Three

2018 Words
Chapter: THREE BRIELLE… SA PAGDATING namin sa bahay nandoon na nga ang mga magulang ni Bullet. Kasama ang mga magulang ko na masaya na silang nagkukuwentuhan. Kung titignan mo ang mga magulang namin masasabi ko na para silang matagal na hindi nagkita. Samantalang kahapon lang naman magkakasama ang mga ito. “Oh nandito na ang mga bata.” Masayang sabi ni Mommy na siyang unang nakakita sa amin. Mabilis na nakalapit kami sa kanya-kanya naming mga magulang para bumati. Nang matapos akong bumeso sa mga magulang ko sa mga magulang naman ni Bullet ako sunod na nagbeso. And Bullet did the same, pero nagmano si Bullet sa mga magulang hindi nagmano. “Why do I feel I’m getting old?” biro ni Daddy nang makapagmano na si Bullet sa kanya. “But we’re going there, soon magkakaapo na tayo.” Biro naman ni Tita Viviane na tinawanan nilang lahat. I look at Bullet, nabigla ako nang makita ko siyang nakatingin pala sa akin. Iyong titig niya parang nanunuot hanggang sa buong kaluluwa ko. “Hindi ba parang ang bilis naman ng utak mo sis, baby pa ang anak ko. I don’t think maging granny at this time,” sabi ni Mommy habang tumatawa. Hindi na kailangan pang i-elaborate ang lahat sa akin, ngayon gets na get ko na talaga ang lahat ng dahil sa sarili kong Nanay. She just confirmed everything, at malinaw na magiging asawa ko na talaga si Bullet. At mukhang masaya ang mga magulang ko sa magiging union ng dalawang pamilya nang dahil sa kasal na magaganap sa pagitan namin ni Bullet. Lahat sila biglang natigilan sa pagtawa nang malaking na tumikhim si Bullet. “I think Brielle doesn’t know anything yet? Hindi mo pa ba sinabi sa anak mo?” takang tanong ni Tita Viviane. “I know Tita, don’t worry about me. I’m good with it,” sabi ko naman bago pa makasagot ang Mommy ko. Nagkatinginan kami ni Mommy, and she mouted me ‘I’m sorry’ na tinanguan ko lang bilang sagot. We continue our small talk in the dining room, nagpahanda ng early dinner ang Mommy ko. magkatabi na kami ni Bullet sa mesa, it’s like they really arrange this night for us. “Brielle, hija I know that you knew about the marriage we’re been talking about. Pero hindi mo pa alam ang details,” ani Tita Viviane sa akin while we’re in the middle of our dinner. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya, nahihiya akong magkumento kasi nahihiya ako. saka hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. “We’re planning to have an engagement party, hindi pa lang kami makapag-decide kung kailan gaganapin.” Patuloy na paliwanag ni Tita Viviane. Katabi ko rin si Mommy kaya hinawakan niya ako sa kanang kamay ko at pinisil ito ng mariin. “And we’re also planning about the wedding will be on your eighteenth birthday anak,” alanganin na dugtong ni Mommy sa sinasabi ni Tita Viviane. Mas lalo akong nawalang ng boses, hindi ko na alam kung papaano talaga ako magre-react dito. Expected ko na ang ganitong scenario namin, pero iba pa rin pala kapag nasa actual ka na. “I hope you don’t see this as a business marriage Brielle, gusto lang talaga namin na kayo ng anak ko ang magkatuluyan. Like what we promised before, me and your mother bago pa man kami ikasal noon.” Paliwanag na naman ni Tita Viviane. Alanganin na tumango ako at ngumiti, hindi ko nga alam kung ngiti pa ba ang nagawa ko ngayon. Parang feeling ko ngiwi ang nagawa ko kaysa sa ngiti. Nagulat na lang ako nang may mainit ngunit nanginginig na kamay ang humawak sa kaliwang kamay ko. I look at Bullet that is looking straight to his parents. Hawak niya ang kamay ko pero hindi niya ako tinitignan, at ano ‘to? Nanginginig ang kamay na mainit na pinagpapawisan. Anong klaseng kamay ‘to? Ngayon lang kasi ako hinawakan ni Bullet sa totoo lang, wala akong maalalang nagkahawakan na kami ng kamay ni Bullet. Kahit noong mga mas bata pa ang edad namin, iyong tipong may nakasalpak pang pacifier sa mga bibig namin. Kaya ngayon ko lang naramdaman kung ano ang pakiramdam ng palad ni Bullet. Hindi ko inasahan na hindi malambot na kamay ang hahawak sa akin. I felt some roughness and callouses in his palm, a hard working hand indeed. Tapos eighteen niya pa lang, ganito na ang kamay niya. sobrang sipag niya ba na kinakalyo na ang kamay niya sa sobrang kasipagan niya. “We will decide when will be our wedding, if you don’t mind parents. Though I’m already prepared of this wedding, I will respect what Brielle will think about this wedding. After all this is all about her,” ani Bullet sa mga magulang namin. Saka lang binitawan ni Bullet ang kamay ko at ipinagpatuloy ang pagkain na hindi man lang ako tinitignan. Habang ako nakatitig na sa kanya mula pa nang hawakan niya ang kamay ko hanggang ngayon na kanina pa siya tapos magsalita. “Ah! Ang mature mo talaga inaanak ko, that way I like na you for my daughter.” Pa-conyo na naman si Mommy sa pagsasalita niya. Hanggang sa natapos ang dinner namin hindi na ako nagsalita pa, hinayaan ko na ang mga magulang ko na magsalita para sa akin. at ganoon din si Bullet, paminsan-minsan napapalingon siya sa akin at nagtatama ang mga mata namin. Pero never na niya akong kinausap pa in the entire night hanggang sa makauwi na silang mag-anak. At that night hindi ako nakatulog, ang daming pumapasok na scenario sa utak ko. pero ang pinakanagbabad sa utak ko ay iyong kaalamanan na magkakaanak kami ni Bullet. And I’m not naïve in that part of life of a person. Alam ko kung papaano nabubuo ang bata, at hindi simpleng proseso ang pagbuo ng bata. “Tatagaktak ang pawis, hihingalin at sasakit ang katawan ko kapag gumawa kami ng bata,” napakurap-kurap na lang ako saka gumulong-gulong sa kama ko. Kung ano-ano na ang iniisip ko ngayon, kung bakit naman kasi apo na ang naging topic ng mga magulang namin kanina. Ayan tuloy, para akong nasisiraan ng ulo kakaisip ng kung papaano gumawa ng bata. ………………………………… HIMALA na maaga pa rin akong nagising kahit na halos sisikat na ang haring araw ng mag-decide ang mga mata ko na pumikit. “You look tired, did you sleep?” tanong sa akin ni Bullet ng salubungin niya ako. Palabas na ako ng bahay tapos siya naman kabababa lang ng sasakyan niya. “Yes, I don’t have sleep.” Pag-amin ko naman sa kanya. As usual kinuha niya ang bag ko at ang mga libro na dala-dala ko para siya na ang maglagay sa sasakyan niya. “You didn’t sleep because of what our parents told you last night?” tanong niya nang makaupo na kaming pareho sa loob ng sasakyan niya. I look at him, just to find out that he’s looking at me just the way he look at me last night. Iyong tingin niya na tumatagos sa kaluluwa ko. Tumango na lang ako bilang sagot, hindi ko naman sasabihin sa kanya na napuyat ako kakaisip paano gumawa ng bata. Baka isipin niya pa na manyak ang mapapangasawa niya naku nakakahiya iyon. “Kung ayaw mo naman sa mga plano ng mga magulang natin you’re free to say no. maii—” “Sinabi ko na sa ‘yo kahapon hindi ako against sa gustong mangyari ng mga magulang natin. Iniisip ko lang kung ano kayang magiging future natin? You know kasal ang pinag-uusapan dito, life time commitment.” Pigil ko sa iba pa niyang sasabihin. Nag-iwas siya ng tingin sa akin saka niya pina-andar ang sasakyan niya pero hindi pa talaga kami umalis. Parang ang lalim na rin ng iniisip niya, at habang nakatitig ako sa kanya ngayon ko nakita na ang lalim din pala ng ilalim ng mga mata niya. siguro katulad ko hindi rin siya nakatulog kagabi kakaisip ng kung ano. Ayoko nang isipin na pareho kami ng iniisip ni Bullet. Utang na loob ang awkward no’n kung nagkataon. Na parehas na paggawa ng bata ang iniisip namin. worst pa naman mag-isip ang mga lalaki, iyong actual talaga ang iisipin niya. Panay ang iling ko para lang maalis sa utak ko ang mga iyon. Maging ang marahas na pagbuntong hininga nagawa ko na para kasi biglang may bara sa dibdib ko. “Brielle, can I ask you something?” ani Bullet after a few seconds silence. Tumango ako nang tumingin siya sa akin, “ask me anything.” Sabi ko pa habang tumatango pa rin. Pero hininto ko na kasi parang nahilo akong bigla sa ginawa ko. “Do you have any man in your life? I mean, may crush ka ba? or manliligaw na gusto mo nang sagutin? I know I might sound weird pero gusto ko lang malaman,” aniya na titig na titig sa akin. Noong una napakunot ang noo ko sa kanya, anong pinagsasabi nito. Pero umiling na muna ako bilang sagot sa kanya. “Wala naman ako manliligaw, kahit na noon pa wala namang nagtangkang manligaw sa akin. I don’t have any crush or what so ever. Busy akong mag-aral,” sabi ko na lang sa kanya. Nakita kong tumaas ang isang sulok ng labi niya, parang nakita ko pa nga na bumuka ang bibig niya pero wala siyang sinabi na kahit na ano. O may sinabi siya pero hindi ko narinig kasi walang boses niyang sinabi iyon. “Nag-aaral ka ba talaga? I heard that Tita Bel is ranting about your grades,” anito na nakangiti na. I don’t know, I can’t explain it either, pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa nakita kong pagngiti niya. No way! Nag-iwas ako ng tingin, nagbilang ng ilang ulap. Nagpa-panic ang katawang lupa ko, totoong nagpa-panic ako sa hindi ko gustong aminin na bagay. Sa dami ng nabasa kong mga pocket books at kung ano-anong romance na napapanood at ko alam ko kung bakit biglang bumilis ang pintig ng puso ko. “By the way Brielle,” ani Bullet sa akin nang nasa biyahe na kami. Ayoko sana siyang lunginin, ayokong makita ang gwapo niyang mukha na nakangiti. Bakit naman kasi ngayon lang siya ngumiti sa akin. kung kailan may issue kami na ikakasal na kami, tapos kagabi lang iniisip ko nga ang paggawa ng bata kasama ang gago na ‘to. Kaso ito nga kailangan ko siyang lingunin kasi kinalabit niya ako. “Ano?” naiinis na sabi ko sa kanya. Saktong naka-red ang traffic light kaya nilingon niya ako, kita niya tuloy ang pagsimangot ko. “Bakit nakasimangot ka?” takang tanong niya sa akin. “Wala, ano iyong sasabihin mo?” pagbabago ko ng usapan namin. Itinuro niya iyong compartment sa tapat ko, nagtataka man binuksan ko na itinuturo niya eh. May nakita akong passbook at ATM card doon, na may kasamang pera. At iyong pero dalawang bungkos ng tig-iisang libo. “Where did you get this?” gulat na tanong ko sa kanya. “Take it all, iyong pera pambili mo ng gown at kung anong kailangan mo para sa engament party natin. The ATM is also yours, from now on I will be the one who will support anything you needed. Kinausap ko na sila Tita Bel about this and they accepted it. While the passbook, it contains every single centavo that I have, keep it. D’yan ko ide-deposit ang pera na para sa kasal naman natin kapag decided ka na kung kailan tayo ikakasal.” Anito na hindi na nakatingin sa akin kasi nagsimula na naman siyang magmaneho. Napapanganga na lang ako habang nakikinig sa sinabi niya, wala akong sinabi kasi tulad kagabi wala talaga akong masabi dahil sa pagkabigla. Itong cash na lang nakakabigla na, iyong ATM at passbook pa kaya. Parang ayoko na munang silipin ang loob ng passbook o maging ang ATM. Sa sipag ni Bullet alam kong malaking pera na ang laman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD