CHAPTER 34 Matapos ang lahat ng nangyari kanina ay ipinayo ni Mattheo kay Zehra na tawagan ang mga magulang ni Allana. Ibinilin niya dito na ipaalam ang lahat ng nangyari, bagay na labis na ikinabahala ng mag-asawang Millares. Ilang saglit lang ang lumipas ay may dalawang patrol car na dumating sa kanilang kinaroroonan. Alam niya na ang ama na ni Allana ang tumawag sa mga pulis upang ipaalam ang mga nangyari. Agad na linapitan ng mga ito ang dalawang lalaking umatake sa kanila. Ang isa na nagkaroon ng tama ng saksak dahil kay Zehra ay agad na binigyan ng paunang lunas. Mattheo was even amazed when he realized na hindi pala ganoon kalalim ang ginawang pagsaksak dito ni Zehra. Wari bang ginawa lamang iyon ng dalaga upang manghina ito at maagawan ng baril. Doon niya din napagtanto kung ga