Two

1223 Words
  CHAPTER: TWO   BRILLE…   HANGGANG ngayon hindi nawawala sa isip ko ang sinabi ni Tita Viviane tungkol sa matching-matching na ‘yon. Ang nasa isip ko ngayon, hindi kaya ipinagkakasundo na nila kami ni Bullet. Na hindi malabong mangyari, kung ang pagbabasehan ko ang closeness ng mga magulang ko. Malamang sa malamang talaga ipinagkasundo na nila kami ni Bullet. Malalim akong napabuntong hininga nang dahil sa isipin na ipinagkakasundo ako ng mga magulang ko. “Are there any problem, Brielle?” tanong sa akin ni Bullet. Nagulat ako na marinig ang boses ni Bullet na nakaupo na sa tabi ko. Napalingon ako sa paligid ko, wala na ang mga classmates ko at ako na lang ang naiwan sa loob ng classroom. Pagtingin ko sa may wall clock sa may taas ng white board sa loob ng classroom namin oras na nang uwian namin. Ganoon kalalim ang iniisip ko na hindi ko napansin na uwian na pala namin. So meaning to say, hindi rin ako nakikinig sa buong duration ng klase ko. “Wala naman,” sagot ko sa kanya. I started to gather all my things at my table and put it in to my bag, ano ba naman ang nangyayari sa akin. Just because of that simple thing that Tita Viviane told me from yesterday dinner, nagkakaganito na ako. Pero simple ng aba, she just told that ‘hindi mahirap na i-match ang mga bata’. Kahit na walang explainations alam ko naman na ang mga bata na sinasabi nila ay kami ni Bullet. Paulit-ulit na lang ako, pero laging bagsak ng lahat nang ito ay iyong ipinagkakasundo na nga kami ni Bullet ng mga magulang namin. Tahimik na kinuha na ni Bullet ang mga gamit ko, maging ang sabay naming paglabas ng classroom ay tahimik rin. Ang gurad na ang bahalang mag-lock ng mga classroom sa school namin kaya iniiwanan naming nakabukas ang mga ito. Paglabas namin ng classroom, wala na halos katao-tao sa paligid, nakauwi na ang karamihan ng mga estudyante. Talagang napalamin ang pag-iisip ko ng kung ano-ano. “Brielle,” mahinang tawag sa akin ni Bullet habang naglalakad kami papunta sa parking lot. “Yes?” Hindi siya agad nagsalita, it’s like he’s thinking what or how he will tell me something. Parang may ideya na rin ako sa sasabihin niya kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin. Maybe he already knew about the deal, baka alam niyang ipinagkasundo na nga talaga kami ng mga magulang namin. Hindi talaga mawawala sa isip ko ang ipinagkakasundo na kami. Iyon talaga ang mainit na topic sa utak ko ngayon. At hindi mawawala sa isip ko ang bagay na iyon hangga’t walang closure o mismong kasiguraduhan ng mga mangyayari sa hinaharap ko. I look at Bullet, he’s not a bad catch actually. Ang daming mga kababaihan ang luluha kapag sa akin siya naikasal. Bakit ko nasabi? Bullet is a walking greek god at he’s very young age ang dami nang nagkakandarapa sa kanya na mga kababaihan. Papaano pa kapag nag-mature pa siya nang kaunti? Baka mahimatay na lang ang mga babaeng ngingitian nito. For an eighteen year old guy, malaking bulas na si Bullet. And even I don’t have the chance to see he’s body, I know that he’s total fit. As in iyong mga katulad ng mga model sa mga magazine na binabasa ko minsan, a guy with a six pack abs. “Brielle, nakikinig ka ba?” tanong sa akin ni Bullet. Honestly hindi ako nakikinig, talagang lumulutang ang utak ko. Kaya umiling ako bilang sagot sa kanya, hindi naman nakakahiyang umamin sa kamalian. Mukhang may sinabi na siya na hindi ko man lang inintindi man lang. at ni isa sa mga sinabi niya hindi ko narinig. “Sorry, I was thinking something.” Pag-amin ko naman. Now I’m paying attention with him kaya nakita ko siyang napabuntong hininga at napailing at the same time. Ngayon natitigan ko naman ang mukha niya, I’m so used to see his face. Araw-araw ko ba naman siyang nakikita, pero syempre hindi ko siya nakakasama twenty-four seven. Pero kahit na nga araw-araw ko siyang hindi ko siya tinititigan sa mukha ngayon lang. He’s has a pair white skin tone, with a green color of eyes. A prominent jaw that fit to he’s boyish features, a small and kissable lips— Wait a minute, saan ko naman nakuha ang kissable lips? I never been kissed before so hindi ko alam ang kissable lips na iyon. Maybe sa mga nababasa ko na romance books itong mga iniisip ko ngayon. Should I stop reading those kind of books from now on, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. “You’re not listening again,” anito na ikinagulat ko. Nasa tapat na siya nang sasakyan niya at nakabukas na ang pintuan ng passenger side. Wala na rin ang bag ko, na malamang nailagay na niya sa may likuran ng sasakyan niya as usual. Nahihiya akong lumapit sa kanya, habang pinapagalitan ko ang sarili ko. “Sorry talaga,” iyon na lang ang nasabi ko nang nasa loob na kaming parehas ng sasakyan. “It’s okay, mamaya na lang na ‘tin pag-usapan. My parents will be there to explain everything.” Ani Bullet. “Are we getting married?” deretsang tanong ko na sa kanya. I think I caught him off guard, mukha siyang nagulat habang nakatingin sa akin. So now I get the point, hindi lang basta matching ang gustong mangyari ng mga magulang ko. “Hindi pa, you’re only sixteen.” Ani Bullet nang makabawi sa pagkagulat. Totoo nga na ipinagkasundo na nila kaming dalawa ni Bullet, this is the confirmation that I was looking for. Ngayon matatapos na ang pag-iisip ko ng kung ano-ano, and hopefully mamaya kapag nakaharap ko na ang mga magulang namin. Hindi na ako litang at kaya ko nang mag-focus sa kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Hindi na lang ako kumibo at pinakatitigan ko na naman siya, but after a minute of staring at him umayos na ako ng upo. Nag-seat belt at tumingin na lang sa labas ng sasakyan niya. “Hindi ka man lang magbibigay ng opinion about what our parents wanted us to do?” takang tanong sa akin ni Bullet. Nilingon ko ulit siya, I gave him a smile before shaking my head. “Wala, if this is what my parents wanted me to do then I will gladly do it. After all, hindi naman nila ako ipapahamak, they are my parents and I know that they only wanted the best for me. And besides, if totoo man na ikaw ang pakakasalan ko hindi naman ako magrereklamo. Hindi naman ako lugi, baka nga ikaw pa ang lugi sa akin.” Sabi ko sa kanya at nginitian ko na naman siya. Wala akong balak na kunin ang opinion niya regarding sa issue na ito kaya tumingin na ako sa kabilang side ulit ng sasakyan. I lean to the window and close my eyes, pretending that I want to sleep and I’m too tired. Wala naman akong narinig pa mula kay Bullet, I think he’s also not against too. After all, he’s also an obedient kind of a child to his parents. So ending talaga nito, kami ang maikakasal sa bandang huli lalo na kapag hindi naman umangal ang isa sa amin ni Bullet.   ……………………             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD