Mamahalin mo lang ba ang isang tao nang na-aayon sa kanyang hubog at pantasya. Pilit mo bang babaguhin hindi lang ang likas niyang hitsura kundi ang buo niyang pagkatao. Sumakto lamang ito sa iyong ninanais. Masasabi mo bang mahal mo siya sa kabila ng kanyang depekto o pagkukulang? Napahigpit ang kapit ng binatang si Razel sa manebela habang binabaybay ang daan pauwi sa kanyang condo. Pinatay niya ang FM radio sa kanyang kotse. Para bagang sumasalamin ito sa kaniyang sarili at sa pagkatao ni Alyana. Maganda si Alyana, sexy, mabait. Ngunit may isang bagay na wala sa babae. Iyon ay ang kakayahan nitong magka-anak. Sa kabila nang lahat ay maganda ang dulot nito sa kanya. Magmula nang dumating ang babae sa buhay niya ay iniiwasan na niya ang bisyo. Natatagpuan niya ang sarili na nakapokos l