bc

DESTINED HEARTS (DS1)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
3.0K
READ
second chance
boss
drama
sweet
lighthearted
witty
slice of life
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Paano ba natin malalaman kung sino ang nakatadhana para sa atin?

Iyon ba ang taong nakakapagpabilis ng t***k ng puso natin o ang taong bumibilis ang t***k ng puso dahil sa atin?

Daeshaia Samaniego Castanio always get what she wants except for one thing; the love of the man she adore.

Ginawa na niya ang lahat upang mapansin ng binata ngunit talagang hindi iyon umuubra sa kanya. Her heart beats for him but the man doesn't feel the same way.

In the midst if being lonely and hurt, natagpuan niya ang lalaking palihim na nagmamahal sa kanya.

Is she destined to be his or destined to fight for who her heart beats?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"DAESHAIA!" Malakas na sigaw ni Mommy pagkasikat na pagkasikat ng araw. Napaungot nalang ako at tinakpan ng unan ang aking mukha. Five... four... three... two... "Daeshaia, ano ba bumangon ka r'yan! Ano na naman itong nabalitaan ko na ginagawa mo sa school? Nag-cutting ka raw? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Adrian ay hindi ko pa malalaman," mabilis niyang ani nang buksan ang silid ko. Ratatatata boogsh! phew! My ghad ang aga. "Hindi ka babangon d'yan? Ibebenta ko lahat ng sapatos mo," banta ni Mommy. Mabilis pa sa alas-kwatro akong bumangon. Agad kong nakita si Mommy sa bukana ng pintuan habang nakapamewang at nasa likuran niya naman si Adrian na may tinatagong ngiti sa labi. Traitor. Argggh!! Bakit ba ang galing manakot ng mga nanay. "Ano ba, Daeshaia? Kailan ka ba magseseryoso sa buhay? College kana anak hindi kana bata. Wala namang masamang gumimik, but you should prioritize your studies," puno ng pagpapaintindi niyang sabi. Napanguso naman ako at napatungo. I understand my mom. It's just... I badly need to go that time for something. "What's happening here?" I heard Daddy's gentle voice. Napaangat ako ng tingin at lalo pang napanguso nang nagtama ang aming mata. He automatically hugged mom from her side. "Hay nako, Daevon. Iyang panganay mo, ha. Unti-unting nagiging sakit sa ulo." Pagrereklamo ni Mommy sa kanya. Palihim naman akong napairap at binigyan ng masamang tingin si Adrian na hanggang ngayon ay may nakakalokong ngisi sa labi. "Hayaan mo na. Minsan lang naman, it's part of school life," mahinang sabi ni Daddy sa kanya saka palihim na tumingin sa akin at kumindat. "Nako, Daevon, kaya naman hindi natututo ang anak mo kasi lagi mong kinukunsinte. Hindi porke tinago ko siya noon sayo ay sobra-sobra mo na 'yang i-spoiled ngayon," mahabang lintanya ni Mommy. Napangiwi nalang ako dahil 'ayun na naman ang linya niya sa tuwing kakampihan palagi ako ni Daddy. Yeah, dahil sa misunderstanding nila ni Daddy noon. Hindi raw agad pinaalam ni Mommy ang pagdadalang tao niya sa akin. Hindi na naman ako nagtanong pa dahil hindi na iyon mahalaga sa akin. Seeing how inlove they are everyday, I don't care anymore about their past. I admit, I am a Daddy's girl. Ang kapatid kong si Yella ang mas maka-ina sa aming dalawa, though I also love Mommy. Natawa naman si Daddy bago ako binalingan ng tingin. "Sweetie, you should prepare now baka malate ka pa sa school mo. Adrian will give you a ride there," malambing na ani Dad. "Dad!" wala pa man ay naroon na ang pagtutol ko sa aking boses. "Why?" he asked innocently. Si Mommy naman ay agad nakaangat ang kilay na tumingin sa akin. Napahinga nalang ako nang malalim at napailing. "Nothing, I'll prepare now," I mumbled and pouted my lips. Wala nga akong kapatid na lalaki. May kababata naman. Haaaays. Daig pa tatay kung makapaghigpit. "Good. Nasa baba na ang kapatid mo, sabay-sabay na kayong pumasok sa klase," Dad stated and walked towards me. Bahagya siyang yumukod at hinalikan ang aking noo. "Study well, sweetie," malambing niyang sambit saka bahagyang ginulo ang aking buhok. Tipid naman akong ngumiti at tumango. "I'm sorry, Dad. It's just I need to do some errands that time." He smiled warmly at me and caressed my face. "It's okay and I hope you also understand your mother. Ikaw lang din ang iniisip niya," he explained. Ngumiti naman ako at tumango. "I understand, Dad" . "Apologize to her later," he whispered. "I will," tipid kong sagot at ngumiti. Tanging ngiti nalang din ang binigay sa akin ni Daddy bago siya bumalik sa tabi ni Mommy. "Come on, let's go. Let our daughter prepare in peace," pakinig kong bulong niya kay Mommy saka isiniksik ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg nito. Napahinga nang malalim si Mommy at sumama sa paghatak ni Daddy paalis dahilan para maiwan si Adrian sa aking silid. "Ang sama-sama mo talaga," inis kong singhal at inihagis sa direksyon niya ang isa kong unan. Ang loko, tatawa-tawa lang. Napailing nalang ako sa kanya. "Basag trip ka kahit kailan," I added. Nilimot niya ang aking unan saka iyon pinagpag at naglakad palapit sa akin. "What? Dapat nga magpasalamat ka sa akin kasi hindi sa ibang tao nalaman ni Ninang ang ginawa mong pagka-cut," pagrarason niya at pasalampak na humiga sa aking kama. I rolled my eyes at him and then I stood up from my bed. "As if may iba pang magsasabi, Adrian. As if," I said and he just gave me his soft chuckle. "Galit kana niyan?" nakangisi niyang pang-aasar. "Palagi akong galit sa 'yo, hindi mo ba alam?" sarkastiko kong wika saka naglakad papunta sa aking walk in closet upang kumuha ng damit na susuotin pagpasok. "Wake me up when you're done," he uttered as he slowly closed his eyes. "Tss! Ano puyat pa sa video games," asik ko at pumasok sa loob ng cr. Sanay na ako presensya ni Adrian kaya hindi na bago sa akin ang pagpasok niya sa aking silid at pagtulog-tulog sa kama ko. Ugali na niya iyon noon pa man, well ganoon din naman ako kapag ako ang nasa bahay nila. Madalas ay sa kwarto niya rin ako umiidlip sa tuwing inaabutan ako ng antok doon. *** "HEY," mahinang sambit ko at tinapik siya sa binti. I'm already done fixing myself. Dahan-dahan naman siyang nagmulat at mabagal na bumangon. Pinasadahan niya ako ng tingin at agad na kumunot ang kanyang noo pagkatapos. "Iyan ang susuotin mo?" salubong na kilay niyang usal. Nagtataka ko namang tiningnan ang sarili ko. I am wearing a croptop hanging blouse paired with my highwaisted maong jeans. Hindi mahigpit sa dress code ang school na pinapasukan namin depende nalang kapag may mga defense kaming gagawain. "What? Ayos naman suot ko, ah?" Umigting naman ang kanyang panga at marahan na napailing. "Change your top, Daeshaia," he simply said with a warning in his tone. Napaawang ang aking labi at inis na tumingin sa kanya. "Why would I?" Napahilot siya sa kanyang sintindo. "Just change, Daeshaia, or else I will ripped that fvckin top and dressed you properly." Natigilan naman ako at napapikit nang naalala noong isang beses na hindi ko siya sinunod. He literally ripped my blouse like what he said. Inis akong nagpapadyak at muling bumalik sa closet ko. "You are really an expert in ruining my mood, Adrian," I hissed. "School ang pupuntahan natin, Daeshaia, hindi galaan. You should dress properly even though we don't have a strict dress code," I heard him mumbled from the bed. Umirap nalang ako saka kinuha ang isang simpleng vneck tshirt sa aking damitan. "Yeah, yeah, Mister School President," I mocked and change my top inside my closet. What a fvckin good start for this day indeed. I sarcastically thought in my head. *** "BUSANGOT na naman ang mukha mo." Tumatawang puna sa akin ni Cassandrei, Adrian's sister, nang m nakasakay sa sasakyan. Ito ang kalimitang routine namin sa tuwing kay Adrian kami sasakay ng kapatid ko. Mauuna siya papunta sa amin at dadaanan nalang muli ang kapatid niya pagkatapos. I just rolled my eyes on the passenger seat. Magkatabi sila ng kapatid kong si Yella sa likuran. "As usual sinira na naman ni kuya ang umaga mo," natatawang dagdag niya. Adrian quickly scoffed. Tinarayan ko naman siya ng tingin bago muling itinuon ang atensyon sa kalsada nang sinimulan niyang paandarin muli ang sasakyan. "Tell me, Yella, what did kuya do this time?" natatawang pagchika ni Cassandrei sa kapatid ko. "Luies," I warned dahil naaalala ko na naman pagkainis ko sa aking katabi. "Damn it. Walang tawagan ng second name, Dae," she sulked. Palihim nalang akong napangiti. "Kuya just reported Ate to Mommy for cutting her class. 'Ayun nag-almusal si Ate ng sermon," natatawang sagot ng kapatid ko. Nakitawa naman sa kanya si Cassandrei. "E 'di busog na busog ka, Dae?" pang-aasar niya mula sa likod. Hindi naman nakaligtas sa aking pandinig ang pagtawa ng katabi ko. "Tanong mo sa kuya mo, pinanuod niya ako kung paano mag-almusal kanina," sarkastiko kong sagot na ikinatawa naman nila. "Pinagmumukha niyo naman akong kontrabida," Adrian butted in. Hindi ko alam kung ilang beses na akong umirap pagkagising ko dahil sa lalaking ito. "Hindi pinagmumukha dahil kontrabida ka talaga," I said and lowly groaned in the end. Natawa lang naman siya habang nasa kalsada ang kanyang paningin. "Oh my ghosh!" Yella shrieked behind. Kunot-noo ko naman siyang sinilip sa salamin ng sasakyan. Hawak niya ang kanyang telepono at busy sa pagpipindot doon. "What happened?" sabay na usisa namin ni Cassandrei. Tumingin naman sa akin si Yella at abot tengang ngumiti. "Panigurado gaganda na ang mood mo, ate." Umangat naman ang kilay ko dahil sa ngising binibigay niya sa akin. "Marish just texted me. Kuya Rafael will have a game later at the gym," she stated. Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi. Tila sa simpleng balita niyang iyon ay nabura lahat ng masamang simula ng araw ko. Marish is Rafael's sister. Halos magkakaedad lang sila ng kapatid ko at ni Cassandrei. "Really?" excited kong sagot. Tumango-tango naman sa akin si Yella. "Mamayang 2pm," she informed. "Wala ka bang klase sa oras na 'yon?" Cassandrei asked. Napaisip naman ako at lalong napangiti nang sumakto na wala akong klase sa oras na iyon. Umiling naman ako at pare-pareho nalang kaming umirit. "Makikita mo na naman crush mo," tukso sa akin ni Yella. Yes, may gusto ako kay Rafael. Tulad nang sinabi ko, may gusto ako sa kanya at hindi iyon lingid sa kaalaman ng mga nakapaligid sa amin kaya naman hindi ko ito tinatawag na kuya kahit pa mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Siya na nga lang 'ata hindi nakakaramdam ng feelings ko. "Tss!" I heard Adrian scoffed on his seat. I rolled my eyes at him. "Oh, wala akong klase. Baka mamaya kung ano na naman ang maisumbong mo kay Mommy." Pagtataray ko sa kanya. I raised his eyebrow and glanced at me. "You'll definitely cut your class again for sure kung nagkataon na may klase ka sa oras na iyon," he mocked with annoyance in his tone. Yeah, the reason why I always missed my class was because of Rafael. Championship kahapon ng basketball na sinalihan niya kaya naman bilang isang number one taga hanga niya ay hindi ko inattendan ang klase ko at nagpunta sa kanyang laro upang sumuporta. "But I don't have this time. I'm safe." Pang-aasar ko pabalik at pinili nalang makipag-usap sa dalawang nasa likod upang ibalik ang sigla ko dahil sa balitang sinabi ni Yella. Sana this time mapansin niya na ako bilang isang babae na may gusto sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
88.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook