Yun ang pinakaunang memory ko kay Angelo, ang acquaintance party. Hindi man sya nakapunta ay sinigurado niyang nandoon pa rin ang kanyang presensya. Tinawagan nya ako, nag video call kami. Hindi yon ang una naming video call pero triple ang kilig na naramdaman ko noong gabing iyon. Ang isip ko noon ay lumulutang sa saya, na kahit ang malakas ang musika sa paligid ko ay tanging t***k ng puso ko ang nararamdaman ko. Kahit na nakikita ko lang siya sa kabilang screen ay ramdam ko ang kaba ko dahil unang beses lang itong nangyari sa'kin sa college life ko. Kasi kung iisipin eh ranas ko na rin noon ito noong highschool ako. Si Rain ang nakapagparanas sa'kin nito. Ang dami kong magagandang ala-ala kasama siya lalo na at nasa same circle of friends lang kami.
Flashback...
*Phone Ringing*
"Hello Gelo! andito na ako ngayon sa dance floor bakit ngayon ka pa tumawag? Ganyan mo ba ako ka miss? hahahahaha"
"Gusto ko kasing makita paano ka nag eenjoy ngayon diyan. Sayang talaga at hindi ako nakapunta. Sinong mga kasama mo ngayon?"
"Okay lang yon! Malay mo naman may next time pa! Andito mga classmates ko, ang gagaling nga nilang sumayaw eh!"
"Naks sample nga dyan idol! hahahahaha"
"Nakakahiya, baka sabihin mo pa ang hina ko hahahahaha"
"Asus pa humble ka pa eh alam ko namang sumasayaw ka, yan yong story mo noong nakaraang araw eh, kita ko kaya yon!"
"Shhh! Quiet ka na lang hahahahah sige na nakakasilaw na rin yang kapogian mo, este yung ilaw pala hahahahaha"
"Ha? Ano? Hahaha sige bye!"
*Ting*
Agad kong tinignan ang message. Galing ito kay Angelo.
Pwede ba kitang ligawan?
Yan ang laman ng mensahe niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Para sa'kin ay wala namang kaso dahil parehas naman kami ng nararamdaman. Pero alanganin din dahil kung sakali ay siya ang una kong boyfriend at napaka aga naman kung manliligaw siya. Dalawang buwan pa lang kaming nag uusap pero dahil madali namang makuha ang loob ko ay kahit papano ay may nararamdaman na ako sakanya, pero paano siya? Ni hindi pa nga ata sya nakaka move on sa ex niya eh.
Angelo alam mo naman na grabe ang trust issues ko diba? At alam mo rin na if ever Ikaw ang magiging una ko? pero sige nakikita ko naman na sincere ka sa ginagawa mo kaya sige pinapayagan na kita.
Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuo ang mensaheng iyon. Nang maisend ko ay agad kong sinara ang phone ko para naman hindi ko kaagad makita ang reply nya. Pagkatapos ng 10 minuto ay binuksan ko ulit. Wala pa rin syang reply. Sa puntong iyon ay nag aalinlangan na ako kung tama ba na yon ang sinabi ko sakanya. Paano kung sinusubok niya lang pala ako kung bibigay ako sakanya? Paano pala kung inaalam niya lang kung marupok ako? Eh marupok naman talaga ako eh! Pagkatapos ulit ng dalawang minuto ay tumunog na ang notification hudyat na nag reply na siya.
Thank you, I promise you na hinding hindi kita bibiguin.
Nakampante ako sa reply niya at muling ipinagpatuloy ang pagsasayaw.
Nagdaan ang mga araw at palaging video call, chat, at voice message lang ang tanging way namin para mag usap. Medyo nagtataka na ako noon dahil hindi niya man lang ako malingon kapag nagkakasalubong kami sa campus. Naisip ko tuloy eh baka naman talaga kasi nadala lang siya nang gabing iyon. Hanggang sa pagkatapos ng mahaba-habang usapan namin ng isang gabi ay kinaumagahan hindi na siya nag reply. 3 araw na ang nakakaraan pero wala man lang reply. Lagi ko siyang isip noon dahil baka kung ano na ang nangyari sakanya. iniisip ko pa noon kung na "ghost" niya na baka ako dahil yon ang uso noon. Napaso pa ako ng plantsa kakaisip sakanya. Lahat ng kanta ay siya ang iniisip ko. Palagay ko sa puntong iyon ay mababaliw na ako sa pag iisip. Hanggang sa....
Sorry kung hindi na ako nakapag reply sa'yo. Marami lang nangyari at hindi ko alam kung paano ulit makikipag usap. Nawawalan ako ng self confidence lately eh. I'm so sorry Alunsina.
Expected pero masakit pa rin pala. Simula noon ay sinanay ko ang sarili kong hindi siya kausap. Hindi na kinaya ng puso ko ulit na mag tiwala simula noon kaya naman ay nag focus na lang ako sa aking pag aaral at pagtatrabaho.
End of Flashback.
Oh ayan napa flashback pa tuloy ako dahil lang naalala ko ang pangalan niya. Kaya pala familiar siya sa'kin eh siya pala ang parehong Angelo na naiisip ko eh. Nagdadalawang isip pa ako kung magpapasalamat ako sakanya dahil baka ngayon alam niya na rin na ako si Alunsina noong college.
*Angelo Zores sent you a friend request*
Aba! Ito na yun, tadhana. na mismo ang may gusto nito. Hay ang rupok ko pa rin talaga ano? Syempre ay tinanggap ko naman ang friend request niya.
Hello! Ako yung nag guide sa'yo papuntang reception hall, hope you still remember me!
Hi! So Angelo pala name mo, so bakit ka napa message?
Actually I asked Ma'am Leah to give me your name and sss account, and I just really want to know you more knowing na magkikita pa rin tayo sa kasal nila ni sir John Mark.
Paano mo naman sila pala nakilala? I mean there are lots of photographers in this city?
Si Ma'am naman oh, are you having doubts with my capabilities?
Hoy no! hahahahaha tinanong ko lang naman kung paano ka nila na cast diba?
Well they inquired in our company and the company chose me to capture the sweetest moments on their pre-shoot and the D-Day so ayun ma'am.
Hmm, I guess magaling ka talaga sa ginagawa mo. Congratulations kasi magandang client nakuha mo, knowing them napaka galante nila when it comes sa tip. Ayan na ba ang trabaho mo ever since?
Sa totoo lang po ma'am eh dati po akong graphic organizer pero hindi ko po nagustuhan ang working environment doon at parang na miss ko po yung gumagalaw talaga ako at nasa labas kaya naman ay tinahak ko ang pagkuha ng larawan. Minsan po ay may mga raket din ako outside the country kaya naman po ay hindi ako nagsisising tinahak ko ang career na ito.
Wow, congratulations! Buti ka pa at natahak mo na ang gusto mo.
Eh kayo ba Ma'am? Teacher ho kayo hindi ba?
Oo, pero ngayon parang gusto ko na lang din na tumigil muna at maghanap ng ibang trabaho. Masyado na kasing demanding ng system ngayon lalo na sa school na pinapasukan ko eh.
Masaya akong natupad mo pa rin ang isa sa mga pinangarap mo, Ma'am Alunsina.
Flashback...
Angelo: "Kamusta kana?"
Alunsina: "Eto nahihirapan na ako, internship pa lang ito pero parang free trial na sa impyerno sa sobrang kukulit ng mga batang ito"
Angelo: "Hays kawawa naman ang Ma'am ko. Laban lang Ma'am Alunsina, habaan mo pa ang pasensya mo!"
End of Flashback.
Nakikilala mo na ba ako Alunsina?
Angelo.....
Katulad ka pa rin ng dati Alunsina. Namiss kita.
Ibang-iba ang nararamdaman ko sa text na iyon na para bang sinampal ako ng paulit ulit dahil alam ko naman sa sarili ko na nadadala lang ulit sya ng biglaan naming pagkikita. Andito na naman ako sa part ng nararamdaman ko na kailangan kong pigilan pero sa huli ay rurupok lang din naman.
Hay nako Angelo, may amats kana siguro, sige na. Good night. Salamat din pala talaga noong nakaraan. Alam mo naman na may trauma ako kapag nawawala ako sa isang lugar. Bye!
Hindi na muling nag reply si Angelo, pabor yon sa'kin dahil kung ano ano na lang ulit ang iisipin ko kung nagkataon pang mag reply pa siya sa'kin.
Angelo's POV
Kinakabahan akong sabihin 'to sakanya ngayon.
Namiss kita.
Na send ko na. At expected ko na rin kung ano man ang sasabihin niya. Maniwala man siya sa hindi ay ganon talaga ang nararamdaman ko sa ngayon.
Hay nako Angelo, may amats kana siguro, sige na. Good night. Salamat din pala talaga noong nakaraan. Alam mo naman na may trauma ako kapag nawawala ako sa isang lugar. Bye!
Hindi malamig ang reply niya pero ramdam ko ang pag iwas. Alam ko naman na kasalanan ko dahil hindi pa naman talaga ako handa noon kaya lang ay sinubukan kong pahulugin siya, hindi ko naman alam na mahuhulog talaga siya sa'kin. Pero sa mga panahon na hindi na kami nag uusap, mas lalo ko lang siyang namiss at hinanap-hanap. Kahit saan ako magpunta ay mukha niya lang ang nakikita ko, kahit pa sa screen lang kami madalas magkita. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng "kami". Sana this time hindi pa huli ang lahat. Gagawin ko ang lahat ng kaya kong gawin para makuha ko ulit si Alunsina, kahit pa alam kong makikita niyang muli si Rain, ang lalaking karibal ko sa buhay ni Alunsina. Pagkatapos na pagkatapos ng kasal ni Ma'am Leah at Sir John Mark ay doon na rin ako magkakaroon ng time na ligawan siya ulit, this time totoo na.
Rain's POV
Malakas ang ulan at wala akong dalang payong. Malas naman oh! Yan na lamang ang nasabi ko noon dahil hindi ko alam kung papano ako makakauwi. Kalahating oras na akong nakatayo sa labas ng firm namin at hanggang ngayon ay wala man lang tumatanggap ng request ko sa Grab, Joyride, at angkas!
Ilang minuto lang ang nakalipas ay may pumaradang kotse sa harap ko.
Sakay na! Gusto mo bang abutan ng bagyo? Bigkas ito ni Isla, ang ex girlfriend ko.
I-isla!?? Ano namang ginagawa mo dito?
Pwede bang sumakay ka muna bago ko sabihin yan?
Agad ko namang sinunod ang sinabi nya at sumakay sabay seatbelt. Pagka pasok ko pa lang ay hinalikan ako ni Isla sa pisngi na bigla ko namang ikinagulat.
Isla!!! Bakit mo naman ako hinalikan? Mag ex na tayo ha!
Ito naman di naman mabiro at saka sa cheeks lang naman, dati nga nagmamakaawa ka pa sa'kin na mag momol tayo eh, tss.
Noon yon Isla, para ka namang may amnesia niyan eh. Saka bakit ba andito ka? Eh sa Katipunan pa kayo diba?
Uy alam! Di, kasi may ka meeting ako malapit eh nag U-turn ako dito malapit sainyo ayon nakita kita para kang timang eh malamang walang tatanggap sa books mo kasi rush hour ngayon.
Tsk wala naman akong choice kung hindi mag hintay.
Malapit na kasal nila Leah. Excited na ba ang best man?
Aba oo naman! Ang tagal kong hinintay to, ewan ko ba dyan sa dalawa pinatagal pa eh
Kung hindi lang sana tayo nag hiwalay siguro kasal na rin tayo
Kung hindi ka sana nagloko Isla edi sana tayo pa rin hanggang ngayon
Hanggang ngayon ba naman Rain ganyan pa rin pagtingin mo sa'kin? Mali ka naman ng akala eh!
Isla tapos na tayo, wag mo ng ungkatin ang past natin dahil hindi na yon maibabalik pa.
Bakit? Dahil ba sa Alunsina na yon?! Ano bang pinakain sa'yo ng babaeng yon ha? Hindi mo ba alam na photographer sa kasal nila Leah ang ex fling non?
Eh ikaw lang naman nag bring up niyan eh! Come on Isla grow up naman, matagal ng tapos yan.
I swear Rain, hindi ako papayag na maagaw ka pa ng babaeng yon sa'kin ulit. This time tayong dalawa ang ending, Ikaw at Ako lang.
Pumara na ako at baka saan pa mapunta ang usapan. Umuulan pa rin pero malapit na rin naman ako sa inuupahan ko. Napaisip akong mabuti sa mga sinabi ni Isla. Siya itong nagloko saaming dalawa pero siya rin ang ipit na ipit makipag balikan. Pero mas lalo akong na intriga sa mga sinabi niya patungkol kay Alunsina, ibig sabihin lang noon ay magkikita pa rin kami sa kasal ni Leah at John Mark. Makikita ko pa rin ang babaeng mahal ko.