Sa malaki at malawak na kuwarto ay palakad-lakad ang binatang si Razel. Napahinto, napamewang at napapasabunot sa sariling buhok. Sa pang sampung pagkakataon tinapik na naman niya ng marahan si Alyanna. Pero katulad kanina ay tulog-mantika ito. Kaya mas lalong nagagalaiti ang binata sa hindi niya malamang dahilan. Hindi naman na siya bata lalo na sa napili niyang propesyon ay hindi na bago sa kanya ang mga ganitong senaryo. Bukod pa doon ay madalas din siyang nakakakita ng hubad na babae dahil sa mga past relationships niya. Ngunit, hindi niya maintindihan kung bakit para siyang hirap na hirap na bihisan si Alyanna. Alam niyang natuyuan ito ng tubig-ulan sa sout nitong damit na siya pa ang nagbili. Nilapitan niya uli si Alyanna at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nitong natatabin