One

1256 Words
CHAPTER: ONE   BRIELLE…               MAAGANG natapos ang klase ko, wala kaming last period kaya maaga kaming na-dismiss. Pero kahit na maaga akong pwedeng umuwi, hindi naman ako pwedeng basta na lang umuwi. May sundo akong kailangan na hintayin, kaya wala akong magagawa kung hindi ang maghintay sa labas ng classroom namin.             Hindi ko pa naman pwedeng basta na lang tawagan ang sundo ko, kasi alam naman noon ang schedule ko. At saka, ayokong maabala siya sa ginagawa niya ng mga oras na ito. Hindi naman ako maghihintay ng matagal kung sakali, I’ll just need one hour to wait.             “Brielle,” tawag sa akin ni Bullet.             Bullet is the only son of Houston, my parents close friend. Pwede kong sabihin na magkababata kami, at sabay na lumaki. Pero hindi katulad ng mga magulang ko, hindi kami close ni Bullet. Maybe because we’re different in gender and in our age, I’m just sixteen while Bullet turned eighteen already and now he’s in the collage.             “Why you’re outside of your classroom?” tanong niya sa akin nang nasa tapat ko na siya. He get my bag and other things that I was carrying as he spoke. “I don’t have my last period class, absent si Miss Bautista.” Sagot ko naman sa kanya nang nagsisimula na kaming maglakad paalis sa classroom ko. “Then you should call me, so I can pick you up earlier. Hindi iyong naghintay ka ng matagal, and we doesn’t know what will happen to you while waiting here outside alone.” Seryoso siyang nagsasalita na para bang sinesermunan ako. Para ko siyang Tatay kung manermon sa akin, pero sanay na ako. Siguro kasi sa kanya ako ibinilin ng mga magulang ko. Parang nakakatandang kapatid ko na si Bullet, parang Kuya ko na. Hindi na lang ako nagsalita, Bullet Houston by the way is a half-Filipino, half-British young man. Nasa Britain ang Tatay niya at Nanay niya pero nagpa-iwan siya rito sa Pilipinas, sa hindi ko alam na dahilan. Hindi ko na tinanong pa, dahil sabi ko nga hindi naman kami close na dalawa. At hindi ko nga pala nasabi, si Bullet ang sundo ko sa kanya ako ipinagkatiwala ng mga magulang ko since I don’t know when. Basta siya na palagi ang naghahatid at sumusundo sa akin. Maybe because he’s living next to our house, tapos magkatabi lang ang school naming dalawa. “Brielle, do you understand what I just said?” tanong niya sa akin nang makasakay na kami ng sasakyan niya. Sosyal ano, he has his own car since high school pa lang siya, and he bought it from his own money. Iyon ang pagkakaalam ko, bata pa lang kasi si Bullet masinop na sa pera at masipag din. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pinagkakakitaan niya. Basta alam ko hindi galing sa mga magulang niya ang pinanggagastos ni Bullet ngayon. “Yes,” wala akong gana na makipagtalo sa kanya. Tahimik na lang kaming dalawa habang nasa biyahe na pauwi sa amin. As usual, ako ang nauna niyang inihatid kahit na mauunang madaanan ang bahay nila. But unlike the other day that he’ll just drop me off in front of our gate, ngayon ipinasok niya ang sasakyan niya sa loob ng bakuran namin. And when we’re inside may sasakyan akong nakita na nakaparada rin sa loob ng bakuran namin. “My parents are here today,” ani Bullet, napansin siguro na nagtataka ako. Wala na naman akong kibo na sumunod na lang sa kanya nang bumaba na siya ng sasakyan. Sabay kaming pumasok sa loob, na agad kaming sinalubong ng malakas na tawanan. Kahit na sa Britain naka-base ang mga magulang ni Bullet, madalas namang umuwi ang mga iyon dito para asikasuhin ang mga negosyo ng mga ito na naiwan sa Pilipinas.             “Oh! the kids are here na,” it was my mother who speak.             ‘ke tanda-tanda na nang mommy ko, ang conyo pa rin niyang magsalita sa totoo lang. While Tita Viviane, Bullet’s mother is the opposite.             Sa mga magulang namin, ang mga Nanay namin talaga ang magkaibigan. Naging malapit na lang ang mga Tatay namin dahil sa mga asa-asawa ng mga ito. And my Mom, was Bullet’s only godmother.             And to top it all, para nag-usap pa ang magkabilang pamilya about their business. Ang business ng mga magulang ko is all about import and exporting. While Bullet’s parents have a chain of supermarkets in Britain that mainly mga Filipino goods ang ibinebenta. Sa amin nagpapadala ang mga magulang ni Bullet ng mga paninda ng mga ito sa ibang bansa.             This is why our family is too close with each other. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  . . . . . . .             TAHIMIK lang kami ni Bullet habang ang ingay ng mga magulang namin habang kumakain kami ng hapunan. Our parents decided to have a small dinner at our house, parang pa-welcome home party ng Mommy ko sa mga magulang ni Bullet. Kahit na ilang buwan pa lang naman nang huling nagkita ang mga ito, alam kong miss na miss nila ang isa’t isa.             “By the way, Brielle hija. Kumusta naman ang school?” baling sa akin ni Tita Viviane.             I smile and clear my mouth out of the food that I just put it in, “it’s good po Tita.”             Ano naman ang sasabihin ko tungkol sa pag-aaral ko, wala naman kasing importante. I’m not that good in my academic, just an average student in our class. Wala naman akong sinalihan na kahit na ano, kasi nga tamad ako. Basta nag-aaral ako to comply to my education, iyon lang ang goal ko. Saka na ako magsisipag kapag college na ako, kasi doon seryosohan na ang labanan.             “Is there any suitor?” tanong naman ni Tito Pistol ang tatay ni Bullet.             I heard Bullet grunt so I look at him, nakakunot ang noo niya habang nakatitig siya sa plato niya nang sobrang seryoso. Pero hindi ko na lang siya pinansin pa at tumingin ulit kay Tito Pistol bago umiling bilang sagot sa tanong niya kanina.             “That’s good then, hindi tayo mahihirapan na i-match ang mga bata.” Masayang sabi ni Tita Viviane.             Though hindi nila ipinaliwanag nang mabuti, alam ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Tita Viviane. I tried to catch Bullet’s gaze but he’s not paying much attention with me. Nakatitig pa rin siya sa pagkain niya na para bang iyon na ang pinakamahalaga sa kanya ng mga sandaling ito. Ano pa nga ba, uulitin ko ba na hindi nga kasi kami close ni Bullet.             Nagpatuloy ang usapan ng mga magulang namin as if walang nabanggit ang Nanay ni Bullet na kahina-hinala. Hanggang sa natapos ang dinner namin at nagpasya pang magpatuloy sa kwentuhan ang mga magulang namin ni Bullet sa sala habang umiinom sila ng wine.             Ako naman nagpaalam nang aakyat sa kwarto ko para magpahinga na at gagawa na rin ng mga assignment. Habang paakyat ako, napalingon ako sa gawi kung saan nakaupo ang mga magulang namin maging si Bullet. Nakita kong nakatanaw sa akin si Bullet hanggang sa makaakyat na ako nang tuluyan sa ikalawang palapag.   . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  . . . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD