Five

3730 Words
Chapter: five BRIELLE… NAKATITIG AKO kay Pink Frog, hindi ko siya natanong kung anong pangalan niya. Actually hindi ko naman siya nakikita ng actual, may TV ang loob ng sasakyan kung saan nakikita ko si Pink Frog habang nagmamaneho siya. Sa sobrang kakatitig ko kay Pink frog nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko kung sino ang caller, si Bullet lang pala. “Where are you now?” tanong agad ni Bullet sa akin nang sagutin ko ang tawag niya. Ni hindi man lang ako nakapag-hello sa kanya tanong na agad ang bumungad sa akin. “On the way pa lang pauwi,” sagot ko. “f**k!” malutong na mura ni Bullet. Napanganga ako, this is the first time I’ve heard him cursed like this. Palaging composed si Bullet sa tuwing magkasama kami at kausap ko siya. “I told Arthur to bring you home on time,” ani Bullet na parang hinihingal pa habang nagsasalita. “Tumatakbo ka ba?” hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kasi ang napansin ko talaga iyong hingal niya habang nagsasalita at pati na rin ngayon na naririnig ko na lang ang hininga niya na hinihinga talaga. “Anong oras ka sinundo ni Arthur?” hindi rin ako pinansin ni Bullet. “Sinong Arthur?” takang tanong ko though my hinala na ako kung sinong Arthur ang sinasabi niya. Matagal bago sumagot si Bullet, I heard something strange at his background. Parang airsoft gun shot, hindi ako sigurado pero parang ganoon ang narinig ko. Minsan na akong nakarinig ng airsoft gun ng isama ako ni Daddy sa isang airsoft sports na sinalihan niya dati. Napataas ang kilay ko, ito ba ang trabaho ni Bullet na sinasabi niya sa akin kanina. “Si Pink Frog,” sabi ni Bullet. Kahit na hindi ko siya nakikita ngayon parang may pakiramdam akong nagpipigil na naman siya ng tawa. “Ahh, Arthur ang pangalan niya.” sabi ko na lang. Napatingin ako sa monitor, seryoso lang na nagmamaneho si Pink frog o Arthur. Kawawang nilalang, wala man lang siyang kamalay-malay na pinag-uusapan na namin siya. “Yes, he’s Arthur. Nasaan na kayo?” tanong na naman ni Bullet. Tumingin naman ako ngayon sa labas ng sasakyan, saktong papasok na kami sa loob ng Subdivision namin. “Papasok na ng Smallville, wait baka hindi kami papasu—” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang dere-deretso lang kaming pumasok. “The guards knows that car is mine,” ani Bullet siguro kasi hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. “Sa ‘yo ‘tong sasakyan na ‘to?” takang tanong ko naman sa kanya. Akala ko iyong sasakyan na gamit ni Bullet na pansundo sa akin ang sasakyan niya lang. “Yes, actually I bought it for you.” Anito na parang nagsasabi lang na bumili ito ng laruan para sa akin. I’m speechless na talaga, hindi ko inaasahan na ganito kayaman si Bullet. Not to mention that he’s only eighteen, hindi na ako magugulat na sasabihin niya sa akin na may bibilhin siyang bahay. O baka nga nakabili na siya ng bahay para sa amin. Parang gusto ko na tuloy isipin na planado ni Bullet ang lahat ng ‘to. ………………………….. “CAN YOU NOT GO to school tomorrow anak?” tanong sa akin ni Mommy when we’re all in the dinning. Kami-kami lang naman na mag-anak, wala ang pamilya ni Bullet ngayong gabi. “Why Mommy?” “Well balak namin na magkaroon ng engagement party this weekend. Gusto kasi nila Viviane at Pistol na mangyari ang engagement ninyo ni Bullet bago sila bumalik ng Britain. So napag-usapan namin ni Tita Viviane mo na mag-shopping bukas ng isusuot para sa party.” Paliwanag ni Mommy. Inisip ko na agad kung may importante ba akong schedule para bukas sa school, like long quiz. “Okay mommy, I’ll call one of my classmates to excuse me for tomorrow class,” sabi ko na lang ng wala naman akong maisip na masasagasaan na mahalagang schedule sa school. “No, Bullet will go to your school tomorrow to talk to your adviser. As well as inviting them for your engagement.” Parang sobrang excited si Mommy habang nagsasalita. Wala naman na akong nagawa pa kung hindi ang sumang-ayon sa sinasabi ni Mommy. After all napag-usapan na ito kagabi pa, and Bullet gave me money to spend in this party. Hindi ko pa nga lang nasasabi kay Mommy at Daddy ang tungkol sa pera na ibinigay ni Bullet kanina sa akin. Kinaumagahan nga maaga pa lang nasa bahay na si Tita Viviane, and to my surprise kasama niya si Pink Frog este Arthur pala Hindi ako nagsasalita kahit na nakakapagtaka na kasama namin si Pink— Arthur. Okay I should stop calling him Pink frog, nakakahiya na tawagin ko siya ng code name na ganoon hindi niya bagay. Si Arthur ang nag-drive para sa amin papunta ng Mall, gamit na naman namin ang limousine ni Bullet. “How did Bullet afford this car, Mare?” takang-taka na tanong ni Mommy kay Tita Viviane. “Hay naku, kilala mo naman ang inaanak mo na ‘yan. Kuripot pa sa mga kuripot, nag-ipon siguro nang nag-ipon. Actually kahit kami ni Pistol nagulat na bumili siya ng sasakyan na ganito noong isang araw lang. Sabi niya para raw kay Brielle itong sasakyan once na hindi niya masusundo.” Parang kinikilig si Tita Viviane habang nagku-kwento siya. Maging si Mommy parang kinikilig din habang nakikinig siya kay Tita Viviane. Nakangiti kasi si Mommy na may kasama pang kindat sa akin sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa. “How sweet,” sabi pa ni Mommy. “Mana sa akin,” pagmamalaki naman ni Tita Viviane. “Mana sa ‘yo sa kakuriputan, kay Pistol siguro nagmana ng ka-sweet-an,” pang-aalaska ni Mommy kay Tita Viviane. Nagtawanan lang silang dalawa, habang ako tahimik lang na nakikinig sa kanila. Hindi ko alam na bago lang pala ang sasakyan na ‘to. Pero kahit na bago pa lang, alam na sa Village namin na kay Bullet ang sasakyan na ‘to. At talagang alam pa nila Tita Viviane na binili ni Bullet ang sasakyan na ito para sa akin. Nagku-kwentuhan sila Mommy at Tita Viviane sa buong biyahe namin papunta ng Mall. Hanggang sa loob ng Mall kasama namin si Arthur, para tuloy siyang body guard namin kasi nakasunod siya sa lahat ng pupuntahan namin. Inuna nila Mommy ang damit na gagamitin ko para sa party, kaya ngayon namimili na kami ng dress para sa akin. “This one will do, bagay na bagay sa anak ko. She’s so pretty talaga like me,” sabi ni Mommy habang pinapaikot-ikot niya ako. I was wearing an evening dress that is fitted with my body, kita tuloy ang curve ng katawan ko. My mom choose this dress for me, mahilig talaga si Mommy sa mga revealing na tabas ng damit. Bukod kasi sa fit sa akin ang dress, back less na nga mababa pa ang cut sa may harapan na kita ang cleavage ko mabuti na lang may kaunting tabing pa. And the slit, napakahaba na nga na halos hanggang bewang ko na, dalawa pa ang slit ng dress na ito. Hindi ko alam bakit napilit ako ni Mommy na isukat ang damit na ito. Hindi ko naman gusto ang damit na ‘to, kasi para naman akong nakahubad pa rin sa suot ko. hindi ako sanay sa ganitong klase ng damit, nagsusuot naman ako ng mga dress, mga fitted din na dress like halter dress pero hindi ang katulad nito na halos wala nang tinakpan. “I like it too Mare, ang ganda ng mamanugangin ko talaga. Maganda na sexy pa, hindi halata na sixteen lang oh. But I know my son, magwawala iyon kapag nakita niya si Brielle na ganito ang suot.” Sabi ni Tita Viviane. “Sus! My daughter have the body to flaunt. Hindi kailangan na itago, I’ll buy this dress for her,” pamimilit ni Mommy. “Mom,” aniko, “I don’t like this Mommy, para akong nakahubad.” Bulong ko sa kanya. Tinignan ako ng masama ni Mommy, “Brielle anak, you should show how sexy you are in your engagement party. Ikaw dapat ang beautiful that night, and this dress makes you beautiful,” pamimilit talaga ni Mommy sa akin. “Pero Mommy!” reklamo ko na naman sa kaniya. Bago pa man ako makapagpaliwanag biglang bumukas ang pintuan, nasa isang private room kami ng boutique kung saan kami naroroon nila Mommy. Kaya nakakagulat na bigla na lang bumukas ang pintuan. Tapos hindi ko pa alam kung papaano ko tatakpan ang katawan ko nang biglang pumasok si Bullet. Parehas kaming natigilan nang magtama ang tingin namin sa isa’t isa. Mas ramdam ko ang hiya sa suot ko nang bumaba ang tingin ni Bullet sa may katawan ko. tapos bigla rin siya nag-iba ng dereksyon ng tingin, saka biglang tumalikod. Hindi rin siya nagsalita na basta na lang lumabas ng VIP room. Nagkatinginan kaming tatlo, sina Mommy at Tita Viviane. “See that Mare, hindi gusto ng anak ko.” si Tita Viviane ang unang nakabawi sa pagkabigla. “OMG todo iyan si Bullet, may pagka-conservative pala ang inaanak ko. Sayang ang ganda ng dress, its super bagay pa naman to you anak,” sabi ni Mommy na nanghahaba ang nguso. “Mommy, okay na sa akin ‘yong halter dress na nauna mong hawak.” Sabi ko na lang sa kanya para hindi naman ma-disappoint ng todo si Mommy. Isinukat ko nga ang dress na sinabi ko, kahit papaano okay na sa akin ito. Hindi masyadong revealing, hapit lang sa buo kong katawan. “Mamimili na rin kami dito ng isusuot namin,” sabi ni Mommy nang makapagpalit na ako ng damit ko. Tumango ako at lumabas na nang VIP room, nakita ko si Bullet na nakatayo sa isang sulok kasama si Arthur. “Why are you here? Wala kang class?” tanong ko sa kanya nang malapitan ko na sila. Tinignan lang niya ako saka siya nag-iwas ng tingin, nang hahaba ang nguso niya. “Bullet,” tawag ko sa kanya. Huminga siya nang malalim bago ako tignan ulit, “did you take that dress?” tanong niya sa akin na nakasalubong na naman ang mga kilay. Umiling ako, “I don’t like it, si Mommy kasi gusto niya na mukha akong binalatan na saging.” Sabi ko naman. Nawala naman bigla ang pagkakakunot ng noo ni Bullet nang dahil sa sinabi ko. “Wala kang klase?” tanong ko na naman sa kanya. “Meron, pero nagpaalam din ako na mag-a-absent ako ngayon.” “Aalis na ba ako boss?” tanong ni Arthur kay Bullet. “No, just stay here and assist us. Wala namang tanggap na trabaho ngayon,” sabi ni Bullet dito. Inoobserbahan ko silang dalawa, may kakaiba akong nararamdaman pero hindi ko alam kung ano. Pero wala na akong napansin na kakaiba sa dalawa, basta tahimik lang na nakasunod si Arthur sa amin. Sa buong maghapon, parang naging alalay talaga namin si Arthur na naging tagadala ng mga pinamili namin. Maging si Bullet naman naging tagadala ng mga pinamili ko. iyong mga gamit na binili lang naman nila Mommy at Tita Viviane ang buhat-buhat ni Arthur. ………………………………… “YOU LOOK gorgeous anak,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy. Kakapasok pa lang niya sa kwarto ko, at kakatapos lang din ng nag-ayos sa akin nang bumukas ang pintuan. It was my engagement party, ginanap ang party Friday Saturday night, a day before Tita Viviane and Tito Pistol’s flight back to Britain. Mabilisan ang nangyaring preparation para sa party na ito, kaunti lang naman ang invited na mga bisita. Karamihan mga kamag-anak lang naman namin ang dumalo, mga kaibigan ng mga magulang namin. and some business partners and associates. Hindi ko alam kung may nagpunta na mga classmates ko, pero in-invite ko naman sila na pumunta sa party na ito. May mga nagulat nang sabihin kong engagement party ang pupuntahan nila. Pero may mga hindi, kasi inaasahan na nila ito na mangyayari sa akin. Ang alam ng mga ka-klase ko na boyfriend ko si Bullet. “Thanks Mommy, you look gorgeous too.” Bati ko sa kanya. Naupo siya sa may paanan ng kama ko, pinakatitigan niya ako ng ilang sandali bago siya tumayo ulit at lumapit sa akin. niyakap niya ako ng mahigpit nang tumayo rin ako at salubungin siya. “Anak, I’m sorry if I put this pressure in you. Ngayon lang nag-sink in sa utak ni Mommy ang kagagahan ko.” aniya habang yakap-yakap niya ako. Mahigpit na niyakap ko na rin si Mommy, “mommy naman hindi ko pa naman po kasal. So no drama tonight okay.” Nagkatawanan kaming dalawa, pero nang kumalas ako sa pagkakayakap kay Mommy. Doon ko lang nakita na umiiyak pala siya, kaya pinunasan ko pa ang luha niya. “Mommy naman, ayokong umiyak. Saya ang make-up, sayang ang ibinayad ko sa make-up artist ko,” biro ko sa kanya habang pinupunasan ang luha niya. “Dalaga na ang anak ko, in a few years magiging misis ka na rin.” Anito na nakatitig sa akin. “Saka na po natin pag-usapan iyan mommy,” sabi ko naman sa kanya. Nagda-drama pa si Mommy, nang tawagin na kami ni Daddy para simulan na ang party, nasa baba na raw sila Bullet at ang mga magulang niya. sa may garden lang kasi ng bahay namin ginanap ang party. Pababa na kami nila Mommy sa may hagdan, nang matanaw ko si Bullet na nasa may paanan ng hagdan at nakatingalang nakatingin sa akin? sa akin nga ba? kasi kasama ko naman si Mommy at Daddy. Siguro sa amin siya nakatingin hindi lang sa akin. Pero naunang nang nakababa sila mommy sa akin, nakatingala pa rin si Bullet. Bakit naman kasi biglang bumagal ang paglalakad ko, nahuli tuloy ako. Natigilan naman ako sa paghakbang ng iabot sa akin ni Bullet ang kamay niya. Sa imagination ko, para akong si Rose at si Bullet naman si Jack sa may titanic. “You’re beautiful tonight Brielle,” ani Bullet nang makababa na ako ng tuluyan. Hindi ako agad nakapagsalita kasi nakatitig lang din ako sa kanya. He look dashing too, para siyang prince charming ni Cinderella sa paningin ko. “You look good too,” sabi ko na lang sa kanya. Sandali pa muna kaming nagkatitigan na dalawa bago kami magkahawak kamay na naglakad na palabas na ng garden. Pero bago pa kami tuluyan na makalabas ni Bullet, inilagay na niya ang kamay ko sa siko niya. Saka siya bumulong sa akin. “After this night, you’ll be my fiancé, wala nang atrasan ‘to Brielle. Kaya kung magbago man ang isip mo, you can go back to your room now,” aniya. Nilingon ko siya at pinakatitigan sa mukha niya, maging sa mga mata niya nakatitig ako. “Sinabi ko naman sa’yo, I’m not against with this Bullet.” Aniko na hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. And then again I saw him smiled while looking at me. Hanggang sa lumabas na kami dahil sa tinawag na ang mga pangalan namin, nakangiti lang siya. The whole night, nakangiti lang si Bullet habang nakikipag-usap sa mga bisita namin. magkasama din kami sa buong gabi, he’s not leaving my side kahit na ng magpaalam akong pupunta ng rest room nakasunod siya. People around us see’s us a perfect couple, walang nakakaalam na ipinagkasundo lang kami. May mga bisita na mga kamag-anak namin na sinasabing tama sila na kami nga raw ni Bullet ang magkakatuluyan. Na bagay na bagay kaming dalawa at  bata pa lang daw kami kita na nila ang chemistry. “Are you tired?” tanong sa akin ni Bullet ng makaupo na kami sa may designated table para sa aming dalawa. “A little, my heels is killing me.” Pag-amin ko naman sa kanya. “Tsk,” palatak ni Bullet bago niya kunin ang mga paa ko at ilagay sa may kandungan niya. “Bullet!” sigaw ko sa kanya. I get our guest attention by doing that, ang lakas ba naman kasi ng boses ko. nahihiya akong tumingin sa kanila, baka kung anong sabihin ng mga ito. “Sorry, nagulat lang si Brielle. I’ll just wanted to massage her feet, that’s all.” Pero si Bullet ang nagpaliwanag para sa akin. Mas lalo tuloy akong nahiya nang marinig ko silang magbigay ng kanya-kanya nilang kumento sa naging paliwanag ni Bullet. “You don’t have to do this, Bullet.” Bulong ko sa kanya. Itinuloy niya kasi ang ginagawa niya, minamasahe na niya ang binti ko. inalis pa nga niya ang suot kong high heels at maging ang paa ko minasahe niya na rin. “May sayaw pa tayo, kailangan na ma-relax ang paa mo.” sagot niya lang habang nakatitig siya sa may binti ko. Kahit na nakatitig siya sa may binti ko hindi ko naman ramdam na nababastos ako. Para kasi sa akin, tinitignan niya lang itong binti ko na parang isang object na tulad ng unan o ano mang bagay na malambot. Basta titig na titig lang siya sa may binti ko, hindi naman kasi exposed ang mga binti ko dahil na rin sa suot kong dress na fitted sa akin. kaya talaga hindi ko ramdam na nababastos ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa binti ko. “I think I’m okay now, thank you.” Sabi ko kalaunan. Ibinaba na ni Bullet ang mga binti ko at siya na rin ang nagsuot ng heels ko sa mga paa ko. Hindi sumagot si Bullet, tumikhim lang siya saka siya tumayo, at nag-iwas ng tingin sa akin. but he offered his hand to me, like his asking me to stand. “Let’s dance, Brielle.” Ani Bullet sa akin nang tanggapin ko ang kamay niya. Walang Sali-salitang dinala niya ako sa may gitna ng garden namin kung saan naka-set-up kung saan pwedeng sumayaw. Biglang pumailanlan ang malamlam na musika, nang nakatayo na kami doon. As if the DJ knew that we wanted to dance, and we really wanted to dance right now. Naiilang ako na ilagay ang isang kamay ko sa balikat ni Bullet, tapos ang isa naman ay hinawakan niya. His other hand was on my waist, at hinapit niya ako palapit sa kanya. We slowly swayed our body in the slow tune of the music. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, as in sobrang lakas na pakiramdam ko naririnig ni Bullet ang kabog ng dibdib ko. “From now on Brielle I’ll take care of you, sa ‘yo lang ang buong atensyon ko.” ani Bullet makalipas ang ilang sandali naming magsasayaw. Napatingala ako para tignan ang mukha niya, tapos nakita ko nga na nakatitig pala siya sa akin. kami lang ang nakakarinig ng mga sinasabi namin sa sobrang hina nang boses naming dalawa. Saka medyo malakas ang sounds kaya talagang walang iba na makakarinig sa aming dalawa. “I’ll be always on your side, no matter what happened,” dagdag pa niya. “Bullet, you don’t have to give me a promise or something.” Aniko sa kanya. Ngumiti siya, napapikit naman ako nang bumaba ang ulo niya sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang labi niya sa noo ko. “I want this relationship to work, Brielle. I don’t want you to think that this is all happening because we are arrange to be married.” Ani Bullet ng sobrang malumanay na boses. Nagmulat ako ng mga mata ng lumayo na nang kaunti si Bullet sa akin. I mean iyong labi niya pala, lumayo na nang kaunti ang labi niya sa noo ko. “Let’s make it official can we? Can you be my girl Brielle?” seryosong tanong niya sa akin. Gusto kong matawa sa sinabi ni Bullet sa akin, pero pinigilan ko lang. “Ano ka ba, fiancé mo na nga ako hindi ba? bakit magtatanong ka pa ng ganyan?” sabi ko sa kanya na pigil-pigil ang pagtawa ko. Pero nawala ang pagpipigil ko ng tawa nang bigla na lang huminto sa pagsasayaw si Bullet, saka lumayo siya sa akin. as in binitawan niya ako at humakbang siya paatras sa akin. Hindi ko inasahan ang sunod na nangyari sa pagitan naming dalawa. Bullet is kneeling down in front of me, he’s holding a velvet small box in his hand. Tumigil ang tugtog sa paligid namin, rinig ko ang kislapan ng mga kamera sa paligid namin. Maging ang pagsinghap ng mga tao nang makitang bigla na lang lumuhod si Bullet sa harapan ko. Mas malakas na pagsinghap ng mga tao at maging ako ng ibukas ni Bullet ang hawak niyang maliit na box. It was diamond ring, an engagement ring to be exact. “I know this is our engagement already, but I wanted it to be more special.” Simula ni Bullet. “I want to ask you again, Brielle. This time in a much normal way to ask a woman’s hand in marriage.” I bite my lower lips as I look at him, parang nawala lahat ng tao sa paligid namin ng mga sandaling ito. Tanging si Bullet na lang ang nakikita ko, siya na lang talaga. “Will you marry me Brielle?” Tinignan ko ang mukha ni Bullet saka ang singsing na hawak niya, anong sasabihin ko? hindi ba payag naman akong makasal sa kanya. Kaya ano pa nga ba ang isasagot ko, kung hindi oo. Tumango ako, “yes Bullet, I’ll marry you.” Saad ko pa sa kanya. Mabilis na tumayo si Bullet, kinuha niya ang singsing sa box saka niya kinuha ang isang kamay ko. isinuot sa daliri ko ang singsing saka niya hinalikan ang kamay ko. “I want to kiss your lips, but I know bawal,” bulong ni Bullet sa akin nang matapos niyang halikan ang kamay ko. Hindi ko kailangan ng salamin para malaman kung namumula ba ang pisnge ko o hindi. Ramdam ko kasi nangangapal ang mukha lalo na ang pisnge ko ng mga sandaling ito. Nahimasmasan lang ako ng kaunti nang malakas na palakpakan ang sunod kong narinig. Pero sabi ko nga sandali lang akong nahimasmasan kasi, balik na naman ako sa nahihiya ako kasi lahat sila sa amin nakatingin at nagsisipagpalakpakan silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD