I: Man in Mask

1750 Words
VLEAH APRICITY'S POV Gabi na at kakagaling ko lang sa botika para bumili ng gamot para sa tiyahin ko. Kailangan ko na ring magmadali dahil may raket pa ako mamayang alas nuebe. Nang paliko na sana ako sa isang eskinita, bigla na lang akong natigilan nang may makita akong isang lalakeng nakamaskara sa may madilim na parte. May narinig akong pagdaing kaya hindi ko maiwasang mabitawan ang dala-dala kong plastik nang makita kong hinugot niya ang isang kutsilyo mula sa tagiliran nong lalakeng hindi nakamaskara. Ganon na lang ang pagkagulat ko nang bigla itong mapatingin sa aking direksyon kaya kaagad akong napaatras. Nakatingin na sa akin ng deretso ang lalakeng nakamaskara habang nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot. Nakasaksi lang naman ako ng taong pinatay! "T-Tulon--! Hmm!" Nanlaki ang aking mga mata nang sa isang idlap ay bigla itong nakalapit sa aking direksyon at bago ko pa matapos ang gusto kong sabihin, bigla niya akong tinakpan sa bibig gamit ang isang panyo. Ngunit bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, nagawa ko pang tanggalin ang maskara niya kaya nasilayan ko pa ang kanyang mukha. Sa pagsara ng aking mga mata, hindi ko magawang paniwalaan ang nakita ko. "SA TINGIN mo magugulat siya?" "Shh, wag ka ngang maingay, baka mahuli tayo ni master dito." "Sabi ko kasi sa inyo, wag na tayong pumasok dito." "We can't help it; this is the first time he brought a woman." Kumunot ang aking noo at hindi ko maiwasang dahan-dahan na buksan ang aking mga mata. Sa paggising ko, wala na akong ibang nadatnan kundi ang isang malaki at magandang kwarto. May kakaibigang amoy akong naamoy sa buong silid. Parang amoy sigarilyo pero may iba pa, amoy... amoy... bulaklak... "Nasan ako?" Tsaka parang may narinig akong nag-uusap kanina lang ah. Guni-guni ko lang ba 'yon o parte lang 'yon ng panaginip ko? Nanaginip kasi ako na nasa isang madilim na eskinita ako at may isang nasaksihang karumal-dumal na pangyayari. Tapos... tapos... "You're awake." Bigla akong napabalikwas sa aking kinihigaan nang may marinig akong boses pero hindi ko alam kung san 'yon galing. Nababaliw na ata ako. May naririnig akong mga boses pero wala akong ibang nakikita. Bigla na lang kumidlat kaya may nakita akong isang lalakeng nakatayo sa likod ng mga malaking kurtina sa may balkonahe. Nang kumidlat na naman ulit, tuluyan na itong umalis mula sa pinagtataguan nito habang may hawak-hawak na sigarilyo. Napalunok ako at hindi maiwasang mapahawak ng mahigpit sa isang kumot na tumatakip sa aking katawan. Siya yun... yung lalang inspektor... Hindi ako pwedeng magkamali. Ang mukha niya ang hinding-hindi ko makakalimutan. Siya at ang lalakeng nakasmakara ay iisa. "I can see fear in your eyes, I wonder where your gut is right now. Diba ikaw yung babaeng gustong magpabuntis sa akin?" Aniya dahilan upang matigilan ako. Naalala niya pa 'yon?! Napalunok ako bago unti-untin napapaatras hanggang sa tuluyang nang dumikit ang likod ko sa headboard ng elegante at malaking kama na ito. Pero ang lalakeng nasa harapan ko ay nanatiling nakatingin sa mukha ko. Nakasuot ito ng itim na longsleeve na hapit sa kanyang magandang hubog na katawan. Puro itim lang ang suot nito, malayo na nakaputing lalakeng noong mga nagdaang araw kung saan kabilang pa sa mga pulis. "What? Can't talk right now?" "H-Hindi ako makapaniwala, d-diba inspektor ka?! Bakit... bakit mo pinatay yung lalake?! Ikaw dapat ang nagliligtas sa kanila hindi ba?! Kaya bakit--!" "You better stop right there, your voice is kinda annoying when its high pitch." Napakurap ako sa sinabi niya lalo na't makita kong inikot-ikot niya ang kanyang hintuturo sa kanyang tainga. "Okay go on." "G-Gusto ko nang umalis. Pakiusap, hayaan mo na akong umalis dito." Hindi ito nagsalita bago niya pinagkrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib. "That is not going to happen." "Ano?! B-Bakit?!" "You witnessed something you shouldn't see, pumpkin." Napanganga ako sa kanyang sinabi bago mabilis na tumayo mula sa kama. Sa pagtayo ko, ngayon ko lang napagtanto na iba na ang aking suot. Kailan pa ako nakabestida? Napaatras ako habang nakatingin sa kanya atsaka kaagad na kumaripas ng takbo papunta sa dalawang malalaking pinto. Pilit ko itong binubuksan pero nakalock. Nang lingunin ko ito, nanatili lang ito sa pwesto niya kaya mabilis kong tinungo ang malaking balkonahe niya. Sinubukan ko itong buksan pero ayaw parin. "There's no use in doing that, everything is lock." Kinakabahan akong naisandal ang aking sarili sa malaking pinto ng kanayng balkonahe atsaka ito muling nilingon. Ano ba ang naging kasalanan ko para maranasan ko 'to? Kung noon sobra kong hinahangaan ang lalakeng 'to pero ngayon... nandidiri na ako sa kanya na natatakot. Diyos ko, kaya niyang pumatay! "H-Hindi naman talaga kita kilala, k-kaya kong itago ang sikreto mo kung sino ka man, pangako 'yon. Wala akong pinangako na hindi ko tinutupad m-maniwala ka sa'kin." Desperada na kung desperada pero kailangan ko na talagang makaalis dito nang buhay. Bigla itong lumapit sa akin kaya hindi ko maiwasang mangapa. Paano kung bigla niyang galiitin ang leeg ko? Paano kung bigla niyang buksan ang balkonahe atska ako itulak don? Kailangan kong maka-isip ng paraan kung paano ako makakaalis. "Your eyes are uneasy. Are you thinking of ways on how to escape?" Napalunok ako bago mabilis na umiling. "You really are a bad liar; did you know that?" Napasinghap ako nang tuluyan na itong nakalapit sa akin. Parang kusang huminto ang aking paghinga nang ilang pulgada na lang ang layo niya. Hindi ko siya magawang tignan sa mata dahil paulit-ulit paring pumapasok sa aking isipan ang pagsaksak niya sa lalakeng 'yon kanina. "Surprisingly, you are actually pleasing in the eyes, Vleah." Nanlaki ang aking mga mata ko nang sabihin niya ang aking pangalan. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Hindi makapaniwala kong saad sa kanya at sa pagkakataong ito, nakatingin na ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na kakaiba ang kulay ng mga mata sa malapitan. Kulay kayumanggi pero may kaunting berde at ginto akong nakikita roon. Bigla niyang pinakita sa akin ang isang ID ko bago ito mabilis na binulsa atsaka mas akong akong tinitigan. Tinignan niya muna ang aking buong mukha bago napatitig sa mahaba kong buhok. Natural na kulot ang aking buhok, ito ang nakuha ko mula sa yumaon kong ina. Pero hindi ito masyadong kulot na parang sa aeta, maganda ang pagkakakulot nito kaya marami ang gustong-gusto ang buhok ko lalo na't mahaba ito. "Vleah Apricity Guerrero..." aniya bago hinawakan ang aking buhok atsaka ako tinignan ng deretso sa mata. "Do you want to live?" Pabulong niyang tanong na ikinalunok ko. "K-Kung sasabihin ko bang 'oo', palalayain mo na ako?" "No." Aniya dahilan upang tuluyan na akong mawalan ng pag-asa. "But if you can do something else for me then I'll probably consider it." Napalunok ulit ako. "A-Ano 'yon?" Nakita ko na 'to sa ilang mga palabas. Kung gagawin ko ang gusto niya, mabuti 'yon para mapahaba pa ang buhay ko. Saka ko naman paplanuhin na makatakas sa kanya. Diyos ko, bakit mo ba ako nilalagay sa mga ganitong sitwayson? Napatingin ako sa kamay niya nang may ipakita na naman siyang isang bagay sa akin. Nang makita ko ang kumikinang na diyamante roon, don ko napagtanto na hawak-hawak na niya ang singsing na pinaplano kong ibigay sa kanya. "You found my ring, so basically, you have to wear it." Ilang beses akong napakurap nang sabihin niya 'yon. "Ha? Bakit ko susuotin 'yan kung hindi ko naman 'yan pagmamay-ari?" "It's yours now, Vleah." Akin na ang mamahaling gintong singsing na 'to?! Hindi ba siya nagbibiro?! "I'm in a search of someone who's willing to be my wife and this ring fits perfectly on you when I put this in your finger earlier." "Kailan?!" "When you're sleeping?" "S-Siraulo ka ba?" Kinakabahan kong wika, dahil kung baliw 'to, mahihirapan akong pakisamahan 'to. Nakita kong mas lalong nawala ang emosyon sa mukha nito nang tanungin ko 'yon sa kanya. "K-Kasi bakit gusto mo akong mapangasawa eh hindi mo naman ako gaano kakilala?" "Do I really need to know you just for you to act as my wife? I guess not." Bigla itong napaatras atsaka tinungo ang isang mesa bago kinuha ang isang kopita sa ibabaw nito. "Decide, I don't have much time for this." Ramdam ko nang naiinip na ito kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang um-oo sa kanya. Nang lingunin niya ulit ako, bigla na lang itong lumapit sa akin atsaka kinuha ang isa kong kamay. Muntikan pa akong mapasinghap nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay. Sa isang idlap lang ay hinayaan ko ang estrangherong ito na ilagay ang gintong singsing sa aking palasingsingan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Baka naihi na ako dito kung hindi ko lang siya nakitang may pinatay na lalake kanina. "Don't remove that ring ever again until I say so, see you tomorrow morning on our wedding day," aniya atsaka ako mabilis na tinalikuran. "T-Teka lang! Hindi ko pa alam ang pangalan mo." Pagpipigil ko sa kanya dahilan upang mapahinto ito bago ako nilingon. "Dean. Dean Simon Gutierrez, but just call me Dean." Dean Simon... Naangkop sa pangalan niya sa ang kanyang hitsura, pero parang hindi sa ugali. Mala-anghel kasi itong pakinggan pero mukhang siraulo naman 'tong kaharap ko. "Teka! San ka nakatira?" "You can only ask one question about me each day. That's it for today," sabi niya atsaka muling naglakad paalis at patungo sa malaking kwarto ng silid niya. Hindi na lang ako kumibo bago napatingin sa singsing na nasa aking daliri. Bumili lang ako ng gamot sa botika pero heto at ikakasal na ako sa isang estrangherong inspektor na halata namang mamatay tao. Sa muli kong pagtingin sa direksyon niya, ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita itong mabilis na naglalakad papalapit sa aking direksyon. Napakurap ako at hindi maiwasang ibuka ang aking bibig upang magsalita pero sa isang idlap ay kinulong niya ang aking mukha gamit ang kanyang kamay atsaka ako hinalikan sa labi. Nanlaki ang aking mga mata sa bilis ng pangyayari ngunit nang maramdaman ko ang malambot na labi nito sa aking bibig, tuluyan ko na ring naisara ang aking mga mata. Nang lumayo na ito, halos mawalan ako ng balanse. Parang hinigop niya pati kaluluwa ko! "Be good." Bulong nito habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata atsaka ako tuluyang iniwan dito sa silid na nag-iisa. Napabuga ako ng hangin at hindi maiwasang masapo ang aking noo dahil parang bigla akong nahilo sa bilis ng pangyayari. Pero yung halik... Unang halik ko 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD