II: Union

1981 Words
VLEAH APRICITY'S POV Sumapit na bukas at heto at andito parin ako. Tanaw ko mula rito sa aking pwesto ang kakahuyan, yun lang at wala nang iba pa. Habang nakatayo ako rito sa babasaging pinto patungo sa balkonahe, bigla ko na lang narinig ang pagbukas ng pinto sa aking likuran. Akala ko ay ang lalakeng inspektor ang makikita ko, ngunit hindi pala. Kunot noo kong tinignan ang isang lalakeng medyo may edad na may bitbit na tray ng pagkain. "Magandang umaga, bilin sa akin ni master na hatdan ka ng almusal," wika nito. Nang marinig ko ang boses niya, don ko napagtanto na narinig ko na ito kagabi. Totoo ang mga boses na 'yon, akala ko ay guni-guni ko lang. Inilapag niya ito sa isang antique na mesa. Habang pinagmamasdan ko ang kilos nito, masasabi mo talagang isa itong sopistikadong lalake. "Nagtatrabaho po ba kayo sa kanya?" Tanong ko habang nanatiling nakatayo sa aking pwesto. "Ganon na nga." "Uh, kung ganon pwede niyo bang itanong sa kanya kung kailan ako makakaalis dito? Um-oo na ako sa gusto niyang mangyari." Napahinto ito sa kanyang ginagawa bago ako deretsong tinignan na ikinalunok ko. "Hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi niya sinasabi." Napakurap ako bago ito yumuko sa akin. "Enjoy your breakfast," dagdag niya pa bago ako tinalikuran. "P-Pero teka-- yung tiyahin ko! Kailangan ko siyang makita, siguradong nag-aalala na 'yon nga--" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang tuluyang itong lumabas. Nang buksan ko ang pinto, hindi ko na ito mabuksan dahil nakalock na kaagad. Napahinga na lang ako ng malalim bago muling tinignan ang buong silid na puro itim at ginto. Kahit na umaga na, madilim parin ito kung titignan. Wala na akong ibang nagawa kundi ang kumain na lang, wala naman rin saysay kung magpapagutom ako rito. GINAWA ko na ang lahat para lang ilibang ang sarili ko. Pagkatapos kong kumain, nilibot ko ang buong silid, ngayon ko lang napagntanto na may malaking banyo pala rito sa loob. Hindi ko napansin ang pinto rito sa gilid dahil parang nagkacamouflage lang siya sa mga dingding. Kung gaano ka elegante ang mismong silid, ganon din ang banyo. Ang pinagkaibahan lang ay kulay krema at ginto ang lahat ng mga bagay rito sa loob. Mula sa sahig at kisame, hanggang sa malaking bathtub dito sa loob. "Good thing you're here in the bathroom." "AAAHH!" Napahawak ako sa aking dibdib nang may bigla na lang nagsalita sa aking likuran. Don ko nakita ang dalawang babaeng nakatayo sa may bukana ng pinto. Isang matangkad at isang maliit na babae. Yung matangkad na babae ang nagsalita. Tulad nong lalakeng pumasok kanina, sopistikada rin ito tignan. "Master is waiting at the hall. Andito si Feliz para paliguan at bihisan ka," sabi niya bago ko nilingon ang maliit na babaeng nasa kanyang tabi na may bitbit nang bestida sa kanyang kamay. Mukhang 'yan ang susuotin ko sa kasal. "K-Kaya ko namang paliguan ang sarili ko, kaya--" Hindi niya ako pinansin atsaka na lang biglang may hinalungkat dito sa loob. May kinuha itong pampalinis ng katawan, shampoo, sabon, at ilan pang mga kagamitan na hindi ko alam bago niya binuksan ang gripo ng malaking tub. "Be ready in an hour," yun lang ang sinabi niya atsaka niya kami iniwan dito sa loob nang babaeng nagngangalang Feliz. "Ang ganda mo, kaya siguro ikaw ang pinili ng master namin na pakasalan." Nang mag-umpisa na itong magsalita, don ko lang napagtanto na mukhang siya lang ata ang normal sa lahat ng taong nakahalubilo ko rito sa loob. Tagala bang pinili niya akong pi "Halika, masamang magalit si master kaya kailangan na nating magmadali." Iginiya niya ako sa gilid ng bathtub atsaka ako hinubaran. Medyo nahihiya ako dahil walan ni isang tao pa ang nakakakita sa hubad kong katawan. Kahit tiyahin ko pa 'yan. Habang pinapaligoan ako ni Feliz, hindi ko maiwasang makipag-usap sa kanya. Nong una ay akala ko hindi ito sasagot sa mga tanong ko. "Si Mang Gregor ang unang bumisita sa'yo kanina, siya ang pinakamatagal na naninilbihan dito. Yung kasama ko naman ay si Ezra, siya ang palaging kasa-kasama ni master sa tuwing aalis siya rito sa mansyon at babalik sa bayan, pangatlo siya sa naging tauhan dito. Ako naman ang panghuli." Mahabang paliwanag nito ngunit may isa siyang sinabi na tuluyang nagpapakuha ng atensyon ko. "Teka, w-wala tayo sa bayan?" Gulat kong saad. "Nakita mo ba ang balkonahe mo? Sa tingin mo ba ay may mga malalaki at matataas na kahoy sa bayan?" Umiling ako sa kanya bago muling binababad ang aking sarili. Kung ganon nasan ako ngayon? "Kung una si Mang Gregor, pangatlo si Ezra at huli ka, sino naman ang ikalawa?" Tanong ko habang pinapatuyo na niya ang aking katawan. "Malalaman mo rin mamaya sa kasal mo," sabi sa akin ni Feliz. SA UNANG pagkakataon, nakalabas na rin ako sa malaking kwartong 'yon. Suot-suot ko ang isang puting bestida na sing puti ng nyebe. Umaabot ito hanggang sa aking talampakan, wala akong sapin sa paa pero dahil sa bestidang suot ko ngayon, hindi ito mapapansin. Nakalugay ang kulot kong buhok na umaabot hanggang sa aking bewang. Sa buong buhay ko ngayon lang ako ganito kabango at kaganda nang makita ko ang aking sarili sa repleksyon ng salamin kanina. Mahusay si Feliz sa ginagawa niya, nagmumukha tuloy akong birhen dahil don. Habang pareho kaming naglalakad sa mahaba at medyo madilim na pasilyong ito, hindi ko maiwasang mahigpit na mapahawak sa boke ng bulaklak. "Kinakabahan ako." Bulong ko kay Feliz habang sabay kaming naglalakad. "Normal lang 'yan dahil ikakasal ka." Pero grabe talaga yung kaba ko! Hindi na ata 'to normal! Parang hihimatayin ako sa matinding kaba! "Hindi ko ata kaya, Feliz." "Vleah." Napahinto ako sa paglalakad nang tawagin niya ako. "Kayanin mo dahil hindi ka na pwedeng umatras, isipin mo na lang ang pamilyang maiiwan mo kung bigla kang tatalikod ngayon. Hindi magandang magalit ang mapapangasawa mo." Sunod-sunod akong napapalunok sa sinabi niya. "Halika, san pa't matatapos din 'to kaagad." Dagdag pa niya bago hinawakan ang aking braso atsaka kami muling naglakad. "Maganda ka, Vleah, mahilig si master sa magagandang mga bagay. Kaya kung susundin mo ang lahat ng gusto niya, hindi ka mahihirapan." Bulong nito bago kami tuluyang pumasok sa isa na naman silid. Nang bumukas iyon, kaagad na bumungad sa akin ang apat na tao. Isang pari, si Ezra, si Mang Gregor at si Dean... Nang magtama ang paningin namin ni Dean, kaagad kong naramdaman ang malalim nitong tingin sa aking direksyon. Lihim akong napalunok nang igiya ako ni Feliz papunta sa tabi niya. Ako lang nakaputi rito sa loob. Hindi mo alam kung kasal ba 'to o lamay ko. Hindi ko na sasabihin ang buong detalye ng kasal dahil halata namang pinadali lang ito. Walang ibang naganap kundi ang pag-anunsyo lang na mag-asawa na kami pagkatapos ipasuot ni Dean sa akin ang isa pang gintong singsing at ganon din ako sa kanya. "And I pronounce you man and wife. You may kiss your bride." Nanginginig ang mga tuhod kong hinawakan ni Dean ang aking magkabilang pisngi atsaka ako hinalikan sa labi. Mabilis na halik. Yun lang. Masyadong malayo sa inaasahan kong halik sa tuwing ikakasal ang dalawang tao. Hindi kumibo si Dean pagkatapos at basta lang ako tinignan. Si Ezra na ang nakipag-usap sa pari atsaka ito giniya papalabas ng silid. Nang lingunin ko si Feliz, nakangiti na ito sa akin habang katabi niya si Mang Gregor. Nang tignan ko ulit si Dean, nanatili parin itong nakatitig sa akin. Walang kibo at halos hindi kumukurap. "You got a phone call from Mauverick." Rinig kong wika ng isang lalakeng lumapit sa direksyon namin. Hindi ko siya nakita kanina. Mukhang kakapasok niya lang dito. Siya siguro ang ikalawa na sinasabi ni Feliz. Kung pagmamasdan ko ito, mukhang kasing-edad lang silang dalawa ni Dean. "Answer him and tell him I'll be there." Tugon ni Dean bago biglang kinuha ang braso ko atsaka ako muling dinala sa silid kung saan niya ako ginawang preso. Inangat ko ang suot kong bestida at pilit na sinusundan ang mabibilis at malalaki niyang hakbang papasok sa silid. "B-Bakit ka nagmamadali? Kaya ko namang pumasok dito nang mag-isa." "We need to consummate our marriage for it become valid." Nanlaki ang mga mata kong binitawan niya kaagad ako pagkapasok at pagkapasok namin sa loob dahilan upang muntikan pa akong mawalang ng balanse dahil sa lakas. Bigla niyang sinara ang pinto atsaka ito nilock mula sa loob bago ako hinarap atsaka mabilis na kinarga na parang bagong kasal bago itinapon sa ibabaw ng kama. "T-Teka! Hindi pa ako handa!" Kinakabahan kong saad nang tuluyan na itong pumaibabaw sa akin. Gwapo nga siya, ubod ng gwapo, pero may delikadesa rin ako! Hindi ko pwedeng ibigay ang puri ko sa isang estranghero! "A-Ayoko! May asawa na ako!" Singhal ko habang nakayakap sa aking sarili. Yun na ata ang pinakabobong sinabi ko. Tanga! Siya ang asawa mo! Nang tignan ko ito sa aking ibabaw, halos lumugwa ang puso ko sa gulat nang mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. Mukhang nagsisisi na ata siya sa kabobohang taglay ko. "Ah... ahem! Ang ibig kong sabihin, p-pwede bang mamayang gabi na lang? M-Masyado pa kasing maaga, nahihiya ako." At sa isang idlap lang ay tuluyang na itong umalis sa ibabaw ko. Hindi ito nagsalita at kusa lang na tumalikod paalis. "Teka lang, Dean." Pagtawag ko sa kanya sanhi upang matigilan ito. "A-Asawa mo na ako, nagawa ko na ang gusto mo, pwede ko bang makita ang tiyahin ko? K-Kahit saglit lang?" "No. You're not gonna leave this place." "P-Pero, mag-aalala 'yon sa akin." "I already sent Ezra to give her a message about you," aniya nang hindi man lang ako nililingon. "Pero Dean, hindi niya kaya ang mag-isa. Wala siyang trabaho at--" "I will provide her needs and necessities in exchange of you." Pagputol niya sa gusto kong sabihin dahilan upang matigilan ako sa aking pwesto. In exchange of me... Kung ganon para narin akong naging pambayad, ganon? Lumamlam ang mga mata ko at hindi maiwasang malungkot na mapangiti. Mabuti na rin siguro 'to. "Vleah." Bigla akong balik sa reyalidad nang tawagin niya ako. Nang tignan ko 'to, nakita kong nakatingin na pala ito sa aking direksyon. Tumagal ang titig niya sa mukha ko ng ilang segundo bago muling nagsalita. "I'll be back at night, and you better keep your words." Ito lang ang huli niyang sinabi at sa isang idlap at muli na naman itong naglaho sa aking harapan. Nang maiwan na ako rito sa loob, hindi ko maiwasang isipin ang tiyahin ko. Alam kong hindi ko pa kilala si Dean, pero sa tuwing mag-iiwan ito ng salita, hindi ko maiwasang paniwalaan ang mga sasabihin niya. Parang siya yung klase ng taong kayang panghawakan ang kanyang mga salita. Speaking of, Dean... Sino ba talaga siya? Bakit pakiramdam ko hindi siya basta-bastang tao? Bakit pakiramdam ko sobrang gulo ng buhay niya? Napakamisteryoso niya at parang ang dami niyang suot na maskara. Biglang naglaho na parang bula ang lahat ng tanong ko sa aking isipan nang may kumatok sa aking pinto. Bumukas ito at muling iniluwa si Mang Gregor. Ang una kong napansin kaagad ay ang sandamakmak na librong bitbit niya bago ito sinundan ni Feliz na may dala-dala ring libro. "Para san po 'yan?" Tanong ko sa kanila. "Mag-aaral ka, Vleah." Sagot sa akin ni Feliz. Mag-aaral ako? Dito? "Oo, asawa ka na ni master at may kailangan kang gampanan nang maayos. Sa loob ng tatlong buwan, kinailangan mong masaulo ang mga librong 'to. These are all the book of etiquettes that you need to master." Paliwanag ni Mang Gregor na ikinakurap ko. "Huwag kang mag-alala, Vleah, tutulungan ka namin," sabi naman ni Feliz. Tatlong buwan sa para sa lahat ng librong 'yan?! Ngayon pa lang parang sasabog na ang utak ko. Ganito ba kahirap maging asawa ng isang Dean Simon Gutierrez?! Sino ba talaga ang hayp na 'yon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD