Napadpad si Alyana sa ilalim ng krek. Ang tulay na dinadaanan ng mga tao ang nagsisilbi niyang bubong sa mahinang ulan. Ipinikit niya ang mga mata at niyakap ang mga tuhod, kailangan na niyang masanay dahil simula ngayon dito na siya maninirahan, malayo sa mga tao, malayo sa mga pasakit. Naalimpungatan nagising si Alyana dahil sa masang sang na amoy na kanyang nalanghap. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang patay na aso na nilalangaw at kinukotkot ng mga uod malapit sa kinaroroonan niya. Hindi na niya iyon alintana, bagkus tumayo siya dahil mangangalakal siya para magkalaman ang sikmura niyang kumakalam. Dinala siya ng mga paa malapit sa saint peter, tamang tama iyon dahil may burol kaya hindi na siya nag-atubuli pa at lumapit roon at nakiusap sa pamilya ng namatayan. "Dahan-daha