CHAPTER 6

1901 Words
CHAPTER 6 Dala ng labis na sakit na nadarama ni Miguel sa kanyang sentido ay marahan siyang tumabi muna upang huwag makaharang sa daraanan ng mga tao. Sa halip na magtuloy patungo sa may elevator at pumunta sa function hall kung saan sila kukunan ng litrato ay naglakad si Miguel patungo sa isang tabi. The sudden pain in his head has not subsided yet. Naroon pa rin at patuloy sa pagkirot ang kanyang ulo. Hindi niya alam kung bakit kasabay ng pagkakita niya sa eksena na iyon ay biglang nanakit ang kanyang sentido. What was with the scene? Kung tutuusin ay normal na eksena lamang iyon sa mga kompanyang ganito. Normal lang na batiin ng mga empleyado ang mga may matataas na katungkulan kaysa sa mga ito. But for some reasons, that scene made him remember one of his weirdest dreams. Kahit kanina nang papasok pa lamang siya sa gusali na iyon ay agad nang binalot ng kakaibang damdamin ang dibdib niya. At ang kakaibang damdamin na iyon ay nadagdagan pa nang makita niya ang isang empleyado na magalang na bumabati sa isang lalaki kasabay ng bahagya nitong pagyuko. That was so familiar to him. Bakit ba pakiramdam niya ay nangyari na sa kanya iyon noon? Why does he feel like someone has greeted him that way? Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Hinintay niya na bumalik sa normal ang kanyang nadarama. Marahan niya pang isinandal ang kanyang sarili sa sementadong dingding ng gusali kasabay ng kanyang mariing pagpikit. Hinayaan niya sa ganoong posisyon ang kanyang sarili sa loob ng ilang minuto. Bahagya nang bumabalik sa normal ang kanyang pakiramdam nang makarinig siya ng isang tinig. "Miguel?" Agad na napamulat siyang muli ng kanyang mga mata. Miguel's gaze darted at his left side. Doon ay nakita niyang nakatayo si Allana na wari ay bagong dating lang din sa naturang lugar. Naglakbay ang kanyang paningin sa kabuuan ng dalaga. She looked so fresh in her off-shoulder white dress. Ang haba niyon ay umabot lamang sa taas ng mga tuhod nito. Halos yumakap na sa katawan ng dalaga ang kasuotan nito dahilan para maaninag na niya ang kurba ng katawan ni Allana. She looked more of a teenager than her actual age. And looking at her now, Miguel can't help but to admire the lady in front of her. "What are you doing here?" nagtataka nitong tanong sa kanya kasabay ng paglakad pa palapit sa kinaroroonan niya. "Bakit hindi ka pa tumuloy sa itaas?" Napatayo nang tuwid si Miguel at tuluyan nang hinarap ang dalaga. Isang alanganin na ngiti ang iginawad niya dito. "I-I. . ." Hindi siya makaapuhap ng isasagot dito. "Sumabay ka na sa akin," maagap nitong wika sa kanya nang mapansin nitong halos hindi siya makapagsalita. Bago pa man siya makasagot ay naglakad na si Allana patungo sa may elevator. Alanganin man ay sumunod na siya sa dalaga. Nakapasok na sila sa lift nang balingan siya nito. Napansin niya pa nang pindutin nito ang pinakamataas na palapag sa gusaling iyon. "Halos isang oras pa bago mag-umpisa ang pictorial ninyo," wika nito sa kanya. "Tutuloy muna tayo sa opisina ko. I need to discuss with you something about your income." Isang tango lamang ang ginawa niya bilang tugon sa mga sinabi nito. Ilang saglit pa ay muling bumukas ang lift. Nasa ikawalong palapag na sila kung saan matatagpuan ang opisina ni Allana. Nagpatiuna na ito sa paglabas ng elevator at marahan na sinundan lamang ito ni Miguel. May ilang empleyado pa silang nakakasalubong na agad na bumabati sa dalaga, bagay na sinasagot naman nito ng isang ngiti at pagtango. They walked towards a table. Sa hinuha niya ay ang mesa iyon ng sekretarya ng dalaga. Agad na tumayo mula roon ang isang babae at binati rin si Allana nang matapat sila sa mesang iyon. "Good morning, Miss Allana," pagbati ng babae kay Allana. "Do I have a meeting today, Clara?" Allana asked her. "Wala po, Ma'am, maliban sa kailangan ninyong kausapin ang staffs and director after the pictorial," tugon nito. "Nasa table na rin ho inyo ang pinasa na proposal ng team for the next presentation." "Thank you, Clara," huling saad ni Allana dito bago muli nang naglakad patungo sa isang pinto na kung hindi siya nagkakamali ay ang opisina na nito. Agad na binuksan ni Allana ang pinto niyon at pumasok. He followed her and entered the room as well. Iginala ni Miguel ang kanyang paningin sa loob ng silid nang oras na makapasok sila sa loob niyon. The room was spacious. Sa gitna niyon ay isang mlaking executive desk. May ilang folders na nakapatong doon. Sa likod ng mesa ay isang high back swivel chair. May dalawang visitor's chair sa harap ng mesa nito. Sa kaliwang panig ng silid ay isang itim na mahabang sofa. May katabi iyong maliit na mesa na napapatungan ng isang plorera na may ilang bulaklak. Sa tabi niyon ay ilang magazine na marahil ay laan para sa mga nagiging bisita nito. May napansin din siyang isang bureau na napapatungan ng ilang picture frames at figurines. "Please, take a seat for a while, Miguel," narinig niyang saad sa kanya ng dalaga dahilan para mapabaling dito ang kanyang mga mata. Kasalukuyan na nitong ipinapatong ang dala-dalang shoulder bag sa ibabaw ng mesa nito. Lumapit ito sa swivel chair at doon ay naupo habang inaabot ang ilang folders na nasa ibabaw ng mesa. Iyon marahil ang sinasabi ng sekretarya nito na proposal para sa presentation, kung tungkol saan ay hindi niya alam. Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa mesa ng dalaga at katulad sa sinabi nito ay naupo muna siya sa visitor's chair na nasa harapan ng mesa ni Allana. Binuklat muna ng dalaga ng ilang folders na hawak nito bago siya binalingan. Miguel waited patiently. Sa halip na tanungin agad ang dalaga kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa ay hinayaan niya muna itong tapusin ang ginagawa. Mas itinuon niya muna ang kanyang pansin sa pagmasid ulit sa kabuuan ng opisina nito. Kahit pa nabanggit nito sa kanya nang isang araw na hindi maganda ang takbo ngayon ng kompanya ng mga ito ay hindi maitatanggi na nagsusumigaw ng karangyaan ang buong lugar na kinaroroonan niya ngayon. Ngayon niya lubos na napagtanto sa kanyang sarili na sadyang malayo ang estado ng mga buhay nila ng dalaga. At kung bakit siya nakararamdam ng panghihinayang dahil doon ay hindi niya alam. Bigla ay napalingon siyang muli sa kinauupuan ni Allana nang marinig niya itong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Nang humarap siya dito ay kasalukuyan na nitong sinasalansan ang mga folders. "May problema ba?" hindi niya maiwasang itanong dito nang makita niyang wari ay problemado ang mukha nito. "Nothing, Miguel," tugon nito sa kanya. "I am just hoping na sana ay kami ang mapili ng kompanyang ito para gumawa ng commercial para sa kanilang produkto. We will present to them the ideas that we have for their product. At kapag nagustuhan nila iyon ay kami ang hahawak ng proyektong ito." Napabaling siya sa mga folders na kanina lang ay tiningnan nito. "At hindi ka ba satisfied sa ginawa ng staffs mo?" usisa niya pa sa dalaga. "Hindi naman sa ganoon," wika nito sa kanya. "Hindi ko lang maiwasang mag-alala. Nabanggit ko na sa iyo na nahihirapan kami na makakuha ng mga kliyente. Hindi ko maintindihan kung bakit. My staffs were doing great and they were giving an extra effort on each project that we were doing. Pero hindi ko pa rin alam kung ano ang kulang at hindi kami magawang piliin ng mga kompanyang sinusubukan naming bigyan ng project proposal." "Tungkol sa anong produkto iyan?" tukoy niya sa mga folders na nasa harapan ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit napukaw ng pinag-uusapan nila ngayon ang buong atensyon niya. He felt like he loves talking something like this. . . like this topic. "It is a clothing brand. The WeWear," saad sa kanya ni Allana. Ang tinutukoy nito na brand ng mga damit ay ang isa sa pinakasikat at pinakamahal na mga damit sa bansa. Wala yatang produkto ang brand na iyon na bababa sa isandaan lamang ang halaga. Lahat ay mahal. At hindi na siya magtataka sapagkat orihinal ang produktong iyon at magagandang klase ng kasuotan ang binebenta nila. "We need to have this project, Miguel," wika muli ni Allana sa kanya. "You know that this is a famous brand. Malaking kompanya ang Wewear. Kung sakaling makukuha namin ito ay makakabawi ang kompanya. I-I already told you that our company is not doing well. We lost several clients before. At naging sanhi iyon ng paghina ng kita namin." Nakaiintinding tumango siya dito. Nauunawaan niya ang nais nitong sabihin kaya alam niya kung bakit kailangang-kailangan ng mga ito na makuha ang project na iyon. "Sa tingin mo ay tatanggapin na ng Wewear ay ginawang project proposal ng mga empleyado mo?" tanong niya dito. "I have trust on my employees," tipid nitong sagot sa kanya. "Hindi sapat ang trust sa pamamalakad ng isang kompanya, Allana. Kung paiiralin mo lagi ay ang puso, hindi ka magtatagumpay. Kailangan mong mag-set ng rules sa mga empleyado mo. Hindi sapat na pinagkakatiwalaan mo sila kaya ipapaubaya mo na lamang basta ang lahat sa kanila. Hindi dahil pinagkakatiwalaan mo ang mga empleyado mo ay tatanggapin mo na lang ang lahat ng ibibigay nila sa iyong proposal." Maang na napatingin sa kanya si Allana. Ni hindi na niya napansin ang pagkamangha na rumihestro sa magandang mukha nito dahil sa lahat ng kanyang nasabi. "Kailangan niyong makapag-isip ng magandang estratehiya. Kadalasan ay mas patok ang mga commercial o print ads kung nag-iiwan ang mga iyon ng marka sa mga tao, Allana," patuloy niya pa sa pagsasalita. "At sa tingin ko ay iyon ang hanap ng mga kompanya para sa kanilang mga produkto. Mas gugustuhin nila na tumatak ang kanilang mga produkto sa masa. . . sa mga tao sa pamamagitan ng mga commercial." Napatuwid ng upo si Allana dahil sa mahaba niyang pagsasalita. Noon niya lang napansin na punong-puno ng pagkamangha ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. Parang hindi nito inaasahan na lalabas sa kanyang mga bibig ang mga ideyang iyon. Agad namang napaiwas ng kanyang tingin si Miguel. Hindi niya alam kung bakit nasabi niya ang lahat ng iyon sa dalaga. Ni hindi niya alam kung saan nanggaling ang lahat ng sinabi niya dito. It was like a flowing ideas from his mind. Wari ba ay sanay na sanay na siya kung tungkol sa negosyo lang naman ang pag-uusapan. At hindi niya alam kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. "P-Pasensiya na. Hindi ko intensyon na pangunahan ka," nahihiyang sambit niya sa dalaga. "No, Miguel," agap nito sa kanya. "I am even interested to what you said. Tell me, sa tingin mo paano mag-iiwan ng marka sa mga tao ang isang commercial?" Napatitig si Miguel sa mukha ni Allana. He saw so much anticipation on her face. War ba ay sabik na sabik itong marinig kung ano man ang isasagot niya. Alam niya na nagising niya ang atensyon nito. Mabilis na nag-isip ng isasagot si Miguel sa dalaga at sa malumanay na tinig ay sumagot siya dito. "Maaari kayong gumamit ng iconic lines o kaya slogan para sa produkto. Tagline, Allana," saad niya dito. "Y-You talked like an expert, Miguel," hindi maiwasang puna ni Allana sa kanya. "W-why do you sound so expert in running a business?" In running a business? Napaisip din si Miguel. Bakit nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD