CHAPTER 5

1338 Words
Sigawan dito, lundagan doon. Isang tipikal na eksena sa isang gym kapag may naglalarong basketball players. Agad akong nakisiksik sa mga nagkakagulong tao upang makahanap ng bakanteng upuan, sa kinamalasang pagkakataon ay aksidente akong naitulak ng isa sa mga maiingay na tagahanga ng mga manlalaro dahilan para mapaluhod ako sa sahig. Napangiwi ako kasabay ng aking pagnguso dahil ito ang unang pagkakataon na nasugatan ako dahil sa pakikipagsiksikan. Itinayo ko ang aking sarili at maingat na sumiksik muli sa mga tao hanggang sa tuluyan na akong nakaupo. Agad akong napangiti nang nasilayan si Rafael na kasalukuyang nagdidribol ng bola. "GO RAFAEL!" malakas na sigaw ko na ikinakuha ng atensyon niya. Saglit niya akong tiningnan at nginitian bago nagtatakbo palusot sa mga kalaban. "GO MY MVP!" I cheered again. Hindi ko alam kung bakit pero ang mapanuod siyang maglaro ay sapat na sa akin para buuin ang araw ko. He's indeed my happy pill. Nagsimula akong humanga kay Rafael no'ng tumuntong ako ng hayskul. Masyado niyang nakuha ang aking atensyon nang napanuod ko siyang maglaro ng basketball. Doon nagsimulang tumibok ang puso ko para sa kaniya. Madalas ko rin siyang nakakasama sa tuwing may family gatherings kami, magkakaibigan kasi ang mga nanay namin nina Adrian at sa kaniya. Gustong-gusto ko kung paano niya igalang ang mga babae marahil ay dahil namana niya iyon kay Tito Zenoah. Paulit-ulit kong isinigaw ang kaniyang pangalan sa tuwing makakapuntos siya at nakikisali sa panunuya sa kabilang grupo kapag naaagaw nila ang bola o kaya nakakapuntos sa kanila. Tulad ng madalas na nangyayari sa kanilang laro, natapos ito at itinanghal silang panalo. Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Rafael habang nakikipagtapikan sa kaniyang mga kasama. Ako naman ay tumayo narin sa aking upuan upang lapitan siya, mayroon sa aking sistema na nagagalak dahil naalala ko ang kaniyang ipinangako na sasamahan na niya ako sa sunod naming pagkikita. "Hi!" I greeted cheerfully when I reached the ground. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang aking buhok. "Long time no see Daeshaia, malakas ka paring sumigaw," natatawang sambit niya. "Ako pa, ikaw kaya the best player para sa akin," pagmamalaki ko sa kaniya. He chuckled and pinched my nose. "Silly," aniya at kinuskos ng towel ang kaniyang batok. Natigilan pa siya saglit kasabay ng pangungunot ng kaniyang noo 'tsaka tumingin sa akin. "Saan ka nadapa?" He asked curiously. Doon ko lang naalala ang nangyari sa akin kanina. Sa isang iglap ay naramdaman ko ang kaunting hapdi sa aking tuhod kaya napatingin ako roon. Napaawang ang aking bibig nang nakita ang pamumula ng aking tuhod na may kasamang galos. I was taken a back when Rafael kneeled in front of me and examined my knee. "Aksidente kasi akong naitulak no'ng nakikipagsiksikan ako kanina," mahina at kagat-labing sabi ko. "Where's Adrian?" He asked. "May gig," tipid kong sagot. He took a deep breath and stand up. "Let's go, I'll treat your wound," he said and gently held me on my arms. Wala naman akong nagawa kung hindi ang magpadala sa kaniya. Halos liparin pa ang aking utak sa kaba dahil sa kamay niyang nakahawak sa akin. Pumasok kami sa player's area kung saan doon nagpapalit o namamahinga ang bawat players na kakampi niya. "Oh, si Daeshaia pala 'to. Kumusta?" Bati sa akin ng isa niyang kasama habang nag-aayos ng gamit. Nahiya pa ako ng kaunti dahil hindi ko siya kilala bagamat alam kong kakampi siya ni Rafael. Mabuti na lamang at walang nagpapalit ng damit sa ilan niyang kasama na natira rito sa loob. "Okay lang," tipid kong sagot. "Upo ka," wika ni Rafael na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kaniya. Sinunod ko naman ang kaniyang utos. Pinanuod ko siyang maglakad tungo sa kaniyang locker at binuksan 'yon pagkatapos ay may inilabas siyang maliit na case na nasisiguro kong first aid kit. "Oh? Napa'no 'yan?" Tanong ulit ng kasama niya nang napansin ang aking tuhod. "Nadapa po," tugon ko. "Umuwi kana Rosales," ani Rafael at lumuhod sa aking harap. Nanunuyang sumipol 'yong player na tinawag niyang Rosales at tinapik siya sa balikat. "Gustong masolo si bebe, sige na nga pagbibigyan," mahinang bulong niya ngunit narinig ko rin naman. Nag-init ang aking mukha dahil doon. "Oh! Tara na, labas na tayo kahiya naman kay master!" sigaw niya sa mga kasamahan. Nagtawanan naman sila at sunud-sunod na lumabas dahilan para maiwan kami ni Rafael sa silid. Napailing nalang si Rafael at inilabas ang isang bulak at alcohol sa case. Binasa niya ang bulak gamit ang alcohol at ipinahid sa gilid ng aking gasgas. Pagkatapos ay muli siyang kumuha ng panibagong bulak at betadine naman ang kaniyang inilagay 'tsaka iyon maingay na idinutdot sa mismong sugat. "Sorry," he murmured when I flinched. "Okay lang," usal ko at nakagat nalang ang aking labi sa tuwing didikit ang bulak sa aking sugat. Nang matapos sa ginagawa ay muli siyang tumayo at nagtungo sa kaniyang locker. Mula roon ay kinuha niya ang isang scarf na kulay abo at saka bumalik sa aking harapan. Itinupi-tupi niya 'to bago maingat na itinali sa aking tuhod. "Done," he said and gave me a simple smile. "Thankyou," sinserong sagot ko at ngumiti pabalik. Ibinilik niya ang mga gamit sa case at inilagay 'yon sa kaniyang locker. "Will Adrian pick you up?" He asked. Umiling naman ako bilang sagot at nakaramdam ng kaunting guilt dahil naalala ko na naman ang pang-iiwan ko sa kaniya kanina. I heard him sigh then presented his hand in front of me, "Tara, hatid na kita." I blinked twice and slowly handed my hand to him. "Ahmm, why don't we have our snack first?" Tanong ko nang nakabawi sa gulat. He stared at me and licked his lower lip like he's torn between doing two things. "Okay," tipid niyang sagot 'tsaka inilipat ang kaniyang kamay sa aking braso. Palihim akong napanguso habang naglalakad kami palabas ng silid. Dapat holding hands nalang. Tsk! Tulad nang napag-usapan, dumaan muna kami sa isang cafe. "Ako na ang oorder," he said and stood up from his seat. Hindi naman ako nakipagtalo pa at sinabi nalang ang sa akin. I am smiling from ear to ear as I watched him walked to the counter. Matagal ko ng hinihiling na makasama siya kahit saglit ng kami lang sa isang lugar. Kung meryenda man ito para sa kaniya ay date na ito para sa akin. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan siya ng litrato habang nakatalikod at umoorder. I posted it on my IG with "Coffee with my MVP" caption. Everybody knows that I like Rafael so I didn't bother to hide it. Agad ko ring itinago ang aking cellphone pagkatapos n'yon at inantay si Rafael na makabalik dala ang aming inumin. *** "Thanks," ani ko nang nakababa sa sasakyan ni Rafael at pinanatiling bukas ang passenger's door. Nandito na ako ngayon sa harapan ng aming bahay. "Welcome and thankyou too for always supporting me Dae," he sincerely said from the driver seat. "Siyempre MVP kita!" Puno ng galak kong sigaw upang ipakita sa kaniya ang kasiyahan ko. Mahina naman siyang tumawa at tumango. "Sige na, pasok kana. I'm going," pamamaalam niya. Nakanguso naman akong tumango at sinaraduhan ang pinto ng sasakyan. "Ayaw mo bang pumasok muna sa bahay?" Pagyayaya ko sa kaniya. Tipid niya naman akong nginitian. "Next time, I will. Promise," he said. Kahit papaano ay natuwa akong muli sa sinabi niya. He promised again! "Okay, ingat ka sa pagmamaneho. Papakasalan mo pa ako," walang hiya kong sabi. He chuckled and shake his head with disbelief. "I'm going, bye," aniya at sinimulang patakbuhin ang kaniyang sasakyan. Nanatili naman ako sa labas ng bahay namin at tinanaw ang kaniyang sasakyan hanggang sa mawala iyon sa aking paningin. Bumaling na ako at naglakad papasok sa aming bahay nang natigilan ako sa sunud-sunod na pagtunog ng aking telepono. Kunot-noo ko 'tong kinuha sa aking bag at tiningnan. I was frozen in my place as my heart skipped a beat when I read Cassandrei's message. Kuya Adrian is in the hospital..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD