Chapter 3:Paths

1294 Words
Alunsina’s POV “Delivery po para kay Ma’am Alunsina!” “Ako po iyon Sir!” Pagkatapos kong mapirmahan ang receiving form ay pumasok na ako Will you be my Bridesmaid? Bridesmaid. Isang salita, sampung letra. Yan lang ang nakakayanang pahintuin ang nararamdaman ko. Hindi tumama si mama sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot. Rain’s POV “Hello bro! Oo natanggap ko na! Grabe sosyal kana talaga hahahaha pero kailangan ko pa bang sagutin ‘to? Eh alam mo naman na hindi kita mahihindian ano! hahahaha sige bye na magkita na lang tayo sa pre-wedding shoots! Bye!” Call Ended. “Will you be my Best Man?” yan ang nakasulat sa box na hawak ko ngayon. Siyempre ay oo ang sagot ko. Siya kaya? Natanggap nya na kaya? Makikita ko na ba sya this time? Third Person’s POV Mabilis na umusad ang araw at dumating na ang araw kung kailan magkikita kita ang mga naimbitahan sa kasalan ng taon kung tawagin ng mga kaibigan ni Leah at John Mark dahil matagal na itong hinihintay ng karamihan sa kanila. Si Alunsina ay nakagayak na at papunta na sa naturang lugar kung saan ang shooting. Si Rain naman ay kanina pang nandoon at nasa silid ng mga kalalakihan. Magarbo ang lugar kung saan gaganapin ang pre-wedding shoots. Puno ng halaman, dekorasyon, at ilaw para attractive tignan ang mga litrato. Pagkababa ng sasakyan ni Alunsina ay agad din syang tumungo sa kwarto kung saan nandoon ang bride at iba pang bridesmaid. Hindi na sya nagulat sa mga nandoon dahil halos lahat sila ay magkakakilala na simula pa lamag noong highschool. Alunsina's POV "OMG hello dear!!!" aniya ni Leah "I am so glad you made it today!! Come on in!!" "Hello" "Kumusta?" "How is life going?" "May asawa kana rin ba?" Ilan lamang iyan sa mga tanong na binato saakin ng mga batch mates ko. Inikot ng mga mata ko ang kwarto ngunit wala kahit anino ni Rain. Ha! Bakit ko naman siya hahanapin dito eh room 'to ng bride, muling pagbabalik ko sa kasalukuyang nangyayari. Hindi ko napansin na nakatingin na pala sakin si Isla, ang ex ni Rain. Matangkad, morena, payat, mapungay ang mata, at model si Isla sa ibang bansa. Nabalitaan ko na lang din na kumakailan nga eh umuwi siya para sa kasal nitong dalawa. Nang mapansin niya na nakatingin din ako sakanya eh agad siyang umiwas ng tingin. Okay naman kami noong una ngnuit nang maging close kami ni Rain ay di na niya ako pinansin, kahit na di ko naman inakit si Rain noon kahit na may gusto ako sakanya. "Leah, labas lang ako ah maglilibot-libot lang ako kasi kaganda yung lugar baka pwede ko ma refer kapag nagkaroon kami ng bench marking" "Ah sige. maya-maya lang aalis na yung iba kaya balik ka agad ah, tawagan mo ako sakaling maligaw ka diyan" Malaki ang lugar at mukhang kakailanganin ko talaga ang tulong ni Leah. Ilang minuto na akong naglilibot sa lugar at hindi ko na alam ang daan dahil maraming vacant rooms at likuan. Nag try akong tumawag kaso wala ring signal. Nang hindi ko na alam ang gagawin ay tumayo na ;ang ako doon na para bang merong dadaan ano mang oras sa ngayon. "LALALALALALALA~" dinig ko mula sa dulo ng hall way. May kumakantang lalaki. Hindi ako umalis sa pwesto ko at hinintay na makalapit ito. "Uhm miss? Naliligaw ka ba? Saang reception room ka ba para mahatid kita." "Ahh oo, sa ABC reception hall ako" "Sige tara sunod kana sakin" Habang naglalakad kami ay di ko maiwasan na pag masdan ang lalaki. Matangkad, nakasalamin, maputi, at singkit na mga mata. Hindi ko alam pero feeling ko nagkita na kami noon. Nakarating na kami sa reception hall at nagpasalamat naman ako sakanya. "You're welcome, Miss?" "Alunsina." "Wow akala ko po mukha nyo lang ang familiar sakin pero pati pala pangalan, nice to meet you Miss Jen, sige una na po ako." "Salamat ulit! /actually familiar ka rin/ " pabulong kong sabi. Nag wrap up na kami ng shoot at nagkaayaan pa sanang duniretso sa bar pero pagod na ako at ang sabi ko na lang kay Leah eh babawi na lamang ako sa araw ng kasal nila. Hinahanap na rin ako for sure nila mama dahil hindi sila mapakali kapag wala pa ako sa bahay. Pagkarating ko sa bahay ay saka ko lang naalala na hindi ko pala natanong kung anong pangalan ng tumulong sakin kanina. Familiar talaga at para siyang may ibinalik na pakiramdam saakin na matagal ko nang hindi nararamdaman. Linggo na ang nakalipas at hindi ko pa rin makalimutan ang tagpo na iyon. Minsan lang ako makaramdam ng mga bagay-bagay kaya naman ay talagang tumatatak ito sa isipan ko. Iniisip ko na nga ngayon kung paano ko siya makikita sa mismong kasal ni Leah at John Mark at kung paano ko makukuha ang pangalan ny—. Sandale!! bakit nga ba hindi ko naisip iyon. Agad kong tinawagan si Leah para alamin ang kumpletong pangalan nito. Ringing..... "Hello Leah!, ask ko lang sana kung anong name noong photographer ninyo? Well siya kasi iyong nag guide saakin papunta pabalik sa rexeption hall eh. Gusto ko sanang mag thank you lang at saka parang familliar din sya sakin eh." "Ahh oo si Angelo Zores, search mo lang ang name niya sa f*******: mabait yon, malay mo kayo talaga, ayieeeeee!!!" "Sira! HAHAHAHA sige salamat, relax kana lang dapat frenny ha, isang buwan na lamg magiging Mrs. Fuentes kana!" "Oo nga eh can't wait na rin" "Sige sorry for the disturbance ha, thank you ulit!"  Angelo Zores? Si Zores na naka talking stage ko noong College??!!?? Grabe naman si tadhana oh! Bakit sabay sabay pa ang problema ko ngayon? Oo problema talaga kasi naman, si Rain pinag iisipan ko pa kung paano ko makikita sa kasal ni Leah at John Mark tapos dadagdag pa si Angelo?!!?? Pero I fairness naman sakanya, bumait at naging approachable siya ngayon. Flashback (3rd Year College) "Bes! Bigyan mo naman ako ng makakausap oh! bored na bored na ako, gusto ko naman ng lambing!" "Ay bes sa f*******: dating!!! Maraming gumagamit niyan, at saka para hindi ka na rin mag download ng mga kung ano-anong dating apps!" "Kabog ka na naman bes ko! kaya sa'yo ako eh!" Agad akong nag sign up at nag fill ng informations na kailangan. Marami akong nakilalang tao na iba iba rin ang personalidad. May nasobrahan sa bait, may sumobra sa yabang, may makapal ang mukha, may panget kaya ang nilagay na lang na profile picture eh cartoon character, meron din namang humourous kaya hindi boring kausap kaso eh iiwan ka lang din naman at hindi na ulit magcha-chat kinaumagahan. Pero ang tumatak sa'kin ay ang naka chat ko noong mga panahong susuko na sana ako sa dating app na iyon. "So sa BYWS ka rin nag aaral? anong course mo?" Aniya ng stranger chatmate ko sa dating app. "Oo halata naman sa picture hindi ba? hahahahaha, bakit ka nga pala napunta sa dating app?" "Wala naman, gusto ko lang ng kausap, may i********: acc ka ba?" "Ah, oo, @areumdawoois22 ang username ko" btwangelo17 started following you! "nakita ko na follow request mo!! doon na lang ba tayo mag usap?" "kung okay lang sana sa'yo" At doon na nga namin mas nakilala ang isa't isa. May mga araw na grabe ang banat ni Angelo sa'kin pero palihim lang akong kinikilig dahil feeling ko naman ay masyado pang maaga. Meron kaming Acquaintance Party at buti na lang ay pinayagan akong pumunta kahit na gabi ito gaganapin. "Pupunta ka ba sa Acquaintance party?' "Hindi eh, may kailangan kasi akong tapusin niyan. Ikaw ba?" "Ah sayang naman, mas masaya kung nandoon ka." End of Flashback.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD