Limang araw nang nakakulong si Alyana kasama ang mga taong hindi niya kauri. Nanatili lang siyang nakasiksik sa gilid na parang batang iniwan ng nanay. Ang lahat ng kanyang pinagdaanan ay parang gunita na biglang nagbalik sa kanya. Pinagmamasdan niya ang mga ito na parang mga kiti-kiti sa subrang likot. Minsan mas gusto niya na lang mapabilang sa mga ito, sa paraan na iyon ay makalimutan niya ang lahat ng pasakit, nakakatawa man sa iba pero ang mga kagaya ng mga taong ito ay nakakaawa. Hindi mo alam ang totoong storya ng bawat isa pero alam niya na katulad niya ay malalim din ang mga pinagdaanan ng mga ito kaya humantong sa ganitong sitwasyon. Tumunog ang padlock kaya napaangat siya ng tingin at bigla siyang tumakbo sa mga nurse at nakiusap pero tinabig lang siya ng mga ito. Napaatras si