Chapter 3

1977 Words
PINING "Klang is my secret best friend." yan lang yung sagot sa'kin ni Charlie nung tinanong ko sa kanya kung bakit hindi nya sinabi sa akin na magkakilala pala sila ni Klarisse. Matagal ko na dapat itatanong 'to kaso ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon. "Hingren mehmren?" takang tanong ko naman sa kanya. Uso pa ba yon? Jusko ha. (Secret Bestfriend?) Tumango-tango naman yung kapatid ko sa monitor. Yeah, sa skype na lang kasi kami nagkakausap na dalawa. Hindi kasi sya nakakauwi dito sa Pinas eh. Kahit nga eto, kakatapos lang ng graduation namin, hindi pa rin sya nakaattend kasi sobrang busy nya sa US. "Well, ayoko naman na ganun kaming dalawa kaso kilala mo naman si Klarisse diba? Feeling nya kapag may nakaalam na may bestfriend sya, iisipin na agad ng tao, weak sya. Ewan ko ba don. Tapos yun nga, ayaw din nyang malaman ng tao na super close sya sa pinakamagandang babae sa buong mundo." at ayun na naman yung signature smirk ng pa-humble kong kapatid. "Ay wow. Imerne ha'yo. Humer hamol mo nalanga. Ima nga!" naiiling na sabi ko sa kanya. (Ay wow. In fairness sa'yo. Super humble mo talaga. Iba ka!) "Pero maiba tayo, bakit ganyan yung itsura mo ngayon?" tanong nya sa akin habang nakakunot-noo. At sa pagkakataong 'to, ako naman yung nagsmirk sa kanya kahit hindi ko alam kung papa'no magsmirk. Aba mabuti naman at napansin nya yung outfit ko ngayon. Pinaghirapan kaya namin 'tong i-rent sa 'Linga sa Taypa Gowns and Barongs'. "Ulaan mo." ngiting-ngiting sabi ko sa kanya. (Hulaan mo.) "Hindi naman siguro Flores de Mayo dahil wala pa namang May diba? Or baka penitensya?" nakakunot-noo pa rin na sabi nya. Bigla namang nawala yung ngiti ko dahil sa sinabi nya. Ang bwisit na 'to, penitensya daw? Hindi ba talaga nya gets kung bakit ang bongga-bongga ng itsura ko ngayon? "And dahil sumimangot ka, mukhang mali ako. Hmmm, maagang hallo--" "Humungan mong inuloy yan, Nyarlih, mahahamak ngina!" banta ko sa kanya. Wala pa ngang May diba? Alangan namang mauna yung October or November diba? Tse. (Subukan mong ituloy yan, Charlize, masasapak kita!) "Fine. What's the occasion ba?" tanong na lang nya. "Nima alam mo naman na mana ma lang nayo, nguho ngo na mang-arnihna. Eh nahami ha amin ni Meng na nguho nya mang-onihyon ha Mimimi, ho, mang-oonihyon nin ngame." proud na proud na sabi ko sa kanya. Hah! Kala nya ha. Sisikat din ako tulad nya no! Kung sya, sikat na photographer, ako magiging sikat na artista. Hihi. (Diba alam mo naman na bata pa lang tayo, gusto ko na mag-artista. Eh nasabi sa amin ni Meng na gusto nyang mag-audition sa PBB so, mag-aaudition din kami.) Nagulat ako nang bigla syang tumawa ng malakas imbes na i-goodluck ako sa gagawin ko. Agad ko syang pinaningkitan ng mata. Tulad na ba sya ni Mama na walang tiwala na makakaya ko? Pero bago ako makapagsalita, inunahan na nya ako. Siguro napansin nya na sumeryoso yung itsura ko. "Ops! Bago ka mag-isip ng kung ano dyan, natawa lang ako dahil akala ko joke yung sinabi mo kanina. Hello Jops! Nakita mo ba sa salamin yang suot mo? Don't tell me ganyan din yung suot nila Maybelle. Shocks, kasama nyo ba si Klangy? Ganyan din ba itsura nya? Oh Gods! I have to call her." natatawa pa rin na sabi nya. "May mromlema ma ha huon ngo? Ngung alam mo lang ngung mangano yung iminayan namin ha rena nino no! En yeh, mare-mareho ngami ng huon nila Meng. An wang na wang mong mahami ngay Nglang nahil mangnanawanan kami ng monga non. An ayaw nin ni Meng na imahami ha minhan nya. Nguho nyang ihurmray hilang lahan ha manghingan nya." proud na proud pa rin na sabi ko sa kanya. Well, kapag kasi sikat na Meng, ibig sabihin, susunod na kaming tatlo nila Tasing at Juling. (May problema ba sa suot ko? Kung alam mo lang kung magkano yung ibinayad namin sa renta nito no! And yes, pare-pareho kami ng suot nila Meng. At wag na wag mong masabi kay Klang dahil pagtatawanan kami ng bongga non. Ayaw din ni Meng na ipasabi sa pinsan nya. Gusto nyang i-surprise silang lahat sa pagsikat nya.) "Okay fine. I won't tell Klangy na lang, but you have to tell me kung ano yung nangyari dyan sa PBB audition nyo ha." ayan, eh di sumuko din sya. Mabuti naman kung gayon. "Om ngor, nganino ngo ma ma ingungweno? Eh ingaw lang naman yung inerehano ha muhay ngo." sabi ko sabay ngiti ng pilit sa kanya. Totoo naman eh, bukod kila Meng, si Charlie lang yung bukod tanging nagtatanong about sa buhay ko. Ni sarili naming nanay, hindi man lang ako makamusta diba? (Of course, kanino ko pa ba ikukwento? Eh ikaw lang naman yung intersado sa buhay ko.) Nakita kong lumungkot din yung mukha nya pero tulad ko, itinago nya rin yon sa pamamagitan ng ngiti. "Yung boyfriend mo, how's he? How's your relationship?" pagbabago na lang nya sa usapan. Sus, eh mas lumala pa nga yung pag-segway nya, itinanong nya pa yung hinayupak na lalaking yon. "Iha ma yon. Ngaya ngo nga nalaman na nglow ngayo ni Nglang eh. Nahil ha nangyari ha amin ng mwihin na yon!" inis na sabi ko sa kanya. (Isa pa yon. Kaya ko nga nalaman na close kayo ni Klang eh. Dahil sa nangyari sa amin ng bwisit na yon!) Natawa naman sya dahil sa reaksyon ko. Halos magdikit na kasi yung kilay ko dahil sa inis at galit sa lalaking yon. "What happened? Ngayon lang kita nakitang ganyan kagalit eh. So make kwento na." "Mang-uwi ngo. Nangneng na hi Huling eh, mumuna na naw ngami ngila Meng. Nanaanan naw nila ango nino." sabi ko na lang sa kanya sabay retouch ng make-up ko. (Pag-uwi ko. Nagtext na si Juling eh, pupunta na daw kami kila Meng. Dadaanan daw nila ako dito.) "Okay. Call me, okay? And lil sis? You're pretty kahit hindi ka mag-make up dyan." nakangiting sabi pa nya kaya napangiti din ako. Hay, kahit papa'no talaga, ang swerte ko rin dito sa kapatid kong 'to. "Namola nga ma. Oo na, nanawangan ngina mamaya. Mih na ngina nalanga. Aylamyu." paalam ko sa kanya. (Nambola ka pa. Oo na, tatawagan na kita mamaya. Miss na kita talaga. I love you.) "Loveyoutoo, Jopay. Bye. Good luck." yun lang at pinatay ko na yung laptop ko at nagmamadaling bumaba. Pagbaba ko, napatingin sa akin si Mama pero agad ding pumasok sa kwarto nya nung nakita ako. Malungkot na napailing na lang ako bago tuluyang lumabas ng bahay. *** "Nakita mo yon? Si Charity yon diba? Parang ang tagal nyang nawala ah." napakunot naman yung noo ko sa narinig ko. Charity? Hindi naman siguro yung ultimate girl crush ko yon no! Napakaswerte ko naman if ever, sus. Lilingunin ko na sana yung itinuro nung babae pero bigla akong kinulbit ni Tasing. "Ikaw na. Hay. Nakakainis, hindi man lang ako nakapasa. Malay mo, ikaw, swertehin." malungkot na sabi nya pagkalabas na pagkalabas nya dun sa audition room. Huminga naman muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob nung AR. Ngumiti ako ng bongga dun sa babaeng judge ata, pagpasok na pagpasok ko. Minsan, unfair talaga yung buhay? Bakit may ganito kagandang nilalang? Bakit kaya hindi na lang sya yung mag-artista? "Hello." nakangiting bati nya sa akin. "Hello mo." sabi ko naman sa kanya. (Hello po.) "Josephine Garcia, right?" tanong pa nya habang nakatingin dun sa BIODATA na ipinasa namin sa kanila kanina. Tumango naman ako sa kanya. "Yeh, mam." sagot ko sa kanya. (Yes, ma'am.) "Can you tell me about yourself?" nakangiting sabi nya ulit. Magsasalita na sana ako pero napatingin ako sa may gilid ko. Nanlaki yung mata ko nang makita ko yung ultimate uber girl crush ko na dumaan at tumingin sa akin. Parang biglang nawala lahat ng tao sa paligid namin nang magtama yung mata naming dalawa. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang t***k ng puso ko na tila ba gustong kumawala ngayon sa hindi ko alam na dahilan. Alam mo yun? Hindi ganito yung t***k ng puso ko nung nagkagusto ako kay Bebelgam. Kaya hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin nito. Pining? Na-starstruck ka lang. Yun lang. Yun lang yung ibig sabihin nyan. Yun lang talaga, wala nang iba. Promise. "Ehem." noon lang ako napabalik sa katinuan nung may nag-ehem. Hala, wala na pala si Charity. At nasa audition pala ako. "Ms. Garcia? Where have you been?" nagtataka pero nakangiting tanong sa akin ni Ms. Judge. "Aym hori. I-I-I--" ayan, parang nawala na talaga ako sa wisyo. Bakit wala akong masabi? Bakit walang rumerehistro sa utak ko? Anong nangyayari sa akin? Aba Josephine, magsalita ka! Pagkakataon mo na 'to! (I'm sorry. I-I-I--) "Yes?" at kahit mukhang tanga na ako dito, nakangiti pa rin si Ms. Beautiful judge na parang ine-encourage ako na ituloy yung kung ano man yung gusto kong sabihin. Pilit ko namang ibinuka yung bibig ko para magsalita pero parang wala talagang gustong lumabas kaya malungkot na umiling ako sa kanya. "Aym rili hori." yun lang at lumabas na ako ng audition room. (I'm really sorry.) Agad naman akong sinalubong nila Tasing paglabas ko pero malungkot lang akong umiling sa kanila. At ayoko din magkwento dun sa nangyari sa loob dahil alam kong tatanungin lang nila ako ng bongga at hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanila. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano yung nangyari sa akin. After non, nag-inarte si Maybelle at nagdrama kaya medyo natagalan pa kami dito sa ELJ building. Naabutan tuloy kami ng lunch break. Ano ba naman yan, wala pa mandin akong dalang pera na pambili ng kahit anong pagkain dito. Buti na lang talaga, inubos ko yung hopiang baboy na inialok ni Tasing kanina, kung hindi, baka nangingisay na ako sa gutom dito. Nasa kalagitnaan kami ng paghaharutan nila Tasing at Juling nang may naamoy akong mabango na dumaan sa may likod ko. Lilingon na sana ako pero pinigilan ako ni Tasing. Parang excited na excited sya habang may itinuturo. "Si Ms. Beautiful o!" excited na sabi nya. Napatingin naman sa amin si Ms. Judge sabay smile kaya napatulala kami. At yun yung nadatnan ni Meng kaya pinagsasampal nya kami. Aray ha, masakit yon. Makapanakit ha. Nahawa na sa pinsan nya. Hay nako. At nung palabas na kami pagkatapos ng audition ni Maybelle at nung pagpapakilala nya sa amin kay Clarence baby, bigla na naman akong natigilan. Ayun na naman kasi yung amoy na kanina ko pa nasisinghot. At kapag naaamoy ko yon, nag-iiba yung t***k ng puso ko. Yun bang parang yung naramdaman ko nung nagtama yung mata naming dalawa ni Charity. Ano ba naman yan, naeengkanto na yata ako dito sa building na 'to ng ABS-CBN eh. Kung anu-anong kababalaghan kasi yung nararansan ko. HashtagMejoCreepy. Jusko, baka kinukulam na pala ako ng mga babae ni Makario ah! Mukhang kailangan kong ipagdasal ang kaluluwa ko. Naku naman! At dahil mas tumapang yung amoy na kanina pa nasasamyo ng ilong ko, agad kong inikot yung tingin ko sa paligid para makita kung kanino ba talaga nanggagaling yung mahiwagang amoy na yon. At kung sino ba talaga yung nagpapabarang or nagpapaengkanto sa akin. At ganun na lang yung paninigas ko nang makita ko kung kanino nanggagaling yung hiwagang iyon. Seryoso, sa kanya din? Sa kanya ulit? Sya na naman? Nakatingin din sya sa akin at bago sya tumalikod, nakita kong ngumiti sya kaya mas lalong nagwala yung puso ko. Wala sa loob ba napahawak ako sa may bandang puso ko pero agad ding napangiti dahil sa nangyari. Naiiling na nangingiti na sumunod na lang ako palabas kila Tasing at Juling. Charity, Charity, Charity, ano nga bang misteryo yung meron ka at bakit ganito na lang magreact yung puso ko pagdating sa'yo. Hindi ko alam. pero, gusto kitang mas makilala pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD