bc

Love at First Shot [SPG]

book_age18+
1.0K
FOLLOW
17.6K
READ
HE
mafia
bxg
kicking
witty
musclebear
surrender
like
intro-logo
Blurb

Sa isang engkwentro, hindi inaasahan ni Vleah Apricity Guerrero na magkukrus ang landas nila ng isang binatang inspektor na si Dean Simon Gutierrez. At dahil don, ang simpleng buhay ni Vleah ay tuluyang nag-iba. Now that she's involved with the inspector's chaotic personal life, will she be able to handle it now that she's also bearing Dean's unborn child? Hanggang kailan magagawang itago ni Vleah ang tungkol don ngayong may iba rin siyang matutuklasan tungkol sa totoo niyang pagkatao na mas lalong ikinumplika nang takbo ng kanyang buhay?

------------------------------

"You come to me, or I'll come to you, which is which Vleah? Decide while I'm still in control."

chap-preview
Free preview
SIMULA
VLEAH APRICITY'S POV "Bili na po kayo ng bananaque, mainit-init pa! Di po kayo bibili? Itatapon ko 'to!" Sigaw ko rito sa labas ng simbahan. Kaagad naman akong napangiwi nang hampasin ako ng tiyahin ko nang pamaypay. "Tong babaeng 'to talaga," aniya habang nakatingin sa akin. Napanguso na lang ako sabay kamot sa aking ulo bago muling sinubukang makakuha ng customer. "Vleah! Pabili ako, tatlo." Saad nong isang binatang bigla na lang lumapit sa pwesto namin. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa at kapansin-pansin ang pamorma nitong galing simba. "Bakit di mo na lang gawing lima?" Sabi ko atsaka kaagad na binalot ang limang banana que, hindi na nakatanggi ang binata nang ibigay ko na ito sa kanya. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang bayad, ramdam ko ang lagkit ng tingin nito sa akin at talagang sinadya pang hawakan ang kamay ko sa pag-abot ko ng sukli sa kanya. "Salamat!" Sabi ko atsaka mabilis na binawi ang aking kamay. Nang tumalikod na ito sa pwesto namin, kaagad na nawala ang pekeng ngiti sa aking labi. "Huwag ka nang babalik dito." Bulong ko sa hanging bago ito inirapan. "Vleah, ilang taon ka nang pinopormahan ni Felippe diba?" Rinig kong wika ng tiyahin ko sa aking tabi dahilan upang lingunin ko ito. "Oo, pero ayoko non, masyadong arogante hindi naman gwapo." Sabi ko habang tinatakpan ang bananaque namin. "Hayaan mo na, di na importante ang gwapong mukha ngayon, ang importante kaya kang buhayin." "Sabihin na nating mabibigyan nga niya ako ng maganda buhay, pero t'ya, yung lalakeng 'yon? Kahit ilamg milyones pa meron siya at 'yang pamilya niya, hindi nila mabibili ang mabuting asal. Kaya ayoko." Kaagad kong sagot bago pinunasan ang pawis na nasa aking noo gamit ang pamunas na nakasakbit lang sa aking leeg. Napatingin ulit ako sa aking tiyahin nang hawakan niya ang isa kong kamay. "Vleah, pasensya ka na ha? Hindi ko naibigay sa'yo ang magandang buhay na pinangako ko sa iyong ina bago siya nawala. Nahihiya ako dahil ako dapat ang bumubuhay sa'yo. Imbes na nag-aaral ka ngayon, heto at nanininda ka nang saging kasama ako." Kaagad itong nag-iwas ng tingin pagkatapos. Nang makita kong pati ito ay pinagpapawisan na dahil sa matinding init ng panahon ngayon, kinuha ko ang aking pamunas atsaka ko pinunasan ang noo niya. "To naman, parang hindi pamilya, ano ka ba t'ya, ayos lang ako. Sa panahon ngayon, di na importante ang diploma, ang mahalaga ay may diskarte at pananaw sa buhay." Panimula ko habang pinupunasan parin ang kanyang noo. "Tsaka maswerte nga ako sa'yo, pwedeng-pwede mo 'kong iwan sa bahay-ampunan noon pero hindi mo ginawa. Tinaguyod mo parin ako t'ya na parang sarili mong anak, kaya ano ka ba-- teka nga lang, magdadramahan na lang ba tayo dito o manininda?!" Kaagad itong napatawa sa huli kong sinabi atsaka mabilis na inagaw ang aking pamunas. Gusto ko siyang yakapin pero nanlalagkit na ang katawan naming dalawa sa init kaya dinaan nalang namin ito sa tawa. Ngunit ganon na lang ang pagkagulat naming dalawa at nang mga taong lumalabas sa simbahan nang may makita kaming isang lalakeng hinahabol ng tatlong pulis. Nagkagulo na ang lahat at pati kami ay hindi maiwasang kabahan lalo na't papunta sa aming direksyon ang lalakeng hinahabol. Nang tumama siya sa maliit naming stall, ganon na lang ang pagkagulat ko nang matapon ang lahat ng paninda namin. Sa pagbagsak niya, kaagad siyang nahuli nang tatlong pulis. Kaagad ko namang pinatayo ang aking tiyahin nang mawalan ito ng balanse dahil sa lalakeng hinuli. Nang lingunin ko ang mga saging na nagkalat sa daan, hindi ko maiwasang tignan ang mga pulis na bigla na lang umalis habang hawak-hawak ang suspek. "T-Teka lang! Paano naman yung paninda namin dito?" Sigaw ko sa kanila dahilan upang lingunin nila. Nakita kong napakamot sa kilay yung isa atsaka inutusan ang isa nilang kasamahan na lapitan ako. "Miss, pasensya na, pumunta na lang kayo sa presinto para--" "Ay hindi pwede, kami yung naperwisyo dito sir. Hindi ba pwedeng bayaran niyo na lang ang danyos dito? Nadamay kami ritong nang walang kaalam-alam." Kaagad kong tugon. Alam kong sa oras na pupunta ako ron, hindi na nila ako aasikasuhin. Paniguradong maghihintay ako sa wala. Mabuti nang dito na mismo. Sunod-sunod nang dumating ang tatlong sasakyan pampulisya atsaka huminto mismo sa tapat ng simabahan. Nakita kong ipinasok na sa loob ang lalake. "Sir, bayaran niyo na po. Hindi naman po 'to ganon kalaki." "Miss, wala akong dala rito. Pumunta ka na lang sa presinto para mabigyan ka namin." "What's going on here?" Natigilan kaming dalawa nang may isang lalakeng bigla na lang lumapit sa aming pwesto. Nang lingunin ko ito, halos hindi ko magawang ikurap ang aking mga mata nang makita ang mukha nito. Ang... ang gwapo... "I-Inspector." Nauutal na wika nong pulis sa lalakeng kakadating lang. Inspector ang lalakeng 'to?! Bakit sobrang bata pa ng inspector nila? "W-Wala pong problema rito, sir." Awtomatiko kong nilingon ang pulis habang nakakunot ang aking noo nang sabihin niya 'yon. "Teka, anong walang problema?" Saad ko atsaka tuluyang hinarapa ang sinasabi nilang inspector. "Sir, bata mo ba 'to?" tanong ko sa matangkad at guwapo at mabango at... at... Maghunosdili ka Vleah! Yung paninda mo! Napailing ako sabay pikit ng aking mga mata bago muling tinignan ang lalake sa aking harapan. "Yung paninda kong mga saging hindi ko na maibebenta dahil natapon na lahat. Naghahanap-buhay kami rito ng marangal tapos hindi niyo kami babayaran? Tsaka akong presinto? Kung pupunta ako don, hindi niyo ako aasikasuhin, pababalikin niyo lang ako sa susunod na araw hanggang sa tuluyan na niyo akong makalimutan." Mahaba kong paliwanag sa gwapitong lalake sa akin harapan. Pinagpapawisan na ako rito dahil sa init pero 'tong lalakeng 'to... Ang fresh parin tignan! Tsaka nasabi ko bang gwapo? "Vleah, w-wag na ayos lang 'to, hindi naman sinasadya." Pagpipigil sa akin ng tiyahin ko nang makita niyang hindi naman kumikibo ang inspector sa lahat ng mga sinasabi ko. "Pasensya na po kayo sa pamangkin ko ser--" "Ay hindi, hindi ako papayag t'ya, wag ka ngang humingi ng pasensya. Wala tayong makakain mamaya kung hahayaan natin--" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang makita kong biglang humugot ng wallet ang inspector sa aming harapan. Walang ka emo-emosyon ang mukha nito habang hinuhugot ang dalawang libong papel atsaka ito iniabot sa akin. "There, is that enough?" Aniya habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata. Napalunok ako nang makita ang malaking kantidad sa kanyang kamay eh kung tutuosin, nasa five hundred pesos lang naman ang kantidad nang mga saging na nahulog. Hindi na ako nagdadalawang-isip pang kunin 'yon kaagad atsaka binulsa. "Oo, tama na 'to, sobra pa nga eh." "I know, just keep it, you don't have to give me the change," aniya atsaka ako tinalikuran atsaka tinungo ang isang kotseng pampulisya na parang hindi lang siya nagwaldas ng dalawang libo. Kaagad naman siyang sinundan nong bata niyang pulis atsaka ko nilingon ang aking tiyahin. Pinanlakihan ko kaagad siya ng mata bago kinuha ang kanyang braso atsaka namin sabay na pinulot ang mga saging. "T'ya nakita mo 'yon? Ang gwapo!" Impit kong saad sa kanya habang pinupulot ang mga saging. "Ganon ang gusto ko t'ya, gwapo, matangkad, tsaka mabango." Dagdag ko pang bulong bago tumayo habang nakaharapan sa tiyahin ko. "Ang sarap siguro maging asawa non, t'ya no? Nako kung ganon kagwapo magiging asawa ko, hindi ako magdadalawang-isip magpabuntis!" "Ah, ineng." "Po?" Saad ko sa kanya. Nang makita kong may ininguso nito sa aking likuran, don na ako tuluyang natigilan dahil alam ko na kung ano ang ibig sabihin don. Dahan-dahan kong nilingon ang lalakeng nakatayo sa aking likuran habang nakapamulsa ang isa nitong kamay. "You dropped your handkerchief," aniya nang tuluyan ko na siyang hinarap. Y-Yung inspector... Bakit bumalik ka pang hayp ka?! Oh lupa, kainin mo na ako ngayon din! "You might want to get it right now, coz I'm leavin--" "A-Akin na!" Mabilis ko itong inagaw mula sa kany sabay tago nito sa aking likuran. "S-Salamat!" Nauutal kong sambit. Hindi ko na ito magawang tignan sa mata at ramdam kong namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya at hindi dahil sa init. Hindi na ito muling nagsalita pa at tuluyan na ngang umalis pagkapasok at pagkapasok nito sa loob ng sasakyan. "Magpapabuntis ka pa ba sa kanya, Vleah?" Bulong sa akin ng katabi ko. "T'ya naman eh! Bakit hindi mo sinabi sa akin na bumalik pala?!" Nahihiya kong saad na ikinatawa nito. "Aba malay ko ba at babalik 'yon?" Tinignan ko na lang ang lugar kung saan ko siya unang nakita, nang may mapansin akong makinang na bagay sa kalsada ay kaagad ko itong dinampot atsaka tinignan. Salubong ang kilay kong pinagmasdan ang isang singsing na may diyamante. "Totoo ba 'to?" Bulong ko sa aking sarili bago ito kinagat. "Totoo nga." Dagdag ko pa. Teka, hindi kaya pagmamay-ari 'to nong gwapong inspector? Baka nahulog 'to nong kinuha niya ang kanyang wallet. Ang singsing... Halatang pambabae. Habang nakatitig ako sa maganda gintong singsing na 'to na may nag-iisang diyamante, bigla ko na lang isinuot ito sa aking palasingsing. Hindi ko naman maiwasang mapakurap nang malamang saktong-sakto ito sa akin. "Vleah! Halika na at umuwi na tayo." Pagtawag sa akin ni t'ya. "Opo!" Saad ko bago dali-daling tinanggal ang singsing atsaka ito binulsa. Mukhang magkikita pa kami ulit... Isasauli ko lang ang dapat na sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
310.5K
bc

EASY MONEY

read
178.5K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.9K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

YOU'RE MINE

read
901.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook