CHAPTER 36 ISTANBUL, TURKEY (1974) Walang napagpilian si Zehra kung hindi ang ikonsidera ang alok ng lalaking lumapit sa kanilang magkakapatid kanina. Hindi mahirap hulaan na narinig nito ang mga sinabi niya kay Ayse, dahilan para alukin siya nito ng trabahong sinasabi nito sa kanya. Mula sa kainan kung saan sila nanggaling ay dinala sila ng estranghero sa isang katamtamang laki na apartment, na ayon dito ay pansamantala raw muna nilang tuluyan. Nabanggit niya kasi dito na wala silang mapupuntahan sapagkat pinaalis sila sa dati nilang tinitirhan. Iyon ang mga sinabi ni Zehra dito. Dahil sa hindi niya pa masyadong kilala ang lalaking kumausap sa kanila ay hindi niya makuhang sabihin dito ang totoong nangyari sa buhay niya... sa pamilya nila. Kung tutuusin ay hindi niya sana nais na iko