CHAPTER 5
Sa kabila ng kabiglaan ni Miguel dahil sa mga sinabi ni Allana ay natagpuan niya pa rin ang kanyang sarili na tinatanggap ang naging alok nito. Dala ng kahirapan nila at sa dami na rin ng kailangan nilang bayaran na mag-ina ay lakas-loob na siyang sumang-ayon sa nais ng dalaga.
Kasama si Allana ay naglakad na sila patungo sa may covered court. Pansamantala ay humiwalay siya saglit sa dalaga nang makita niya si Balong, isang bata na kung hindi siya nagkakamali ay nasa dose o trese anyos na ngayon.
Anak ito ng kapitbahay nila na ang tinitirhan ay apat na bahay ang pagitan mula sa kanila. Ibinigay niya dito ang mga pinamili niya kanina para sana sa lulutuin niya nang araw na iyon. Ibinilin niya dito na iabot iyon sa kanyang ina. Tumalima naman ito sa utos niya at agad na gumayak upang dalhin ang inabot niya dito sa kanilang bahay.
Nang makarating sila ni Allana sa may covered court ay agad nitong nilapitan ang isang lalaki na nakaupo sa isang folding chair. Nasa kwarenta anyos na ito at halata na ang ilang puting buhok sa ulo. He looked strict and stiff. Kababakasan ito ng awtoridad at kahit sino ay waring mangingimi itong lapitan at kausapin.
But as soon as Allana approached him, the man's lips broke in a smile. Isang masuyong ngiti ang binigay nito sa dalaga at agad na tumayo upang harapin nang tuluyan si Allana.
"Hija, did your staff tell you about our problem?" agad nitong wika kay Allana nang tuluyan silang makalapit dito.
"Yes, direk," tugon nang dalaga dito bago bahagya ay tinapunan siya ng tingin. Nakatayo siya sa may likuran ni Allana at bahagya siyang nakadarama ng pagkailang dahil sa presensiya ng mga ito sa kanyang harapan.
"Actually, I am with someone who could help us with. . . with our problem," patuloy pa ni Allana sa pagsasalita.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ng lalaking kausap nito.
"Direk, I would like you to meet Miguel," saad ni Allana dito. "Siya ang papalit sa model na hindi dumating. I will ask Mark and Andrea to assist him and tell him what he needs to do."
Allana then faced him. Masuyo din itong tumitig at ngumiti sa kanya bago nagsalita. "Miguel, this is Direk Jonel. Siya ang nagdi-direct ng commercial na ginagawa namin para sa M2M."
Masusi siyang tinitigan ng direktor. Ang mga mata nito ay naglakbay sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan, saka muli ay umangat ang mga titig nito upang salubungin ang kanyang mga mata. Gusto pang makaramdam ng pagkailang ni Miguel dahil sa ginagawa nitong paninitig sa kanya. Sa wari ba ay sinusuri nito nang lubusan ang kanyang hitsura.
Then, the director smiled as he looked again at Allana. "Where did you get him, Allana? He is fit for the project."
"H-he. . . he is actually my friend," alanganin na sagot dito ng dalaga. "I asked him to take the project."
Matapos siya nitong ipakilala sa direktor ay agad nang tinawag ni Allana ang lalaking kausap nito kanina, si Mark. Pinakilala din siya nito sa lalaki pati na rin sa isa pang staff na si Andrea.
Ibinilin ni Allana sa mga ito na ipaliwanag sa kanya ang konsepto ng nasabing proyekto at sabihin sa kanya ang mga kailangan niyang gawin.
They are making commercial for a drinking water. Napili ng mga ito ang konsepto na kunwari ay mga atleta ang mga modelo at kailangan ng mga ito ng tubig sa tuwing sasabak sa sports ng mga ito.
Tama si Allana. Madali lamang ang gagawin sapagkat wala namang script na kailangang bitawan sa commercial. Ang una nilang kailangan gawin ay magpakita lamang na kunwa ay nag-eensayo ng larong basketball. Ang sunod na eksena ay kukunan silang tatlong modelo na umiinom ng nasabing produkto. At ang pangatlo ay kailangan lang nilang magpakita ng pang-itaas na bahagi ng kanilang katawan habang patuloy na kinukunan ng camera. Kailangan nila iyong gawin upang ipakita sa lahat ng manonood na pang-atleta nga ang kanilang katawan.
That was the reason why Allana and the director looked at his body first before deciding to get him as the endorser. Siniguro muna ng mga ito na may magandang pangangatawan nga siya.
Sa bagay na iyan ay hindi niya ikahihiyang ipakita sa mga ito ang kanyang sarili. Lumaki man siyang salat sa maraming bagay ay biniyaaan naman siya ng Diyos ng magandang pangangatawan at mukha na ikalilingon din ng kahit sinong babae.
Miguel is a handsome man. Ayon sa kanyang ina ay halos kamukha niya ang lolo niya, ang ama ng kanyang ina. He was not sure though, sapagkat hindi na niya ito naabot pa. He died even before he was born.
Ayon sa kanyang ina ay halos doon niya namana ang kanyang hitsura. Miguel has thick eyebrows and a strong jawline that added to his character. He also has a brown complexion that complemented to his strong features.
Miguel also has a toned stomach. Dahil sa sanay siya sa mabibigat na trabaho ay na-maintain niya ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan na dinagdagan pa ng kanyang pagiging matangkad.
Kinailangan niyang magpalit ng damit para sa nasabing proyekto. The staffs gave him a set of jersey uniform that supposedly was for the model who did not make it for the commercial.
They made a several take on that day. Dahil sa baguhan siya sa ganoong bagay ay nakailang kuha ng eksena sa kanya. At naroon si Andrea at matigayang itinuturo sa kanya ang mga dapat niyang matutunan.
Habang si Allana ay nanatiling nakamasid lamang sa lahat ng nangyayari. Maya't maya ay nag-uusap ito ng direktor maging ng ibang staffs.
Hanggang sa kalaunan ay tumayo ang direktor at kinausap silang lahat.
"Allana and I talked," umpisa nito sa pagsasalita. "We still have a week to finish the project. I think, that is all for now. Maayos na ang dalawang unang eksena. Isusunod na lang natin ang panghuli."
Nagsimula na ang mga ito sa pagliligpit. Agad namang nakapagpalit ng damit si Miguel at linapitan si Allana.
"Pasensiya na," saad niya dito sa mababang tono.
Nagkaroon ng mga linya ang noo ng dalaga nang lumingon ito sa kanya. "Pasensiya para saan?"
"H-Hindi ko yata nagawa nang maayos. Sinabi ko na sa iyo na hindi ako sanay sa ganito---"
"You did great, Miguel. For a beginner, what you did was more than just great," papuri nito sa kanya. "Ako nga ang dapat humingi ng pasensya. Basta lang kita nahila para gawin ito."
"Walang anuman sa akin," tugon niya sa dalaga.
Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Allana bago ito muling nagsalita. "We really need to finish this project sa kung kailan ang itinakdang araw sa amin, Miguel. Kaya hindi ko na rin magagawang maghintay na makahanap ng talagang modelo. O-Our company needs to make this project great. Dito nakasalalay ang mga susunod naming kliyente."
"Ano ang ibig mong sabihin?" usisa niya pa sa dalaga.
Naglakad muna si Allana palapit sa mesang naroon para kunin na ang ilang folder na hawak nito kanina. Sinalansan na iyon ng dalaga bago siya hinarap at sa malumanay na tinig ay muling nagwika.
"O-Our company is not really doing well, Miguel," wika nito sa kanya na wari niya pa ay nag-aalangan kung itutuloy pa ang mga sasabihin. But in the end, Allana chose to continue talking to him. "Nitong mga nakalipas na pagkakataon ay hindi kami nakakakuha ng mga kliyente. Lagi kaming nauunahan ng mga kalaban naming kompanya. But M2M surprisingly chose us. Kaya kailangan namin ayusin ang trabahong ito nang sa gayon ay may mga kliyente pa na piliing sa amin magpagawa ng mga proyekto."
"Kung ganoon ay bakit ako ang kinuha mo para gawin ang commercial na ito? Bakit hindi ka kumuha ng talagang modelo at---"
"We are broke. I-I mean. . ."
Bigla ay nahinto ito sa pagsasalita. Muli itong napabuga ng hangin. Kung titingnan ang dalaga ay wari bang kay bigat ng pasan nitong problema.
"Masyadong competitive ang mga kompanyang kalaban namin, Miguel," patuloy nito sa pagsasalita. "Oftentimes, they would do everything just to get a client. Madalas ay nakukuha pa nila ang mga kliyenteng nakausap na namin. Iyon ang rason kung bakit nitong mga nakalipas na buwan ay halos wala kaming gawa. And our income is not---"
"Naiintindihan ko," putol na niya sa mga sasabihin pa nito. Hindi na nito kailangan pang banggitin ang lahat para lang maunawaan niya ang problema nito sa pag-aaring kompanya.
"But we will pay you, Miguel," maagap nitong saad sa kanya. "Huwag mong isipin na hindi---"
"Hindi ako nag-iisip ng ganoon, Allana," sa muli ay putol niya sa pagsasalita nito saka siya masuyong ngumiti na sa dalaga. "Masaya akong gawin ito."
Pagkawika niya niyon ay naglakad na siya palayo sa dalaga para sana ay lumapit na sa staff na siyang kausap nilang mga endorsers kanina. Nais niyang itanong kung kailan ulit ang sunod nilang pagkuha ng eksena.
Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang siya palayo kay Allana nang muli siya nitong tawagin dahilan para mapalingon siya ulit dito.
"Miguel," Allana said.
As he turned to her, Miguel saw Allana getting something from her wallet. Kumuha ito ng isang tarheta saka inabot sa kanya. Napahakbang siyang muli palapit dito at tinaggap ang ibinibigay ng dalaga.
Doon ay nakalagay ang buong pangalan nito at maging ang address ng kompanyang pag-aari ng pamilya nito.
"Napag-usapan namin ni Direk na sa MAC na lang kukunan ang panghuling eksenang gagawin ninyo."
Ang MAC na tinutukoy nito ay ang Millares Advertising Company--- ang kompanyang pag-aari ng mga ito. Nakasulat iyon sa tarhetang ibinigay nito sa kanya.
"Kailangan din kasi na makunan kayo ng litrato, Miguel. We also need to make banners for the promotion and print ads."
Nakaiintiding tumango siya dito saka muling tumitig sa tarhetang hawak niya.
*****
NAKATINGALA si Miguel sa walong palapag na gusali na nasa kanyang harapan. A feeling of déjà vu filled his heart. Hindi siya sanay na pumasok sa malalaking kompanya. Karaniwan na ay sa bahay nila at sa talyer lamang ni Mang Erwin umiikot ang buhay niya.
But looking at the tall building in front of him sent a familiar feeling in his heart. At hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Wari ba ay sanay na sanay siyang makakita ng ganoong lugar.
Tulad nga ng sinabi ni Allana sa kanya ay kailangan niyang magtungo sa kompanyang pag-aari ng mga ito. At ngayon nga ang araw na nakatakda upang kuhanan din sila ng litrato para sa produktong ineendorso nila.
Marahan siyang lumingon sa kanyang paligid. Maraming tao ang naglalakad sa may sidewalk ng kalsada. Lahat ay may kanya-kanyang pupuntahan.
Nakisabay siya sa ilan na ang tungo ay ang kompanyang kanya ring pakay. Tuloy-tuloy na siyang naglakad palapit sa may security guard ng naturang gusali. Doon ay pinakita niya ang papel na ibinigay sa kanya ni Miss Andrea pagkatapos ng unang araw na kinuhanan sila ng eksena sa kanilang lugar.
Dahil sa kanyang pinakita ay agad din siyang pinapasok ng security guard. He stepped closer to the receptionist and asked where he could find Allana. Agad naman iyong itinuro ng babae nang malaman nitong isa siya sa mga endorsers para sa commercial na ginagawa ng Millares Advertising Company.
Ayon sa receptionist ay sa ikawalong palapag matatagpuan ang pinakaopisina ng mag-amang Millares. Kailangan niya munang magtuloy sa function hall ng naturang gusali kung saan kukunan muna sila ng litrato.
He was walking towards the elevator. Ang kanyang mga mata ay patuloy na nagmamasid sa buong paligid. There were staffs walking along with him. Ang iba naman ay waring katulad niya na bisita lang din.
Until his attention was caught by a woman approaching a man in a business suit. Kagalang-galang tingnan ang lalaki na sa hinuha niya ay waring nasa mahigit singkwenta anyos na ang edad.
"Good morning, Mr. Millares," bati dito ng babae kasabay ng bahagyang pagyuko ng ulo.
Miguel was stunned upon seeing the scene. That scene was so familiar to him--- a man in a business suit, employees approaching and greeting. Lahat ng iyon ay waring pamilyar na senaryo na sa kanya. It was like an everyday routine for him.
Until Miguel felt a sudden ache on his head. Waring pinupukpok iyon at halos mapakislot siya sa labis na sakit.
"Günaydin!" (Good morning!)
"Günaydin!" (Good morning!)
"Lintik!" mahinang daing Miguel nang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang isa sa mga eksena na madalas niyang mapanaginipan--- people greeting a man with the word "Gunaydin".
Agad niyang nasapo ang kanyang sentido nang labis na sakit ang maramdaman niya roon.