Alunsina's POV
Abala na ang lahat sa kasalang ito. Sinabi ko kay Leah na mali-late ako ng kaunti pero susubukan ko pa rin na maka habol bago mag simula ang programa ng kasal. Kasagsagan pa man din ngayon ng traffic dahil maraming na late ng gising. Hindi kagaya dati ay walang traffic dito sa probinsiya lalo na at kaunti pa lang naman ang tao. Ngayon ay marami na ang mga building at shopping centers. Umunlad na rin ang mga sasakyan di gaya ng dati na pedicab lang at tricycle ang makikita mo.
Anak! Dalian mo na diyan naku sinabi ko naman kasi saiyong huwag ka ng mag puyat! Ani ni mama na kanina pang aligaga dahil hindi mapakali, ayaw kasi ni mama na nali-late kami sa mga lakad namin.
Eto na nga po! pababa na ma! For sure naman na hindi pa yon nagsisimula! Pero ito na ma, aarangkada na ako doon baka talagang ma traffic eh!
Sige anak, mag text ka saamin kung anong oras ka uuwi ha, enjoy kayo doon at congratulations sa bagong kasal kamo!
Okay po mama, Love you Mwa!
Mga kalahating oras din ang drive ko papuntang simbahan. Yellowish ang theme naming mga bridesmaid. Na receive ko ang text ni Leah na dumiretso na raw ako sa dressing room ng mga bridesmaid dahil nandoon silang lahat. Sumunod naman ako at nadatnan ko silang lahat na palabas na rin.
Hello Mrs. Fuentes! Nako ito na yon!!! Finally!
Hello Alunsina!! OMG ikaw ba nag make up at nag ayos sa sarili mo??? You're so stunning ha!!
Ay nako nambola pa, ikaw lang ang pinaka maganda sa aming lahat dito 'no!
Hahahaha nako salamat! pero hindi kasi kailangan na nating pumunta sa next location para sa same day edit kasama natin lahat ng ibang bridesmaids. Okay na ba kayo ni Isla?
Nako siya lang naman ang nag iisip na hindi kami okay eh. Pero hayaan mo na papakisamahan ko pa rin naman siya kesa naman masira ang espesyal na araw na ito.
Nang makarating kami sa location ng same day edit kasama ang bridesmaids ay nakita ko si Angelo, masigla itong kumaway sa'kin at kinindatan ako. Nagkunwari na lamang ako na hindi ko siya nakita dahil ayokong makantsyawan ng mga kasama ko lalo pa at nandito lang din si Isla. Naging okay naman ang shoot kaya lang ay ramdam ko ang lagkit ng tingin ni Angelo sa'kin na parang bang niroromansa niya ako sa mga tingin niya. Medyo daring din kasi ang suot ko ng araw na iyon dahil syempre ay bridesmaid ako, pero kung ikukumpara ko yon sa susuotin ko mamayang gabi ay baka hindi niya lang din kayanin. Sa kabilang banda, masama naman ang tingin na natatanggap ko Kay Isla, bagaman wala pa man din kaming interaction ni Rain at ramdam ko na ang inis niya sa'kin. Nang matapos ay binigyan na lang kami ng 5 minutes para nag prepare sa dressing room. Ilang minuto pa lang akong nag aayos nang may kumatok naman sa pintuan.
Sandali lang!
Pagbukas ko ng pinto ay dahan dahang iniluwa nito ang taong pilit ko sanang iiwasang makita nang araw na iyon kahit na impossible. Si Rain. ang highschool romance ko. Ang lalaking nagparamdam saakin ng unang pagmamahal. Nang magtama ang mga mata namin ay para bang bumagal ang takbo ng paligid, ang 5 minuto ay parang bumagal para saaming dalawa. Lalo lang gumwapo si Rain. Matangos pa rin ang ilong, itim ang buhok na inayusan nang nakataas, mapupula ang labi, at maputi pa rin siya. Hindi ko rin maipagkakaila na pumayat siya kumpara sa huli naming pagkikita.
Oh Alunsina, hello! Kumusta kana?
Ahh, parang narinig ko na 'to ah? Galing to sa isang kantang pinapakinggan ko noon dahil lang hindi kita nakuha Rain. Nang dahil lang para bang hirap na hirap kang aminin na gusto mo na rin ako.
Flashback
Alunsina's POV
"Uy uy Bernadette! Jane! Jennifer? HOY!"
Ano ba tong bungal na to bakit tawag nang tawag? eh kahit isa sa mga nabanggit niyang pangalan eh hindi naman matawag ang pangalan ko, tapos saakin din naman siya nakatingin
"May sira ba yang ulo mo? Sino bang tinatawag mo ha?!"
"LAH si ate naman masyadong high blood oh, ako nga pala si Rain Flores, ang pinaka pogi mong classmate, eyyy!"
"Kaya siguro Rain ang pangalan mo kasi umulan ng kayabangan noong pinanganak ka!"
" Sus di mo lang talaga matanggap na totoo ang sinasabi ko Bernadette Jane"
"Shunga kahit isa dyan wala kang tamang nasabi!"
"Hindi ba ikaw yon? Naku lumalabo na ata mata ni Ma'am, eh yon yung nakalagay sa masters list eh hahahahaha!"
"Ha??!??"
Agad akong lumabas ng room para tignan ang masters list pero tama naman ang nakalagay doon. Alunsina Villaferde naman.
"May sira ka talaga sa ulo no? Ulol tama yung nasa board"
"Eh magpakilala kana lang sa'kin hindi ko talaga kasi alam ang pangalan mo eh, hindi ko rin mahulaan"
"Sige na nga! Ako si Alunsina Villaferde. Dati akong nasa star section. Kaya mo lang ako naging classmate ngayong year kasi hetero section na tayo kaya please lang wag mo akong nababad trip ha!"
"Alam ko! Hindi ka naman pamilyar eh, huwag kana ma bad trip saakin. Libre na lang kita sa canteen! Tara?"
"Wow gusto ko yan, Tara!"
Sabay kaming naglakad at ginulo gulo niya ang buhok ko.
Simula nang araw na yon ay palagi na kaming magkasama. Kapag vacant kami ay palagi siyang tumatabi sa upuan ko kahit marami namang bakanteng upuan sa gilid ko. Masasabi kong maingay talaga si Rain pero tiklop naman kapag tinawag sa recitation. Palpak talaga ang lalaking yon kahit kailan.
"Alunsina, pst! Samahan mo nga ako sa tindahan, kuha lang ako ng padala ni mama"
" Sige ba!"
Pagkatapos ng agenda niya sa tindahan ay nilibre niya ako ng mango ice cream sa tindahan na iyon dahil sinamahan niya ko raw siya sa tindahan.
" Thank you Rain! Sakto ang init ngayon hehehe"
"Pa thank you ko yan sa'yo kasi sinamahan moko dito".
"Okay ka lang ba na hindi mo kasama ang mama mo?"
"Oo naman, naiintindihan ko naman na para lang din naman saakin ang mga ginagawa niya."
Out of instinct ay niyakap kong bigla si Rain dahil alam kong nadudurog siya sa bawat kwento niya. Niyakap nya ako pabalik at ramdam kong tumulo ang mga luha nito nang pumatong ang baba nya sa balikat ko.
" Huwag kana malungkot. Ililibre na lang kita next time ng ice cream ulit!"
Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at pinunasan ang mga matang balak pa sanang magbuhos ng luha. sa pagkakataong iyon ay ako naman ang gumulo sa buhok niya.
Pagkatapos ng araw na iyon ay mas naging malapit pa kami sa isa't isa. Kapag ginagabi ako ng uwi ay hinahatid ako nito saamin para alam niya na ligtas akong makakauwi. Araw araw na namin nakaugalian na mag share ng baon ni Rain. Kapag naman ay may ganap sa school ay lagi niya rin akong binabantayan.
Victory ball noon at graduation naman namin sa CAT, pagkatapos ng graduation ay dumiretso na kami sa bahay ng aming kaklase para mag ayos. Marami akong dalang gamit noon dahil sa dress na dala ko at sapatos. For the first time ay gusto kong mag mukhang maganda sa paningin ni Rain. gusto ko ay alukin niya rin akong sumayaw noon kapag sweet song na ang pinatugtoh ng DJ. Habang naglalakad ay bigla niyang kinuha ang bag ko at siya ang nagdala nito.
"Akin na nga yan! Ang bigat bigat nyan eh"
"Mismo! Ako na ang magdadala bakit sino ba ang lalaki sating dalawa??"
"Ayan ka na naman sa stereotyping mo!"
Nang matapos kaming mag ayos na magbabarkada ay sumakay na kami papuntang terminal para ihatid kami sa terminal papuntang school. Long black dress na kita ang likod ang suot ko noon at light make up lang dahil hindi naman pwedeng umeksena ako doon nang bongga.
"Oh bagay naman pala sa'yo kapag nakaayos ka eh!"
"Sus, ako lang to Rain oh!"
"Handa ka na ba? Tara na prinsesa ko".
Hindi ko alam kung bakit sa mismong pagkakasabi nya noon ay may kung anong paru-paro ang nagsilikutan sa tiyan ko. Para akong masusuka dahil para bang ang mga paru-paro ay binigyan ako ng droga para lang bumilis nang ganoon ang puso ko. Gwapo si Rain , pero lalo lang siyang gumwapo para saakin nang gabing iyon. "Malala kana" Yan ang sinabi ko sa sarili ko noong nakaupo na kami habang hawak pa rin ni Rain ang kamay ko.
Nagsimula nang magpatugtog si DJ ng mga budots remix, iyon ang uso noon. Ako naman ay hindi gaanong makagalaw dahil sa dress ko. Ang dress na inilaan ko lang talaga para sa gabing ito para naman mapansin ni Rain. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na abala si Rain makipag usap sa babae na kanina ko pa gustong malaman kung sino. Nang sa wakas ay maitago niya na ang kanyang cellphone ay inalok niya akong sumayaw sa dance floor, pero hype music pa rin. Hindi iyon ang pinangarap kong sayawin namin sa unang pagkakataon kaya tinanggihan ko siya. Maya-maya ay tumogtog na ang unang sweet song. Perfect by Ed Sheeran tumutugtog akala ko ay ako na ang kukunin ni Rain dahil papalapit siya sa pwesto ko. Ngunit laking dismaya ang naramdaman ko noong kinuha niya si Isla, ang pinaka maganda sa room namin. First time ko sila na makitang magkasama. Sinasayaw ni Rain ang pinaka magandang babae at hindi ko maiwasan na atakihin ako ng insecurities ko. Nag try naman akong magmukhang presentable para sakanya ngayong gabi pero parang mauuwi lang lahat ng iyon sa wala. Nakatapos na ng 4 na sweet songs at hindi pa rin ako hinahatak ni Rain sa dance floor. Patapos na ang party at wala pa rin. Malapit na ako sa gate nang biglang tumawag si Rain.
"Alunsina! Sandali lang!"
" Oh bakit? Uuwi na ako, tapos na rin naman."
" Pwede ba yon? uuwi ang bestfriend ko nang hindi ko naisasayaw? Tara dito syempre save the last for the best"
"Shunga, save the best for the last kasi yon"
Nagtatawanan kaming bumalik sa dance floor at tumutugtog na ang chorus ng kanta. A Thousand Years by Chirtina Perri ang tumutugtog at habang mata sa mata kaming nakatitig at sumasabay sa awitin ay bigla niya akong niyakap. Mahigpit iyon at damang dama ko ang warmth na pinaparamdam niya.
"Hays alam na kasing malamig nag backless pa! Sino bang pinopormahan mo ha?!"
"Grabe ka naman sakin? Bawal ba akong mag backless? Kailangan ba may popormahan?"
Depensa ko para hindi ko masabi na para iyon sakanya.
"Asus ang bestfriend ko, siguro may pumoporma na rin sa'yo no?"
"Rin? bakit may pinopormahan kana ba?"
"Sa totoo nyan bestfriend, iyong sinayaw ko kanina, si Isla, sinagot na niya ako kanina, syota ko na sya bff!"
Nadurog ang puso ko nang marinig ko kung gaano kasaya si Rain habang sinasabi niya na sinagot na siya ni Isla. All this time akala ko parehas kami ng nararamdaman. Akala ko ay kaya niya ginagawa ang lahat nang iyon ay dahil sa gusto niya rin ako. Mali pala. Casual lang pala para sakanya ang lahat.
" Ah, ganon ba naku congratulations bestfriend may magkakagusto pa pala sa'yo! HAHAHAHAHA"
"Lah si bestfriend naman oh walang tiwala saakin"
Natapos na ang kanta at nagpaalam na ako sakanya. Lungkot ang inabot ko dahil hindi niya na ako hinatid dahil ihahatid niya pa raw si Isla. Pagkadating ko ng bahay ay diretso ako agad sa kwarto at doon ko binuhos lahat ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Akala ko ay ayos na, akala ko ay gusto niya rin ako dahil sa mga pinapakita niya. Ay oo nga pala, kaibigan niya lang pala ako. Dito lang pala ang lugar ko sa buhay niya. Para maging karamay niya dahil simula't sapol pa lang ay kaibigan lang naman talaga ang naging lugar ko sa buhay niya. Iniyak ko lang nang iniyak lahat ng nangyari nang gabing iyon. Salamat Rain dahil sinagot mo ang tanong nakahit hindi ko pa tinanong eh nahanap ko agad ang sagot.