Nang kinaumagahan ay pumasok ako na mugto ang mga mata. Bago saakin ang hindi hanapin si Rain pagkadating pa lang sa classroom. Ngayong araw ay ayaw ko muna siyang makita, pinag pray ko pa nga na hindi magtapo ang landas namin ngayon dahil alam kong kukulitin niya rin ako sa mga mugto kong mata na siya ang dahilan. Limang minuto pa lamang akong nakaupo ay dumating na si Rain. Malapad ang mga ngiti niya, tumabi saakin habang ako ay nakayuko nagkukunwaring antok pa at para hindi niya makita na maga ang mata ko.
"Hoy bff! Grabe naman, anong oras ka na ba nakauwi kagabi at natulog? Ayan tuloy antok ka parin!"
"Ano ba! Wag ka ngang magulo diyan Rain! Kita na ngang natutulog yung tao eh!"
"Luh! Pumasok ka ba para matulog lang? Hoy angat mo nga ulo mo!"
"Eh ikaw pumasok ka rin lang ba para mang asar?!" Asar na sambit ko sakanya at sabay tayo para lumipat ng upuan. Syempre ay agad naman siyang sumunod at tumabi saakin. Nakatingin lang ako sa bintana para maiwasan kong humarap sakanya. Yuyuko na lang ulit ako pero bigla niyang kinuha ang baba ko at hinarap sakanya, halos magkalapit na ang mga mukha namin at ramdam ko na ang paghinga niya.
"Tsk! Sabi ko na eh! Nag k-drama ka na naman ba kagabi ha? Tsk di na nadala ayan tuloy magang maga mata mo!"
Hindi niya ako tinanong kung anong dahilan kung bakit maga ang mata ko, nag conclude lang siya na dahil iyon sa panonood ko ng kdrama. Magkahalong ginhawa at kirot ulit ang naramdaman ko, ginhawa dahil hindi niya ako kinulit sa kung ano man ang posibleng rason ng pag iyak ko pero kirot dahil para bang wala na siyang pakialam saakin. Mabuti na lang at dumating na ang first teacher namin at nag move on na rin siya kakakulit saakin.
Recess na at kasama ko ang girl bestfriend ko na si Ace, alam niya kung ano ang nararamdaman ko para kay Rain at kagabi ay isa siya sa mga nasabihan ko ng nangyari.
"Beshieee!! Hugs sayo huhu, so di kana aamin sakanya niyan?"
"Hays ano pa nga ba beshie. Baka rin iwasan ko na muna siya, masakit pa rin eh. The way na ako ang last na sinayaw niya kagabi habang yakap is memorable for me pero ang mga sinabi niya saakin ang lalong nagpalungkot sakin."
"Gets kita beshie ko. Hays para mabawasan naman yang lungkot mo tara sa canteen ililibre kita ng ice candy.
Pagkaupo namin sa mesa ay may narinig kaming ingay sa di kalayuan na table. Pinapaligiran ito ng mga grade 10 students at pawang mga tilian lamang ang nangingibabaw doon.
"Hala beshieee tara tignan natin!!!"
Hindi na ako nakapag salita dahil hinila lang din agad ako ni Ace. Napawi ang mga ngiti naming dalawa nang makita namin si Isla at Rain sweet na naglalambingan sa isang table.
Tumakbo ako papalayo roon para hindi na ako makita ng mga kaklase ko kung paano man ako masaktan. Langyang yan paano na ako papasok nito? Natapos na ang buong maghapon naming klase. Si Rain ay ganon pa din nadikit pa rin naman siya sa'kin pero ramdam niya din ata talaga na hindi ako makulit o maingay ngayon. Nung uwian na ay hindi ko na siya nakita. Malamang ay kinuha niya na si Isla sa kabilang section para sabay silang umuwi. Habang nasa tricycle ako ay naka receive ako ng message mula kay Rain.
Rain: "Mag ingat ka. Ramdam ko na hindi ka okay ngayon, may nilagay akong mamon at C2 sa bag mo. Kainin mo yan habang pauwi. Cheer up kana bff"
Naiiyak kong binuksan ang bag ko at meron nga itong mga pagkain at inumin. Naiinis ako kay Rain, naiinis din ako sa sarili ko dahil kahit alam ko naman na pagiging kaibigan lang ang rason kung bakit ginagawa ni Rain ang lahat nang ito ay umaasa pa rin ako. Sino ba naman kasing kaibigan ang gagawa niyan kung walang malisya hindi ba? Sino bang hindi mahuhulog kung ganyan ka mag alaga ng kaibigan?
Makalipas ang dalawang buwan ay natanggap ko na ang relasyon nila, kahit masakit ay hindi ko na lang iniintindi at grabe ko kung iwasan si Rain para hindi na mainis sa'kin si Isla dahil ramdam ko naman iyon sa mga tingin niya tuwing lalapit sa'kin si Rain kaya ako na lang mismo ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkasama.
"Hoy Alunsina nagmamadali ka na naman! Ano ba yan oh, iniiwasan mo talaga ako no?"
" Uy hindi ah, ikaw lang nag iisip niyan eh. Busy lang ako at saka may exam na tayo next week kaya dapat nag aaral kana din"
"Dahil ba to kay Isla at sa relasyon namin?"
" Rain pwede ba? Huwag mo sa'kin ipasa yang inis mo ha! Hinahayaan lang nga kita kung ano man ang gusto mong gawin eh, pwede bang pabayaan mo na lang din muna ako?"
" Bakit ka ba nagkakaganyan Alunsina? Hindi ka naman ganyan ah. Pagtapos nung party bigla ka na lang hindi na kumibo sa'kin. Ni hindi ka nga nagtanong kung pano naging kami ni Isla, kung talagang okay tayo itatanong mo yun sa'kin at malamang eh kukulitin mo rin ako niyan"
"Talaga lang Rain? Kailangan ko pang usisain kung paano naging kayo? Para ano? Para lalong saktan ang sarili ko? Langya ka pala eh, Rain nakapa manhid mo. Lahat ng ginagawa mo kapag magkasama tayo akala mo wala lang sa'kin yon? oo magkaibigan tayo pero hindi mo man lang ba naisip na bilang babae ako kaya ko din makaramdam ng kilig sa katawan. Porket kaibigan kita hindi ako mahuhulog sa mga ginagawa mo. Kapag lalapit ka sa'kin at akma mong itatali o aayusan ang buhok ko? Kapag luluhod ka para lang ayusin ang sintas ng sapatos ko? Kapag tatakbo ka sa kabilang dulo ng hallway para lang kunin ang naiwan kong tumbler? Noong ginawa mong profile picture ang picture natin na magkasama? Lahat ba yun sa'yo wala lang? Kasi tangina mo para sa'kin iyon na ang magagandang ala-alang nabuo ko sa buong highschool ko. Rain, gusto kita. Gustong-gusto kita na kahit na alam kong mali wala eh mahal na ata kita.
"Alunsina.. pasensya kana."
" Haha okay lang, wag ka mag sorry, hindi mo naman kasalanan na hindi mo ako mahal eh."
" Pero nasaktan kita. Hindi ko alam na nasasaktan kana pala dahil nakikita mo kami ni Isla. At ako ang nagtulak sa'yo para lumalim pa ang feelings mo para saakin"
" Sana maintindihan mo kung bakit lalayo na muna ako sa'yo"
Doon natapos ang huling maayos na pag uusap namin ni Rain. Kung mag uusap kami ay sa loob lang din ng room at tungkol lamang sa mga projects at groupings.
Rain's POV
Matagal ko ng alam. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na unti-unti nang lumalayo saakin si Alunsina, ang bff ko. Kaya napagdesisyunan kong kausapin siya ng harapan, pero ako pa pala ang mabibigla sa mga sasabihin niya. Gusto niya ako. All this time gusto niya ako. Bakit Alunsina? Bakit ngayon mo lang sinabi? Kung kailan naman nagawa ko na ang pinaka maling decision sa buhay ko, at yun ay gamitin si Isla para kalimutan ka Alunsina. Gusto rin kita, unang araw pa lang ng klase. Sa tingin mo ba magpapapansin ako sa'yo ng walang dahilan? Kaya ako lumapit sa'yo noon para mapalapit ako sa'yo at maging kaibigan mo. Pero habang ginagawa ko yun, parang wala ka namang interes saakin. Pero ako pala ang bulag, hindi ko nakita na may nararamdaman ka na rin pala. Ngayong nandito na ako sa sitwasyon na ito ay hindi ko naman pwedeng bawiin na lang lahat nang iyon. Pasensya kana Alunsina, pero baka para ito talaga ang para sa atin.
Isla's POV
"Hey Isla! I see that you got the bait!" Bati saakin ni Ashley na friend ko.
" I am actually hoping that he will forget her eventually"
Yes. alam kong hindi naman talaga sincere si Rain saakin, hindi ako tanga para hindi mapansing nahuhulog siya sa bestfriend niyang manhid din, as a matter of fact, parehas silang manhid. Matagal ko ng gustong makuha ang attention ni Rain Flores ng section Dilaw, pero akalain mo nga namang siya na pala ang lalapit sa'kin. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi na siya makakawala saakin. Ngayong hawak ko na siya, sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay ng Alunsina na yan.
Alunsina's POV
Completion Rights na namin. Isa itong programa na ginaganap bilang pagpupugay sa mga studyante dahil naipasa at natapos nila ang Junior Highschool. Maraming magaganda at masasakit na nangyari nitong mga nakaraan. Hindi pa rin kami nag uusap pang muli ni Rain. Kita kong mas tumibay ang samahan nila ni Isla.
Hawak ko ang toga ko habang naglalakad nang makasalubong ko si John Mark
John Mark: " Congratulations sa atin Alunsina! Nako ikaw pa ang naging Class Valedictorian, galing talaga!"
"Asus nambola pa, congratulations din sa'yo John Mark!"
Valedictorian. Dahil nga nawalan na ako ng social life, I mean hindi ko naman dapat inasa ang social life ko Kay Rain pero ganoon talaga eh nasanay akong andyan lang siya at pwede kong maaya kapag gusto ko kaso busy na siya sa ibang bagay. Masaya naman ako para sakanya, at least masaya na din siya. Ginugol ko na lang ang oras ko sa pag aaral at sinunsob ang sarili ko sa pagbabasa at ayan na nga ang resulta noon. Napag isip isip ko rin na mas mabuti na din na nagpakalayo layo ako kay Rain para iwas chismis na din.
Nang matapos ang awarding ay hinanap ko agad si Mama dahil hindi kami pwedeng gabihin sa pag uwi. Habang nag iikot ako sa field ay may tumawag saakin.
"Alunsina!"
Nakita ko si Rain sa likod ko. Humarap ako sakanya at nilapitan siya.
"Congratulations Alunsina! Proud na proud ako sa'yo! Ang galing galing mo!"
"Congratulations din sa'yo Rain, senior high na tayo! Grabe parang kailan lang ay first day ng klase, bakit mo nga pala ako tinawag?"
"Ah oo, gusto ko sanang magpa picture kasama ka. Okay lang ba?"
"Oo naman, sino ba ang kukuha saatin?"
"John Mark, halika kunan mo kami ng picture"
One. Two. Three. Smile.
I'll see you some other time Rain. I love you.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"ANAAAAAAKKKKK ABA GISING NA DYAN!!! FIRST DAY NG KLASE MO NGAYON HINDI BA?" Si mama na umagang umaga ay nagbubunganga saakin. Alarm ko na ata yan si mama eh hahahahahaha.
Syempre bilang isang masunurin na anak ay sumunod na lang ako at naligo na, kumain at nag toothbrush. Pagkatapos kong gawin ang routine ko ay sumakay na ako ng tricycle. Sa dating paaralan pa rin ako nag enroll dahil wala naman kaming sapat na pera para mag aral sa siyudad.
Kagaya ng inaasahan ay mga dating mukha lang naman ang nakita ko sa paaralan. Akala ko ay sa ibang paaralan nag aral si Rain at Isla pero nakita ko din lang naman sila noong flag ceremony namin. Section A kami at Section B sila. Nang mga panahon na iyon ay hindi na ako apektado magmula kay Rain, kampange na din ako na magiging masaya ako kahit na hindi naging kami.
"I ENCOURAGE ALL THE INTERESTED STUDENTS WHO WANTS TO JOIN OUR FLUTE ENSEMBLE AND COMPETE IN ROBINSONS MALL"
Nang makita ko ang nakapaskil na ito sa pader ay agad akong nag inquire sakanila.
Nang makita ko si Ace ay nagyakapan kami
"Buti naman at dito ka pa rin nag enroll beshie kooon!!! Namiss kita wala ka man lang paramdam noong summer"
"Sorry na beshie ko!! Na busy lang mag move on ang ate mo! Hahahahaha!"
"Nga pala sumali ako sa flute ensemble start na raw ng practice sa Monday, baka interested ka, kulang pa kami ng 4 eh"
"Uy g ako dyan beshie, sige ipasok mo ako tapos chat mo rin ako ah"
Sa madaling sabi ay nakapasok kaming dalawa ni Ace. Dumating na ang araw ng competition. Kabado man ay nairaos pa rin namin ang pagtatanghal, nanalo kami ng 2nd runner up at masayang umuwi.
"Beshieeee~ required pa raw tayo pumunta ng school para sa cultural night"
"Ano ba yan, sige na nga beshie hays sinabi nga din ni Prof Ralph eh"
Pagkatapos namin na mag perform sa cultural night ay nag desisyon na akong umuwi. Nagpapaalam na ako sa mga kaklase ko nang mahagip ko sa gilid ng mga mata ko si Rain, nakatitig saakin. Nasa gilid niya noon si Isla, kumakaway ako nang pumagitna siya at bigla akong niyakap sa harap ni Isla. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ngunit bumagal ang paligid.
*DUG DUG DUG* pintig ng puso ko.
"Namiss kita, Congratulations Alunsina ko" bulong ni Rain.