng usapan ni Bullet.
Ngumiti na lang ako saka ko binuksan ang pintuan ng sasakyan para makapasok na sa loob.
………………………….
SA MALL NA naman kaming dalawa, but this time hindi na niya ako dinala sa book store. Sa cinema niya ako dinala, nanood lang kami ng action movie. Ako naman ang pinapili niya ng papanoorin namin, kahit na ayoko ng action movies iyon ang pinili ko. baka ma-boring si Bullet kung romance or comedy ang pipiliin ko.
Wala pa naman sa itsura ni Bullet ang nanonood ng mga romance o comedy. Mabuti na lang maganda ang movie na napili ko kaya hindi nakuha rin nito ang atensyon ko.
We had popcorns and drinks habang nanonood ni Bullet, kaso mukhang ako lang naman ang kumakain.
“Did you enjoy the movie?” tanong niya sa akin habang papalabas na kami ng sinehan.
“Yes, maganda naman iyong movie.”
Napahinto ako sa paglalakad nang huminto sa paglalakad si Bullet. Nang lingunin ko siya nakita kong nakatingin siya sa bilihan ng mga damit pangbabae. Alam ko na iniisip ng isang ito, kaya hinila ko na siya.
“Arcade naman tayo,” sabi ko sa kanya.
“Ayaw mo bang bumili ng damit?” tanong niya sa akin habang hila-hila ko siya.
“I have a lot of dresses, hindi ko pa kailangan na bumili ng damit.”
“Do you really enjoyed the movie?” tanong na naman niya sa akin.
Muli na naman kaming huminto at tinitigan ko siya sandali sa mukha niya especially sa mga mata niya. iyong emerald green color na mata niya na namana niya kay Tito Pistol, na isa sa mga dahilan kung bakit habulin ng babae itong si Bullet. Hindi talaga siya halatang Filipino, kahit wala talaga sa itsura niya ang maging Pinoy. Kung hindi lang ito nagtatagalog hindi talaga malalaman na may dugong Filipino ang isang ito.
“I really do like the movie, what do you think? And you keep on asking me if I enjoyed the movie.” I sounded mataray when I speak.
OMG para na akong nanay ko kung magsalita, conyo.
“I was expecting that you’ll choose the romance movie or the comedy one,” anito na parang disappointed habang nagsasalita.
“Why? I like actions too.”
“Tsk, I don’t like it,” anito na ikinagulat ko naman.
“Why?” hindi ko napigilan na itanong sa kanya.
“Not because I am a man I like actions, nakakasawa rin naman ang action. Mas gusto ko comedy, anyway sa arcade tayo ‘di ba? Let’s go,” anito saka siya na ang humila sa akin.
“Bakit ayaw mo ng action?” hindi talaga ako maka-move on sa ayaw niya ng action.
Nakibit-balikat ito, “I just don’t like it.”
Pero napailing na lang ako nang nasa arcade na kami, lahat lang naman ng nilaro niya puro actions. Like iyong bumabaril ng zombie, car racing and such. Pati sa mga arcade games na hindi ako sigurado ang tawag, basta iyong nagka-karate.
Hindi raw siya mahilig sa actions.
Nang mapagod kami nagpunta na kami sa may food court at kumain na. Ang dami niyang binili na para bang ang dami rin naming kakain.
“I’m full,” reklamo ko ng lagyan niya pa rin ng pagkain ang plato ko.
“You need to eat more, ang payat mo.” sabi niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
“Hindi ako payat, I’m curvy pa nga sabi ng mga classmates ko. Even daddy told me I’m too sexy to be his daughter.” Naiinis na sagot ko naman sa kanya.
Well, hindi naman sobrang taba ng daddy ko, iyong katamtaman lang. dad bod sabi nga ng ilan sa mga kaibigan ni Daddy. Medyo malaki lang ang tiyan ni daddy dahil sa mahilig siyang uminom.
Tinawanan naman ako ni Bullet, saka siya tumingin sa akin. iyong tingin nang mula ulo hanggang katawan.
“Yeah, kaya kailangan mong magkalaman. Ayokong may ibang titingin sa ‘yo,” sabi niya na nakangiti.
“As if naman, I’m not likable. Ni wala nga akong manliligaw,” hindi ko intention na sabihin iyon sa kanya.
Hindi nagsalita si Bullet pero may kakaiba siyang ngiti sa labi niya. it’s like he’s smirking while listening to me.
“Anyway, alam kong sinabi ko kanina kay Tita Bel that we should date more often.” Pag-iiba nito ng usapan.
Napatitig tuloy ako sa kanya, ano na naman ang sasabihin ng lalaking ito ngayon.
“Even to you, sinabi ko rin na dapat madalas tayong mag-date.” Dagdag pa niya.
“So?”
“I think I will broke my word this time,” anito na ikinalaki ng mga mata ko.
“You’re breaking up with me?” napailing ako at madaming beses na napakurap. “No I mean you’re breaking the engagement,” biglang bawi ko ng ma-realize ko ang sinabi kong nauna.
“No, of course tuloy ang kasal. Ang gusto ko lang sabihin hindi na muna ako makakapunta-punta sa bahay ninyo. I cant take you to a date for the mean time,” mabilis na paliwanag nito.
Though nagpaliwanag siya mas lalo akong nalito sa sinabi niya sa akin.
“I’ll be out of the country,” anito na parang nakuha ang gusto kong itanong sa kanya.
“Where? How about your study? Saka bakit biglaan naman yata,” ayoko man pero bakit para nagpa-panic ako habang nagsasalita.
“Biglaan ang lahat, I need to go to Italy as soon as I can. It is about my job,” he tried to reach my hand. “This is for us, para naman may pangbili ako ng mga kailangan mo. I want—”
“Bakit palagi na lang ako ang isinasangkalan mo? I don’t need money Bullet, hindi naman ako mukhang pera. But I guess that’s how you see me kaya ka ganyan magsalita.” Pigil ko pa sa iba niyang sasabihin sana.
Huminga siya nang malalim, “okay hindi iyon ang iniisip o tingin ko sa ‘yo. I just don’t like that you’ll regret accepting this marriage once I failed in the future.”
Ano ba naman mag-aaway pa yata kaming dalawa ngayon na nasa ‘so-call date’ kaming dalawa.
“Masyado kang nag-aalala para sa kinabukasan na malayo pa namang mangyari. Malay mo magbago ang isip mo, ngayon na lalayo ka, baka may makilala kang ibang babae doon at iyon na lang ang pakasalanan mo. If that’s the case masyado mo lang—”
“I will not change my mind Brielle, ikaw lang ang pakakasalan ko wala nang iba pa.” he said with finality.
Hindi na lang ako nagsalita ulit, ayokong makipagtalo sa kanya. Kung ganito naman pa lang magpapaalam na siya sa akin na iiwanan niya ako dito.
“Sa pag-alis ko si Arthur ang makakasama mo, kung hindi si Arthur may isa pa akong ipapadala para magbantay sa ‘yo at susundo sa iyo.” Si Bullet ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.
“Kailan ka babalik?” iyon na lang ang tanong ko kaysa sa tanungin bakit kailangan pang may bantay ako.
“Kapag handa ka nang magpakasal sa akin,” mabilis niyang sagot naman.
Napakunot ang noo ko, “so kung sabihin kong kapag fifty years old na ako saka lang tayo magpakasal doon ka lang babalik?”
Nakita ko siyang natigilan, pero sandali lang kasi agad siyang tumango.
“Ikaw ang bride ko, ikaw ang magde-desisyon kung kailan tayo magpapakasal. Kung gusto mo talaga na fifty years old ka nab ago tayo magpakasal, then so be it. Pero hindi naman ako magtatagal ng ganoon sa Italy, I just need to be with Mister Moretti for the mean time.”
Hindi ko kilala ang sinasabi niya, I never heard his name. Pero iyong pumayag si Bullet na kapag fifty na ako saka kami magpapakasal ang nakakatawa talaga.
“Be back on my eighteenth birthday, that’s be our wedding day. Bahala ka kung hindi ka babalik, pero aayusin ko ang kasal natin.”
Nakatitigan kaming dalawa after kong sabihin iyon.
Nabigla tuloy ako ng bigla siyang lumapit sa akin, iyong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
“Can I seal it?” tanong niya na hindi ko maintindihan na naman.
Ano bang tumatakbo sa utak ng lalaking ito, hindi ko talaga siya madalas na maintindihan.
“What?” tanong ko na naguguluhan.
Pero hindi na siya sumagot at basta na lang ibinaba ang mukha niya sa mukha ko. nagulat na lang ako na nakalapat na ang labi niya sa labi ko.
My first kiss.