The Invitation
Prologue
Reminders:
☞ This is a fictional work. The names, characters, organizations, places, events, and situations portrayed are the result of the author's imagination. Any resemblance in reality is pure coincidence.
☞ Enjoy reading!
ALUNSINA’S POV
Pagkatapos ng tatlong oras na meeting kasama ang mga kapwa ko guro at principal ay agad akong dumiretso sa faculty office para ayusin ang mga naiwan kong gamit at tambak na test papers na kailangan ko ng markahan para makapagpasa na rin ako ng grades. Di rin nagtagal ay natapos ako at nagpaalam na sa aking mga kasama sa faculty office. 5:00 na ng hapon at kasabay kong magsilabasan ang mga estudyante, may ibang naghihintay sa kanilang mga magulang, may iba naman na gigimik muna, at karamihan ay sumasakay ng jeep o kaya naman ay tricycle. Nang makatapat ako sa guard house ay tinawag ako ni Mang Lito, isa sa guwardiya ng eskwelahan na pinapasukan ko.
"Ma'am Alunsina! Ay naku mabuti naman po at naabutan ko kayo! May pumunta pong lalaki dito kanina, hinahanap po kayo kaso nga lang po ay may meeting po kayo kaya iniwan niya na lamang po ito dito at sinabihan ako na ibigay sainyo".
"Maraming Salamat po Mang Lito! Pwede ko po bang malaman kung ano pong pangalan ng nagbigay?"
"Ah John Mark Dela Cruz po ang pangalan Ma'am"
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong binuksan ang envelope. Hindi na ako nagulat, pero hindi ko ito inaasahan na darating ngayon. Wedding invitation. Ikakasal na sila ni Leah, ang kanyang long-time girlfriend. Kaibigan ko silang pareho kaya naman ay nakatanggap ako ng invitation sa kasal nila.
March 30, 2025. Pamplona Parish Church ang venue ng kanilang kasal. Ang lugar na pilit kong iniiwasan.