bc

The Man I Was

book_age16+
524
FOLLOW
2.5K
READ
billionaire
reincarnation/transmigration
powerful
twisted
bxg
mystery
genius
realistic earth
rebirth/reborn
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

COMMENT FOR BONUS!

Click this book and leave your ideas and suggestions to get the chance to win 200 bonus.

Mattheo Orhan--- half Filipino, half Turkish. He's a genius and a shrewd businessman. Many idolize him for being successful on his craft. Sa taglay niyang talino at kahusayan ay isa na siya sa pinakamatagumpay na negosyante sa murang edad pa lamang. Ngunit kasabay din niyon ay ang katotohanan na marami ang inggit at may kimkim na galit sa kanya.

He was killed by one of the most trained assassins in Turkey. Dala ng pagnanais na pabagsakin siya ay pinapatay si Mattheo ng taong may labis na inggit sa lahat ng kanyang nakamit.

Several years after, he was reincarnated. Nabuhay siyang muli sa katauhan ni Miguel Alvarez. Kaiba sa naging buhay niya noon, Miguel came from a poor family. Labis ang paghihirap na dinadanas niya sa buhay. But despite everything, Miguel did his best to succeed--- para sa kinabukasan niya at para sa babaeng kanyang iniibig, si Allana.

Because of one incident, Miguel recovered his memory from his previous life. Maging ang kakayahan at katalinuhan niya noon ay bumalik sa kanya. Dahilan iyon para unti-unti ay naging matagumpay siya sa kasalukuyan niyang buhay.

Ngunit kasabay ng pagkakaalala niya sa lahat ay ang pagkatuklas ni Miguel na ang babaeng pinag-aalayan niya ng tagumpay at pag-ibig ay ang babaeng sumira sa nauna niyang buhay.

Would he continue to love knowing that the woman he loves was the reason for his downfall? Magtagumpay kaya siyang muli.... just like the man that he was before?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Istanbul, Turkey (1975) Dire-diretsong naglakad patungo sa kanyang opisina si Mattheo. Sa kanyang likod ay nakasunod ang isa sa kanyang mga empleyado. Bitbit nito ang ilang dokumento na kailangan niyang pirmahan para sa araw na iyon. Siya si Mattheo Orhan. Sa edad niyang dalawampu't pito ay masasabi niyang isa siya sa pinakamatagumpay na negosyante, hindi lang sa Istanbul, kundi maging sa ibang bansa. His father, Ozcan Orhan, was a Turkish. Napangasawa nito ang kanyang ina na isang Filipina at mas pinili na tumira sa bansang Turkey kung saan namamayagpag ang negosyo ng kanyang ama. His father owns a multimillion real estate company--- the Orhan Real Estate. Isa ito sa pinakamalaking kompanya sa bansang Turkey. They offer house flipping and property management. Mattheo was twenty-five when he entered his father's business. Sa murang edad niya ay nagpakita na siya agad ng kahusayan sa pamamalakad sa kanilang negosyo. He was a genius and a shrewd businessman. Oftentimes, he comes out with cunning ideas on how to get clients. At iyon ay isang malaking tulong kung bakit hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang negosyo. At aminado maging ang kanyang ama na isa siya sa mga dahilan kung bakit matagumpay ang Orhan Real Estate company. Many idolize him for being a successful businessman at a very young age. Ngunit kasabay din niyon ay ang katotohanan na marami ang may kimkim na galit at inggit sa kanya. Mattheo was dominant. He was cruel in some ways. Being a shrewd businessman made him so unapproachable. Siya ang uri ng tao na mas itinutuon ang buong atensyon sa trabaho. And most of the time, ang mga empleyado nila ay alangan na makipagkapwa sa kanya. The truth, Mattheo never socialize with them. Lagi na ay ang trabaho lamang ang importante sa kanya. Kung may mali siyang makita sa kanilang empleyado ay hindi siya mangingimi na sigawan at pagsabihan ang mga ito. He is the boss and he would say whatever he wants to say. Malayo pa lang ay natanawan na niya si Deniz, his secretary. Agad na itong tumayo nang makitang papalapit na siya. "Günaydin, Orhan bey," bati nito sa kanya ng magandang umaga. Mattheo didn't even bother to give him a glance. Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng kanyang opisina. Agad na sumunod sa kanya ang kanyang sekretarya dala ang isang maliit na kwaderno kung saan nakalagay ang kanyang mga schedule nang araw na iyon. Ang empleyadong kasunod niya sa paglalakad ay nagtuloy sa paglapit sa kanyang mesa at doon ay ipinatong ang mga dokumentong tangan nito. Then, in a very polite way, he excused himself. Mattheo sat on his high-back swivel chair. Nasa harap ng kanyang mesa ang kanyang sekretarya at inisa-isa ang mga meeting na dadaluhan niya para sa araw na iyon. "You have an appointment with the CEO of Kerem Corporation---" "I told you to cancel it, didn't I?" galit niyang baling dito. Kerem Corporation was own by his father's colleague, Kerem Ercel. Alam niya kung bakit nais nitong makipagkita sa kanya. Kerem wanted to have and buy a share on their company. Bagay na hindi niya pinapaburan. Alam niya na may motibo ang pagnanais nitong gawin ang bagay na iyon. Kaya naman kahit itinawag na nito sa kanya ang tungkol roon ay hindi niya ito pinagbibigyan. At ngayon ay nais pa nitong makipagkita sa kanya. Kerem wanted to ruin his father's business. He knew about it. Halos sabay na nag-umpisa ito at si Ozcan sa pagtayo ng negosyo. But Orhan Real Estate went too far from Kerem Corporation. At kung hindi man napapansin ng kanyang ama ang inggit na mayroon si Kerem para dito, siya ay ramdam na ramdam niya iyon. At alam niya rin na nais lamang nitong makapasok sa kanilang negosyo para unti-unti iyong pabagsakin. During their company's anniversary, kung saan imbitado ito, ay hindi sinasadyang narinig niya ang tungkol sa mga plano nito. Patungo na sana siya sa kanyang sasakyan na nasa parking lot ng kanilang kompanya nang makita niya ito roon. He was talking on his phone. At doon ay malinaw niyang narinig ang pagnanais nitong pabagsakin ang kompanya ng kanyang papa. He can't accept that Ozcan became more successful than him. Mattheo didn't confront him that night, kahit pa kayang-kaya niya itong saktan nang gabing iyon. He held himself and promised na hindi niya hahayaan na magawa nito ang mga bagay na pinaplano nito. And now this. Ang pagnanais nito na magkaroon ng share sa kanilang kompanya ay alam niyang unang hakbang na nito upang unti-unti na silang sirain. And he would never allow that to happen. "But Orhan bey. Kerem bey set---" "When I say cancel it, cancel it, Deniz," mariin niyang turan dito. "Kerem bey must be on his way now," wika pa nito sa kanya. "Orospu çocuğu! (son of a b***h!)," he cursed more to himself. Agad na napayuko ang sekretarya niya nang makita ang madilim niyang mukha. Alam na alam na nito ang mangyayari kapag ganoong galit na siya. "Get out of my sight." His words were said with firmness. Agad itong tumalima at bumalik sa mesa nito. Mattheo abruptly stood up from his swivel chair. Humarap siya sa salaming dingding ng kanyang opisina. Nasa ikalabing-isang palapag siya ng gusaling kinaroroonan. At mula roon ay kitang-kita niya ang kalsada sa ibaba kung saan hindi mabilang ang mga sasakyan na nagpaparoo't parito. At mula sa kanyang opisina ay tanaw na tanaw niya ang tower of Kiz Kulesi o mas kilala sa pangalan na Maiden's Tower na kung hindi siya nagkakamali ay ilang daang taon nang nakatayo sa may Bosphorus Strait. He has a perfect view of Kiz Kulesi with the Bosphorus Bridge on its background from his office. Nakatanaw siya ngayon roon ngunit wala talaga sa tanawin ang kanyang atensyon. His mind was on Kerem... and his plans. Kung inaakala nito na basta na lamang nitong mapapabagsak ang kanilang negosyo, pwes nagkakamali ito. He is Mattheo Orhan, tinaguriang henyo sa mundo ng pagnenegosyo at hindi siya makapapayag na magawa nito ang bagay na iyon. ***** PASADO alas-nueve ng gabi nang magpasyang umuwi si Mattheo mula sa trabaho. Mula nang siya na ang mamahala sa kanilang kompanya ay hindi birong oras at panahon ang inilalaan niya sa kanilang negosyo. Sa tuwina ay nais niyang masiguro na maayos ang pamamalakad niya sa kompanyang sinimulan ng kanyang ama. Kaya naman lagi na ay nagbibigay siya ng sapat o higit pang oras para ayusin ang lahat sa Orhan Real Estate. He headed to his car. Nasa basement na siya ngayon ng gusaling kinaroroonan kung saan matatagpuan ang parking lot ng lugar. Habang naglalakad siya palapit sa kanyang sasakyan ay hindi niya maiwasang isipin ang naging pag-uusap nila kanina ni Kerem Ercel. He was giving him a good offer. Nais nitong magkaroon ng share sa kanilang kompanya, regardless of the price that he would give. Ngunit hindi na nabago pa ang kanyang pasya. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na makapasok sa Orhan Real Estate. He would not allow that to happen. Iginigiit pa nito ang tungkol sa bagay na iyon hanggang sa huling minuto ng kanilang pag-uusap. But Mattheo was firm with his decision. Alam niyang nanlumo ito sa kinalabasan ng kanilang pag-uusap. But he would never changed his mind. Pagkalapit sa kanyang sasakyan ay agad nang binuksan ni Mattheo ang pinto sa may driver's seat. He was about to get in his car when all of a sudden he stopped on his track. Agad ang paglitaw ng isang bulto mula sa likod ng isang sasakyan na nakaparada sa tabi ng kanyang kotse. Dahil sa biglang pagsulpot nito ay hindi niya napaghandaan ang ginawa nito. Agad ang pag-atake na ginawa sa kanya ng estranghero. Isang malakas na sipa mula sa kanyang likuran ang iginawad nito sa kanya dahilan para mapauklo si Mattheo sa kanyang sasakyan. His attacker was wearing a black long-sleeved paired with black leggings. Nakasuot ito ng itim na bonnet na halos tumatakip na sa kalahati ng mukha nito. Dahil sa hindi niya inaasahan ang pag-atakeng ginawa nito ay hindi nakadepensa si Mattheo. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nagawang iangat ang kanyang mukha para sana lumingon sa taong nanakit sa kanya. Ngunit kasabay ng pagharap niya dito ay ang pagtutok nito sa kanya ng baril. "Don't try to move, Orhan or I will fire." Mattheo's eyes widened when he realized that his attacker was actually a... woman? Dahil sa kasuotan nito ay hindi na niya iyon napansin. Nang magsalita ito ay saka lamang napagtanto ni Mattheo na isang babae ang umatake sa kanya. He can fight her. Babae lang ito at 'di hamak na mas malaki siya. But not with the gun on her hand. At kung tititigan ang babaeng nasa kanyang harapan ay nakasisiguro si Mattheo na hindi ito simpleng babae lamang. He knew she was a trained assassin. Bakas iyon sa tayo at kilos nito. At kung sino man ang nag-utos dito para atakihin siya ay walang ideya si Mattheo. Agad ang pagtalim ng kanyang mga mata sa isiping iyon. Dala ng galit dahil sa ideyang may taong nais siyang saktan ay mabilis ang mga kilos na hinablot ni Mattheo ang baril na nasa kamay ng babae. And he succeeded. Hinawakan niya ang kamay nito dahilan para mabitawan nito ang baril. Agad na napaikot niya ang babae nang walang kahirap-hirap. Dahil sa ginawa niya ay tumama ang likod nito sa matitipuno niyang dibdib. He held her so tight and said, "Who sent you here?" Ngunit wari ay hindi man lang nasindak sa kanya ang babae. The woman just smirked on him. And on Mattheo's horror, mabilis ang mga kilos na may inabot ito sa may baywang. The woman moved so swiftly. She got a jackknife from her side. She took the knife and immediately stuck it in his arm. Dahilan iyon para mabitawan niya ito. Mattheo could feel his blood coming out of his skin. "Siktir git!" he cursed at her which means fvck you in Turkish. Nang tuluyan niyang mabitawan ang babae ay maagap nitong linapitan ang baril at itinutok sa kanya. He never heard anything but he felt the sudden pain on his chest as the woman fired the gun on him. May suppressor ang baril nito! Hindi na niya alam kung ilang beses nitong pinaputok ang baril. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nakahandusay sa baba at naliligo sa kanyang sariling dugo. Duda pa siya kung may makakita sa lahat ng nangyari. Nasa basement sila at ang gwardiya ng gusali ay mamaya pa mag-iikot. The woman walked closer to him. Walang kaabog-abog na tinanggal nito ang bonnet na suot, dahilan para malantad sa kanya ang mukha nito. That face that he would never forget. "Bir dahaki görüşmemizde beni suçlayabilirsin," wika nito sa kanya nang tuluyan itong makalapit sa kanyang tabi. Ilang segundo pang tinitigan nito ang kanyang mukha bago ito tuluyang umalis sa kanyang tabi. Mattheo followed her with his gaze. Unti-unti ay nararamdaman na niya ang paghirap sa paghinga. Then, before he lost his consciousness, he could still hear the words that she has said. "Next time we meet, you can blame me."--- that was what she meant. How could he do that... if he's dying?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO'S Naughty Daughter

read
65.8K
bc

A Trillionaire in Disguise

read
12.7K
bc

WHO IS IN CONTROL ( LA COSA NOSTRA) SEASON 3

read
7.7K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

WHO IS IN CONTROL ( LA COSA NOSTRA ) SEASON 2

read
7.5K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook