CHAPTER 4

1930 Words
CHAPTER 4 Hindi na nagulat pa si Miguel kung agad man siyang nakilala ng dalaga pagkakita nito sa kanya. Hindi pa natatagalan mula nang masiraan ang sasakyan nito malapit sa talyer ni Mang Erwin at ayusin niya. Niyuko niya muli ang eco bag na nasa kanyang kamay pa rin at hindi pa kinukuha ng dalaga mula sa kanya. Iminuwestra niya ito sa harap ng dalaga dahilan para matuon na doon ang atensyon nito. She instantly got it from his hand and uttered her thanks. Hindi pa naiwasang mapabaling ang mga mata ni Miguel sa kamay nitong nag-abot ng eco bag nang hindi sinasadyang madikit iyon sa kanyang balat. Saglit lang iyon ngunit wari ba ay may kakaibang dulot sa kanya ang pagkakadikit nilang iyon ng dalaga. He swallowed hard. Mistulang balewala naman iyon sa babaeng kanyang kaharap na mas pinagtuunan na ng pansin ang mga gamit nito at inayos na ang mga iyon nang tuluyan. He just watched her. Nang matapos ito ay muli siya nitong tinitigan sa kanyang mukha. "Thank you for helping me again," banayad nitong wika sa kanya. "Sa tuwing nagkikita tayo ay lagi mo akong tinutulungan. First, my car and then this," wika pa nito na inilahad ang isang kamay sa mga eco bag. Tumikhim muna si Miguel bago tumugon dito. "W-Walang anuman. Saan ang punta mo?" hindi niya maiwasan na usisa dito. "There," turo nito sa direksyon ng covered court. "We are currently taking a commercial." Hindi niya mapigilan ang mamangha nang mapagtanto niya na kabilang ito sa mga nakita niya sa covered court kanina. So, commercial pala ang kinukunan sa kanilang lugar nang mga oras na iyon. At kabilang ba ito sa mga iyon? Isa ba ang dalaga sa mga staffs na nakita niya kanina? Iyon ba ang trabaho nito? "Kabilang ka ba sa kanila?" Isinatinig niya ang nasa isip niya. Ang tinutukoy niya ay ang mga staffs na abala sa pag-aayos ng set at pag-aasikaso sa mga modelo. Nagbuka ng bibig ang dalaga para sana sumagot sa kanyang naging tanong nang maawat iyon dahil sa tinig na nagsalita mula sa kanilang likuran. "Miss Allana." Halos sabay pa silang napalingon nito sa nagsalitang lalaki na ngayon ay unti-unti nang naglalakad palapit sa kanilang kinaroroonan. The guy who was approaching them must be on his late thirties. Medyo may edad na ito ngunit may maganda pa rin na pangangatawan na halatang alaga nito. He was wearing a dark blue polo shirt and a denim pants. Nagpalipat-lipat pa ang mga mata nito sa kanilang dalawa ng dalaga bago sa huli ay binalingan na ang babaeng kanyang katabi. "Kanina pa naghihintay si direk," wika nito kay Allana. "I needed to sign some documents before I went here," tugon naman dito ng dalaga. Mayamaya ay inilahad na nito sa lalaking bagong dating ang mga eco bag na dala nito. "By the way, ako na rin ang nagpresenta na dalhin ang mga ito. Krishna can't make it. May meeting sila with papa." "Sana ay inutos mo na lamang sa ibang staff, Miss Allana," maagap na wika ng lalaki bago inabot na mula sa kanyang kamay ang isang eco bag. "It is not a big deal, Mark," she said in a very soft voice. "We have a problem, Miss Allana. Hindi nakarating ang isang modelo na kinuha natin. Family emergency daw ho. What should we do? Dalawa lang ang narito ngayon," mahaba nitong wika sa dalaga. Naroon lamang siya at nakatayo sa harap ng mga ito. Hindi niya maiwasang marinig ang usapan ng dalawa, bagay na dapat ay hindi niya ginagawa ngayon. He should not be listening to their conversation. Alam niya na wala na siyang kinalaman sa mga bagay na naririnig niya mula sa mga ito. Dapat ay nagpaalam na siya sa dalaga at tuluyan nang umalis. But Miguel just found himself standing there, listening to what they were talking about and looking at the lady beside him. Sa kabila ng problema na binanggit dito ng lalaki ay nanatiling kalmado lamang ang ekspresyon ng mukha nito at hindi man lang kinakitaan ng pagkabahala. Miguel stared at her intently. Nakasuot ito ng isang puting long-sleeved na blouse na bukas ang lahat ng butones sa harap dahilan para makita niya ang pang-loob nitong sandong kulay rosas. Ang pang-ibaba nito ay isang pantalon na maong na halos yumayakap na sa mahahabang binti ng dalaga. "Ano ang sabi ng direktor?" narinig niyang usisa nito sa lalaking tinawag nitong Mark kanina. "Sila ni Miss Andrea ang nag-usap. Pero naantala ang pagkuha sa commercial dahil sa hindi pagdating ng modelo natin," sagot dito ni Mark. "Anong gagawin natin Miss Allana? Kailangan natin matapos ang commercial sa itinakdang araw natin sa M2M." Ang M2M na binanggit nito ay pangalan ng isang sikat na brand ng drinking water. Iyon ang nakita niyang pangalan na nakalagay sa mga plastic containers na nahulog mula sa eco bag na dala ni Allana. "Wala na bang nakareserba na modelo? Did you contäct the talent agency where you got our models?" tanong dito ni Allana. "Baka maaari tayong makakuha ng kapalit." "Eh, Miss Allana, may problema ho kasi. . ." hindi nito naituloy ang mga sasabihin at bahagya siyang nilingon. Wari ba ay ayaw nitong marinig niya ang kung ano man ang nais nitong isagot sa dalaga. Nakaiintinding humarap naman siya kay Allana at magalang na nagpaalam na dito. Tumikhim pa muna siya bago nagsalita. "Kailangan ko nang umalis. Mauuna na ako," he said to her and started walking away from them. Nakakailang hakbang pa lamang siya mula sa mga ito nang marinig niyang muli ang tinig ni Allana na tumatawag sa kanya. "Sandali lang," wika nito dahilan para mapalingon siyang muli. "Can I talk with you?" ***** "Ano?!" Miguel exclaimed as he heard what Allana said to him. Bago pa nga siya makalakad nang tuluyan palayo sa mga ito ay tinawag na siya muli ng dalaga. Ang lalaking nauna na nitong kausap kanina ay nagpaalam na babalik na sa may covered court. Kinuha na nito ang dalawang eco bag mula sa dalaga at iniwan na silang dalawa para mag-usap. Allana talked to him. Ipinaliwanag nito sa kanya na ang pamilya nito ay nagmamay-ari ng isang advertising company. Na ang mga ito ang gumagawa ng ilang commercial at print ads para sa ilang produkto. He was amazed to learn about that. Iyon ang dahilan kung bakit una niya pa lamang makita ang dalaga nang ayusin niya ang sasakyan nito ay nasabi na niyang mula ito sa may-kayang pamilya. Hitsura at pananamit pa lamang nito ay bakas na iyon. At hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinuha. At isa nga sa mga gagawan pa ng mga ito commercial ay ang M2M. At ang lugar nga nila ang napiling kuhanan ng mga ito ng eksena. Allana explained to him that they needed to meet the deadline that the M2M gave to them. Kailangan na raw kasing mailabas ang nasabing commercial sa araw na itinakda ng mga ito. At ang bagay na iyon ay mukhang malabo na mangyari sapagkat hayun at naantala pa ang pagpapatuloy ng mga ito sa pagkuha ng mga eksena dahil sa hindi pagdating ng isang modelo. Naiintindihan niya ang tungkol sa bagay na iyon. Alam niya na ang katulad ng ganitong trabaho ay may kinakailangang sundin na deadline. Ang hindi niya maunawaan ay ang mga huling sinabi sa kanya ng dalaga. Nang tawagin nga siya nitong muli ay kinausap siya ni Allana. Matapos silang iwan ni Mark ay sinabi ng dalaga ang mga nais nitong mangyari. Allana asked him to replace the model that supposedly was the one who will do the commercial. Gusto nito ay ipagpatuloy niya ang dapat ay gagawin ng hindi sumipot na modelo. Labis niya iyong ikinabigla. Hindi niya inaasahan na hihilingin nito ang bagay na iyon. Bakit naman nito iisipin na kunin siya para sa commercial na iyon? Siya na simple lamang na lalaki? "Please, mister. Look, if you agree, we will pay and---" "Miguel," awat niya sa pagsasalita nito dahilan para mahinto ito at mataman na mapatitig na lamang sa kanyang mukha. "Excuse me?" tanong nito sa tonong hindi naunawaan ang nais niyang sabihin. Nagdikit pa ang mga kilay nito nang mapalingon sa kanya. "Miguel. Miguel ang pangalan ko," wika niya dito. "Kanina pa tayong dalawa nag-uusap pero hindi mo alam kung ano ang pangalan ko." Agad itong napakurap at binawi ang mga mata mula sa pagkakatitig sa kanya. Bahagya pa nitong hinamig ang sarili bago muling nagsalita. "I. . . I see. I am Allana." "Alam ko," aniya dito. "What?" "Narinig kong tinawag ng lalaki kanina ang pangalan mo. Maging ng babaeng kasama mo nang masiraan ang sasakyan mo ay nabanggit ang iyong pangalan," mahaba niyang pahayag dito. Saglit itong natigilan at hindi nakapagsalita. Kung dahil iyon sa mga sinabi niya, o marahil ay dahil sa kaseryosuhan sa kanyang tinig ay hindi niya alam. Hanggang sa mayamaya ay nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga at muli siyang binalingan. "Miguel," bigkas nito sa pangalan niya. "Please, consider my offer. We badly need you now. Kailangan naming matapos ang proyektong ito sa itinakdang araw. Please." "Bakit ako?" tanong niya dito sa nagtatakang tono. "Marami pa namang mas magandang lalaki kaysa sa akin." "You are handsome. . . I-I mean---" Hindi nito matuloy-tuloy ang dapat ay sasabihin nito. Wari bang nadulas lamang ito sa mga sinabi kanina at huli na bago pa man nito iyon mabawi. And Miguel almost smiled when he noticed as her face turned to red. Para bang nahiya pa ito sa pag-amin na ginawa kanina. "Ang ibig kong sabihin ay. . . ay magandang lalaki ka, Miguel. And you can pass as a ramp model actually," wika nito sa kanya kasabay ng pagpasada nito ng tingin sa kanyang kabuuan. Sa pagkakataon na iyon ay si Miguel naman ang nakaramdam ng hiya dahil sa mga sinabi nito. He was only wearing an old black t-shirt and a faded jeans. Paano nito nasabing magandang lalaki siya sa ganoong gayak at hitsura? "Miss Allana, hindi ako ganoon---" "You can just call me Allana," putol naman nito sa mga sinasabi niya. "And Miguel, we are willing to pay you. Kapag tinanggap mo ang alok ko ay babayaran ka ng aming kompanya." Agad na natigilan si Miguel dahil sa kanyang mga narinig. Totoong mahirap ang sitwasyon nilang mag-ina sa ngayon. Katunayan ay problemado siya sa bayarin nila sa tubig at kuryente para sa buwan na iyon. Kung hindi niya pa mababawasan kahit kaunti man lang ang kanilang mga bayarin ay baka tuluyan na silang maputulan ng serbisyo ng tubig at kuryente. Sa susunod na linggo pa ang sahod niya sa talyer at kung bibilangin ay baka kakaunti lang din ang sahurin niya sapagkat nakapagbale na siya kay Mang Erwin nang isang araw. Kulang pa rin iyon para sa mga pangangailangan nilang mag-ina. He has to admit that he was tempted to accept Allana's offer. Kung iisipin ang lahat ng kailangan niyang bayaran ay malaking tulong din ang inaalok ng dalaga sa kanya. Ang maibabayad nito ay magagamit niya para sa kanilang mga bayarin. Pero makakaya niya ba ang trabaho na iyon? Masusunod niya kaya ang mga ipagagawa sa kanya ng mga ito? "A-Allana, hindi ko alam ang ganitong uri ng trabaho. Hindi ko alam ang ganito," pag-amin niya sa dalaga. Agad nagkaroon ng sigla ang mukha ng dalaga nang sabihin niya ang mga iyon. Wari ba ay nakakita ito ng pag-asa na papayag siya sa naging alok nito. "You do not have to worry, Miguel. Madali lang naman ang gagawin mo. All you have to do is to show your body," nakangiti nitong turan sa kanya. "Ano?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD