CHAPTER 35

2027 Words

CHAPTER 35 ISTANBUL, TURKEY (1974) Agad na napabilis sa paglalakad si Zehra nang makarinig siya ng malakas na sigaw mula sa direksiyon ng kanilang bahay. Nasa may bukana pa lamang siya ng kanilang bakal na gate nang marinig na niya ang malakas na tinig ng kanyang stepfather, si Demir. Gabi na at mag-aalas otso na ng gabi. Galing si Zehra sa paghahanap ng trabaho ngunit sa kasawiang palad ay wala pa rin siyang makuha. Isang dahilan kung bakit nahihirapan siya sa paghahanap ng mapapasukan ay dahil sa hindi man lang siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral. Hindi siya matanggap-tanggap dahil hindi man lang siya nakapagkolehiyo. Mabilis ang mga hakbang na dali-dali siyang lumapit sa kanilang bahay. Nasa may bukana pa lang siya ng pinto ay natanawan na agad ni Zehra ang kanyang ina, si Lilah.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD