Eight

2247 Words
Chapter 8 BRIELLE… TRUE TO HIS words, hindi na nga nagpakita pa sa akin si Bullet after ng date namin kahapon. I happened to heard from my parents that Bullet’s parents called us. Telling that everything will be fine, kahit na wala ang anak ng mga ito. Na matutuloy pa rin ang kasal kahit na hindi nagpapakita si Bullet sa amin. “Brielle anak,” ani Mommy. Nasa garden ako ngayon sa likod bahay namin habang tahimik na nagbabasa ng libro na binili ni Bullet para sa akin noong ako ang nag-aya sa kanya ng date. “Yes Mommy?” Lumapit na si Mommy sa akin at naupo siya sa tabi ko, “I don’t want to fry you, but why nag-leave si Bullet? And where siya nag-go anak? Nag-away ba kayo?” I closed the book that I am reading right now and look at my mother, I smile at her first before speaking. “Hindi kami nag-away Mommy, there’s no reason for that. Sabi niya kailangan niya lang samahan ang isang friend niya, and at the same time he need to work in Italy.” Iyon naman talaga ang sabi ni Bullet sa akin. “Oh, he’s really are responsible. Kaya gusto ko na sa kanya ka makasal because he’s nice and responsible like his parents. If hindi siya good, kahit naman inaanak ko siya hindi ko siya ipipilit sa ‘yo.” “I know Mommy,” sabi ko na lang. Kasi heto na naman ako, hindi alam ang isasagot sa sinabi ni Mommy. “I told him Mommy, that he need to be back as soon I turn to eighteen. And that we’re getting married on my eighteen birthday. Is it okay Mommy? Hindi ba ako mukhang nagmamadali nito?” Umiling naman ito bilang sagot sa akin, “whatever you and Bullet’s decision nasa likod niyo lang kami anak.” After that conversation, hindi na namin pinag-usapan pa si Bullet. No one in my family ever speak about him or ask me about him. Kasi alam nilang hindi ko rin alam ang sasagot ko sa kanila. Wala rin naman kasi akong balita kay Bullet dahil hindi naman niya ako tinatawagan. Ang madalas lang na tumawag sa akin ay ang mga magulang ni Bullet, giving me assurance that their son is still decided to be wed with me. Hindi naman ako nag-aalala o natatakot, bahala si Bullet kung hindi niya itutuloy ang kasal namin. ibinigay ko sa kanya ang desisyon sa bagay na iyon, ako naman ay aayusin ko lang naman ang kasal namin. ………………………                TWO YEARS LATER… “HINDI NA ako naniniwala na may boyfriend ka talaga.” Naririndi na ako sa boses ni Emmanuel or Emman for short. Isang masugid na manliligaw ko, actually siya lang naman ang naglakas loob na manligaw sa akin. Kahit na anong taboy ko o ni Arthur sa kanya hindi siya natitinag. Tulad ngayon, inaaya niya ako ng date pero syempre tinanggihan ko na naman siya. na palagi kong ginagawa kasi hindi naman ako single. “Emman, please lang hindi na talaga ako pwede.” Classmate ko si Emman sa ilang subject ko ngayon sa collage, mas a head siya sa akin ng dalawang taon pero may binabalikan siya na mga minor subject dahil sa nagpalit siya ng course. Kaedad siya ni Bullet, na dapat nga patapos na siya ng college ngayon pero dahil sa nagpalit siya ng kurso hindi pa siya graduating ngayon. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo Brielle hindi na ako maniniwala na may boyfriend ka. Dalawang taon na kitang kilala, pero ni minsan wala man lang akong nakitang lalaking lumapit sa ‘yo. Bukod doon sa asungot na si Arthur, na hindi mo naman boyfriend pero kung makapagbantay sa ‘yo kala mo naman siya talaga ang boyfriend mo.” Napailing na lang ako sa sinabi niya, hindi ko na alam papaano ko pa ipapaintindi sa kanya na hindi talaga pwede. Pero may point siya, wala naman kasi akong maipalag sa kanila na boyfriend. Kung hindi lang dahil kay Michelle, baka hindi pa sila naniniwala sa akin. Except Emman na hindi talaga siya maniniwal hangga’t wala akong naipapalag na boyfriend. I’m taking up accountancy, kaklase ko pa rin si Michelle na hindi ko alam kung bakit sinundan ako sa college. O baka nga nagkataon lang naman, pero classmate ko nga siya ngayon tulad ng high school kami. “Madam!” malakas na sigaw ni Arthur. Tumatakbo na siyang palapit sa akin, hindi naman tatakbo ang isang ito kung hindi niya nakita sa tabi ko si Emman. Sabi nga ni Arthur na paulit-ulit kong naririnig sa kanya, lagot siya sa boss niya kapag nalaman nitong may lalaking umaaligid sa akin. “Bakit nakadikit ka na naman kay Ma’am Brielle?” naiinis na sita ni Arthur kay Emman ng makalapit na siya sa amin. Kinuha na nito ang mga libro na hawak ko, pero hindi ko na ibinibigay sa kanya ang bag ko. Hindi ko naman kasi alalay si Arthur, nandito siya para sunduin at ihatid lang ako in favor with Bullet. Kung bago proxy ni Bullet habang wala siya dito sa bansa. “Bakit ba kasi nakikialam ka?” ganting pagsusungit naman ni Emman. “Kapag talaga nalaman ito ng boss ko, malilintikan ako. pero mas malilintikan ka kasi ikaw itong lapit nang lapit!” sabi ni Arthur dito. “Hindi ako natatakot, kahit pa kung sino iyang poncio pilato mong boss.” Ano ba naman itong dalawang ito nagsisimula na naman sila para magtalo at mag-away. “May klase ka pang isang Madam, bakit nandito ka na sa parking lot?” baling na lang sa akin ni Arthur at hindi na pinansin pa si Emman. “May appointment ako ngayon para sa gown ko,” sanay na rin akong kasama si Arthur. Kahit na mas matanda siya sa akin hindi ako gumagamit ng honorific sa kanya, hindi ko siya tinatawag na Kuya kahit na noon pa. Minsan na-iinterview ko siya tungkol lang naman sa mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Like personal info, kapag wala na kaming mapag-usapan. Kasi kapag nagtatanong ako tungkol sa boss niya palagi niyang iniiwas ang usapan. Kaya hindi na lang iyon ang binubuksan kong topic. Ang gamit na naming sasakyan ay iyong sasakyan ni Bullet na sinabi kong gusto ko. He already gave it to me, three days after niyang umalis papunta ng Italy dumating sa bahay namin ang sasakyan niya. kaya nakakausap ko na si Arthur kapag nasa biyahe kaming dalawa. “Ay oo nga po pala, sabi rin po ni Ma’am Viviane na pupunta ka nga pala sa designer ng gown mo,” ani Arthur na nakatitig kay Emman at puno ng diin ang bawat salitang binabanggit. “Gown? Para sa debut mo?” hindi naman pinansin ni Emman ang sinabi ni Arthur. Mukha pa siyang excited na nakatitig sa akin at halata rin sa boses niya nang magtanong siya sa akin. “Hindi mo baa lam na ikakasal na si Madam Brielle sa eighteen birthday niya. kaya wedding gown ang ipapagawa niya hindi para lang sa debut niya,” si Arthur pa rin ang sumagot para sa akin. Napakunot ang noo ni Emman, nagpalit-palit ang tingin niya sa akin at kay Arthur. “Totoo ba ang sinabi ng ugok na ‘to Brielle?” tanong sa akin ni Emman. Tumango ako, “sabi ko naman sa ‘yo Emman may fiancé ako.” Hindi siya nagsalita, nakatitig siya sa akin na hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Basta nakatitig siya sa akin na blanko ang expression ng mukha niya. Siguro naman sa sinabi ko sa kanya ngayon hindi na niya ako kukulitin pa. “Hanggang friendship na lang talaga ang kaya kong i-offer sa ‘yo,” dagdag ko pa sa nauna kong sinabi sa kanya. Tulad pa rin naman ako ng dati, loner. Itong si Emman lang talaga at Michelle ang nagta-tyagang kausapin at sama-samahan ako. kaya sila ang maiko-consider ko na mga kaibigan ko talaga. “Hindi pa rin ako maniniwala unless ipakita mo sa akin ang boyfriend mo Brielle.” Akala ko talaga okay na sa kanya ang paliwanag ko, hindi pa rin pala. Nagkatinginan pa kami ni Arthur at sabay na umiling dahil sa naging sagot sa akin ni Emman. “Anak ka talaga ng kurimaw na makulit,” sabi ni Arthur kay Emman. …………………………… TIME FLIES very fast, parang kailan lang nang iwanan niya ako. Na nagpaalam siyang aalis siya dahil kailangan niyang magtrabaho at kumita ng malaki. Parang ang dami niyang kailangan na buhayin kung makapagsipag siya. Para siyang OFW na nangibang bansa pa talaga para lang makaipon ng malaki. Every month may malaking halaga ng pera ang pumapasok sa account ni Bullet na nakapangalan sa akin. Hindi lang every month may nagde-deposit doon, halos every week pa nga. May mga time pa na halos araw-araw kung may mag-deposit. Buti sana kung libo-libo lang ang pumapasok na pera sa account. Pinakamababa pa naman ay kalahating milyon, tapos araw-araw na ganoon ang papasok. Pinakamalaking pumasok sa account ko ay sampong milyon, isang deposit ang nangyari. Lahat nang ito galing sa ibang bansa, iba’t ibang bansa to be exact. Pero hindi ko naman kailangan ng malaking pera, hindi ko alam kung bakit talaga nagpapakamatay na si Bullet sa kakatrabaho. Tapos hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan niya. kung ano ba ang trabaho na meron siya at ganito kalaki ang kinikita niya. Sa pera na hawak ko ngayon, kahit na hindi na magtrabaho pa si Bullet sa mga susunod na taon okay lang, mabubuhay kami kahit pa nga mag-anak kami ng isang dosena. “Pink frog,” tawag ko kay Arthur. Ako lang ang nakakatawag sa kanya ng gano’n, at tinatawag ko lang siya kapag kami lang dalawa sa sasakyan. “Yes Madam?” tanong niya na nakita kong tumingin pa siya sa may rear mirror ng sumagot siya. “Nasaan ba kasi ang boss mo? Aware naman siya na isang buwan na lang birthday ko na.” Dahil sa nakatingin ako sa harapan ng sasakyan nakita kong ngumiti si Arthur. Nakita ko lang sa may rear mirror ang reflection niya. “Don’t worry madam, alam na alam ni Boss ang lahat. Excited na ‘yon na makita ka ulit sigurado ako. Palagi ba naman siyang nakik—” Naningkit ang mga mata ko nang hindi ituloy ni Arthur ang sasabihin niya. Parang may hint akong nararamdaman sa gusto niya sanang sabihin. Ang alam ko wala siyang contact kay Bullet tulad ko, pero sa narinig ko. Mukhang may contact ang dalawa at madalas na mag-usap ang mga ito. Hindi naman ako nagtatampo, pero naiinis ako na ako ang sinasabing fiancé pero ako itong hindi kinakausap. Kahit magpadala man lang ng message sa akin thru text o email man lang. lahat ng mga okasyon may mga natatanggap akong regalo, na si Arthur ang nagbibigay sa akin. sinasabi lang ni Arthur na galing nga raw sa boss niya. “Pakisabi sa boss mo ayoko ng late siya sa mismong araw ng kasal namin, dahil subukan niya lang na ma-late siya ng isang minuto. Hindi ako mangingimi na si Emman ang pakasalan ko sa araw na iyon.” Banta ko kay Arthur na para bang naririnig naman ni Bullet ang sinasabi ko. “Madam, huwag kang mag-alala. Hinding-hindi mahuhuli ang boss ko,” sabi ni Arthur na para naman nag-aalala kung magsalita. Dumating na kami sa boutique na pupuntahan namin para sa pagsusukat ko ng wedding gown ko. Tama ba talaga itong ginagawa ko, ako lang ang punong abala sa kasal namin na ito. Samantalang ang groom, nowhere to be found, missing in action ang drama niya. Minsan talaga naiisip kong mag-back out na lang, pero nagbitaw na ako ng salita noon. “Tita Viviane, Mommy?” gulat na bulalas ko nang makita ko sila sa loob ng boutique. Hindi ko inaasahan na makikita ko sila dito, akala ko pa naman ako lang mag-isa ang mag-aayos ng kasal namin ni Bullet. “Bakit you’re so gulat?” nakatawa na tanong sa akin ni Mommy. “I didn’t expect na nandito kayo ni Tita Viviane, Mommy.” Lumapit na ako sa kanila para makipagbeso, at bumati na sa kanilang dalawa. Sa paglapit ko nakita ko na nagkalat na ang mga sketch ng mga wedding gown sa may lamesa. Nang tignan ko ang paligid namin may mga gown na rin na nakalabas para sa samples. Naupo na ako sa tabi ni Mommy at sinimulan na ang pamimili ng gown na susuotin ko sa araw ng kasal ko. “This should be the grandest wedding, ang simple na nang engagement niyo. Dapat tayong bumawi sa kasal ninyo ni Bullet.” Sabi ni Tita Viviane. “I agree with that, maghahati kami sa gastos ng kasal ninyo anak kaya nothing to worry okay.” sang-ayon naman ni Mommy. “I don’t think so Mommy, kabilin-bilinan ni Bullet pera niya ang gagamitin sa kasal namin. so leave it to me Mommy, nasa akin ang pera niya kaya ako na ang magbabayad sa lahat. And please I want it simple and solemn, just like the engagement party before.” Nagkatinginan lang ang dalawa, wala na silang naging kibo pero kasa-kasama ko silang nagtingin ng gown ko. Is it much better kung si Bullet ang kasama ko? I want to know if he’ll like the gown that I’ll be picking today. But he’s not here so I should not think anything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD