Isa sa mga nagtatayugang gusali sa BGC restaurant saTaguig ay makikita na pa-pungas pungas si Donya Caredad na nakaupo at pasimple niyang nililingon si Mrs. Montenegro na may kausap na kliyente sa kabilang table. Bigla siyang umiyak at hawak pa nito ang dibdib malapit sa puso. "T-tulong.. Tulong..N-nahihirapan akong huminga.." Impit nitong saad kung kaya't nakaagaw siya nang atensyon na na roon at lahat ay lumapit sa kanya. "Call the ambulance!" Utos ni Donya Benilda. Ngumiwi si Caredad at hinawakan niya ang kamay ni Donya Benilda at mas lalo pa niyang ginalingan ang pagda-drama kaya't sunod-sunod ang luha nito. Bigla naman nahabag ang ginang at pinahirapan niya ang luha ni Caredad gamit ang panyo niya at inalo ito. "H-huwag mo na akong dalhin sa ospital, ma'am. Alam mo na pagtumatand