Nagising si Alyana kinabukasan dahil sa mahinang pagyugyug sa kanya ng nurse upang makapag almusal at makainom na rin ng gamot dahil sinusunod nito ang tamang oras. Pinaliguan siya ng nurse kahit na sinabi niya na kaya na niyang gumalaw mag-isa dahil tuluyan na talaga siyang magaling at nakakalakad na rin siya ng maayus ngunit nagpupumilit pa rin ito. Hinahawakan ni Alyana ang suot niyang damit dahil hindi na siya nakasuot pang-ospital. "Bakit ito ang suot ko, saan ba tayo pupunta?" Hindi niya maiwasan tanungin ang babae kahit alam niya naman na palabas sila ng ospital. Hindi sumagot ang babae at dinala lang siya nito sa nakaparadang kotse at binuksan iyon. Kaagad na tumambad si Razel na blanko ang mukha. Binati niya ito pero hindi ito sumagot. Binabaybay nila ang daan na hindi alam