Chapter Five

2257 Words
Chapter Five     Hindi niya alam kung ano ang dapat na maging reaksyon niya sa mga sinabi nito. Hanggang sa nag magpaalam na ito ay wala pa rin siyang imik. Tumango lang siya nang magpaalam na ito. Kung nasaktan at naghirap si Troy, paano pa kaya siya na walang isa man na masasandalan? Walang alam ang mga ito kung anong hirap ang mga napagdaanan niya mula noong pinagbubuntis pa lamang niya si Angelos hanggang sa pagpapalaki rito nang mag-isa. Wala siyang mapagsabihan ng sakit na naramdaman niya sa tuwing naalala niya na niloko lang pala siya ni Troy. Wala siyang mayayakap sa tuwing nalulungkot at nakakaramdam siya ng pangungulila. Pero lahat ng iyon ay sinisimulan na niyang kalimutan ngayon. Ituturing na lang niyang isang masamang panaginip ang nangyari sa nakaraan, para sa anak niya. Ilang oras nang nakaalis ang mama ni Troy pero nanatili pa rin siyang  nakatulala sa sala. Wala namang pumapasok sa utak, basta lang siyang nakamata sa isang painting dun salas. "Humanda ka pagdating ko dahil papagurin kita!"  Biglang napatayo nang maaala ang sinabing iyon ni Troy. Para siyang string na biglang tumalsik sa kinauupuan. Parang may sariling utak ang lahat ng parte ng katawan niya at nagco-coordinate ang mga ito. May teamwork in other word.  Agad siyang pumasok sa banyo at nagbabad sa bath tub. Kinuskos rin niya ang halos lahat ng kasingit-singitan niya, tanggal lahat ng dead skin niya sa katawan, pangilod na bato ba naman ang gamit niya. Bigla niyang nakalimutan ang dramang nagyari kanina-kanina na lang dahil sa na occupy na ng  salitang "PAGURAN" ang utak niya.  Inabot din siguro ng isang oras mahigit sa banyo. Sinigurado niyang mabangong-mabango bago lumabas ng kwarto. At dahil sa wala naman siyang kasama ay nakatapis lang siyang lumabas sa ng banyo.  Pakanta-kanta pa siya ng This girl is on fire. Wala lang, basta na lang siyang napakanta. "Gusto mo bang ma r**e na lang basta-basta?" "Ahhhh!" Agad niyang dinampot ang vase sa gilid at akmang ibabato sa kung sino man ang basta na lang nagsalita pero natigilan siya nang makilala kung sino ito. "T-Troy??" Gulat na gulat na tanong niya. Hindi niya inaasahan na narito na ito. "Ganyan ka ba talaga maligo? Ngayon ko lang nalaman na nakatapis ka lang palang lumalabas ng banyo pagkatapos mong maligo. Dapat pala umuuwi ako dito kapag oras na paliligo mo." Tiningnan siya nito ng mula ulo hanggang paa. She crossed her arms in front of her breast. Para na kasi siyang hinuhubaran nito habanag tinitingnan siya. Na curious tuloy siya kung sexy ba siyang tingnan kung nakatapis lang. "B-Bakit nandito ka na? Sinong nagbabantay  kay Angelo sa Hospital? Huwag mong sabihing iniwan mo ang anak natin na walang may nagbabantay?"  "Kalma lang, Herian. Umuwi lang naman ako para tuparin ang sinabi ko kanina." Nag-aakit nitong sabi sa kanya na nagsimula nang humakbang palapit sa kanya. Napaatras tuloy siya hanggang sa napaupo na siya sa kama. At ayan naman, abnormal na naman ang t***k ng puso niya, parang tinatambol ng malakas. " Ano pa ang ginagawa mo? Magbihis ka na." Sabi nito na nakatingin sa paper bag ng negligee kanina na pinasok niya sa kwarto bago maligo.  "A-Ano?" Natataranta niyang sagot dito. "I said.... magbihis ka na.." He pushed her slowly enough para mapahiga siya sa kama. "Bakit pa magbibihis? Pwedeng deritso na kaagad?" Gusto sana niyang itanong. Buti na lang at napigilan niya ang sarili dahil siguradong papatayin siya ng kanyang natitirang pride kapag ginawa niya iyon. "H-Ha? Troy!" Sigaw niya nang bigla na lang siya nitong pagtawanan "Hahahaha! Ano ba ang iniisip mo, Herian?" Humalakak ito nang humalakhak. Siya naman ay nagunot ang noo. Err. Bakit ito tumatawa? Nakakatawa ba ang itsura niya? "Bakit ka tumatawa ha? Mukha ba akong nakakatawa?" Sikmat niya rito. Bumangon siya at tinungo ang lagayan ng damit niya. " Tabi!" Inis na sigaw niya rito. "Wala pa naman kasi akong ginagawa sayo pero kung maka-sigaw ka, akala mo......Hahaha" Tumawa ito ulit. Siya naman ay biglang nag-init ang mukha. " Ahhh, Still thinking about what I said earlier, huh? Well, I'm dead serious about that." Tumigil ito sa pagtawa at  lumapit sa kanya. Niyakap siya nito mula sa likod at ipinatong sa balikat niya ang ulo nito.   "A-Ano ba Troy? Magbibihis pa ako eh." Nauutal niyang sabi rito. Nakaderitso lang ang ulo niya dahil isang maling kilos lang napapadikit ang pisngi niya sa pisngi nito. Napahawak tuloy siya ng mahigpit sa tuwalyang nakatapis sa katawan niya. "You smell so good, Herian." Napaigtad siya ng bigla na lang nitong halikan ang balikat niya. " Alam mo bang nagugutom ako at ikaw ang gusto kong kainin? Tamang-tama, bagong paligo ka pa naman." Kapagkuway bulong nito sa kanya na lalong nagpatindig ng balahibo niya. Ito na ba ang sinasabi nito? Papagurin na ba siya nito? Teka, Ready na ba siya? Shocks. "L-Lumayo ka nga. Ano ba ang pinagsasabi mo?" Tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa tiyan niya pero hindi ito pumayag. "Can't we just stand like this forever while hugging you like your my most precious one, Herian?" Ang sarap pakinggan ng sinabi nito. Bawat letra ay tila nanunuot sa bawat hibla ng mga kalamnan niya. Napangiti siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na makakangiti pa pala siya ulit, 'yung ngiting hindi pilit. Yung ngiting tanging ito lang ang makakagawa. "Kapag hindi mo ako binitawan, ibabato ko sayo lahat ng de lata dun sa kusina at nang magising ka." Kunwari'y galit niyang sikmat rito kahit gusto-gustong sabihin dito na " Ako din, Gusto kong yakap na lang kita habang-buhay." "Pwedeng bang humarap ka muna sa akin? May sasabihin ako sayo." Seryosong sabi nito.   And she was about to take a turn para harapin ito but suddenly, He just burst out in laughter na pinagtaka niya. And why on the hell he's laughing again? Bumitaw ito sa kanya habang tumatawa. Kanina, seryoso ito then ngayon parang mamatay na ito sa kakatawa? "Ang sarap mo talagang pag-tripan Herian. You're so cute." Pabagsak itong napahiga sa kama, still bursting out of laughter. Napantig ang tenga niya sa narinig. So, that's it. Pinagti-tripan lang siya nito? Bumabawi sa pagsara niya ng pinto rito kanina? Okey na sana kanina, dalang-dala na siya sa mga pinagsasbai nito. Pinigilan niya ang sariling kunin ang flower vase sa mesa at  ihampas rito sa sobrang inis. Baka makalimutan niyang nagsisimula pa lang ulit silang buuin ang nasirang samahan dahil sa mga pinag-gagawa nito. "Pag-tripan mo din! Huwag kang magpapatalo! Seduce him too." And the manyak voice come again. Natigilan siya sa naisip. Bakit nga ba hindi? Wala naman sigurong masama kung babawi din siya sa panti-trip nito sa kanya. Isang bright idea ang bigla niyang naisip. Alam niyang masyadong daring ang paghihiganting gagawin but she doesn't care. Mas daring na revenge, mas mananalo siya. Akala ng lalaking iyon hindi niya kayang gawin ang mga ginagawa nito, well, sorry dahil makakaya niya rin.  "It's my turn. Humanda kang lalaki ka" Sabi niya sa isip  habang binubuksan ang cabinet at kumukuha ng damit. Pumili siya ng  underwear at lace na bra. Nang makapili na ay lumakad siya malapit sa kama kung saan nakahiga si Troy na patuloy pa rin sa pagtawa. Kinuha niya ang isang maliit na upuan sa malapit  at ipinatong ang isang paa. Dahan-dahan niyang isinuot ang underwear niya, with matching humming pa.  "Hey! Anong ginagawa mo?" Narinig niyang tanong ni Troy pero hindi pinansin. "Tumigil ka, Herian! Ano iyan?" Dagdag na tanong pa nito but she ignored him. Nang maisuot na niya ang underwear ay bra naman ang isinout niya. Narinig niyang napa mura ito. Matapos niyang ma hook ang bra niya ay ngiting-ngiti niya itong hinarap. "Tinatanong mo kung ano ang ginagawa ko, troy? Ito, Nagbibihis. Hindi mo na siguro kailangang itanong di'ba? Dahil kitang-kita mo naman na nagbibihis ako." Binigyan niya ito ng isang napakatamis na ngiti o mas tamang sabihin ay nang-aakit na ngiti. And there He is, nanlalaki ang mga mata nito habang pinapahid ang pawis sa noo. Gusto niyang magtatalon sa tuwa dahil umepekto rito ang pang-seseduce niya. Pero hindi pa iyon sapat, kulang pa at kailangan pa niyang dagdagan. "s**t! Stop it will you? Why don't you use the C.R? For Pete's sake Herian! " Nangigil na sigaw nito sa kanya. Bakit ang OA nito? "Bakit ba? Hindi pa ako tapos magbihis eh." Tinanggal niya ang tuwalyang nakatapis sa katawan niya. " At oo nga pala, bakit hindi ko isukat yang pinabili mong negligee? Mukhang kasya at babagay sa akin." Naglakad siya nang naka panty at bra lang. Kinuha niya ang paper bag na kinalalagyan ng negligee. "What's that? " Napatigil siya sa tanong nito. Masyado kasing seryoso ang tono niyon.  "Anong what's that?" "That! What's that?"  Umalis ito ng kamay ng kama sabay dampot ng unan at ibinato sa sahig. Agad nitong hinablot ang braso nang makalapit na ito sa kanya. "Anong nangyari sa braso mo?" Ipinakita pa nito sa kanya ang braso niyang may sugat.  Kinuha niya kasi ang bandage kanina bago siya maligo kaya hindi niya namalayang dumugo ulit ito. "Ito? Wala ito, nasugatan lang kanina." Kinuha niya ang braso niya mula sa pagkakahawa nito pero hindi nito binitawan. "Wala? Ang laki nitong sugat mo pagkatapos sasabihin mo lang na wala? Are you what? numb of pain? Hindi mo ramdam ang hapdi niyang sugat mo to say na wala lang?" Hinila siya nito palabas ng kwarto pero bigla din itong bumalik, kinuha nito ang tuwalya niya kanina at itinapis nito iyon ulit sa katawan niya. " Baka lamigin ka. Tama nang isang taong  importante sa akin lang ang nasa ospital ngayon, huwag ka nang dumagdag." Seryoso nitong sabi sa kanya. Natamimi naman siya   "Umupo ka diyan. Kukuha lang ako ng Gamot at band aid." Utos nito sa kanya nang makarating na sila sala. Hindi na siya nagreklamo pa para hindi na humaba pa ang usapan. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Ilang sandali pa ay lumabas na ito ng kusina na may dala-dalang first aid kit. "Akin na yang braso mo." Ibinigay naman niya rito. Napaka seryoso ng mukha nito habang ginagamot ang sugat niya. Ang sweet lang, nakakakilig tingnan habang ginagamot nito ang sugat niya. Ingat na ingat ito sa pagdampi ng cotton na parang ayaw nitong maramdaman niya ang hapdi. " Tell me if it hurts. And tell me where did you got this wound." 'Sabi na kasing wala ito. Nagulat kasi ako  nang bigla na lang pumasok si Miss Consolacion kaya nahulog ako sa sofa at tumama nga itong braso ko side table. "Nahulog sa sofa? How is that so? Napakaimposibleng mahulog ka sofa unless hindi ka nakaupo kundi nakatayo." Nangunot ang noo nito. " And don't tell me na pati yang bukol mo sa noo diyan mo din nakuha? "Ah, Kasi.. Aray! " Napangiwi siya nang napadiin ang pagdampi nito ng cotton sa sugat niya. "Sorry! Sorry!" Natataranta nitong hinipan ang sugat niya. " Wala na ba? I'm sorry!" "Okey na. Ang OA mo masyado. Ang  sarap mo talagang pag-tripan Troy. You're so cute." Natawa niyang sabi rito. Ginaya niya ang sinabi nito kanina. "Gumaganti ka ba?" Inilapag nito ang cotton sa mesa at seryosong hinarap siya. "Look, I'm sorry kung nainis kita. But please, Herian, Don't do it again dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Never walked in front of with almost nothing  covers you." Napalunok siya sinabi nito. Butterflies starts to wrestle inside her stomach. Ano ang ibig sabihin nito? Nanalo siya sa pangseseduce niya rito? "By the way. Mom called me and She said na dumaan siya rito.How was it?" Natigilan siya sa sinabi nito.   "Ahh, yeah. Dumaan nga siya rito. Wala naman kaming masyadong pinagusapan. nagkakumustahan lang." Dapat pa ba niyang sabihin rito na dumanting din ang bruha nitong ex? Kow, wag na lang baka masira lang araw niya. "Ganun ba? Well, sabi niya kasi may importante daw siyang sasabihin sayo. Pero kung ayaw mong magkwento, okey lang. Malalaman ko din naman sa huli." Tumayo na ito at tinungo ang kwarto nila. " At pwede ba? Magbihis ka na? Hindi ka ba nilalamig? Oo nga pala. Nakalimutan niyang wala pa siyang sout na damit. Masyado kasing madaming introdution kanina eh. Kaya sumunod na rin siya dito. Naabutan niya itong naglalagay ng ilang pirasong damit sa isang bag.   "Para saan yan? Lalayas ka? Bakit? Saan ka pupunta? Iiwan mo kami ng anak mo? "Sunod sunod na tanong niya rito. Narinig niyang tumawa ito. "Tigilan mo na nga ang pagpapatawa mo, Herian. Hindi bagay sayo. And  huwag na muna tayong mag-jogging ngayon. "Jogging?" "Yeah. Yan ang sinasabi ko sayo kaninang papagurin kita. " Ngumisi ulit ito ng nakakaloko " Don't tell me na iba na naman ang pumasok diyan utak mo, Herian? Namula siya sinabi nito. "Nasa Ospital ang anak natin tapos naisipan mo pang mag jogging tayo? Nababaliw ka na ba?" "Bakit? wala namang masama ah? Naisip ko lang naman kasi na masyado ka nang stress kaya ayun, bigla na pumasok sa isip ko na mag jogging tayo nang sabay. "Ewan ko sayo!" Inirapan niya ito sabay tungo sa cabinet para kumuha ng damit. " Pupunta akong Ospital, ako na lang muna ang magbabantay kay Angelo. "Sabay na tayo. Kumuha lang ako ng damit na gagamitin ko nukas papuntang opisina kaya umuwi ako, nakalimutan kong magpakuha kay Miss Consolacion kanina." "Bahala ka." Iwan niya pero bigla na lang siyang nainis rito. Hindi niya alam kung disappointed ba siya dahil ibang Paguran ang nasa isip niya sa iniisip nito. Arrgh!! basta naiinis siya rito, naligo pa naman siya ng mabuti. Argh!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD