Prologue
PINING
"You have two options. Either you go home voluntarily or pupunta ako dyan para i-torture ka para bumalik dito." I mentally rolled my eyes nang marinig ko yung boses nung tumatawag sa akin kanina pa. Sana pala hindi ko na lang sinagot.
"Busy ako. And alam mong marami akong kailangang asikasuhin. And please, as if naman matatakot ako sa'yo. Duh!" mataray na sagot ko naman sa kanya. Baka lang kasi nakakalimutan nya na ibang tao na yung kausap nya ngayon.
"Seryoso ako. Umuwi ka na. And hello, halos 2 years na akong nagsisinungaling sa mga kaibigan MO dito para mapagtakpan ka. So kung ako sa'yo, mageempake na ako at uuwi na ngayon." Utos pa nya. Hay, hindi pa rin talaga sya nagbabago.
"You know that I can't." sabi ko na lang sa kanya.
"Oh yes you can, JOEY!" sabi pa nya na talagang diniinan pa nya yung pagsasabi sa pangalan ko.
"Pero Klarisse----"
"Stop! Wag kang maging makasarili ngayon, Pining. Oo naiintindihan ko na sobra kang nasaktan noon kaya hindi mo na gugustuhing umuwi dito sa Pilipinas. Pero gusto lang sana kitang i-remind na may mga kaibigan ka dito na hanggang ngayon, nag-aalala dahil wala pa rin silang balita tungkol sa'yo. At gusto ko ring ipaalala sa'yo na isa na don si parrot na itinuring kang parang totoong kapatid nya. Si Maybelle na laging nasa tabi mo kapag nasasaktan ka or kailangan mo ng tulong. At ngayon, sya naman yung may kailangan ng tulong mo. Hindi matuloy-tuloy yung engagement party nila ni Clarence dahil hanggang ngayon, umaasa pa rin sya na tutuparin mo yung pangako mo noon na ikaw yung mag-aasikaso ng party nya." Mahabang sabi pa nya kaya bigla akong natahimik.
"I-uhm." Okay, speechless. Minsan lang kasi magseryoso 'tong si Klarisse eh.
"So tapos yung usapan. In two days, dapat nandito ka na. Sabihin mo lang sa akin kung anong oras kita susunduin sa airport." Yun lang at tuluyan nang naputol yung tawag. Hay. Hindi man lang ako pinagsalita o. Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko, eh si Klarisse yon.
Naiiling na inihagis ko na lang muna yung phone sa kama. Parang wala na rin naman akong choice diba?
"So, ready ka na bang bumalik sa Pinas?" nakangiting tanong sa akin ni Charlie pagpasok nya sa kwarto ko.
Hay, malamang, nasabihan na rin sya ni Klarisse.
"Dunno." sabay kibit ng balikat. "But, I have to. Ako yung mag-aasikaso nung engagement party ni Maybelle eh. Matagal na kasi naming usapan yon." Hay. I should've said 'no' nung time na pinag-usapan namin yon. Kung alam ko lang na mangyayari yung--nevermind.
"Pwede mong sabihin na hindi ka pwede." sabi naman nya.
"I can't. A promise is a promise. And isa pa, kahit naman ayaw ko, uuwi at uuwi ako sa Pinas dahil may mga kailangan pa akong asikasuhin don. It's inevitable." sabi ko pa. "And isa pa ulit, alam natin na seryoso si Klarisse sa banta nya na sapilitan nya akong iuuwi sa Pilipinas.
"Well, yeah. Knowing her diba? Kaya kung ako sa'yo, susunod na lang ako sa kanya."
"Ano pa nga ba diba? Kinonsensya ba naman ako. At talagang si Maybelle pa yung ginamit. Alam nya kasing malambot yung puso ko pagdating sa pinsan nya eh." Naiiling na sabi ko pa. "At sinabi pa nya na ilang taon na nya akong pinagtatakpan."
"Totoo naman diba? Nakakaguilty kaya yung ginagawa nya. Kahit alam nya kung nasaan ka, wala syang ibang pinagsabihan dahil nangako sya sa'yo. Kahit alam nya na sobrang nag-aalala yung mga kaibigan nyo dahil hindi ka nila makontak, hindi sya nagsasalita. Wala syang pinagsabihan sa mga pinaggagawa mo dito sa loob ng dalawang taon." Sabi naman ni Charlie kaya tumango na lang ako.
"Yeah, I guess, kailangan ko na talagang umuwi." Suko na ako. Mukhang wala naman kasi akong kakampi dito diba?
"Good girl, lil sis." Nakangiting sabi pa nya.
"O shut up Cha—"
"Rity?" nang-aasar pang sabi nya kaya inis na tiningnan ko sya. Wala na namang magawa 'tong bruha kong kapatid.
"Shut up!"
"Kasalanan mo. Ayaw mo akong tawagin na Ate eh. Mas matanda ako sa'yo kaya gumalang ka sa'kin no."
"Fine. ATE CHARLIE. So pwede bang wag mo na lang babanggitin yung pangalan nya?"
"Better. And speaking of---"
"Ate! Isa ha."
"Gusto ko lang itanong kung..."
"Kung ano?"
"Kung namimiss mo ba sya."
"No. Why would I?" tanggi ko.
"Si Maybelle yung tinatanong ko. So hindi mo namimiss yung kaibigan mo?"
"I thought—uh nevermind. Pero kung si Maybelle, yeah, namimiss ko na sya. Pati sila Anastasia and Julia." Nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi na lang pinansin yung panunukso nya.
"And kaya mo na SYANG makita ulit?" sabay ngiti sa akin ng nakakaloko.
"Who? Si Maybelle? " patay-malisyang tanong ko naman. Kilala ko yung tinutukoy nya pero I don't wanna say her name. And ayoko na rin syang maalala.
"Nevermind, Pining." naiiling pero nakangiting sabi na lang nya. Alam nya kasing ayoko na ring pag-usapan yung nangyari noon. At lalong-lalo na yung TAONG 'yon.
Napasimangot naman ako dahil sa itinawag nya sa akin.
"Joey, Charlie. Joey. Wala na si Pining, matagal na syang wala at kahit kelan, hinding-hindi ko na sya hahayaan na bumalik pa." seryosong sabi ko sa kanya bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.
Ayoko na, ayoko nang isipin yung mga kabwisitang nangyari sa akin noon dahil sa kanya.
Pero papa'no nga ba nagsimula yung lahat?