Chapter: Four
BRIELLE…
PARANG nanginginig ang buo kong katawan, hindi dahil sa nilalamig ako kung hindi dahil sa numbers na nanakikita ko sa passbook na ibinigay sa akin ni Bullet kaninang umaga. For an eighteen year old young man, nakakalula ang amount na nakikita ko sa passbook na hawak ko. To think that Bullet told me this money will proceeds as our wedding budget.
Huminga na muna ako ng malalim bago dahan-dahan na isinara ang passbook. Tumingin ako sa paligid ko kung may tao malapit sa akin, at buti na lang wala.
“How on earth you earn this money, Bullet?” tanong ko na akala mo nasa harap ko lang ang kinakausap ko.
In all may five million lang naman ang bank account na ibinigay ni Bullet sa akin. And to my surprise, nakapangalan sa akin ang account na ito maging ang ATM na ibinigay niya. Hindi ko alam kung papaanong nagawa iyon ni Bullet na hindi nanghihingi ng kahit na anong ID ko.
“Ang lalim naman ng iniisip mo,” nagulat ako nang bigla na lang may nagsalita sa tabi ko.
It was my classmate Ralph who approach me, nagulat ako kasi ngayon niya lang ako nilapitan.
“Hindi naman,” sagot ko na lang sa kanya na naiilang.
Mas nailing ako ng maupo siya sa tabi ko, hindi naman sobrang lapit pero basta katabi ko siya.
“Bakit palagi kang nag-iisa?” tanong niya sa akin.
Oras kasi ng break time namin, lahat ng mga classmates ko at ang mga estudyante dito nasa Canteen at doon nagme-meryenda. Habang ako nasa garden lang at nagpapalipas ng oras, nakakain naman na ako ng sandwich kanina bago ko silipin ang laman ng passbook ni Bullet at bago dumating si Ralph.
“I just wanted to be alone,” iyon naman talaga ang rason ko, ang mapag-isa.
Wala naman kasi akong matalik na kaibigan na matatawag, I don’t know pero wala talaga akong kaibigan. I can consider myself as an introvert, mas gusto kong magbasa at mapag-isa lang kaysa sa makisalamuha sa mga tao.
“Iyan ba talaga ang dahilan, o baka naman pinipigilan ka noong boyfriend mo.” ani Ralph na ikinakunot ng noo ko.
Tinignan ko siya, hindi siya nakatingin sa akin parang may iba siyang tinitignan. Nagulat na lang ako nang tumayo na siya at walang Sali-salitang umalis.
Sa pagsunod ko ng tingin kay Ralph doon ko lang napansin kung saan siya nakatingin kanina.
Napatayo ako ng wala sa oras nang makita ko kung sino ang nakita ni Ralph kaya siya basta-basta na lang umalis. Si Bullet na ang sama ng tingin sa akin, hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin siya sa akin.
Hindi ko masabing nakasimangot siya kasi hindi naman talaga at seryoso lang siyang tignan. Pero seryosong salubong ang kilay, na kulang na lang maging isa ang kilay niya.
“Why are you here?” takang tanong ko sa kanya.
Nakalimutan ko na agad ang tungkol kay Ralph pagkakita ko pa lang kay Bullet. Kasi naman mapapaisip ka naman talaga kung bakit nandito na ang lalaking ito. Hindi pa naman uwian dahil maaga pa. Mamayang hapon pa ang uwi ko, kaya dapat mamayang hapon ko pa siya makikita.
“May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina,” anito nang papalapit na sa akin.
Nakapamulsa pa itong naglalakad palapit sa akin, nagtataka talaga ako. bakit ganito ang mga mata ko, ang tagal ko ng kilala si Bullet, kasama ko na siyang lumaki. Pero ni minsan hindi ko siya nakitang ganito kagwapo, bakit ngayon sa paningin ko ang gwapo na niya.
“Ano naman ang nakalimutan mong sabihin na hindi mo na lang sana itinawag sa akin?” tanong ko sa kanya.
Pilit kong inililihis ang utak ko, ayoko ng mag-isip ng kung ano ngayon. Utang na loob, gusto kong matulog ng mahimbing mamayang gabi.
Huminto siya sa mismong tapat ko kaya napatingala tuloy ako, nasabi ko na bang matangkad siya. as in super tangkad na titingalain ko talaga siya kapag ganito siya kalapit sa akin.
“I don’t have class,” anito.
Napaatras ako ng isang hakbang pati na rin ang napapikit ng bigla niyang iangat ang isang kamay niya. Nagulat na lang ako ng dumapo ang kamay niya sa noo ko, kaya napamulat na lang ako.
“Sino iyong lalaking katabi mo kanina?” tanong niya nang magmulat na ako ng mga mata.
Nahihiya ako, inalis niya lang pala ang ilang hibla ng bang ko na tumatabing na sa mga mata ko.
“Si—si Ralph classmate ko,” alanganin kong sagot.
Para pa nga akong nauutal nang magsalita, nakainis ang lapit naming dalawa.
“Anyway, hindi kita masusundo mamayang hapon. May pupuntahan akong importante, part ng trabaho ko.” anito nang umayos ito ng tayo.
Umatras din siya ng isang hakbang habang nagsasalita siya, napansin ko rin na umiwas siya ng tingin. Palingon-lingon siya sa paligid namin, na para bang may hinahanap siya.
Bigla ko tuloy naalala, “paano mo nalaman na nandito ako sa garden?” tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako ulit, “I know that you love quiet place, and this is the quietest place in your school bukod sa library.”
Nagulat ako na alam niya ang gusto ko, hindi ko talaga inasahan iyon. Para ako lang yata ang walang alam sa kanya, na gaya ng sinasabi ko hindi kasi kami close.
“Okay,” ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin. “Kay Daddy na lang ako magpapasundo mamayang hapon.” Sabi ko sa kanya habang nililibang ko ang sarili ko.
“I don’t think Tito Leandro can do that, I know that he’s with my dad. May business matter silang inaasikaso ngayon,” ani Bullet.
Bakit hindi ko alam iyon? Hindi naman kasi ako nakikinig sa kanila kagabi. Aaminin kong lumulutang ang utak ko kagabi kaya hindi ko alam kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga magulang namin.
“Then magko-commute na lang ako,” nanghahaba ang nguso ko na sagot.
“That won’t do, Brielle. Delikado, kaya magpapapunta ako ng kakilala ko dito para sunduin ka at ihatid ka sa bahay niyo ng ligtas.” Anito na parang tatay ko na nagagalit.
“Huwag na Bullet, nakakahiya naman sa kakilala mo—”
“Don’t be, hindi nakakahiya sa kanya ang iuutos ko sa kanyang gawin niya. Ang simple lang ng inutos ko sa kanya,” sabi nito na hindi na pinatapos pa ang sasabihin ko.
“Kahit na, nakakahiya pa rin.” Pamimilit ko naman.
“Hindi nakakahiya, believe me mas pipiliin niyang sunduin ka niya kaysa sa iba ang iutos ko sa kanya.” Hindi rin naman papatalo ang isang ito.
“Sige na nga,” pagsuko ko na lang sa kanya. “Paano ko makikilala ang susundo sa akin mamaya?” tanong ko na lang sa kanya.
“Siya ang lalapit sa ‘yo, walang ibang lalaking lalapit sa ‘yo kung hindi siya lang. Kilala ka na niya, I already show him your picture.” Mabilis na sagot ni Bullet.
Napailing ako, “hindi ba parang mas hindi safe ‘yon. Wala man lang akong ibang pagkakakilanlan sa kanya?”
Natahimik si Bullet na parang napaisip na rin sa sinabi ko sa kanya.
“Ikaw magbigay ka ng code,” ani Bullet. “Maybe you’re right after all, I need assurance that HE will really bring you home safely.” Dagdag Pa nito na parang sarili naman niya ang kinakausap niya.
While looking and listening to him I realize something. Ito ang pinakamahabang conversation naming dalawa.
“What code?”
“Code like a word that only you, me, and him would know,” paliwanag nito.
Na-a-amaze ako sa kanya, he’s so focused on me. Am all matters the most in this world.
“Pink frog, magpakilala siya kamo sa akin na pink frog.”
Nagkatitigan kaming dalawa, noong una seryoso siyang nakatitig sa akin hanggang sa bigla na lang siyang natawa. Iyong tawa na may malakas na halakhak talaga, na biglang parang nawala ang mga mata niya sa kakatawa.
This is the first time I saw him laughing so hard like this. Kahit noong mga bata kami, lagi lang siyang seryoso.
“Pink frog? Seryoso ka?” tanong niya na nagpupunas pa ng luha habang tumatawa pa rin.
“Seryoso ako, pink frog. Kung ayaw niya magko-commute ako.” sagot ko sa kanya.
Kunwari naiinis ako, may pairap pa nga akong nalalaman. Pero ang totoo niyan nagpipigil na akong tumawa. Kasi parang nai-imagine ko na kung bakit siya tumatawa ng ganito.
Baka sobrang manly ng nautusan niya para maging sundo ko ngayon.
…………….
DUMATING ANG kinahapunan, last period of class, uwian. Ang pinaka-favorite ng lahat ng mga estudyante. At Hindi ako iba sa kanila, I like it kapag uwian na. Kasi makakapagkulong na ako ulit sa kwarto ko.
Hindi ba sinong hindi maghahangad ng uwian, kahit naman si Daddy sabi niya sa akin gustong-gusto niya ang uwian noong nag-aaral siya.
“f**k, ang gwapo.”
“At ang tangkad.”
“Damn nakakatakot siyang lapitan, para siyang mangangagat.”
“Papakagat ako kung siya ang kakagat sa Akin.”
Ilan lang iyan sa mga naririnig kong sinasabi ng mga nakakasabayan ko sa paglalakad palabas ng school grounds.
Nakikita ko naman ang pinag-uusapan nila. Angat nga naman kasi iyong lalaking pinag-uusapan nila. Parang sa tingin ko basketball Player ang isang ‘to sa sobrang tangkad niya. Tapos artistahin pa, kaya talagang pansinin siya ng mga kababaihan dito. Ang mga lalaki naman sa tingin ko pansin nila ang height ng lalaki dahil sa tingin ko higit six feet siya.
Sino kaya ang susunduin nito, ngayon ko lang siya nakita dito sa school namin.
At ang tanong kong iyon ay nasagot agad nang magtama ang paningin namin. Nagsimula na siyang maglakad palapit, sa Akin?
Shit ngayon ko Lang naalala, may pinadala si Bullet dito na susundo sa Akin.
Siya ba?
“Hi! I’m pink frog.”
Natigilan ako, at hindi lang ako ang natigilan, maging ang mga tao sa paligid ko natigilan. Parang hindi makapaniwala sa narinig nila.
Papaano naman kasi, nagpakilala nga siya iyong ang baba ng boses niya na parang announcer ng radio, tapos ang lakas pa. hindi lang ako ang nakarinig kung hindi marami talaga ang nakarinig sa kanya.
Parang ako ang nahiya sa kanya, nag-iwas ako ng tingin. Pero wala nga akong magagawa dahil tulad ni Bullet, kinuha niya ang mga gamit ko.
“Ihahatid na kita madam,” sabi pa niya na nakakakilabot na ang boses niya.
Hindi ako makatingin sa paligid ko, nahihiya ako. ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lang ang tawa ni Bullet kanina.
Napahinto na lang ako ng makita ko kung anong klaseng sasakyan ang ipinangsundo niya sa akin.
Hindi na naman ako makapaniwala na tumingin sa kanya, lalo na nang ipagbukas niya ako ng pintuan.
Limousine lang naman kasi.
Ano bang klaseng barkada meron itong si Bullet? Ang weird na nga mukhang mayaman na weird pa tulad ni Bullet.