Chapter Four

4134 Words
CHAPTER FOUR     "If you need something tawagan mo lang ako. At  Miss Consolacion will be here, dadalhin niya ang mga supplies natin. Kung may gusto kang ipabili, sa kanya mo sabihin." Paalis na ito after siyang maihatid sa Bahay. Nagbihis lang ito at tsaka babalik din ulit sa Hospital. Uuwi na din kasi si Jasmin, may iba din kasing gagawin ang bruha niyang kaibigan na iyon.   "Di'ba mas maganda pag dalawa tayo ang magbabantay sa ospital? Baka kasi magising si Angelo at  makita niyang wala ako sa tabi niya." Ilang beses na ba niyang nasabi iyon? Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "Huwag nang makulit, Herian. Sige, Kapag  isinama kita ngayon at bigla ka na lang mawalan ng malay sa ospital dahil sa sobrang pagod, hindi kita tutulungan. Hahayaan na lang kitang humandusay dun sa hallway." "Ano? Ganyan ka na ba talaga ka walang puso?" Biglang tumaas ang boses niya sa sinabi nito. Aba, ang sarap batukan ng lalaking ito. "That's why huwag ka nang makulit pa. And yes, wala akong puso." Hinawakan nito bigla ang mukha niya. " Dahil kinuha mo na at magkasama na sila ng puso mo dito." He said in a low tone voice sabay patong ng isang kamay nito sa dibdib niya. Holy Sweet Potato!  Her face turn to red again. Bakit ba ang landi-landi ng lalaking ito? Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari? Pinapahirapan na talaga siya ng mga pinag-gagawa nito e. "T-Troy ano ba? Umalis ka na nga. Hindi  na ako sasama, fine!" Itinulak niya ito pero lalo lang siya nitong hinapit palapit sa katawan nito hanggang sa nasumpungan niya na lang sariling yaka-yakap ng matipuno nitong katawan. She's pretty sure that he could hear her heart throbbing soundly. Hindi niya alam kung bakit para siyang naghihinang nilalang sa gitna ng disyerto na nakahanap ng oasis habang yakap siya nito. Hindi niya inaasahang lumipas man ang limang taon, ang lakas pa rin ng epekto nito sa kanya at  look like lalong tumindi pa.   "I got to go. Take care of yourself while I'm away." Binitawan na siya nito. At lalo siyang namula ng makitang pangiti-ngiti pa ito habang nanunudyo ang mga tingin sa kanya. "Mukhang nagustuhan mo yata ang yakap ko ah? Gusto mo bang yakapin ulit kita?" Akma siya nitong yayakapin ulit pero tinulak niya papuntang pinto. "Sige, bye na. Bantayan mo ng mabuti si Angelo dahil kung hindi, malilintikan ka sa akin." "Whoa! Don't push me. And What's this Herian? Pinapaalis mo ako sarili kong pamamahay? Umaabuso ka ng kapangyarihan, hindi porket hawak mo ang puso ko ay gaganituhin mo na ako?" Nakakunot ang noong tanong nito nang nasa labas na ito. "Ingat, Troy!" Nakangisi niyang sabi pagkaapos ay sinara na ang pinto. Naririnig pa niyang kinatok nito ang pintuan ng malakas. "Hoy, Herian! Open the door! Huwag kang bastos, nag-uusap pa tayo!" "Bahala ka sa buhay mo. Nakakinis ka kasi." Bulong pa niya sarili. Hindi niya pinansin ang mga  katok nito na maya-maya lang ay nawala din. Napagod siguro o baka sumakit na ang kamay sa kakataok. "Buti nga sa kanya." Pumasok na siya ng kwarto nila. Naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung anong approach ang gagawin niya sa mga actions ni Troy. Parang may mali, may hindi tama pero hindi niya maide-deny na lumalambot ang puso niya sa tuwing nilalandi siya nito. Sa loob ng dalawang linggo na nakatira na siya sa bahay ni Troy, ngayon lang siya mananatili rito ng matagal, nasa hospital kasi siya palagi. Umupo siya kama at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Lalaking-lalaki ang dating ng boung silid, halatang may touch of professional designer. Halos lahat kasi nasa pwesto. 'Yung tipong ibahin mo lang ng konti ang ayos, papanget na kaagad tingnan. Dumako ang tingin niya sa isang cabinet sa malapit, ito lang ang sa tingin niya ay naiiba, paano ba naman halos kulay gray ang nasa kwarto maliban dun na kulay itim. Tumayo at nilapitan ang cabinet. "Ano kaya ang laman nito? Ang tagal ko na ding natutulog rito pero ngayon ko   lang 'to napansin ." Sabi pa niya habang tinatapik-tapik ang cabinet. "Hindi naman siguro siya magagalit kung titingnan ko ang gamit niya." Dagdag pa niya.  Puro maliliit na kahon at mga regalo lang ang nakita niya ng buksan niya ito. Ang organize ng pagkakalagay, halatang inaalagaan ng maayos. Bawat isa ay may date na nakalagay at may nakakabit pang pickupline bawat isa. Hindi niya tuloy napigilan ang sariling matawa. Tiningnan pa niya ang ibang kahon at regalo.  "February 25, 2013. Wow, magka date pa sila ng birthday ko a. Ano kaya ang mga ito? Ang dami, mukhang mga regalong inipon." Natigilan siya sa naisip." Hindi kaya si Troy si Santa Claus? Pero bakit may date at pickup line at tsaka February ang date na nakalagay, hindi December? Ahh, ewan!  Lahat ng regalo at kahon ay ay binasa niya ang mga nakasulat, at lahat ng iyon never fails to paste a smile to her face.  Matapos mabasa ang lahat ay binalik niya sa cabinet ang mga kahon. Isasara na sana niya ngunit may napansin siyang isa pang drawer sa itaas ng cabinet. Dala ng kuryusidad ay binuksan niya iyon. May nakalagay na isang kahon at mukhang napaka espesyal dahil nakalagay pa sa isang babasaging sisidlan ang kahon.  "Ang sosyal naman nito? Para kanino kaya ito ibibigay ni Troy?" Kinuha niya sa lalagyan ang kahon at maingat na binuksan, pero bago pa niya iyon nabuksan ay biglang tumunog ang telepono sa salas kaya sinara na lang niyang muli at ibinalik sa drawer. Pagkatapos ay tinakbong niya tinungo ang salas.  "Hello?" Bungad niya nang iangat ang telepono. "Troy here. May kasalanan ka pa sa akin. Brace yourself pag-uwi ko diyan, papagurin kita ng husto." Iyon lang nawala na ito sa linya. "What? Hello? Hoy? Hello, Troy? anong pinagsasabi mo diyan?" Biglang kumabog ang puso niya sa narinig. Bigla na lang siyang kinabahan sa sinabi nito. Anong papagurin? Holy Sweet Potato! Hindi pa siya ready! Napaupo na lang siya sa sofa habang hawak-hawak pa ang dibdib. Aatakehin na yata siya sa puso. "Hoy, Herian! Ano pa ang ginagawa mo? Kilos na, mag milk bath ka na. Kusukusin mo lahat ng bahagi ng katawan mo para matanggal lahat ng dumi" And  here comes the Manyak voice again. "Arggghh! I hate you, Troy! Ginugulo mo ang buhay ko!" Hindi niya napigilan ang sariling sumigaw. "Baliw ka! p*****t! Jerk! Baliw! Ang sarap mong ibitin patiwarik at painumin ng kamote pesticide!" Tumayo pa siya sa sofa at nagtatalon. A childish way of expressing annoyance. "Ahem! M-Ma'am Herian? Ano po ang ginagawa niyo?" "Anak ng Kamote ka! Ahh!" Hindi niya nabalanced ang sarili niya nang nilingunin niya kung sino ang pumasok kaya nalaglag siya sa sofa. "Aray ko po!" Nakangiwi niyang sabi habang hinhimas-himas ang sikong tumama sa side table. Nang lingunin niya kung sino ang pumasok ay nakita niya si Miss Consolacion. "Ma'am! Okay lang po kayo? Sorry po talaga kung nagulat ko kayo." Nabitawan nitong ang mga plastic bag na dala at agad siyang tinulungang makatayo. Ito kasi pumasok bigla sa pintuan na dahilan para matumba siya. "Okey lang, okey lang ako." Nakangiwi niyang sagot rito habang pinipilit na makatayo, pati balakang niya yata ay nabali rin. "Sorry po talaga, Ma'am. Nasanay po kasi akong pumapasok dito ng hindi na kumakatok, may sarili po kasi akong susi." Itinaas pa nito ang susi. "Naku, may sugat po kayo sa siko! sandali lang po at kukuha ako ng first aid." natataranta nitong tinungo ang lagayan ng mga gamot na nasa gilid lang ng pintuan papuntang kusina.  Tiningnan niya ang siko niya, yes, may sugat nga siya at ang laki pa. Shocks, ang hapdi at madaming dugo ang tumutulo. "Eto na Ma'am, akin na po ang siko niyo." Iniabot naman niya rito at sinimulan nitong gamutin. Napapangiwi siya sa tuwing lalagyan ng alcohol ang sugat niya. "Sorry po ulit, Ma'am Herian. Hindi ko talaga sinasadya" sabi nito matapos malagyan ng dressing ang sugat niya. "Sus, wala ka namang kasalanan at I must blame my clumsiness." Nakangiti niyang sagot rito habang inuunat-unat ang braso. "Huwag niyo po munang galawin baka lalong sumakit. At oo nga pala dala ko na ang mga supplies niyo rito. " Tumayo ito para kunin ang mga pinamili. "Ilagay na po sa lagayan, Mam." Dinala nito sa kusina ang mga pinamili, sumunod naman siya rito para tumulong. "Tinawagan kasi ako ni sir Troy bago ang flight niya kanina, sabi niya bumili daw ako ng mga kakailanganin nito dito. At tsaka alam niyo po Ma'am pinabili din po niya ako ng negligee. Hihihi, may balak yatang masama si sir sa inyo."  Tumili pa ito ng mahina habang nilalabas ang mga de lata. Ibang Miss Consolacion na ang kaharap niya ngayon, hindi na iyong parang dragon kung tumingin. Siguro dahil alam na nito kung sino siya sa buhay ni Troy. "N-Negligee?" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. At ito na naman, bumilis na naman ang t***k ng puso niya, kinakabahan na talaga siya. "Yes, Ma'am. At syempre pinili ko talaga yung pinaka maganda. Kulay pula po ang binili ko, bilin po kasi iyon ni Sir. Kayo ha? May balak kayong mag second honeymoon?" "Hindi! " Sigaw niya na ikinabigla nito.  "M-Ma'am? Bakit?  "Ha? W-Wala, wala." Bwisit kang Troy ka. Humanda ka talaga sa akin pag nagkita tayo. Nanggigil na sabi niya sarili. Talagang kay Miss Consolacion ka pa nagbili, hindi ka na nahiya!. "May nasabi po ba akong mali? Bigla po yata kayong nanahimik?" "Wala ito. Puyat lang talaga ako siguro. Pasensya na talaga, Miss Consolacion pero gusto ko na talagang magpahinga. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahalang mag ayos nitong mga pinamili mo. I'm sure marami ka pang gagawin sa opisina, Diba?" "Pero kasi-" "Don't worry, kaya ko na ito. At tsaka wala naman kasi akong gagawin dito kulang na nga lang pati dahon ng mga bulaklak dun sa labas ay punasan ko ng alikabok." Hinawakan niya ito sa kamay at hinila. "Pero Ma'am Herian baka pagalitan ako ni Sir." "Ako na ang bahala sa lalaking iyon. Trust me." "Pero, Ma'am..." Alanganin nitong ibinaba ang hawak na mga de lata. " Basta po kayo na ang bahala kay Sir ha? Sasabunin talaga ako nun pag nalaman niyang hinayaan ko kayong mag ayos nito. At tsaka malilintikan din ako dun dahil sa nangyari diyan sa siko niyo. Two strikes in one day na ako." "Sabi sa ‘yong ako na ang bahala e. At itong siko ko? Konting sugat lang ito. Alam mo bang noong grade six ako ay nahulog ako sa puno ng mangga pero nag chinese garter pa ako after niyon? Ganoon katibay ang buto ko kaya don't worry. " Nakangiti niyang sabi dito habang sinabayan sa paglakad palabas ng bahay. "Paano po. Maam Herian? Mauna na po ako. Sorry po talaga. " Sabi nito nang nasa pintuan na sila. "Sabing wala na nga iyon e. " Nakikita niya na parang nag-aalangan itong umalis. Napakamot na lang ito ng ulo. "Ingat sayo, Miss Consolacion." Hindi na niya ito pinasagot at sinara na niya ang pinto. Pagkasara ay sumandig siya doon at hinawakan ang dibdib. HIndi pa rin siya maka get over sa narinig niya mula kay Miss Consolacion. Adik na lalaking iyon, walang hiya talaga. Ano na ang gagawin niya? Tatakas ba siya para hindi siya mapagod mamaya o She will just enjoy and savor the moments?   "Argh! Nakakainis ka Talaga Troy! Bakit mo ba kasi ginugulo ang utak ko? Maging masungit ka na lang kaya ulit sa akin?  Mas komportable pa ako kapag nagsasagutan tayo kaysa sa ganito eh." Sinabunutan niya ang sarili. Bakit ba kasi masyadong OA' tong puso niya na lagi na lang nagwawala kapag nilalandi siya ni Troy? Parang hindi ito umiyak, nasaktan at  nagdusa dahil sa lalaking iyon ah? Ang dali naman nitong nakalimot.   "Kalma lang, Herian." she take a deep breath. "Ganyan, Huwag mo siyang hayaang ma invade ang tahimik mong buhay. Makontento ka na lang na civil na kayo sa isa't isa.  Isipin mo na lang na babalik din sa dati ang lahat. Babalik din yung buhay mo na kasama lang si Angelo. Huwag kang mag expect masyado dahil baka masaktan ka na naman muli. Isipin mo na lang na isang jejemon na papansin si Troy. Kaya mo 'yan. Matapos kausapin ang sarili ay breast out, stomach in siyang naglakad papuntang kusina. Isusukat pa niya ang negligee na binili ni, Miss Consolacion, Este aayusin pa niya ang mga pinamili nito. Gusto na naman batukan ang sarili sa dumi ng iniisip niya. Hahakbang na sana siya nang bigla na lang bumukas ang pinto kaya as usual, dahil sa nakasandal siya dun, tumilapon siya malapit sa sofa. Paanong hindi siya titilapon? eh, ang lakas-lakas ng pagbukas ng pintuan. Feeling nga niya hindi "Bukas" ang tawag dun kundi tinadyakan para mabuksan. "Aray!" Sapo niya ang noong tumama sa kanto ng sofa. Hindi niya alam kung anong kamalasan ang dumapo sa kanya  ngayong araw at puro sakit sa katawan ang inabot niya. Tiningnan niya ang siko niya at napangiwi siya ng makitang dumugo ulit iyon. May bukol  na din siya sa noo. Tiningan niya kung sino ang nagbukas ng pinto matapos niyang makatayo. Sinimulan niya mula sa high heel nitong may takong na sing-taas yata ng isang mongol na lapis. Papunta sa sout nitong napakaikling short na akaka niya 'nung una ay maong napanty, short pala. At sa tube na damit nito na parang suman na binalot ang pang-itaas na bahagi ng katawan nito. At nang dumako ang paningin niya sa mukha nito ay muntik na siyang mapa- sign of the cross. Akala niya niya nabuhay si Annabelle sa katauhan nito dahil sa kapal ng kolorete nito sa mukha.  "Excuse me? Who the hell are you and what are you doing here at my boyfriend's suite? "Mataray nitong tanong sa kanya habang nakataas ang kilay. Pinasadahan din siya nito ng nakakainsultong tingin kaya napatingin din tuloy siya sarili. Wala naman siguro masama sa sout niyang baby shirt na may print na snoopy at sout na maluwang na pantalon. "Ah, Miss ako yata dapat ang magtanong sayo niyan? Dito kasi ako nakatira at ikaw yung basta na lang pumasok dito. Nasubsob pa nga ako sa pagbukas mo nang pintuan eh." Ipinakita pa niya rito ang bukol sa noo pero inismiran lang siya nito. " I don't care if nasubsob ka and whatever. And for you to know, ako ang girlfriend ng may-ari nitong condo na 'to. " Lumapit ito sa kanya at inikutan siya, 'yung ginagawa ng mga kontrabida sa teleserye. " Ah, I knew it, Bago kang katulong ni Baby Troy, right? Halata kasi sa itsura mo." Pinasadahan ulit siya nito ng tingin, mula ulo hanggang paa. Aba't  ang sama ng ugali ng babaeng ito ah? "Mukha ba akong katulong, Miss? Hindi porket ganito ka simple ang sout ko ay katulong na kaagad hindi ba pwedeng  hindi ko lang idol si lady gaga?" Sorry for her dahil hindi siya basta nagpapatalo. Baka gusto nitong gamitan pa niya ng mga maldita lines mula sa mga story niyang nakakulo ng dugo ang female antagonist.  "Hoy babae, hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo ngayon, kaya mag-ingat sa mga salita mo dahil baka sa kangkungan ka pupulutin." Dinuro-duro pa siya nito. "Alam mo, Miss, may gagawin pa kasi ako, nakikita mo yung mga naka plastic bag dun sa kusina?" Tinuro niya rito ang kusina. " Ilalagay ko pa lahat yan sa platera. At  maliligo pa ako pagkatapos dahil mapapgod ako mamaya." Hindi niya alam kung anong kabastusan ang kusa na lumalabas sa bibig niya. Kasalanan to ni Troy eh.   "Wala akong paki-alam kung marami ka pang gagawin. And you such a b***h, ang lakas ng loob mong mag talk back sa akin? Ako na isang anak ng maimpluwensyang tao sa society?" Naiinis na talaga siyang kausap ang conyong babaeng ito.  "Yes po. Anak na po kayo ng maimpluwensyang tao. Kung may kailangan po kayo, tawagan mo na mismo si troy. Pero I doubt kung sasagutin niya ang tawag mo."  "Troy never rejects my call. And magbalot ka na ng mga gamit mo dahil kick out ka na sa oras na isumbong ko sa kanya kung gaano kasama ng ugali ng kanyang katulong."  "Tapos ka na? Hihintayin kung na lang ang pagpapaalis sa akin ni Troy at kung pwede sana ay umalis ka na, Miss. Marami pa talaga akong gagawin." "Yes, aalis na talaga ako. I don't want my skin na mahawaan ng skin diseases na present sayo. But before that, let me give some of this. "Lumapit ito sa kanya at sinampal siya ng pagkalakas-lakas  Hindi siya nakaiwas dahil hindi niya expected na sasampalin siya nito.  "Iyan ang bagay sa mga tulad mong walang mod at hindi marunong ilagay ang sarili sa dapat paglagyan." "Get out of this place, NOW! And who are you to slap her?" Nagulat sila pareho nag bigla na lamang may nagsalita sa likod nila. Parehas ding nanlaki ang mga mata pero mas hindi siya nakapagsalita nang makilala kung sino ang dumating. Hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin ang taong ito ngayon. "T-Tita Kate?" Nanlaki ang mga mata ng babaeng bigla na lamang sumugod at nanampal sa kanya. Samantalang siya naman ay hindi makapag salita. Limang taon na din ang nakalipas mula nang huli silang nagkita, matapos nitong sabihin sa kanya ang boung katotohanan, na niloko lang siya ni Troy, na fake lang pala ang naging kasal nila at hindi pa siya handang kausapin ito muli. "Tinatanong kita kung bakit mo siya sinampal, Nicole. And as far as I know, my son doesn't want you to be here anymore, right?"  Napaatras ito nang pumasok na ang mama ni Troy. Tiningan siya nito pero umiwas siya ng tingin.   "Ahh, T-Tita, kasi.. I miss Troy so much and I wanted to invite him sa welcome party ni Dad, That's all." Nanginginig nitong pagpapaliwanag at tsaka tumingin sa kanya. "Pero ayaw po akong papasukin ng katulong niya at pinagsabihan pa ako ng kung  anu-ano Tita kaya sinampal ko siya. She deserves it anyway." Inismiran siya nito. Pinigilan niya ang sariling masubunutan si Nicole dahi sa pinagsasabi nito. Hindi lang pala ito war freak, sinungaling pa.  "Katulong?" Nagtatakang tanong ni Kate. " What's this, Herian?" Baling nito sa kanya. "You know her, Tita? Ahh, siguro kayo ang kumuha sa kanya as katulong ni Troy to help him linis his condo. But i suggest na sesantihin niyo po siya dahil hindi niya ginagawa ng maayos ang trabaho niya. Wala pang galang at sinasagot-sagot pa ako." "I'm not talking to you, Nicole. Herian, anong sinasabi niya na katulong ka ni Troy rito? Don't tell me na si Troy ang nagsabi sayong maging katulong niya? Tell me at nang masabihan ko ang lalaking yun!" Lumapit ito sa kanya at akmang hahawakan ang braso niya pero umiwas siya. Narinig niyang napa-buntunghininga ito. Alam niyang kabstusan ang ginawa niya, but she don't care. "Hindi po. Wala pong kinalaman si Troy dito. Siguro mukha naman talagang akong katulong kaya napagkamalan ako ni Nicole na katulong." Mahinang sagot niya. "Mabuti at alam mo na mukha ka talagang katulong. And Tita why talk to her as if close siya sa inyo? Mamamaya niyan baka mahawaan pa kayo ng virus galing sa kung saang slum area man siya galing." Gusto na sana niyang damputin ang figuring hugis buwan sa estante at ipupok rito para makakita ito ng bituin kahit may araw pa kaso nagulat siya ng bigla na lang itong sampalin ng Mama ni Troy. "T-Tita?" Hindi makapaniwala nitong tanong habang hawak-hawak ang pisngi na  namumula. Mukhang nagulat talaga ito sa pagsamapal sa kanya. Pati nga siya nagulat din. Kilala niya kasi ito na sobrang hinhin at hindi madaling magalit. "Watch your mouth, Nicole. I've known your father for being one of the most benevolent man in business world kaya nagtataka ako kung bakit ganyan ang ugali mo. No wonder kung bakit ayaw na ayaw sayo ng anak ko. And looks like hindi mo kilala ang babaeng nasa harap mo." "Sino ba ang babaeng basahan na yan para kampihan niyo siya kaysa sa akin?  And Troy likes me, he likes me a lot." Ingos nito. Nakita niyang parang nauubusan na ng pasensya ang Mama ni Troy. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi na niya nagawang makaiwas. Wala naman kasing dahilan para iwasan niya ito. Narinig niyang napa- eww si Nicole. Ang sarap talagang isako ang babaeng iyan. "She Is Troy's Wife! And I'm warning you, next time na saktan at pagsalitaan mo pa siya ng masama, ako ang makakalaban mo." Hinarap nito s Nicole na napamulagat sa narinig. Napatingin naman siya rito. Hindi niya alam pero may kung anong sakit siyang naramdaman sa sinabi nitong asawa siya ng Troy. How can she say that kahit alam naman nito ang totoo? Na hindi naman talaga sila naging mag-asawa ng anak nito. Ito pa nga mismo ang nagsabi sa kanya ng lahat, di'ba? But then, why She's addressing Her as His son's wife? "W-Wife? No! That can't be! Hindi ako ipagpapalit ni Troy sa hamak na katulong lang!  Sinasabi niyo lang yan para layuan ko si Troy. Hindi siya papatol sa isang tulad niya na mukhang gold digger." Akma siya nitong sasabunutan pero hinarang ni Kate ang katawan nito. "Try to hurt her again and you'll get what you deserve. Why don't you accept the fact that Herian is Troy's wife? But if you want to confirm it,  Go! call him." "Arrghhh! Hindi pa tayo tapos babae ka!" Nagpupuyos sa galit na bulyaw nito sa kanya Halos lamunin siya nito ng buhay. Kung hindi lang yata nakaharang ang Mama ni troy ay baka kanina pa sila nagkasabunutan. "How are you, Herian? It's been a long time since we last see each other. You know what? Nagpapasalamat akong si Troy ang nilapitan mo nang nangangailangan ka ng tulong. As I had told you, kung kayo talaga, kahit anong manyari kayo pa rin ang magkakatuluyan." Umpisa nito  nang maka-alis na si Nicole. Magkaharap silang nakaupo ngayon sa salas. "Sa totoo lang po, kung may ibang tao lang na pwede kong mahingan ng tulong, hindi naman po ako lalapit sa kanya." Nakita niyang biglang lumungkot ang anyo nito.  "I'm sorry. I know that it's all my fault. Kung hindi ko na sana sayo sinabi ang mga bagay na iyon, hindi pa sana kayo nagkahiwalay. I'm really sorry, Iha." Inabot nito ang kamay niya. Pinilit niyang hindi maluha, ayaw na niyang magsayang ulit ng luha dahil dun. Nagsisimula na ulit sila ni Troy ng panibago kaya mas mabuting dapat na niyang kalimutan ang nakaraan.   "Wala po kayong kasalanan. Mas mabuti na rin po yung alam ko ang lahat kaysa naman para akong tanga na ang alam ay kasal kami ni Troy." "Malaki pa rin ang kasalanan ko sa inyong dalawa. And I hope na sana ay maintindihan niyo ako. At kaya ako pumunta dito agad nang malaman kong  nagpakita ka nang muli dahil mayroon sana akong sasabihin sayo." "No need na po, Tita. Let bygone be bygone. Yes, aaminin ko pong nasaktan ako ng sobra dahil sa ipinagtapat niyo sa akin pero na realize ko din kalaunan na kung hindi yun nangyari, hindi ko malalaman na kaya ko palang mag-isa. Na kaya ko pa lang mabuhay at buhayin ang anak ko sa pamamagitan sarili kong pagsisikap. At kung ano man po ang mga sasabihin niyo ngayon, wala na po akong interes na marinig pa iyon." Pinilit niyang ngumiti rito. "But, This is very important and----" "Okay na po. Pinatawad ko na po si Troy. Siguro masyado pa kaming bata nung nagdesisyon kaming magpakasal.   "Pero, Herian..." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.  "Kung iyan ang gusto mo. I'll respect it. Pero may isang bagay lang sana akong hihilingin sayo." She paused and look at her straight. "A-Ano po iyon? Kung kaya ko naman pong gawin, okey lang po." "Give Troy another chance! I know na meron pa rin pagmamahal diyan sa puso mo para sa anak ko. It breaks my heart everytime na nakikita ko siyang lasing nung umalis ka. Bilang Ina ay napakasakit sa panig ko ang makita siyang halos lunurin ang sarili sa alak. At Maniwala ka man o hindi, pinahanap kaagad kita sa kilala kong detective, but they couldn't 't find you. Lahat ng mga kaibigan mo ay pinuntahan ko pero wala daw silang alam. Gusto kong pukpukin ang sarili ko ng mga oras na iyon pero inisip ko na lang na para iyon sa magandang kinabukasan ni Troy. Just like what I had told you, hindi ko intensyong sirain ang relayon ninyo but somehow, fate ask for it. Kaya, I'm begging you, Herian. Make my son smile again na tanging ikaw lang ang makakagawa. Please..." Pagkatapos nitong magsalita ay kapwa sila  hilam na sa luha.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD