Kabanata 1
Mataman na tinitigan ni Alyana ang pagtakbo ng orasan na nakasabit sa taas ng pinto. Ang maliit na kamay nito ay tumigil sa ika- tatlo hudyat na magbubukang liwayway na, ngunit nanatiling mulat ang kanyang mga mata kaya mula rito ay dinig niya sa kabilang silid ang mga ungol ng asawa at ng kabit nito.
Gabi-gabi niya na lang naririnig ang mga halinghing sa kabilang kuwarto. Siya ang asawa subalit iba ang katabi sa kama.
Pagod na siyang umiyak. Pagod na siyang magtanong. Pagod na siyang lumuhod sa tinatawag nilang diyos. Dahil katulad sa mga nakalipas na taon, walang nagbago sa takbo ng buhay niya— ignorante at walang silbi!
Paano nga ba sila umabot sa ganito? Ang dating masayang pagsasama nila.
Ang dating mga puno ng tawanan nila sa kuwartong ito ay parang bula na biglang naglaho. Kasabay ng pagbago ng panahon, ay ang pagbago ng pagtingin nito sa kanya. Dahil sa hindi niya ito mabigyan ng anak. Dahil baog siya! Pakiramdam niya, siya na ang pinakawalang kuwentang babae sa balat ng lupa. Ngunit kahit anong hirap at pasakit ang pinagdadaanan nito sa kamay ng asawa niya ay nanatili siyang umaasa na baka muling bumalik ang pagmamahal ng asawa niya sa kanya. Mahal na mahal niya ang asawa niya, at handa siyang sumugal at magtiis.
***
NANG marinig niya ang pagtilaok ng manok ng kanilang kapit-bahay ay bumangon na siya upang maghanda ng umagahan.
Pagkatapos niya magluto ay naglagay na siya ng pinggan sa hapag na siya namang pagbaba ng asawa niya at ng bago na naman niyang babae.
Nagmistula siyang katulong sa sarili niyang pamamahay habang naghihintay ng iuutos ng asawa nito at ng kabit niya. Kung may ibang tao ang nakatingin sa kanila ay iisipin nilang sila ang mag-asawa at siya ay ultimong tagasilbi lang.
“Kumain ka sa kusina, Alyana, may kasal tayong dadaluhan!” singhal ng asawa niya.
“Kumain na ako,” mahina niyang sagot at dumiretso sa taas upang maghanda dahil invited sila sa kasal ng anak ng gobernador.
“Tatakbong mayor ang asawa niya sa susunod na buwan dito sa lungsod kaya kapag ganitong may mga event itong dadaluhan ay kailangan niya isama si Alyana para walang maipintas ang mga tao sa kanya kailangan niya ng maganda at mabangong pangalan para makuha ang boto ng mga mamamayan.
***
BUMABA sila ng sasakyan at agad na pumasok sa Makiling Cathedral kung saan idadaos ang nasabing kasal.
Lihim si Alyana napangiti nang dumantay ang palad ng asawa niya sa kanyang bewang. Sa tatlong taon na lumipas ay mabibilang lang sa daliri niya ang mga ganitong senaryo ang pagkakalapit nila sa isa't-isa.
Simula kasi no’ng sabihin ng doktor na hindi siya magkakaanak ay bigla itong umiwas sa kanya hanggang sa lumamig ito ng tuluyan.
“Good morning, Mr and Mrs. Bargas.”
“Good morning!” masiglang bati nilang mag-asawa pabalik sa mga ito marahil ay ang mga empleyado niya ito sa munisipyo.
Umupo na sila at hindi maiwasan lumikot ang kanilang mata sa paligid. Napakaganda ng pagkaka-arrange. Halatang pinaghandaan dahil napakabongga.
Napalingon si Alyana sa magandang boses na bumabalot sa loob ng simbahan, may lalaking kumakanta sa gilid na kung hindi siya nagkakamali ay Beautiful in White ang title.
Kasabay no’n ay ang pagbukas ng malaking pinto at tumambad ang babaeng nakasuot ng puti at nakabelo ang mukha.
Napabuntong hininga siya, hindi niya maiwasan ang mainggit. Dati kasi isa sa mga pangarap niya ay ang maglakad papalapit sa altar. Gusto niya maranasan ang magsuot ng puting gown. Pero hanggang pantasya niya na lang iyon, kasal na siya., Ikinasal na sila sa huwes ni Joseph kaya malabong ikasal siya ulit. Isa pa, napakakunat ng asawa niya para gumastos ng ganito ka-engrandeng kasal kaya alam niya na hindi na iyon mangyayari.
Natapos ang seremonya at kanya-kanyang kuha ng litrato ang mga tao.
Napapalibutan sila ng maraming kamera at may mga bloggers rin ang kumukuha sa kanila at sa iba pang naroon dahil sikat daw na artista sa syudad ang ikanasal at dito lang ginanap sa probinsya.
Napamaang si Alyana ng hawakan ng asawa niya ang mukha niya at hinaplos nito ang pisngi niya sabay ng pagbulong.
“’Wag mo akong ipapahiya,” mahina pero madiin niyang pagbabanta kay Alyana at bigla niya itong dinampian ng halik sa labi at ng tumingin ito sa kanya ay ngumiti nang matamis.
Pilit siya na ngumiti pabalik, dahil nakuha nito ang gusto nitong ipahiwatig. Kailangan nilang magkunware na walang problema, na masaya sila sa harap ng kamera dahil may pangalan siyang iniingatan.
“Sir, pa-picture daw po kayo,” baling sa kanila ng lalaking may hawak na kamera at may lalaking rin ang nag ayos sa kanila para makuhaan sila ng magandang litrato at sa gitna ang bagong kasal habang sila ay nasa gilid at magkatabi ang asawa niya at si Gov.
“Sir, hindi po kayo masyado makita. Urong pa po,” sabi ng photographer sa katabi ni Alyana kaya umurong pa siya papunta sa asawa niya at umurong din ang lalaki papunta sa kanya kung kaya't nagdikit ang mga braso nila at sabay silang napatingin sa isa't-isa.
Parang tumigil ang oras nang magtama ang kanilang mga mata.
Sobrang guwapo niya! Ang kulay abo niyang mga mata ay parang nangungusap, ang tangos ng ilong, mapupula ang mga labi na parang ang sarap halikan., Ang balat niya ay kakaiba kisa sa mga balat ng mga tao dito sa bayan, halatang hindi siya taga rito. Halatang galing ito sa marangyang pamilya.
DUMALO sila mag-asaw sa reception at agad silang sinalubong ng mga staff at umupo sila sa bilog na mesa na subrang ganda ng pagkadisenyo.
Tumayo ang asawa niya at iniwan siya sa mesa kaya tumayo siya upang kumuha ng makakain.
Namimili si Alyana ng pagkain nang hindi sinasadyang may nasiko siyang tao sa gilid kaya siyang humingi ng paumanhin at yumuko pa siya nang bahagya.
“Are you alright, Miss?”
Nag-angat siya ng mukha at bigla siyang napalunok nang makita niya na naman ang lalaking may kakaibang mata. Tumango si Alyana nang mapagtanto niya ang kanyang tanong.
“I'm Razel Montenegro. Nice to meet you!” nakangiti nitong sabi sabay lahad ng kanyang kamay.
Mas lalong nakadagdag ang kaguwapuhan niya nang sumilay ang puti at magandang hulma ng mga ngipin nito na animo'y sadyang inilagay.
Walang makapa na salita si Alyana dahil nakakalutang ang dating nito, ang lakas-lakas ng karisma niyang taglay.
“H-hi,” mahina niyang sagot at inabot ang kamay nito.
Ang lambot-lambot ng kamay niya., Biglang napahiya si Alyana dahil magaspang ang kamay niya at may kalyo pa dulot ng pasari-sari niyang ginagawa sa loob ng bahay.
Naramdaman niya ang pagpisil ng binata sa kamay niya, habang hindi maalis-alis ang ngiti sa labi nito. Natuon ang atensyon nito sa kamay niya na hawak ng binata kung saan ay pansin ang singsing niya.
“You’re m—married?” nauutal niyang tanong kaya binawi niya ang kamay.
“Oo,” pagtatapat niya.
Nawala bigla ang ngiti nito sa labi at bigla itong semeryoso nang magtama uli ang mga mata nila.
“I see,” wika niya at agad na tumalikod at umalis.
Sinundan niya ito ng tingin at bigla itong nalungkot nang unti-unting mawala ito sa paningin niya.
***
LIMANG buwan na ang nakalipas mula nang matalo ang asawa niya sa halalan. Lalo itong naging bugnutin at madalas siya saktan. Nagiging apat ang katawan niya dahil sa samu't-saring ipinag-uutos nito at kapag hindi agad nasusunod ay masasaktan na naman siya.
“Alyana, bilisan mo naman mali-late na tayo! Magagalit na naman si Mommy.”
“Andyan na ako, Honey!” sigaw niya at lumabas na ng kuwarto at bumaba ng hagdan habang kinakabit niya ang bra sa likod.
“Ba't kasi ang kupad mong kumilos?” iritadong tinig niya.
“Paano kasi paiba-iba ka ng sapatos kaya pabalik-balik akong magsuot sa paa mo,” paliwanag ni Alyana.
“At kailan ka pa natutong sumabat?
“Hoy, Alyana! Baka nakakalimutan mong ako ang nagpapalamon sa ‘yo, kaya wala kang karapatan magreklamo dahil trabaho mo 'yan! Naiintindihan mo?”
“O-oo. N-nasasaktan a—ako!” daing niya sa asawa na sobrang nanglilisik ang mga mata.
“Talagang masasaktan ka kung hindi ka susunod! sigaw niya sa mukha ni Alyana kaya napatango-tango siya habang hawak niya pa rin ang panga ni Alyana at pabalibag niya itong bitawan kaya napasapo siya roon pakiramdam niya magkakapasa na naman siya kinabukasan.
Mabilis na sumunod si Alyana palabas ng bahay at nagmamadali niya ni-lock ang pinto at binuksan ang gate para makadaan ang kotse at mabilis niya uli itong sinarado at halos liparin niya ang kalsada sa pagitan niya at ng sasakyan.
Hingal niya na binuksan ang pinto at umupo siya sa front seat katabi ng asawa niya, dahil baka magalit na naman ito sa kanya dahil sa ayaw nitong pinaghihintay.
PAGKARATING nila sa mansyon ay maraming mata ang nakatingin sa kanya, sa kanila, hindi para purihin kundi ang matahin at laiitin.
“Son, finally, you're here. Kanina pa ako nababagot sa kakahintay sa ‘yo, andito ang mga amigas ko, gusto ka nilang makita. Remember Priscilla---” dinig niya ang papalayong boses ni Ma'am Caridad ang nanay ng asawa niya. Ang biyenan niya na animo'y may virus na nakakahawa kaya hindi siya magawang tapunan ng tingin.
Napabuntonghininga na lang siya nang sumama rito ang asawa niya na parang walang kasama, na parang hindi siya asawa. Ano pa nga ba? Tatlong taon na nilang mag-asawa at sa tatlong taon na ‘yon ay parang hindi pa siya sanay!
“Oh! The baog wife is here! Nice outfit though,” taas kilay nitong sabi at pinasadahan si Alyana ng tingin mula ulo hanggang paa at inikutan siya ng mata.
“Pero kahit ano pa’ng suotin mo, kahit paliguan ka pa ng gatas hinding- hindi pa rin magbabago ang katotohanan kung saan ka nagmula! Mukhang pera! Pokpok!” pag-aalipusta ng babae sa kanya.
“Siguro kaya ka hindi nagkakaanak kasi you don't deserve the life you have right now. Para kang langaw na nakatungtong sa kalabaw!”
Umiwas siya at hindi niya pinansin ang panglalait nito, baka kasi hindi siya makapagtimpi at mapatulan niya ito, baka makalimutan niya na sister-in-law niya ang babae.
Ilang oras na siya nanatiling nakatayo sa gilid, ni hindi siya makapasok sa loob para sana kumain dahil talagang nagugutom na siya kaya lang baka sigawan na naman siya ng biyenan at ipahiya kapag nakita siyang pakalat-kalat sa loob kaya tiniis niya na lang ‘yong kulo ng sikmura niya.
Nagsimula ang party at nagmistula siyang poste na hindi gumagalaw sa gilid. Dito siya iniwan si Joseph kaya hindi siya puwedeng umalis kasi kapag makita ng asawa niya na wala siya rito ay baka masaktan na naman siya.
Hindi nga niya alam kung bakit kailangan pa siyang isama, e ikinakahiya lang naman siya.
“Hi, Miss. Uhmm. Are you okay?”
Hindi siya kumibo at nanatili nakatuon sa pinto ng bahay ang kanyang paningin.
“Miss, ilang oras na kitang pinagmamasdan kanina ka pa nakatayo diyan, Okay ka lang ba?” pag-uulit na tinig ng lalaki sa tabi niya pero hindi niya pa rin ito pinapansin kasi baka makita siya ni Joseph na may kausap. Baka ipapahiya na naman siya at saktan katulad ng madalas ni Joseph sa kanya.
“Miss, you—”
“Ano ba?!” singhal niya rito dahil bigla siyang kinilabutan nang hawakan nito ang braso niya. Parang may kuryenteng dumadaloy sa buo niyang katawan nang hawakan siya ng stranghero.
“I am just being worried—Hey, Miss! Miss!”
Shit!
Bigla nanlumbay si Alyana at nawalan ng lakas para itukod pa ang mga paa dahil sobra siya nanghihina. Biglang pumatak ang butil ng luha niya nang maramdaman niya pagyakap ng binata sa kanya.
“Miss, dadalhin kita sa hospital! Don't close your eyes please!”
“H-huwag na,” mahina niyang sabi at napapapikit-pikit siya. Kapag dinala siya sa hospital mas lalo lang siya sasaktan ni Joseph dahil bayarin na naman ang ginawa niya.
Dagdag na naman sa gastos. Kaya pa naman niya nanghihina lang talaga siya dulot siguro ng pagod at gutom. Naalala niya hindi pa pala siya nananghalian kanina dahil marami siyang nilabhan, plinatsa at naglinis pa siya ng dalawang kotse ng asawa at hindi rin siya nakakain ng hapunan ngayon.
“Mr, p—puwedeng dalhan mo ako ng pagkain? Gutom na gutom na kasi ako. Please?” mahina niyang pakiusap.
“Doc, what happened? Oh my god! Is she okay?”
“She's not okay for Pete's sake! Get some water and food!”
“Alright! Alright!”
Tuluyan na siyang napapikit nang marinig ang pag-uusap ng dalawang lalaki at nakaramdam siya ng kaginhawaan ng hinahaplos haplos ng binate ang noo niya papuntang buhok.
“Don't worry, baby. Everything will be okay.”
Nang mga sandaling iyon ay parang hinaplos ang puso niya. Pakiramdam niya ay hinehele siya, ligtas at malaya pero panandalian lang ang tagpong iyon, nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Joseph, ng asawa niya.
“What the hell are you two doing?”
Pinilit siyang bumangon at imulat ang mata ng papalapit na ang tinig ni Joseph sa kinaroroonan nila.
“A—aray! Joseph m-masakit!”
“What the f**k are you doing? She's hurting, can't you see?”
Tinig ng lalaking tumulong sa kanya pero hindi na niya ito inabala pang tingnan dahil sa sakit na pagsasabunot ni Joseph sa buhok niya.
“Who the f*ck are you and why the f*ck do you care?! She's my wife so back off, bastard!”
“Here's the—what is happening?”
Kinaladkad siya ni Joseph papuntang kotse at nang lumingon siya ay sumunod ang lalaki kanina at dumating din ang isa pang lalaki na may dala-dalang pagkain.
“Wait, Miss—”
“Hayaan mo na, Doc. Away mag-asawa yata ‘yon.”
“A—aray!”
Parang gamit si Alyana na basta na lang itinulak papasok sa loob ng kotse ng asawa niya kaya mabilis niya na tiningnan ang lalaki sa bintana na tumulong sa kanya. Hinawakan ito ng lalaking kasama niya sa braso at pilit na hinihila papasok sa loob pero nanatili itong nakatayo at nakatingin sa kotse na kinaroroonan ni Alyana. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim doon sa kinaroroonan niya basta ang alam niya lang ay malaki ang katawan ng lalaki at matangkad.