Chapter Three
"Salamat po Diyos ko at niligtas niyo ang anak ko. Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko kung mawawala siya sa akin. Siya na lang nag-iisang dahilan ko para mabuhay, siya ang dahilan kung bakit araw-araw akong pumupunta sa computer shop 'dun sa kanto para magsulat ng mga manuscripts. Kaya nagpapasalamat ako at hindi niyo siya pinabayaan." Taimtim siyang nanalanangin sa maliit na chapel ng Ospital. Habang nanalangin ay hindi niya mapigilan ang sariling luha na dumaloy sa pisngi niya. "Nasaan na ba 'yung panyo ko?" Kinapa niya sa bulsa ng kanyang faded jeans ang kanyang panyo ngunit wala siyang nakuha. Nasa bag nga pala niya naiwan.
"Here." Nang lingunin niya ang nagsalita ay nakita niya si Troy na may hawak-hawak na panyo pero Hindi niya iyon pinansin.
"Salamat na lang."
"Tanggapin mo na. Nakakahiya sa makakakita ng uhog mo. Don't worry hindi ko naman pababayaran sayo." Sa narinig ay agad niyang hinablot ang hawak na panyo nito at suminga ng pagkalakas-lakas. Narinig niyang humalakhak ito ng malakas kaya agad niya itong hinampas sa braso ng malakas.
"Hinaan mo nga boses mo. Nasa chapel tayo, nakakadistorbo ka ibang tao na nanalangin para sa kanilang pamilya na nasa delikadong sitwasyon."
"Kalma lang. Ito na at tatahimik na ako." Sabi nito na umupo na sa tabi niya. "Let's pray together. Mas malakas daw ang good vibes kapag may kasama kang nagdadasal" He said sabay hawak sa kamay niya at yumuko. Agad niyang hinila ang kamay niya pero hinawakan nito iyon ng mahigpit kaya pinabayaan na lang niya baka makakuha pa sila ng atensyon.
Nakapikit lang ito ng tiningnan niya. Ang sarap nitong pagmasdan kapag nakapikit. Ang machong tingnan. Naisip niya tuloy bigla, magkakabalikan pa kaya ulit sila? Pero paano? Lalandiin niya? O di kaya'y hayaan na lang ang tadhanang paglapitin ulit sila? Natigilan siya, bakit ba iyon ang naiisip niya? Hindi ba at galit siya lalaking ito? Kinamumuhian nga niya ito pero bakit ngayon ay balak pa niyang landiin?
"Maghubad ka sa harap niya, Herian. Tingnan natin kung hindi ka niya yayain ulit magpakasal." Ewan niya pero may manyak na tinig na nagsalita sa utak niya binatukan niya tuloy ang sarili niya.
"Aray!" Ang sakit pala kapag binatukan mo ang sarili mo.
"Are you okey? " Tanong ni Troy na mukhang nakita ang pagbatok niya sarili. "Masakit ba ang ulo mo? Ang mabuti pa siguro ay umuwi ka na muna. Mukhang pagod na pagod ka." Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. How sweet naman. Pero may part sa loob niya na nagaalinlangan kung totoo nga ba ang ipinapakita nito o may iba pang dahilan.
"Hindi. Okey lang ako. Hindi ko iiwan si Angelo dito. At kung may dapat mang umuwi at magpahinga sa ating dalawa, ikaw 'yun. Galing ka pang Bohol, hindi ba?"
"I can handle myself. Sanay na ako sa puyatan at sa laki ng muscles kong ito, mapapagod kaagad?" Itinaas pa nito ang isang braso at tinapik tapik. Hindi niya tuloy maiwasang matawa.
"Hindi ko alam na marunong na palang magbiro ang isang Troy Montejo" Sabi pa niya.
"Dati pa akong marunong mag joke. Nakalimutan mo yata na lagi kitang napapatawa sa mga corny kong jokes dati? Isa nga yata iyon sa dahilan kung bakit minahal mo ako e." Napayuko siya sa sinabi nito. Yes, totoong wala siyang ginawa dati kundi ang humalakhak ng humalakhak kapag kasama niya ito. Sa sobrang corny ng mga jokes nito, hindi mo mapipigilan ang sarili mong hindi matawa. At sa bawat jokes at pick up lines nito ay may kapalit na kiss, lugi nga siya palagi dahil nag re-research pa ito sa internet ng mga jokes na gagamitin sa kanya.
Napangiti siya nang maalala ang araw na sinagot niya ito.
"Miss, Kamote ka ba?"
"Bakit?" Natatawa niyang tanong. Nasa botanical garden silang dalawa. Nakahiga ito sa lap niya habang sinusuklay niya ang buhok nito ng kamay niya. Para silang modern Romeo and Juliet.
Bumangon ito at umupo sa harap niya.
"Kasi ikaw ang sweet potato ng buhay ko." Nang aakit pa siya nitong tinitigan kaya natatawa niya itong tinulak sa mukha.
"Ang corny mo talaga."
"Hindi baleng corny, gwapo at mahal naman ni Herian." Nag pogi sign pa ito.
"Tumigil ka na nga. Hindi ka pa ba nauubusan ng mga jokesat pick-up lines? Araw-araw na lang lagi kang may supot ng kakornihan."
"Isang click lang naman sa internet 'yun e. At tsaka." Ngumuso ito sa kanya." Asan na ang kiss ko?"
"Wala kang kiss. Abusado ka na, Troy. Hindi pa nga kita sinasagot, ang dami mo nang nanakaw na halik sa akin."
"At alam mo, natikman ko na lahat ng matatamis sa mundo. Mula sa Kamote cake, kamote salad, kamoteng ensaymada. Isa na lang ang hindi ko pa natitikman, ang matamis mong oo"
"Ang corny talaga." Inirapan niya ito pero deep inside, nagkukurutan na ang mga tissues at cell niya sa sobrang kilig.
"Bakit ba kasi ayaw mo pa akong sagutin? Isang buwan na lang graduate na tayo ah? Ilang taon na akong nanliligaw sayo pero pinahihirapan mo talaga akong makuha ang matamis mong oo. Balak na nga sana kitang halayin para ikaw na mismo ang mag-aya sa akin ng kasal."
"Ang manyak mo talaga, Troy! Huwag ka nang lalapit sa akin!" Kinuha niya ang isang plastic bottle ng kamote energy drink sa malapit at mahinang hinampas rito sabay takbo.
"Aray! Ang sakit naman Herian! Sampung kiss ang kapalit 'nun kapag nahuli kita. Akala mo ha?" Natatawa nitong sigaw tsaka siya hinabol. Para silang mga bata na naghahabulan. Parang katulad lang ng mga eksena sa pelikula, 'Yung hahabulin ng lalaking bida yung babaeng bida tapos babagalan ng babae ang kanyang pagtakbo para mahuli siya ng lalaki tapos yayakapin siya at paikut-ikutin, Mga ka oa-han ng mga pelikulang pilipino. Pero ibahin mo yung sa kanilang dalawa ni Troy dahil todo takbo talaga siya para hindi siya nito mahabol.
"Hoy, Herian! Ayoko na, suko na ako. Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatakbo. Kapatid ka yata ni Usain Bolt, ang bilis mong tumakbo." Natawa siya ng makitang hingal na hingal ito habang nakapatong sa tuhod ang kamay nito.
"Ang hina mo pala sa takbuhan? Hanggang jokes at pick up lines ka lang pala eh. Kaya ayaw pa kitang sagutin eh. Dahil if ever na pupunta tayo sa Africa at habulin ng leon, maabutan ka kaya maaga din akong mababalo." Kutya niya dito.
"Anong mahina? Anong mabibiyuda kaagad? Mabilis ka lang talagang tumakbo. At tigilan na nga natin ang habulan na ito, para tayong mga bata at hindi College student."
"Ayaw! habulin mo muna ako." Huminga siya ng malalim, this is it. This the day na kailangan na niyang mag desisyon. "Kung mahahabol mo ako." Tumakbo siya ng malayo rito. "SASAGUTIN NA KITA! "Pagkaraa'y sigaw niya.
"Ha?" Para itong namatanda, nakatingin lang ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. Nakakatawa ang itsura nitong nakanganga at nanlalaki ang mga mata.
"Ano na? Akala ko ba gusto mo na sagutin na kita? Mukhang ayaw mo naman yata eh. Sige wag na lang." Binagalan niya ang paglakad niya at nag anyong malungkot. Nakayuko pa siya at nilaro laro ang mga daliri niya.
"Huli ka!" Nagulat pa siya nang bigla na lamang may yumakap sa kanya ng napakahigpit. Amoy na amoy niya ang ininom nitong kamote energy drink kanina.
"Teka? Bakit ang bilis mo namang nakarating? Ang layo mo pa kanina di'ba?" Naasiwa niyang tanong dito. Paano ba naman kasi, ang lapit-lapit ng mukha nito sa mukha niya. " At pwede bang lumayo-layo ka din ng konti?"
Ngunit imbes na ilayo ay lalo pa nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mamula. Hindi kasi siya sanay sa mga ganitong eksena. Oo nga't lagi siya nitonmg ninakawan ng halik pero hanggang cheek lang 'yun, never pa siya nitong nahalikan sa lips. Kaya masasabi nating virgin pa siya up and down.
"Anong sabi mo kanina, Herian?" Isinandal siya nito sa puno ng niyog sa likod niya.
"Ha? Yung kanina? Wala na, nagbago na ang isip ko. Ang tagal mo kasi eh. T-Troy ano ba?" Lalo kasi nitong inilapit ang mukha hanggang sa nose to nose na silang dalawa.
"Nahabol na kita. Kaya tayo na di'ba? Huwag kang madaya, Herian. Inubos ko na nga lahat ng energy na nainom ko kanina sa pagtakbo para mahabol lang kita tapos sasabihin mong nagbago na ang isip mo? Unfair naman yata niyan?"
"Lumayo ka kasi muna ng kahit konti lang. Hindi ako makahinga eh." Tinulak niya ito ng mahina.
"Sabihin mo munang sinasagot mo na ako.
"Fine, Fine. Ahhmm, Troy? " Hinawakan niya ang pisngi nito at tinitigan ng mabuti. Kaysarap pagmasdan ang mga mata nitong walang kahit isang ugat at ang ilong nitong ang ganda ganda ng shape, ang sarap kagatin.
"Yes?" Excited nitong tanong.
"Axis ka ba?" Nalaglag ang balikat at panga nito sa tanong niya. Ang sama ng itsura nito.
"Niloloko mo yata ako eh. At kailan ka pa natutong mag pick up line?"
"Sagutin mo na lang kasi."
"Tss. Sige na nga. Bakit?"
"Kasi mula ngayon sayo na iikot ang mundo ko." Sagot niya rito sabay halik sa lips nito. " Sinasagot na kita, Troy." Pagkatapos ay nakangiti niyang sabi rito.
Hindi ito naka react sa ginawa niya. Nakatitig lang ito sa kanya.
"Hey, wala ka man lang bang reaksyon? Kanina gustong gusto mong sagutin na kita, tapos ngayong tayo na, wala ka man lang ni ha, ni ho?"
"I just can't believe na ikaw ang first kiss ko. Ganyan ka ba talaga sumagot ng manliligaw mo? Magpapahabol ka tapos nanghahalik?"
"Tumigil ka nga diyan. First kiss daw, boyfriend ka kaya ng bayan, halos lahat naging GF mo na tapos sasabihin mong first kiss mo ako? Sapukin kita diyan eh."
"Pero ang kiss mo tinuturing kong first kiss, dahil ikaw lang ang babaeng minahal ko ng totoo." Niyakap siya nito kaya gumanti din siya ng yakap. "I'll promise na hinding hindi kita sasaktan. Gagawin kitang reyna ng buhay ko. And I'll promise na ikaw ang babaeng dadalhin ko sa harap ng altar at ipapakilala sa diyos bilang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I Love You, Herian." Para siyang nakikinig ng isang malamyos na musika habang nagsasalita ito.
Ang sarap pakinggan. Nakakagaan ng pakiramdam. Ito na yata ang tunay ng meaning ng Love, yung hindi ka naman poet pero para kang sumasambit ng sarili mong tula para sa minamahal mo. Yung tipong gusto mo na lang siyang yakapin habang buhay dahil kapag hindi mo siya kayakap ay kulang ang pagkatao mo. Siguro nga ito na nga ang love, Yung kapag nakangiti ka habang yakap ka ng taong mahal mo na para bang kayo na lang tao sa mundo. Kapag Inlove ka pala, nakakagawa kayo ng sarili niyong mundo.
"I love you too, Troy ko."
And there, their love story began. After nilang maka graduate ay nagpakasal sila. Okey na sana ang lahat, tanggap siya ng pamilya nito. Wala na sana silang magiging problema until that day came, ang araw na pinaka susumpa niya. Ang araw na sinumpa niya si Troy, Ang pagmamahal niya rito ay napalitan ng galit. Ang sakit-sakit sa pakiramdamdam. Ang saki-sakit!
"Hey, Herian? Are you okey? Umiiyak ka?" Nagulat pa siya ng marinig ang nag-aalalang tanong ni Troy sa kanya. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya. Grabe pa rin ang impact sa kanya ng nakaraan. Napapangiti pa rin siya kapag naalala niya ang mga masasayang oras na kasama niya ito pero hindi rin niya mapigilan ang maiyak kapag naalala niya ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumayo. Nandoon pa rin ang pait, ang sakit at sugat na hindi pa tuluyang nahihilom sa paglipas ng panahon.
"Okey lang ako. Masaya lang dahil ligtas na ang anak natin. tears of joy lang ito." Sabi niya habang pinupunsan ang luha.
"Gamitin mo kasi yung panyo."
"Ayoko, may uhog ko na yan eh. Gusto mo bang kumalat yun sa mukha ko?" Narinig niyang tumawa ito.
"Ang mabuti pa ay ihatid na kita sa bahay. Doon ka na lang magpahinga. Look at yourself, ang laki na ng ipinayat mo."
"Okey lang ako. Hindi ko na kailangang umuwi pa, baka kasi magising na si Angelo at wala ako sa tabi niya."
"Ano ka ba, Herian. Baka next day pa magigising si Angelo. Huwag ka nang makulit pa, halika na, ihatid na kita sa bahay at nang makapagpalit na rin ako ng damit." sabi nito sabay hila sa kanya palabas ng chapel. Hindi na siya kumuntra pa dahil sa totoo lang ay kanina pa nga niya gustong matulog kaso hindi pwede.
Nagpaalam lang sila kay Jasmin tsaka tumuloy na.