Nine

1608 Words
Chapter 9 BRIELLE… SA DAMI ng ginagawa ko, I end up getting a wedding planner and organizer para sila na ang mag-asikaso ng lahat. Kasama nila ang mga magulang ko at ni Bullet sa pag-aayos ng mga dapat ayusin para sa kasal namin. inuuwi na lang ni Mommy ang mga samples, like invitation and everything that involves in our wedding. “Invitation lang ito, wala pa rin ang lalaking iyon. Kaya hindi pa rin ako susuko sa ‘yo Brielle.” Pagmamatigas ni Emman. “Hoy! Itong lalaking ito, bakit ba hindi mo pakawalan si Brielle? Ikakasal na nga siya oh,” sita ni Michelle dito. “Siya ang first love ko, at hindi ako titigil kahit na anong mangyari. Hangga’t wala pa ring kasalan na nagaganap, at hindi ko nakikitang may lalaki talaga sa buhay ni Brielle. Hindi ako hihinto sa panliligaw sa kanya,” pamimilit na naman ni Emman. Nasa University canteen kami ngayon, at inabutan ko na sila ng wedding invitation namin ni Bullet. “May sayad talaga ‘tong lalaking ito, kaya wala kang love life eh.” sabi ni Michelle sabay tawa ng malakas. “Meron akong love life, si Brielle.” Parang bata kung magsalita si Emman habang panay ang pukol niya ng masamang tingin kay Michelle. “Tama na nga kayo, baka mamaya niyan umiyak na ‘tong si Emman,” biro ko sa binata. Nagtawanan kami ni Michelle na may kasama pang-apir dahil sa biro ko sa binata. Na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin sa akin. “Ano ba naman kasi nakita mo sa lalaking iyon at kahit na hindi mo siya kasama ngayon tinuloy mo pa rin ang kasal mo sa kanya. Ni hindi nga siya tumulong sa preparations ng kasal ninyo,” pagmamarakulyo ni Emman at hindi talaga siya titigil. “Naku Emman, kung makikita mo lang ang fiancé ni Brielle manliliit ka.” Sabi ni Michelle na pinanlakihan ko ng mata. “Michelle, grabe naman ‘yon.” Sabi ko pa sa kanya. “Bakit? Totoo naman, bukod sa gwapo, matalino, mabango, mabait, thoughtful, at higit sa lahat mayaman. Ano pa ang hahanapin niya sa iba? Lahat na nasa fiancé niya na talaga.” Napailing ako habang si Emman naman nakakunot ang noo niya. “Kahit na mayaman siya and almost perfect. Nasaan siya sa dalawang taon na kilala ko si Brielle. Ni minsan ba nakita natin na nagtawagan sila ni Brielle. Saka inamin na rin sa atin ni Brielle hindi sila nagkakaausap. Wala siya, ni walang nagbabantay kay Brielle, nag-aalaga—” “Gusto mo tawagin natin si Arthur, nakalimutan mo yata na si Arthur ay palaging nandyan, bantay ni Brielle. Na iniwanan ng fiancé niya para sa kanya, hindi mo kasi nakita talaga eh. Ako apat na taon kong nakikita na araw-araw na nakasunod sa kanya iyong fiancé niya. Walang ibang nakakalapit na lalaki kay Brielle kung hindi siya lang. tingin pa lang naman kasi ng fiancé ni Brielle nanginginig na ang mga lalaki sa paligid niya.” At talaga namang may tagapagtanggol pa si Bullet, sa katauhan ni Michelle. “Kahit na, iniwanan niya pa rin si Brielle. Pinabayan,” hindi rin talaga papatalo si Emman. “Brielle, pigilan mo ako baka masapak ko na ‘tong gurang na ‘to.” Sabi Michelle na mukhang napipikon na talaga. “Amazona,” pang-aasar pa lalo ni Emman dito. “Tigil na please, kaya nga tayo nandito kasi ini-invite ko kayo sa kasal ko. Ayokong mag-away kayo nang dahil lang sa ganitong topic,” awat ko sa kanila. “Basta Brielle, hindi pa rin ako titigil. May ilang araw ka pa para sumuko at takbuhan ang lalaking nang-iwan sa ‘yo. Nandito ako, ako mag-aalaga sa ‘yo hanggang sa pagtanda natin,” anito na may paturo-turo pa sa sarili nito. “Emman, to be honest with you. Everything between me and Bullet was arrange by our parents. Sasabihin kong arrange marriage ang mangyayari, pero kami pa rin naman ni Bullet ang nagdesisyon na magpakasal. Wala man siya dito ngayon, wala rin ako dito kung hindi dahil sa kanya. Siya ang nagpapaaral sa akin, lahat ng ginagastos ko pera niya na simula ng ma-engage kaming dalawa. Lumayo siya para makapag-ipon para sa aming dalawa.” Paliwanag ko kay Emman. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi ito sa kanya. Pero hindi rin naman ako magsasawa na ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kasi nga ayokong mawala si Emman, kasi siya siya sa dalawang maituturing kong matalik kong kaibigan. “See that, lahat na talaga nasa fiancé na niya. kaya tanggapin mo na, saka hello dalawang araw na lang kasal na nila.” Singit ni Michelle sa akin. “Dalawang araw na nga lang, pero no show pa rin siya.” nanghahaba ang nguso niya habang nagsasalita. Sabay na lang kaming napailing ni Michelle, hindi talaga uubra ang lahat ng paliwanag sa lalaking ito. Napakatigas ng ulo at wala siyang pinakikinggan talaga. “Pasok na nga tayo sa last subject natin ngayon, maloloka ako dito sa Emman na ito.” Reklamo ni Michelle sabay tayo na. “Mabuti pa nga,” sabi ko naman at tumayo na rin. Wala nang imik si Emman na tumayo at sumunod na sa amin. Pero kita sa mukha niya na galit siya o malungkot? Nakasimangot na nakakunot noo siya. Basta in between ng galit at malungkot ang tabas ng mukha niya. Sabay-sabay kaming tatlo na naglalakad papasok sa last subject namin for this day. Magkakasama kaming tatlo sa klase na ito. Nothing special happen, puro lecture Lang ang lahat. Parang wala nang pumapasok sa utak ko habang nakikinig ako sa lecture. Ang nasa isip ko ngayon iyong kasal ko. At iyong sinabi ni Emman kanina, he’s right dalawang araw na Lang pero hindi Pa rin nagpaparamdam sa Akin si Bullet. I’m thinking am I the only one wants this marriage now. “Ang tahimik mo ah,” sita sa Akin ni Michelle. We’re still in the middle of our class, at itong si Michelle nagagawa pa akong kausapin. Baka mamaya bigla na lang kaming mahuli ng professor namin. “Natural nakikinig siya sa lecture hindi tulad mo,” bulong naman ni Emman. Bakit ba pinagitnaan ako ng dalawang ito? At talagang nakuha pa nilang mag-usap habang nagdi-discuss ang prof namin sa harapan. Mabuti na lang nasa may bandang likuran lang kaming tatlo at hindi naman mukhang nagpe-pay attention ang prof sa mga nasa likod. “Gago,” bulong na naman ni Michelle. Kung hindi ko lang alam na may boyfriend itong si Michelle iisipin ko na may hate and love relationship ang dalawang ito. Pero sa akin nga pala nangliligaw si Emman, at hindi kay Michelle. “Manahimik na lang kayo at makinig,” utos ko sa kanilang dalawa. Mabuti at nakinig sila sa akin kung hindi baka talagang mahuli na kami ng prof namin nito. Hanggang sa natapos na ang klase namin, nanahimik na ang dalawa. Pero sa paglabas namin ng classroom sige na naman sila sa bangayan nila. At ako na naman ang topic nila at ang pagpapakasal ko kay Bullet. “Papasok ka pa bukas?” tanong ni Michelle sa akin ng malapit na kami sa may parking space kung saan ko makikita si Arthur. “Baka hindi na, nakapagpasa naman na ako ng leave of absence ko sa mga prof. Pero kung wala nang kailangan na gawin baka pumasok pa rin ako.” “Ay iba ka rin talaga ineng, kasal mo sa sabado tapos papasok ka pa rin bukas. Magpa-beauty rest ka naman hoy!” sita sa akin ni Michelle na kulang na lang sabunutan niya ako. “Mas mabuting pumasok siya, tapos magpuyat ka rin Brielle para hindi ka na umatend sa kasal mo. Hindi mo naman kailangan na ipilit ang lahat, hindi ka naman siguro itatakwil ng mga magulang mo. Hindi ka bagay na magpakasal sa isang lalaking no show at wala sa tabi habang inaayos ang kasal ninyo.” Panunulsol ni Emman sa akin. Nakalingon ako sa kanya habang nagsasalita siya kaya nakikita naman siguro niya na wala sa akin ang mga sinasabi niya ngayon. Wala naman nang atrasan ang lahat, ako ang nag-set ng date ng araw ng kasal namin. “And who the hell are you to tell her not to attend to her own wedding day?” Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan pa akong tumingin sa harapan ko kasi baka nagkakamali lang ako nang dinig. Pero halos lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito ng makita ang lalaking nasa harapan ko. “Brielle, OMG!” ani Michelle sa harapan ko. Hindi ko na siya magawang sitahin man lang o sawayin sa pagkurot-kurot nito sa tagiliran ko maging ang pagtili-tili nito sa tabi ko. Kahit hindi ko lingunin ang paligid ko, alam kong pinagtitinginan siya ng mga tao. “Brielle, who is this man? Bakit inuutusan ka niyang huwag akong siputin sa kasal natin?” nakakunot ang noo ni Bullet na nakatingin sa akin. Si Bullet ba talaga itong nasa harapan ko ngayon. In flesh and blood? “Siya lang naman boss ang sinasabi kong—” may sasabihin si Arthur pero hindi na nito naituloy ng sikuhin ito ni Bullet sa sikmura at ako naman ay tignan siya ng masama. Huminga na lang ako ng malalim bago lumapit kay Bullet na nakatingin kay Arthur at pinanglalakihan ng mata ito. “It’s good that you came, I was considering Emman’s suggestion.” Sabi ko sa kanya bago pabalang na inabot sa kanya ang mga libro na hawak ko. “Ditching our own wedding, Bullet.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD