CHAPTER 4

1559 Words
"Nasaan kana Adrian?" Inis kong tanong sa linya ng telepono habang naghihintay sa gilid ng gate namin. "Malapit na ako," he said on the line. Asar ko namang iniirap ang aking mata. "Kanina pa ko naghihintay rito." I hissed. He chuckled on the line. "Ayaw mo no'n? Mafeel mo man lang kung paano maghintay," he said. "Ha-ha, nakakatawa," sarkastikong usal ko at natanaw na ang sasakyan niya. Sumipol naman siya sa kabilang linya kasabay nang pagparke niya sa aking harapan. He lowered the windshield and wink at me. "Kalma lang prinsesa," he mumbled while still holding his phone. I rolled my eyes and drop the call then entered his car. "Bakit ka ba kasi natagalan ha?" Singhal ko sa kanya habang ikinakabit ang seatbelt ngunit hindi ito makisama. "Adrian!" I called in frustration and leaned myself at my seat in annoyance. Mahina naman s'yang tumawa at lumapit sa akin upang siya ang magkabit niyon. "Ano ba?!" asar kong sigaw nang ilapit niya ng todo ang mukha sa akin. "Ang init naman ng ulo mo master, dapat yung mga ganitong eksena kakabog yung dibdib mo habang nilalagay ko ang seatbelt mo," tumatawang wika niya at saka umayos ng pagkakaupo nang makabit na ang tali sa akin. "Kumakabog naman nga Adrian, kumakabog sa inis!" mahinang pagsigaw ko at sinamaan siya ng tingin. Heto na naman 'yong mga araw na trip na trip niya akong asarin. Bwiset! "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit ka natagalan." Pagpapaalala ko at saka kinutikot ang aking telepono. "Huwag kang mag-alala, wala akong ibang babae na pinuntahan," he said mockingly. "Isa pa Adrian tatablahin na kita." Pagbabanta ko. He chuckled and started to maneuvered his car. "Pasensya na, nag-asikaso pa kasi ako ng mga gamit para mamaya," tugon niya. I raised my left eyebrow and glance at him. "Bakit anong mayroon mamaya?" I asked curiously. "Gig," he answered simply. Napatango nalang ako at tiningnan muli ang aking cellphone. "What are you doing?" He asked. "Stalking Rafael's acc," agad kong sagot at hindi siya inabalang tingnan. Hindi naman siya muling umimik pa habang ako naman ay nakangusong tinitingnan ang mga post ni Rafael sa IG. "Kailan kaya ako magkakapicture rito sa IG niya?" Wala sa sariling bulong ko. "Huwag ka nang umasa Dae, magiging virua ka lang sa account niya," panunuya ni Adrian. Inirapan ko siya at inis na ibinalik sa aking bag ang cellphone. "Muk'a mo virus," I hissed. Tinawanan niya lang naman ako at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Kasalukuyan kami ngayong papunta sa kumpanya ni Daddy upang magsagawa ng SWOT analysis. "Dae," pagtawag sa akin ni Adrian pagkatapos ng ilang segundo. "Ano? Kung mang-aasar ka na naman Adrian itigil mo na. Oo, nasira mo na araw ko, happy?" Sarkastiko kong usal. He chuckled and glance at me before licking his lower lip. "Do you want to go later at my gig?" Malumanay na tanong niya sa akin. Natigilan naman ako at napatitig sa kanya. This is the first time he invited me on his activity. He lowered his speed, glance back and forth at me then to the road. "Kung gusto mo lang naman.." Namamaos niyang sambit. Napaisip naman ako saglit. "Sure, basta huwag mo na ako iinisin," wika ko. He laughed softly and tapped his steering wheel. "Deal," he said and smiled. It took us 30mins before we reached Dad's company. Agad ko siyang tinawagan upang ipaalam na nandito na kami. He told me to just go at his office directly. Sinabi ko naman 'yon kay Adrian. Sabay naming tinungo ang opisina ni Dad. Ang mga empleyado na nadadaanan namin ay kusang yumuyuko bilang pagkilala sa akin. "Dad," I called and gave him a smile when I finally entered his office. "Anak," nakangiting tawag niya pabalik at tumayo mula sa kanyang swivel chair. Sinalubong niya ako at saka niyakap bago pinatakan ng halik sa noo. "Hindi na kita masyadong naabutan sa bahay, masyadong hectic ang schedule ko this past few days. I am glad that you choose our company for this interview," he said and looked at Adrian. Tipid niyang tinapik ang balikat nito. "It's been a while buddy," he spoke. "Oo nga po ninong, kumusta po?" Magalang na tanong niya sa aking ama. Hindi ko naman maiwasang mapangiwi dahil doon. "Maayos naman. Ikaw kumusta? Si Andrei at ang mama mo nakabalik na ba galing bakasyon?" Dad asked. Nagbakasyon sila Tita? "Pabalik palang po mamaya," tugon ni Adrian. Dad chuckled and tapped Adrian's shoulder again. "Huwag ka nang magulat kapag may kasunod na si Cassandrei next month," panunuya ni Daddy. Tumawa nalang din naman si Adrian sa pagbibiro ng ama ko. "So should we start the interview my lovely students?" Daddy asked and point his open palm to the couch. Sabay naman kaming tumango ni Adrian at naglakad papunta sa sofa. Umupo kami roon habang nasa gilid na one seater sofa naman si Daddy. Kinuha ko mula sa aking bag ang papel at ballpen na inihanda ko para sa interview. We started asking Dad random questions about the company. Adrian asked about the external and internal origin of the company while I asked about it's strength, weaknesses, opportunities and threats. Hindi ko maiwasang humanga sa aking ama habang pormal niyang sinasagot ang aming mga tanong. Naisip ko rin kung magagawa ko bang maging katulad niyang propesyonal pagdating ng araw. Pakiramdam ko ay kulang na kulang pa lahat ng aking napag-aralan gay'ong nalalapit na ang aking pagtatapos. "Dae.." Adrian called my name as he tapped my lap. Napakurap ako at bumaling ng tingin sa kanya. "Tulala ka dyan," aniya. Doon lang rumehistro ang lahat sa akin. "Sorry, I was lost for a moment." Paumanhin ko. Daddy chuckled from his seat. "Seems like my daughter starting to imagine his position at the company," pang-aalaska ni Dad. Napanguso naman ako dahil roon at itinago ang aking mga gamit sa bag. "Do you think I can manage running a company in the future Daddy?" Hindi ko maiwasang itanong. He smiled at me and leaned on his seat. "Your mom doesn't know anything when she started working on a company. Big company to be exact but she swiftly manage to took care of it. So yes, you can," he answered. I rolled my eyes at him. "Bakit napasali si Mommy sa usapan?" Daddy chuckled and stood up from his seat. "Pasensya na anak, hindi maalis Mommy mo sa isip ko," he answered. I cringe because of that. Rinig ko naman ang mahinang pagbungisngis ng aking katabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "May usapan tayo Adrian," pagbabantang sambit ko rito. Agad niyang itinikom ang kan'yang bibig pagkatapos ay mahina nalang na napasipol-sipol. "I badly want to stay for a while with you two but I still have a conference meeting in 10 minutes from now," Daddy said while glancing at his watch. Tumayo naman ako at saka siya nginitian. "It's okay Dad. May pupuntahan din kami ni Adrian pagkatapos," wika ko at naglakad palapit sa kanya upang yumakap. Hinaplos niya naman ang aking buhok at pinatakan ng halik ang aking noo. "Was that a date?" Daddy teased. Mabilis akong humiwalay sa kanya at sinamaan s'ya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako at itinaas ang dalawang kamay niya bilang pagsuko. "I am just asking," he said innocently. Inirapan ko naman siya ng tingin at bumaling kay Adrian na mahigpit na nakakagat sa kanyang ibabang labi upang pigilan ang kanyang ngiti. Argh! Boys with the same feather indeed. *** "Saan ka tutugtog?" Tanong ko kay Adrian nang nakasakay na kami sa kotse. He automatically leaned forward to me to fix my seatbelt then went back to his seat. "I'll just bring you there Daeshaia. Don't be too much excited," he said. "Excited my ass. Malay ko ba kung ibebenta mo na pala ako sa sindikato," wika ko at kinuha ang aking cellphone sa bag. He chuckled and started his engine. "Bakit naman kita ibebenta? Hindi nga kita maku—asdfghjkl." "Huh? Ano 'yon?" Kunot-noo kong tanong sa kanya dahil humina iyon sa dulo. "Sabi ko walang bibili sa 'yo," he answered. "Ha-ha, nice joke," I mumbled and opened a message comes from Cassandrei. Rafael have a game today at our school gym. Napatitig ako roon at mahinang umirit. "Anong nangyari sa 'yo?" Tanong sa akin ni Adrian habang sinisimulang paandarin ang kanyang sasakyan. "Stop!" I yelled. Nagtataka man ay itinabi niya ang kanyang sasakyan upang tumigil. "May problema ba?" He asked. Nakangiti naman akong bumaling ng tingin sa kan'ya at ipinakita ang aking cellphone. "Rafael have a game, I need to go," usal ko at saka nagmadaling tanggalin ang seatbelt na suot. "I thought you're coming with me?" Napatigil ako saglit sa aking kilos at napabaling muli ng tingin sa kanya. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi at alanganing ngumiti. "I am sorry Adrian, maybe next time," I said. He let out a deep sigh and nodded. "Yeah, I almost forgot he's your priority," mahina niyang bulong. Nakaramdam ako ng guilt ngunit talagang ang laro ni Rafael ang inaalala ko sa ngayon. "Bawi nalang ako sa sunod Adrian, goodluck to your gig," I said and exited his car. "Take care," he said simply. Ngumiti naman ako at tumango bago siya tinalukuran upang maghanap ng ibang masasakyan. I am sorry Adrian but like you said, Rafael is my priority.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD