Chapter 2

1864 Words
PINING "Pining, makinig ka sa'min! Narinig namin si Makario, pinaglalaruan ka lang nya, pinagpustahan ka lang nilang magbabarkada!" inis na sabi sa akin ni Maybelle pagkaupong-pagkaupo nya sa tabi ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Ilang beses na rin kasi nilang sinabi yon sa'kin pero kapag tinatanong ko naman si bebelgum, tangging-tanggi naman sya and sinasabi nya sa akin na sa kanya ako magtiwala at wag sa mga kaibigan ko dahil naiinggit lang daw sila sa'kin. Ako daw ba naman kasi yung maging girlfriend ng pinakagwapong lalaki dito sa campus diba? At syempre, dahil labs na labs ko naman yung boyfriend ko, sa kanya ako naniniwala. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaibigan ko, it's just that, hindi ko kasi maramdaman na niloloko lang ako ni bebelgum, ibang klase naman kasi syang mag-alaga. "Nag-uubos ka lang ng laway dyan, Meng. Kelan ba naman nakinig yan sa'tin? Eh hello, kahit anong sabihin natin dyan, konting lambing lang ni Makario, gives na gives na agad yang si Pining no!" sabi naman ni Tasing. "Eh kung ako rin naman yung papapiliin, sa muscles ako ni Makario maniniwala." parang kinikilig pang sabi ni Juling. Agad naman itong binatukan ni Tasing. Ayan, buti nga. Pati boyfriend ko, pinagnanasahan eh. "Eto nga't nahihirapan na kaming i-convince 'tong si Pining na niloloko sya ng magaling nyang jowa, nakikilandi ka pa dyan!" sabi pa nito kay Juling. "Wala ka bang tiwala sa'min, Pining?" seryosong tanong sa akin ni Meng. Hindi na sya nakisali sa bangayan nung dalawang nasa harap namin. Ngumiti muna ako sa kanya bago nagsalita. "Meng, hini naman ha wala angong niwala ha inyo. Mero ngahe, moymren ngo hi Mangy ngaya naman mangniwala rin ango ha nganya. Marang ingaw, nima ngahin hamihan nga namin nungol ha moymren mo ngayon, hini nga rin maniniwala hamin nima? Mah mamaniwalaan mo yung hahamihin nya." nakangiti pa rin na sabi ko sa kanya. (Meng, hindi naman sa wala akong tiwala sa inyo pero kase, boyfriend ko si Macky kaya dapat magtiwala rin ako sa kanya. Parang ikaw, diba kahit sabihan ka namin tungkol sa boyfriend mo ngayon, hindi ka rin maniniwala sa'min diba? Mas papaniwalaan mo yung sasabihin nya.) "P-pero---" "Mahal ngo hya. Mahal na mahal, Meng." sabi ko na lang bago pa sya magsabi ng kung ano. Malungkot na ngumiti na lang sya sa'kin. "Fine. Sabi mo nga, mahal mo sya kaya sige, hindi muna kami makikialam. Pero once na saktan ka nya, hindi mo na kami mapipigilan sa gagawin namin ha." sabi na lang nya. Tumango naman ako sa kanya. "Ah im naman ingaw yung may ngangawin ngay Mangy. Eh alam naman naning lahan na ihuhumong mo lang hya ha minhan mo." natatawang sabi ko. (As if naman ikaw yung may gagawin kay Macky. Eh alam naman nating lahat na isusumbong mo sya sa pinsan mo.) "O sya, mamaya na yang usapan na yan. Kain na muna tayo, kanina pa ako nagugutom. Baka mamaya nyan, yung boyfriend ni Pining yung kainin ko." agad namang sinabunutan ni Tasing si Juling matapos nyang sabihin yon. "Kanina ka pa, Anastacia ha! Hindi na ako natutuwa sa pananakit mo!" reklamo naman ni Juling. "At mas masasaktan ka kapag hindi mo tinigilan yang pagpapantasya sa 'matinong' boyfriend nyang si Pining." at in-air quote pa nya yung word na matino ha! Hay nako talaga. "O, baka naman mag-away pa kayo nyan. Tama na yan. Tara na, kain na tayo." awat ni Maybelle sa dalawa dahil bigla hinambaan ni Juling si Tasing. "Hini ango mahahangahama ha inyo, ngerls. Hami ngahe ni Memelngam, hamay naw ngami ngumain ng lanh. Mih na naw nya ango eh." kinikilig na sabi ko sa kanila bago ako tuluyang mahila palabas ni Maybelle. (Hindi ako makakasama sa inyo, girls. Sabi kasi ni Bebelgum, sabay daw kami kumain ng lunch. Miss na daw nya ako eh.) Nagkibit-balikat lang sila bago tuluyang pumasok sa cafeteria. Habang ako, eto excited nang makita si Macky. Ilang araw na rin kasi kaming hindi masyadong nagkakasama eh. Busy daw kasi sya sa training. Alam nyo na, star player kasi, hihi. So nung tinawagan nya ako kanina at sinabi nya sa akin na sabay kaming maglulunch ngayon, agad ko syang pinagluto ng paborito nya. Siguradong matutuwa si Bebelgum kapag nakita nya kung ako yung niluto ko para sa kanya. Mga 15 minutes na akong naghihintay sa kanya nang biglang may humatak sa akin at dinala pa yung pagkain namin ni Macky. Inis na tumingin ako sa walang modong hila-hila pa rin ako papasok sa cafeteria. Sisigawan ko na sana sya nang makilala ko kung sino yung taong yon. "Nglarih?" kumurap-kurap pa ako para masigurado kung sya nga yung nasa tabi ko ngayon. (Klarisse?) Tinaasan lang nya ako ng kilay sabay hila pa rin sa akin hanggang makarating kami sa table nila Maybelle. Nagtatakang tumingin naman sa amin yung mga kaibigan ko. "Uh, Pining, akala ko sabay kayo ng boyfriend mo na maglulunch?" takang tanong sa akin ni Maybelle. Agad naman akong tumingin kay Klarisse para magtanong kung bakit nya ako hinila dito pero bago pa ako makapagsalita, may narinig kaming nagsalita sa may likuran namin. "Oo nga Babe, single ako ngayon. Wala akong girlfriend no! Ikaw lang, ikaw lang yung mahal ko." napakunot naman yung noo ko dahil familiar yung boses na yon. Nakita kong naningkit yung mga mata ni Maybelle pagtingin nya sa may bandang likuran ko. "Sus. Eh bali-balita na girlfriend mo daw yung freak na si Pining no!" narinig ko namang sabi nung babae. Bigla naman akong nakaramdam ng kung ano dahil narinig ko yung pangalan ko. Hello, ako lang naman kasi yung Pining dito na freak yung tingin nila. Ugh! "What? Ako, girlfriend yung abnormal na yon? Eww ha! Kahit kelan hindi ako papatol sa babaeng ganon. Sa tingin mo, may magkakagusto sa tulad nya? Asa naman diba? Malay naman natin kung sya lang mismo yung nagkalat ng balitang yan dahil pinagpapantasyahan nya ako." natatawang sabi naman nung lalaking familiar yung boses. At kahit hindi ako lumingon, kilalang-kilala ko yung boses na yon. Gustung-gusto kong tumayo at sugurin silang dalawa pero pinigilan ko yung sarili ko dahil alam kong malalagot ako sa nanay ko kapag nalaman nya na gumawa ako ng eksena sa school. Tumungo na lang ako habang nakakuyom yung mga kamao ko dahil ayoko ding makita yung itsura ngayon ng mga kaibigan ko. Ayokong makita yung 'awa' sa mga mata nila. At ayoko din na marinig sa kanila yung mga salitang 'I told you so'. Sana pala, nakinig ako sa kanila. Eh di sana, hindi ganito kasakit yung nararamdaman ko ngayon. "Ang freak-freak talaga ng babaeng yon. Grabe yung obsession nya sa'yo ha! Talagang pinamalita pa nya dito sa buong campus na boyfriend ka nya. Aba matakot ka, mamaya nyan, gayumahin ka pa ng babaeng yon dahil sa kadesperadahan nya na mapansin mo sya." sabay tawa pa ng malakas ng babae. "As if naman---" Bigla akong napalingon sa likod ko dahil bukod sa hindi na naituloy ni Macky yung sasabihin nya, may narinig din akong lagabog na parang may nalaglag sa sahig. Sabay may sumigaw pa ng 'Oh My God!' At kahit puno na ng luha yung mga mata ko, nanlaki pa rin ito nung makita ko na nakahandusay sa sahig si Macky habang hawak-hawak yung dumudugong ilong nya. At nakatayo sa harap nya yung galit-galit yung itsurang si Klarisse. "Sa susunod na manloloko ka ng babae, siguraduhin mong hindi yung babae na matino at mahal na mahal ka! Yan, ganyang babae dapat," sabay turo nya sa babaeng nasa tabi ni Macky. "Mga tulad ng babaeng yan dapat yung niloloko!" galit na sabi pa nito. Akmang sasapakin pa nya ulit yung takot na takot na si Macky pero bigla akong lumapit sa kanila kaya agad syang lumayo ulit sa bwisit kong ex-boyfriend. Nanlaki naman yung mata ni Makario nang makita na nakatayo ako sa harap nya. Malungkot na ngumiti ako sa kanya. "Manununayan ngo ha'yo na ngahin nganino ango, may naong mangmamahal ha angin ng nonoo. Yung hini ango manglalaruan at lolongohin nulan ng nginawa mo." May halong pait na sabi ko sa kanya. "Samangay, mah mangay nga ngayong nalawa." sabay turo ko din sa babaeng maharot. " Ihang mahura, an ihang mungang mahurahan." pilit kong pina-normal yung boses ko kahit gustung-gusto ko nang maglulupasay kanina pa. (Patutunayan ko sa'yo na kahit ganito ako, may taong magmamahal sa akin ng totoo. Yung hindi ako paglalaruan at lolokohin, tulad ng ginawa mo. Sabagay, mas bagay nga kayong dalawa. Isang basura, at isang mukhang basurahan.) Pagkatapos ay ako naman yung humila kay Klarisse papalabas ng cafeteria. Nakakahiya kasi, pinagkukumpulan na kami ng mga estudyante. Baka sabihin pa nila, gumagawa lang kami ng eksena para magpapansin. Nakasunod naman sa amin sila Maybelle habang dala-dala yung mga gamit namin ni Klarisse. "Neng yu." sabi ko sa kanya nang makita na agad nyang kinuha kay Maybelle yung gamit nya. (Thank you.) "Wag ka sa'kin magpasalamat. Nangako ako kay Charlie kaya ko ginawa yon." yun lang at dere-derecho na naman syang naglakad palayo sa amin. Takang tumingin naman sa akin si Maybelle nang makalayo yung pinsan nya. "Magkakilala pala sila ng Ate mo? Hindi ko alam yon ah. Alam mo?" tanong pa ni Meng. Umiling lang din ako sa kanya. "Ngahin ango, hini ngo rin alam na mangangilala mala hila." sagot ko sa kanya. (Kahit ako, hindi ko rin alam na magkakilala pala sila.) Magsasalita pa sana si Maybelle pero inunahan ko sya. "Hori. Hori ngung hini ango nangining ha inyong nanlo. Una ma lang, hinamihan nyo na ango mero nangmulang-mulangan ango ngahe angala ngo, mwene angong mahalin ng mga nganulan ni Mangario. Hayaan nyo ha huhunon, maniniwala na ango ha lahan ng hahamihin nyo." nakangiting sabi ko sa kanila. (Sorry. Sorry kung hindi ako nakinig sa inyong tatlo. Una pa lang, sinabihan nyo na ako pero nagbulag-bulagan ako kasi akala ko, pwede akong mahalin ng mga katulad ni Makario. Hayaan nyo, sa susunod, maniniwala na ako sa lahat ng sasabihin nyo.) Nakangiting lumapit naman si Maybelle sa akin at yumakap. "Josephine, wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang naman. Kahit naman siguro ako, ganun din yung gagawin ko. Pero at least ngayon, alam mo na, na nagkamali ka, at alam mo na rin ngayon na gago yang Makario na yan. Maraming lalaki dyan na mahuhumaling kagandahan natin no!" sabi pa nya kaya natawa ako kahit umiiyak. "Hala na. Nabaliw na si Pining. Tumatawa at umiiyak. Kashokot ha!" komento naman ni Juling pero yumakap din sa amin. "Aba teka, sama ako dyan! Group hug!" sabi naman ni Tasing sabay yakap din sa amin. "At tulad ng sinabi mo kanina, patutunayan natin sa kanila na makakahanap ka ng taong magmamahal sa'yo ng totoo." sabi pa ni Maybelle kaya mas lalo akong napangiti. "Nama! An nararamnaman ngo na mangingilala ngo kung hino man hya. Manga nanraming lang." tatawa-tawang sabi ko naman. (Tama. At nararamdaman ko na makikilala ko kung sino man sya. Baka natraffic lang.) Yeah. Tama. Natraffic lang yung taong yon. Pero alam ko na konting panahon na lang at makikilala ko na sya. Konting panahon na lang Pining at makikilala mo na yung taong para sa'yo talaga. At pag nangyari yon, ikaw na yung magiging pinakamasayang babae sa buong mundo, hihi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD