Chapter 4

2482 Words
PINING "Naramdaman mo na ba yung bigla na lang naging kakaiba yung t***k ng puso mo dahil lang sa isang tao?" nagkatinginan naman kaming tatlo nila Tasing at Juling nang sabihin yon ni Maybelle. Andito kami ngayon sa bakeshop nila Klang dahil hinihintay namin yung cookies na pinapabake ni Meng sa kanya. May pagbibigyan daw sya. Pero napaisip ako sa sinabi nya. Gusto ko sanang sabihin na naramdaman at naranasan ko na yon pero hindi pa ako ready na sabihin sa kanila. At isa pa, hindi naman ako sure kung bakit ko naramdaman yon. "Hindi pa. Nagkaroon ako ng mga kemerut pero di ko pa nararamdaman yang ganyang chuvaness." sagot ni Tasing sa kanya. "I second the motion." sabi naman ni Juling. Nagkibit-balikat lang naman ako. Hindi ko din kasi alam kung naramdaman ko talaga yon kay Makario eh. Oo, kinikilig ako sa kanya, pero yung sinabing yon ni Maybelle, hindi ko naman sa kanya naramdaman. Sumasakit yung bangs ko talaga dahil don. Kamusta naman kasi na dun pa sa super idol ko naramdaman yon diba? Okay lang sana kung lalaki sya, pero hindi eh, babae din. JUSKO lang talaga diba? Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Klarisse na inilalagay na sa box yung cookies ni Maybelle. "Kay Justine. Bukod tanging sa kanya ko lang naramdaman yon. At hanggang doon lang yung pwede kong sabihin." nakataas ang kilay na sagot nya sa amin. "And kayo na ni JT ngayon." parang wala naman sa sariling sabi ni Maybelle habang tatango-tango at nakatulala. "Bakit parrot, tapos na ba yung kalandian at kaharutan mo at may nagpatibok na dyan sa puso mo?" natatawang sabi ni Klang sabay abot ng box kay parrot. Napatingin naman kami kay Maybelle na umiiling-iling at parang nakikipagtalo sa sarili. "Yeah. In love na nga yan. Kung kanino man, malalaman din natin kung sino yan." sabay smirk pa sa amin ng mahadera. "Eh ikaw, Pining Garcia, bakit parang tahimik ka dyan? Naramdaman mo na rin?" feeling ko, namutla ako dahil sa komentong 'yon ni Klarisse. Nakakabasa ba sya ng isip ng tao? "Ahm---" Pero bago pa ako makapagsalita ng tuluyan, iniharang na nya yung kamay nya sa mukha ko. "Never mind. Hindi rin naman kita maiintindihan eh. Para kang anime na kailangan pa ng subtitle." natatawang sabi pa nya. Inis na inirapan ko na lang sya. Hmp! Papa'no ba 'to naging best friend ng kapatid ko? At saka bakit ba sala sa init at sala sa lamig 'to. Lagi akong pinagtatanggol sa ibang nang-aapi sa akin pero sya, kung makapang-api, bonggang-bongga talaga. UGH! "Hoy parrot! Umalis na kayo dito. Malas kayo sa business. Ang papangit nyong apat!" at sasagot sana kaming apat at magrereklamo pero sinamaan na nya kami ng tingin kaya wala na lang kaming nagawa kundi sundin yung gusto nyang mangyari. "Alam mo Meng, ang sweet-sweet talaga ng pinsan mo kahit kelan no?" sabi ni Tasing after naming makalabas ng bakeshop. "Marang hini naman ngayo nahanay ngay Nglang. Ininihin na lang nanin. Manga mahamal ma nayo mang narining nayo non." mahinang sabi ko naman. Takot kasi talaga ako kay Klarisse eh. (Parang hindi naman kayo nasanay kay Klang. Intindihin na lang natin. Baka masampal pa tayo pag narinig tayo non.) "May point sya. In fairness naman dyan kay Klang, pinagtatanggol nya tayo sa lahat ng nang-aapi sa atin diba?" sang-ayon naman sa akin ni Juling. "Oo. Kasi naman, gusto nyang sya lang yung mang-aapi sa atin!" sabi naman ni Maybelle kaya napatango kaming lahat. Yeah, yun na nga. Pero at least sya lang nang-aapi sa amin diba? Mas okay na yon kesa iba-ibang tao diba? "Eh teka. Para kanino ba yan?" tanong pa sa kanya ni Tasing. Napansin ko na bahagyang nag-blush si Meng pero nawala din agad. Hmmm, I smell something. Sa dami ng nagiging kemerut ni nya, never naman sya namula ng ganyan, puro harot lang talaga yung ginagawa nya. "K-kay ano, kay Clarence. I-inalagaan nya kasi ako nung nagkasakit ako eh." sagot ni Maybelle na hindi makatingin sa amin. Another 'oh' moment. Sa kaharutan nya sa maraming lalaki, sa babae pa sya may posibilidad na mainlove? Aba, hindi lang naman pala ako yung nalilito sa mga preference-preference na yan eh, pati pala 'tong si Meng. Talaga bang nakakahawa si Klarisse? Chos lang! "Ah, kaya naman pala." tatango-tangong sabi ni Juling. Tsk, hindi man lang nila napansin yung pag-stutter and yung pamumula ni Maybelle. Iba talaga yung ka-slowhan ng mga kaibigan ko. Buti na lang yon, hindi talaga nakakahawa. "So, sasamahan nyo ako?" hopeful na tanong pa sa amin ni Meng. "Ay, di ako keri, may kembular ako mamaya. Ayan, si Juling at Pining, baka pwede sila." tanggi ni Tasing. Tumingin naman si Maybelle kay Juling na umiling din. "May hanash din ako. Ayan si Josepina." sabay nguso pa sa akin. Nakangiti namang tumingin sa akin si Maybelle. "Ongey mayn. Hami ngo nga, ango na lang hahama ha'yo eh. Malimhaha, alam nyo na hini na ngami ni Mangaryo ngaya hingurano ngayo na wala angong langan." naiiling na natatawang sabi ko sa kanya. (Okay fine. Sabi ko nga, ako na lang yung sasama sa'yo eh. Palibhasa, alam nyo na hindi na kami ni Makario kaya sigurado kayo na wala akong lakad.) *** "Meng, hinami mo ma ngay Nen na mununa nayo ngayon?" inip na tanong ko kay Maybelle habang nakaupo kami dito sa may cafeteria ng ELJ. (Meng, sinabi mo ba kay Rence na pupunta tayo ngayon?) Nahihiyang umiling naman yung bruha kaya napangiti ako. Gustung-gusto ko na sana syang tuksuhin tungkol sa kung ano yung pakiramdam ko na meron sa kanila ni Clarence pero pinigilan ko lang yung sarili ko. Alam mo naman, baka makarma ako at kung ano pa yung kakaiba kong maramdaman kay Charity. Pero feeling ko talaga, nagkakaganito lang ako dahil idol ko sya eh. Oo tama, idol ko sya. "Ningin mo, mananangalan ma hya?" tanong ko na lang. (Tingin mo, matatagalan pa sya?) "Not sure. Pero feeling ko naman, patapos na sya. So yon, teka, punta muna ako sa restroom para---" "Mangrenan?" at ayun nga, hindi ko na rin napigilan yung simpleng panunukso ko sa kanya. (Magretouch?) Natawa naman sya at nailing. "Sira! Nawiwiwi na kasi ako. Retouch ka dyan. Bakit ko naman gagawin yon, eh si Clarence lang naman yung pupuntahan natin dito diba? Hindi ko naman siguro kailangang magpaganda para sa kanya diba? Bakit pa? Eh hello, friends lang naman kami no? At isa pa, may Jordan na sya, at pareho pa kaming babae. So tingin ko, wala naman talagang sense kung magreretouch at magpapaganda pa ako para sa kanya diba? Wala naman sigurong----" jusko, isang word lang yung sinabi ko, andami na nyang sinagot. Hindi naman halatang guilty sya eh no? Kaya eto, kailangan ko na lang syang i-interrupt dahil baka hindi kami matapos sa usapan pag ganito. Susme! "Ongey na Meng. Hami ngo nga, hini nga naman magrerenan." sabi ko na lang. (Okay na Meng. Sabi ko nga, hindi ka naman magreretouch.) Parang nakahinga naman sya ng maluwag dahil sa pag-aakalang naniwala ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin bago tuluyang tumalikod para pumunta sa restroom. At tulad nang naramdaman ko nung unang beses na nakita ko si Charity, biglang bumilis na naman yung t***k ng puso ko habang hinihintay si Maybelle na bumalik sa pwesto namin. Napatingin tuloy ako sa buong paligid ko. Ang weird lang kasi, wala namang kakaiba sa mga tao dito. Mga normal lang na kumakain dito sa caf and nagtsitsismisan. Nakakaloka na talaga. Mula nung mapunta ako dito sa ELJ, nakaramdam na ako ng ganito. Hindi kaya namamaligno lang ako? Ayun na naman kasi yung mabangong amoy na lagi kong naaamoy dito sa building na 'to eh. Wow Josephine, maligno talaga? Naniniwala ka talaga don? Aba, sa panahon ngayon, wala nang ganyan no! DUH! Ipiniling-piling ko yung ulo ko at naiiling na lang na sumunod sa restroom kay Maybelle. Pero bigla akong napatigil nang mapansin ko na nakikipagsagutan si Meng at mas lalong bumilis yung t***k ng puso ko nang makilala ko kung sino yung kausap nya. Huh? Magkakilala sila? Or baka naman---nevermind. Nang mapansin ko na medyo nagkakainitan na yung dalawa sa sagutan nila, cinompose ko muna yung sarili ko bago lumapit sa kanila at nagkunwaring hindi apektado sa presensya ni Charity. Kaya mo yan Pining, ano pa't nag-tie kayo ni Maybelle sa pagiging Best Actress noon sa play na sinalihan nyo. Huminga muna ako ng malalim bago tinawag si Maybelle. "Meng!" malakas na tawag ko sa kaibigan ko. Sabay naman silang napalingon sa akin. "O?" nakakunot-noo na tanong sa akin ni Meng. "Mangin ang nangal mo?" reklamo ko sa kanya. Kunwari, di ko pa alam na kausap nya si Charity na parang minamaligno ako sa tuwing nakikita ko sya. (Bakit ang tagal mo?) Inginuso nya sa akin si Charity. Fudge. Akala ko hindi ko na sya kailangang pansinin eh. Hay buhay. Okay Pining, start na ulit ng pag-arte. Nagkunwari akong nagulat at nanlaki yung mata nang mapatingin ako kay Charity. "Nyanini!!" 'excited' na sabi ko sabay yugyog sa kanya. (Charity!!) At parang biglang nagtatalon yung puso ko nang bigla syang magsmile sa akin. The fudge? Pining, nagtatalon talaga yung puso? Jusko. Pining, kalma. Kumalma ka please? Ngumiti din ako sa kanya. "Ingaw ma nalanga yan Nyanini? Aynol ngina! Nomra!" 'excited' na sabi ko pa rin sa kanya. Well, totoo naman talaga yon. Idol ko naman talaga sya. AS IN! (Ikaw ba talaga yan Charity? Idol kita, sobra!) Tumingin sya ng derecho sa mga mata ko na para bang binabasa kung totoo yung sinabi ko sabay smile ulit sa akin. "Talaga thanks ha!" nakangiting sagot nya. Shocks, parang hindi ko na yata kaya ah. UGH! "Anong nangyahe ha inyong nalawa? Ma-et marang ngalin hayo hi Meng?" pagbabago ko na lang sa topic. Wala na kasi akong masabi eh. (Anong nangyare sa inyong dalawa? Bakit parang galit sayo si Meng?) "Wala, nagkabanggaan lang kaming dalawa. Nasaktan yata sya kaya yun medyo nagalit sakin" sagot ni Charity. Pagtingin ko kay Meng, alam kong hindi lang yon yung dahilan kung bakit galit sya. Medyo slow sya pero hindi naman mababaw yang kaibigan kong yan. Hmm. "Wang nga ng mangalen, hinni naman hinahanya ni aynol eh." pinalampas ko na lang muna yung issue. Mamaya ko na lang itatanong kay Meng. (Wag ka ng magalit, hindi naman sinasadya ni idol eh) "Anong hindi sinasadya? Eh pinlano nya lahat yung---" Takang tumingin ulit ako kay Meng. Sabi ko na nga ba eh, may ibang dahilan si Maybelle. Hmmm, ano kaya? "Minlano? Yung pangmanga hayo?" tanong ko na lang. (Pinlano? Yung pagbangga sayo?) Umiling lang sa akin si Maybelle. "Tsk, nevermind Pining, di mo rin naman maiintindihan" sabi nya kaya tumango na lang ako. Alam ko naman na malalaman at malalaman ko din yung dahilan nya. Sa ngayon, sige, pagbibigyan ko muna sya. Tumingin na lang ulit ako kay Charity sabay ngumiti. Lintek, kailangan ko na makaalis dito sa lalong madaling panahon at baka bigla na lang akong bumulagta dito dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Nag-usap pa kami saglit na dalawa bago nya i-request na iwanan ko muna silang dalawa ni Maybelle. Tumango naman sa akin yung kaibigan ko na para bang sinasabing ikukwento na lang nya mamaya lahat kaya nakangiting tumalikod ako sa kanila. Noon lang ako nakahinga ng maluwag nung makalayo-layo na ako sa kanilang dalawa. Whoo! Akala ko katapusan ko na kanina. Medyo finlirt ko pa nga si Charity para lang maibsan yung kaba ko pero mas lalo pa atang nadadagdagan every time na nagssmile sya sa akin. Kailangan ko talagang isangguni kay Charlie 'to. Baka may sagot sya sa mga tanong na hindi ko masagot. At habang nagmumuni-muni ako sa isang tabi, biglang nanlaki yung mata ko nang mapansin na papalapit si Clarence kila Maybelle at Charity na parang nagmomoment ngayong mga oras na 'to. Uh-oh, baka magkaroon ng world war x sa mga panahong 'to kaya bigla kong pinairal yung brilliant mind ko. At tulad kanina, nagmamadali akong lumapit sa kanila nang mapansin kong nag-aapoy yung mga mata nila, charot! "Meng!" tawag ko ulit kay Maybelle. "ANO?!" parang inis na tanong nya sa akin. Ay wow, eto na nga't tutulungan ko sya tapos sya pa yung may ganang mainis, tse! Itinapat ko na lang sa amin yung camera ng phone ko. Group selfie kumbaga. Hihi. "Minhnyur." sabay ngiti ng inosente sa kanilang tatlo. At lalo akong napangiti nang mawala yung tensyon sa kanilang tatlo. Hoo! Mabuti na lang talaga at mautak at maabilidad din ako katulad ni Klang, hihi. "Thank you, JP." at ayun na naman po yung kakaibang t***k ng puso ko. Seriously? Hindi ka ba aayos, dear heart? Eto naman kasi si Meng, nakatulala lang habang nakatingin sa papalayong si Clarence. Yung totoo, nakalimutan nyang may kasama sya? "Nyeymi?" takang tanong ko kay Charity na nakangiti pa rin sa akin hanggang ngayon. (JP?) "Pining is cute pero feeling ko, yun na yung tawag nila sa'yo and gusto ko, special yung tawag ko sa'yo. Yung ako lang yung alam kong tatawag sa'yo ng ganon." sabay kindat pa nya sa akin. And I died. Chos! Naman eh. Bakit ba kailangang maiwan pa kaming dalawa dito ni Charity. Jusko, jusko, jusko, jusko talaga. "Ah. Ongey." nahihiyang sabi ko na lang sa kanya. "Nakakainis yung cuteness mo talaga, JP." sabay pisil nya sa pisngi ko. And shet, seryoso, alam kong nagblush ako. Bakit ganito? Bakit hindi ko naman naramdaman yung ganito kay Makario? Bakit ba ganito pagdating dito kay Charity. "A-a-a--" at hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. This is so freaking awkward. Lord, ialis nyo po ako sa sitwasyon na 'to, please? At parang sinagot naman ng Poong Maykapal ang kahilingan ko pagkat biglang may nagsalita sa likod namin. "Oy, mamaya na kayo maglandian dyan. Charity, kunin mo na yung kotse mo para madala na kita kay Klang." seryosong sabi ni Maybelle at sa pagkakataong 'to, parang gusto kong magpasalamat at yakapin sya pero ipinagsawalang kibo ko na lang yon. Pag-alis na pag-alis ni Charity, seryoso ulit nagsalita si Maybelle. "Remember yung ex ni JT na kinwento ko sa'yo na naging dahilan nung panandaliang hiwalayan nila ni Klang? Yung sa Palawan?" napakunot noo naman ako. Don't tell me-- "Sya yon." And the plot thickens. Chos! Ano ba naman yan, seryoso? So ibig sabihin pwede kaming--Oh no, Pining, don't you ever go there. No, no, no, no! At tulad kanina, piniling-piling ko na lang ulit yung ulo ko. Nagtatanong naman ang mga matang tumingin sa akin si Maybelle. At bago ako nakapagsalita, may tumigil nang sasakyan sa harap naming dalawa. Isang nakangiting Charity yung nalingunan namin. Bubuksan ko na sana yung pinto sa likod pero itinulak ako ni Maybelle papasok sa shotgun seat kaya wala na akong nagawa kundi lumingon na lang at ngumiti kay Charity. At tulad kanina, ayun na naman yung kakaibang ngiti nya sa akin. Naku naman talaga. Mukhang mahaba-haba 'tong byahe na 'to. JUSKO! #AngsarapkumantangPassengerSeat #Bakitkailangangakoyungnandito? #BisexualsiCharitymaypagasaako #TumigilkasailusyonmoPining #Hanggangsasusunodnakabanata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD