Phone Ringing....
"Hello Alunsina!"
"Oh John Mark! Congratulations ha!"
"Thank you! Naku! Pasensya kana at biglaan yata. Inaasahan namin ni Leah ang presensya mo ha!"
"Well, wala naman na akong magagawa hahahahaha, biro lang! Oo naman makakaasa ka"
"Oh sige tumawag lang ako para ma confirm kung nakuha mo na, may photoshoot na gaganapin sa December, send na lang rin namin sa'yo yung details sa email mo."
"Okay noted! Ingat kayo!"
Call Ended.
Halos walong taon na rin pala, may kanya-kanya na kaming buhay. Kung tutuusin eh ito na lang ulit ang pagkakataon na magkikita kita kami. Oo, “kami”, alam ko naman na naimbitahan na rin ang mga kaklase namin noong highschool. Hindi ko alam kung gugustuhin kong makita ang karamihan sa kanila. We grew apart, noong nag college ay nagkaroon kami ng mga bagong set of friends at nakalimutan na rin namin kung paano kami noong high school. May isang taong tumatatak sa isipan ko tuwing nababanggit ang mga karanasan ko noong high school, lalo noong kami ay Grade 10.
Si Rain. Si Rain ang isa sa mga boy best friend ko, noon.
Walang bago. Ready na akong pumasok ulit sa paaralang pinapasukan ko. Teacher II ang rank ko sa paaralang ‘to kaya lang ay hindi ako kuntento sa nakukuha ‘kong sahod. Kasama ko ang nanay, tatay, sister-in-law, at dalawa kong pamangkin. Ako na ang nagpapaaral sa mga pamangkin kong ito at gumagastos ng mga bayarin sa bahay kaya naman ay grabe ang pasanin ko sa buhay, relate ka ba? Wala na akong buhay sa labas ng trabaho. Tuwing pagkatapos ng klase ay diretso ako agad na umuuwi para makapagpahinga at makatulong sa mga gagawin sa bahay. Tambak rin ang mga paper works at lesson plans na kailangan na namin magawa. Tulad ng dati, ganun pa rin ako tulad ng dati.
Flashback, 3rd year college…..
*Ting* tunog ng messenger ko.
Text message:
“Alunsina, free ka ba bukas? Ayain sana kitang mamasyal, kung okay lang sa'yo.”
“Hello, sorry Rain hindi kasi ako pwede eh, marami kaming tambak na assignments and may research din. Sa susunod na lang siguro.”
“Ahh ganun ba, bukas?”
“Bukas may meeting kami sa organization namin eh.”
“Ayy sayang naman, sige sa ibang araw na lang.”
End of Flashback
Tulad ng dati ay mahirap pa rin makabuo ng social life outside work and from my responsibility as a breadwinner of the family. Kaya hindi na rin ako nagtatakang 28 years old na ako ay wala man lang akong naging karelasyon. Iyong mga kakilala ko ay nakabuo na ng sarili nilang pamilya, pero ang tanging nabuo ko pa lang eh ang sama ng loob.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, hindi ko na namalayan December na pala at nalalapit na ang pagkikita namin ng mga highschool friends ko.
Makalipas ang dalawang buwan.
December na.
Pero bago pa man mapunta sa kasalan ay sinigurado ko munang handa ako.
Weekend ngayon at napagpasyahan kong pumunta ng mall para magkaroon ng ‘me’ time. Ay hindi nyo pa pala alam, birthday ko ngayon.
Nagpagupit, nagpakulay ng buhok, nagpa manicure at pedicure, at pumunta sa derma. Ilan lang iyan sa mga ginawa ko ngayong araw. Hay kapag tumatanda kana talaga ay yan na lang ang magpapasaya sa'yo. Nang makauwi ay agad kong kinwento sa mama ko kung ano nga ba ang ganap sa buhay ko ngayon.
“Ma andito na po ako!”
“Oh buti naman at nakauwi kana, aba pustorang-pustora anak ko ah, anong meron bukod sa birthday mo?”
“Eh ma ito na nga ang mainit-init pang chika, naaalala mo ba si John Mark, yung kaibigan ko nung highschool?”
“Oo, yung naghatid sainyo nung nalasing kayo”
“Sa lahat ba naman ma ng pwedeng maalala yan pa talaga? Anyways, ikakasal na sila ni Leah Ma!”
“Ay mabuti naman at nauwi pa sila sa kasalan, naku kwento mo sakin noon eh puro away na lang ang dalawang yon ah hahahaha”
“Omsim ma! Hay ayon syempre kaya ko nga to ginagawa eh para naman pag nakaharap ko na mga kaklase ko noon eh di naman ako mukhang teacher na ang sinasahod eh napupunta na lang sa mga bills sa bahay”
“Masaya ako para sa kanila. Pero ikaw ba anak? Kailan ka ba magsasabi sakin na ikakasal kana? Aba 29 kana oh! Galaw galaw ka naman!”
“Hay nako ma! Napag usapan na natin yan, eh wala rin nga pong nanliligaw sakin, magpakasal pa kaya?!”
“Eh meron ka naman kasing mga naipakilala sakin dati bakit hindi mo binigyan ng pagkakataon na patunayan nila ang sarili nila sayo? Which is, tama! Naalala ko meron kang kini-kwento saakin na kaklase mo noon na gusto kang ligawan! Si ano, ahh, ano nga ba pangalan noon? Hmm, AH!!!! si RAIN!!!”
“Ma naman naalala mo pa rin yan?”
“Sus kung ganyan ang reaction mo panigurado ay makikita mo sya doon sa kasalan ano?”
“Syempre naman ma, baka nga sya pa ang maging best man ng groom eh”
“Naku anak baka hindi pa nasasabi sayo ni Leah, paano kung ikaw ang maid of honor, aba perfect.”
“Eh ma naman imposible pong mangyari yan. Hindi naman ako ang pinaka close kay Leah”
“Pero paano nga kung oo?”
“Hindi ko na rin alam Ma, hindi ko pa nga alam ang mararamdaman ko sa moment na magkita ulit kami. It’s been years, pero hanggang ngayon mahirap pa rin kalimutan.”
"Sabihin na natin na magkikita man kayo, sige nga paano mo ba siya haharapin?"
"Ihh mama naman pini-pressure ninyo naman po ako masyado niyan eh, siguro naman hindi pa kami magkikita since pre-wedding shhot pa lang yun malamang eh halos lahat eh boys ang kasama nila."
"Ano man ang mangyari doon ay balitaan mo ako anak ha, lalo na kapag nagkita kayo. Ipaabot mo na rin ang pagbati ko sa ikakasal."
"Opo ma, makakarating po"
Ding dong! ang tunog na iyon ang pumutol sa usapan ni Mama.