CHAPTER 11 Masusing pinagmasdan ni Miguel ang kanyang repleksiyon sa harap ng salamin. It was like he was staring at somene else and not with his own reflection. "Napakakisig mo, anak," buong paghanga na wika ng kanyang ina habang katulad niya ay nakamasid din ito sa kanyang kabuuan. Kasalukuyan niyang inaayos ang kanyang suot nang bigla na lamang ay matigilan siya at mataman na lamang na napatitig sa kanyang mukha. Hindi siya makapaniwala na halos maging ibang tao siya nang mabihisan. At alam niya na parehas sila ng iniisip ng kanyang ina. He was currently wearing a black tuxedo. Ang kanyang buhok ay maayos na nakasuklay. Sadyang nagpagupit pa talaga siya para lang sa pagdiriwang na magaganap ngayong gabi. Ngayon na nga ang anibersaryo ng Millares Advertising Agency. At dahil sa isa