Chapter One
Nanlalamig ang mga kamay niya habang tinutunton ang hallway papuntang opisina ng lalaking kinamuhian niya sa loob ng limang taon. Pero ngayon, narito siya, ibababa niya ang pride at kakalimutan ang lahat ng galit para sa anak niya. Kung meron lang sana siyang ibang mahingian ng tulong, hindi niya itatapak ang mga paa niya sa lugar na ito. Kaso wala, wala na maliban kay Troy Montejo, the father of her child.
Nang makarating siya sa opisina ay agad siyang nagtanong sa secretary nito.
"Excuse me, nandiyan ba si Troy Montejo?" Nakangiti kahit kinakabahan na tanong niya sa sekretarya.
Nag-angat ito ng mukha at nakataas ang kilay na sinipat siya ng mabuti. Nasa mukha nito ang pagka disgusto. Hindi niya ito masisisi. Sino ba naman ang hindi magtataka kung may maghahanap sa napaka yaman mong boss na naka sout lang ng faded jeans at maluwang na t-shirt. Wala na kasi siyang oras para mag-ayos pa.
"Well, Miss if you don't mind, Mr. Montejo is a very busy man at kung gusto mong mag solicit ng tulong, ako na lang ang mag-aasikaso sayo." Sabi nito sa kanya na may halo pang pang-iinsulto. Akala niya sa mga fiction stories lang makikita ang mga sekretarya katulad ng nasa harap niya pati pala sa totoong buhay, nag-e-exist sila?
Kagagaling lang niya sa kapilya ng Hospital kaya pinigilan niya ang sariling patulan ito. Ang maka-usap si Troy ang kanyang ipinunta at hindi ang pumatol sa secretaryang mukhang walang alam sa tinatawag na code of ethics at preamble ng trabaho nito.
"He knows me." Pinilit pa rin niyang kumalma.
Tinaasan siya nito ng kilay. "Do you think maniniwala ako sa mga ganyan? That trick were used a lot of times here so leave. Ako ang mapapagalitan kapag naabutan ka ni Sir Troy dito."
"Nagsasabi ako ng totoo, Miss. Sabihin mo sa kanya na nandito ako, si Herian Alejo kamo."
"I guess, fifteen minutes of catering what you need is enough. Marami pa akong gagawin, Miss."
"I don’t care if you won’t believe me pero kailangan ko talaga siyang maka-usap ngayon. Sabihin mo sa kanyang gusto ko siyang maka---"Hindi niya naituloy ang iba pang sasabihin dahil bigla na lamang bumukas ang pintuan sa gilid at iniluwa niyon ang isang napakakisig at puno ng awtoridad na lalaki.
"Miss Consolacion, I'm going to a very important meeting, cancel all my appointments for the whole day." Bungad nito paglabas ng opisina. Tiningnan lang siya nito saglit pagkatapos ay deritsong naglakad papuntang elevator.
Nang sumara na ang elevator ay napahiyang tumingin siya sa sekretarya nito na nakatingin din sa kanya na parang gustong iparating sa na, "See? Alam kong nagsisinungaling ka lang. Kilala mo siya pero hindi ka niya kilala." inismiran lang siya nito bago nagpatuloy sa ginagawa.
Laglag ang balikat na dahan dahan siyang naglakad. Gusto na niyang umiyak nang mga sandaling iyon. Si Troy na lang ang tangi niyang pag-asa pero mukhang mabibigo pa siya. Ano na lang ang gagawin niya? Wala na talaga siyang ibang naiisip na paraan. Si Troy lang ang natatanging kadugo ng anak niya na maaaring makatulong dito. Kung may milyon lang siya, iikutin niya ang buong mundo, makahanap lang ng bone marrow na magma-match sa bone marrow ng anak niya pero, wala, wala siyang milyon. Problema na nga niya kung saan hahagilapin ang panggastos nilang mag-ina dahil ubos na ang naipon niya sa chemotheraphy ng anak.
Marahil, dahil sa lumilipad na naman ang isip niya ay hindi niya namalayang bumukas na pala ang elevator. Para lang siyang tuod na nakatayo pa rin sa harap niyon. Hindi niya tuloy nakita kung sino ang lumabas mula doon at pumasok sa opisina.
"Miss Alejo?, Pumasok ka na raw sa loob." Nagulat pa siya nang biglang magsalita sa likod niya ang sekretarya ni Troy.
"Ha?"
"Bumalik siya, hindi mo ba nakita? Nasa harap ka na ng elevator di’ba?"
"B-Bumalik siya?" Hindi man lang niya naramdaman na bumalik pala ito. Nagkaroon siya ng pag asa sa narinig. Muling nabuhay ang mga kaugatan niya sa katawan.
"Yes and he doesn't want to wait so, get inside."
Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Agad niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang mukha ng nag-iisang lalaking minahal niya. Hindi niya alam kung paano mag-uumpisa, parang biglang naglaho ang naipon niyang lakas ng loob kanina dahil sa mga titig nito sa kanya. Titig na may hinanakit at titig na puno ng katanungan. Parang gusto na niyang umatras, pero kailangan niya itong harapin.
"Ano ang kailangan mo?" Deritso nitong tanong sa kanya while wearing his most serious look.
Gusto niyang ibuka ang mga bibig para magsalita pero ni hindi man lang niya magawang igalaw ang mga iyon. Nagpapawis na ang kanyang mga palad. Hindi niya alam kung dahil ba sa nerbiyos o dahil sa mga titig nito sa kanya.
"I said, what do you want?" Tumaas na ang boses nito.
"Ah, Kasi..." Nangangatal ang mga labing simula niya. Hindi niya maipaliwanag pero parang hihimatayin yata siya. She’s not that type of woman who easily faint but now, pakiramdam niya ang hina-hina niya.
"What?" Mukhang nauubusan na ito ng pasensya. Napatayo na ito at napahampas sa mesa nang paglakas-lakas.
"Kasi-" Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay. Mabuti na lang at maagap siyang nasalo ni Troy. Hindi niya alam na ganito pala siya kahina to the point na nawalan pa siya ng malay.
"Herian!" Iyon na lang ang huli niyang narinig bago tuluyang lamunin ng dilim ang kanyang paligid.
***
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Nakaramdam pa rin siya ng konting hilo pero mas nanaig ang pagkalam ng kanyang impis na sikmura na kagabi pang walang laman. Halos nakakalimutan na niyang asikasuhin ang sarili.
Inikot niya ang paningin sa paligid. Kulay puti ang kulay na nangingibabaw sa kwartong iyon. Maliban sa sofa at isang C.R. sa malapit ay wala na siyang ibang nakita. Marahan siyang bumangon pero muntikan na naman siyang matumba mabuti na lang nakahawak siya sa center table.
"Huwag kasing pilitin kung hindi kaya" Muntikan pa siyang matumba ulit nang may nagsalita mula sa pintuan.
"T-Troy??" Gulat na gulat niyang bulalas.
"Kung nahihilo ka, pwedeng maupo ka na lang muna. You are old enough to know things that you need to do in certain situations." Humalikipkip itong sumandal sa pintuan.
Napayuko lang siya sa sinabi nito at kinagat ang mga namumutlang labi. That's her way para hindi siya maiyak. Yes, wala namang dahilan para maiyak siya sa mga oras na ito, pero pakiramdam niya, tutulo na lang bigla ang mga luha niya. Maybe, she's not ready yet to face him again. Naduduwag na yata siya.
"Masyado na yata akong nakaka-distorbo sayo. Babalik na lang ako bukas." Hindi niya alam kung bakit nakapag desisyon siyang umalis na lang.
"I don't have another spare time to waste tomorrow, Miss. If you have something to tell me, spill it now.” Miss? Pati ba pangalan niya ay kinalimutan na nito? Pero ano ba ang dapat na asasahan niya na itawag nito sa kanya? Honey? Babe? Darling? Wala na sila. Tapos na ang kwento nilang dalawa limang taon na ang nakakaraan.
“Narinig kong may importante kang ka meeting ngayong araw kaya babalik na lang siguro ako bukas.” Gusto niyang sabunutan ang sarili sa mga sinabi niya. Bakit ba naduduwag siya ngayong kaharap na niya ito?
“What are you doing?”
“Ha?” mulagat na napatingin siya rito pero agad ding napaiwas at ibinaling sa ibang direksyon ang tingin.
“Are you playing some stupid jokes on me? magpapakita ka sa akin matapos ang limang taon tapos sasabihin mong babalik ka na lang bukas? Then what? Hindi ka na naman ulit magsasalita at sasabihin na babalik na lang kinabukasan hanggang sa maubos ang lahat ng bukas? Why do you even bother to see me again, huh?”
Muli siyang napatingin dito at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya umiwas. “Lahat naman siguro ng tao, kapag nalaman nilang niloko lang sila at pinagmukhang tanga ng taong mahal nila ay mas pipiliin na lang ang lumayo para gamutin ang sugat na dulot ng kasinungalingang iyon.” For the first time ay nakatingin na rin siya ng tuwid sa mga mata nito.
“Kasinungalingan? Niloko kita? How? When?” Bakit mukhang ito pa ang may galit sa kanya?
“Puwede bang huwag ka nang magmaang-maangan pa, Troy?” kalmante pa rin na sabi niya rito. “O talagang gusto mong marinig mismo na alam ko ang lahat. Alam kong hindi naman talaga tayo kasal. Na niloko mo lang ako!”
"What are you talking about? Anong hindi kinasal?" Napatuwid ito ng tayo sa narinig mula sa kanya.
"Pwede ba, huwag ka nang magpanggap pa, Troy? Tama na ang isang beses na pinag-mukha mo akong tanga.” Tumaas na ang boses niya.
"Sino ba ang nagsabing tanga ka? And what fake wedding are you talking about?" Tumaas na rin ang boses nito
"Walang nagsabi pero iyon ako sayo, hindi ba? Kaya ang napakadali sayo ang paikut-ikutin ako sa mga palad mo. At hindi mo alam ang pekeng kasal? How come?” uyam niya.
"Pwede bang tumigil ka na? Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo.”
“Bakit hindi ka na lang nag artista? Ang galing mong umarte, convincing.” Mapakla siyang ngumiti.
“You know what? Hindi ko alam kung gumagamit ka ba ng bawal na gamot, mukha ka na kasing adik kung mag-isip. Ito ba ang importanteng sasabihin mo? Hihingi ka ng tulong pang rehab? Or you want to come back dahil kailangan mo ng pera? Magkano ba ang kailangan mo?”
Hindi niya napigilan ang sariling sampalin ito. Sasampalin sana niya ulit ito pero agad nitong nasalo ang kamay niya.
"Don't you dare to do that again, or you will pay the price"
"Bitiwan mo ako!!" Mariin niyang utos dito.
"Bitiwan? In the first place, ikaw ang kusang pumunta dito. Second, nasa teretoryo kita, magagawa ko lahat ng gusto kong gawin at pangatlo, huwag kang umastang parang parte ka pa rin ng buhay ko dahil matagal na kitang kinalimutan. Hindi ko na naalala kung paano kita nakilala, kinalimutan ko na kung paano ka ngumiti at wala na tayong ugnayan sa bawat isa. At alam mo Herian, wala akong panahong makipag biruan sayo. Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo at nang makaalis ka na. Mind you, Marami pa akong mas importanteng gagawin." Puno ng pait ang bawat salitang binitawan nito sabay bitaw sa mga braso niya.
Ang galit na nararamdaman niya kanina ay biglang napalitan ng sobrang sakit. Talaga nga palang ga-hibla lang ang distansya ng poot at pag-ibig. Dahil kahit anong galit niya rito, alam niyang nandito pa rin nakatatak sa puso niya ang pangalang "Troy" at naiinis siya sarili dahil hindi niya ito magawang mabura ng tuluyan sa buhay niya.
Huminga siya ng malalim. Coming here is a mistake. Mali siya, hindi ito ang taong makakatulong sa kanya. "Nakalimutan ko na kung ano ipinunta ko dito. Salamat sa ginintuang oras na sinayang mo sa akin." Dali-dali niyang paalam rito bago pa siya makalimot sa sarili.
Pero bago siya makalabas ng pintuan ay muli siya nitong hinagip sa braso.
"Just like that? Pupunta ka dito at makipagtalo then aalis ng ganoon na lang? Bakit hindi mo sabihin kung ano ang kailangan mo?"
Gustong-gusto na niyang sabihin rito ang pakay niya pero ayaw niyang makarinig ulit ng masakit na salita galing dito.
"Tell me, Damn it!" Sabi nito na mukhang nauubusan na ng pasensya.
Mukhang wala na siyang ibang choice kundi ang sabihin na lang dito ang kailangan niya. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya pumunta rito, ang humingi ng tulong. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"I came here because I need your help. "
"That's It?" tanong nito na naghihintay ng iba pa niyang sasabihin.
"And, "muli siyang huminga ng malalim. “And our son, he needs your help! Kailangan na kailangan niya ng tulong mo ngayon!" This time, hindi na niya napigilang maiyak.
"What?"
Napalunok siya. Hindi na naman ulit siya makapagsalita. Lumapit ito sa kanya at niyugyog ang kanyang magkabilang balikat.
"Ano ang sabi mo? We have a son? This is crazy!"
"Y-Yes." Iyon lang nasabi niya. Kinagat niya ang mga labi niya para hindi siya maiyak muli.
"What kind of prank is this? After five years of hiding, babalik ka para sabihing may anak tayo? Oh, Come on, Herian, Hindi mo ako malolokong muli." Binitawan siya nito at napasuntok sa lamesa.
"N-Nagsasabi ako ng totoo. At hindi kita niloloko. May sakit siya kaya napilitan akong humingi ng tulong sayo" Sabi niya na nanginginig sa sobrang tensyon. Ngayon lang nangyari sa kanya ang manginig ng ganito. Ang daming what if’s na pumasok sa utak niya. Paano kung hindi ito maniniwala sa kanya? What will happen to her son?
Tiningnan siya nito ng napakatalim. Nagtatagis ang mga bagang na napabuntunghininga.
"So, kung walang sakit ang Anak mo, hindi ka magpapakita sa akin? Kunsabagay, ganoon naman talaga ang silbi ko sayo noon pa, ang maging takbuhan kapag kailangan mo ng tulong"
Anak mo. Ang sakit pakinggan.
Hindi siya ulit nakapagsalita. Gustong gusto niyang ipamukha rito na siya ang mas may karapatang magalit pero alam niyang isang maling galaw iyon kaya pinili na lamang niyang manahimik.
"Pwede bang magsalita ka, Herian! " Dumadagundong ang galit na boses nito sa boung silid.
"T-Troy…"
"This is nonsense. Umupo ito sa sofa at tumingin sa kanya. "Sabi mo kanina maysakit ang bata, ano ang sakit niya?" Nahalata yata nitong natakot siya kaya biglang kumambiyo ang tono ng bobes nito at mahinahon na nagtanong sa kanya.
"L-Leukemia. Noong nakaraang dalawang buwan ko lang nalaman. Akala ko kasi simpleng lagnat lang, hindi ko aakalaing malala na pala ang lagay niya." Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilang muling umiyak. Hindi niya mapigilan ang mga luha niya kapag naalala niyang kalagayan ng anak niyang nakikipaglaban sa sakit nito.
"Will you please stop crying? It's pissing me off!" Naiirita nitong sikmat sa kanya."Until now, iyakin ka pa ‘rin" Bulong nito na hindi niya narinig. "So, Kailangan mo ang pera ko? Ganoon ba?"
"Hindi naman pera ang kailangan ko-"
"Kung hindi pera ano? Suporta? Tagapahid ng luha mo kapag iiyak ka?"
"Kailangan niya ng bone marrow!" Hindi niya napigilang isigaw rito.
"Bone Marrow? Mag do-donate ako ng bone marrow sa batang iyon? Ni hindi ko nga sigurado kung anak ko ba talaga siya."
Ngali-ngali niyang sampalin ito pero pinigilan niya ang sarili.
"Kung gusto mo ng DNA test handa ako. Hindi ako isang klaseng babae na papatol sa kung sino lang!"
Natahimik ito saglit. Siguro nag-iisip tungkol sa kung ano dapat nitong gawin. Habang siya ay biglang napahawak sa door knob dahil pakiramdam niya matutumba na lang siya bigla.
Maya-maya pa ay tumayo na ito. Hinawakan nito ang braso niya at inakay palabas ng opisina nito.
"Miss Consolacion, May importante akong gagawin ngayon. Resched all my meeting for today." Utos nito sa secretarya na nagtataka kung bakit siya hawak-hawak ng boss nito pagkalabas na pagkalabas ng opisina. Hawak pa rin siya nito hanggang makasakay sila ng elevator at makarating sa sasakyan nito parking area.
"S-saan tayo pupunta?"Nagtatakang tanong niya rito nang makapasok na siya sa loob. Kahit kailan biglaan talaga itong mag desisyon.
" I'm the one who should ask you that. Saang hospital tayo pupunta ngayon, tell me. Puntahan natin ang anak mo"
Anak mo! Ang sakit talagang pakinggan. Dalawang beses na niyang narinig mula rito ang pagtanggi sa anak nila. Ganun pala kasakit ang pakiramdam.
"S-Sa St. Anthony Hospital."
Agad nitong pinaandar ang makina ang kotse at walang salitang humarurot papuntang Hospital na binaggit niya. Kapwa sila walang imik habang bumibiyahe. Hindi niya napigilan ang sariling lingunin ito. Napakaseryoso ng mukha nito at tutok sa pagmamaneho. Those eyes na gustong gusto niya, ang ilong na parang nililok ng isang napakagaling na pintor at mga labi na parang babae. Hindi niya napigilang mapabuntunghininga habang tinititigan niya ang mukha nito.
"What?" Napansin yata nito na tinitigan niya ito kaya nilingon siya nito, agad naman niyang iginawi sa unahan ang tingin niya.
"W-Wala naman.” She looked away.
"Stop staring at me. Baka matunaw ako sa mga titig mo." She can sense some amusement in his voice. Kanina lang ay galit ito ngayon naman ay amuse na? Ang bilis naman yatang mag-iba ng modo nito.
"Ha? Hindi kita tinitingnan. Tinitingnan ko lang ang mga malalaking bahay sa side mo"
"Until now, Hindi ka pa din magaling mag sinungaling."
"Kaya ka ba pupunta sa hospital dahil alam mong hindi ako nagsisinungaling?" Automatic na lumabas bibig niya ang mga salitang iyon na nagpatahimik rito. Nakita niyang humigpit ang paghawak nito sa manebela ng kotse.
"Sometimes, you're good at it.”
Napakagat ulit siya ng labi.
"Will you stop that?" Maya-maya pa ay sikmat nito sa kanya.
"Ha?"
"Ang pakagat-kagat mo ng bibig mo, Are you trying to seduce me?" Taas ang kilay na tanong nito sa kanya. “It won’t work on me.”
"Seduce? Of Course not! Bakit ko naman gagawin iyon?" Umayos siya ng upo. Pakiramdam niya nasusunog na pisngi niya sa sobrang hiya. Bakit ba kasi siya nag papa-apekto siya sa mga pinagsasabi nito?
"Then stop biting your lips."
Hindi na siya nakipagtalo pa. She looked on the opposite side para hindi niya ito makita. Baka ma-highblood lang siya. Wala ulit silang imikan hanggang sa makarating sila ng hospital. Agad siyang dumiretso sa ward ng anak niya habang nakabuntot lang ito sakanya.
Agad niyang niyakap ang anak pagdating niya. May dextrose pang nakakabit rito sa kamay nito.
"Ma!" Tuwang-tuwa na tawag nito sa kanya nang makita siya.
"Okey ka lang ba? Mama kept her promise to came back early." Boung pagmamahal niyang itong hinalikan sa tuktok ng ulo nito.
"Of course he's not okay." Napaigtad siya nang biglang nagsalita sa likod niya si Troy. Nakalimutan niyang kasama nga pala niya ito. “He’s sick.”
"Sino po siya, Mama?" Tanong ng anak niya na hindi niya alam kung paano sasagutin. Nagpapatulong na tumingin siya kay Troy. Hindi ito kasama sa pinaghandaan niya. Hindi pa siya handa na ipakilala ito sa anak nila.
Lumapit ito at umupo sa gilid ng kama ng anak. Agad siya nitong inakbayan at may ibinulong.
"What's his name?"
Pakiramdam niya, may milyong-milyong boltahe ng kuryenteng dumantay sa teynga niya. Ang mainit na hininga nito na dumapi sa leeg niya, parang gusto niyang himatayin. But she immediately snapped that thought away.
"Angelo." She whispered back.
"Angelo?" Maang na tanong nito.
"Yes." Hindi na siya nagtaka kung bakit parang nagulat ito. Troy Angelo kasi buong pangalan nito.
"You named him after me? Ni hindi ka man lang nagpaalam na gagamitin mo ang pangalan ko?"
"Kailangan pa ba iyon? Kung gusto mo palitan mo, pabinyagan mo ulit." Sikmat niya dito at tsaka ngumiti sa anak na palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Ma? Sino siya?"Tanong ulit ng bata.
Humiwalay ito sa kanya at ginulo ang buhok ng anak.
"Hello, Angelo. My name is Troy and I’m your father." Sabi nito na nagpanganga sa kanya. Nanlaki ang mata niyang napatingin sa anak na tumingin din sa kanya.
Hinila niya ito malapit sa pinto. “Ano ang ginagawa mo? Kanina lang ay nagdududa ka kung anak mo ba siya talaga tapos ngayon ay bigla ka na lang magpapakilala sa kanya?” Tanong niya na hininaan ang boses para hindi marinig ng anak. Hindi niya inaasahan na magpapakilala agad ito. Alam niyang hindi pa iyon ang oras para ipakilala ito. Ayaw niyang mabigla si Angelo.
“Malalaman din naman niya.” parang walang anuman na sabi nito.
"Son? Anak po ang tagalong ng son diba, Mama?” napatingin siya kay Angelo. “Kayo po ang papa ko?" Inosenting tanong ng bata kay troy.
Agad nilapitan ang anak. Sumunod naman sa kanya si troy. "Ah, kasi, ganito ang nangyari, Baby?" Paano nga ba? Hindi niya alam kung paano magsisimula kaya tinapakan niya ang paa ni Troy.
"Daddy just arrived from abroad. Daddy works there at ngayon lang ulit nakauwi." Ang bilis nitong mag-isip ng palusot.
"Ma?" Baling ng anak sa kanya.
"Yes, Yes baby. He's your father at galing siya ng ibang bansa." hindi niya mapigilang ngumiwi dahil sa palusot na namutawi sa kanyang bibig. Tahimik siyang umusal ng paumanhin dahil sa pagsisinungaling niya sa anak.
"Pero sabi niyo po wala na si Papa? Sabi mo kinain na siya ng buwaya at mga vultures sa forest dahil sobra siyang bad? At tsaka-" Agad niyang tinakpan ang bibig ng anak at pilit na ngumiti kay Troy na magkasalubong ang mga kilay.
"Ah, iyon? Joke lang iyon ni Mama para hindi ka malungkot. Ayaw ko kasing malungkot ka kapag nalaman mong matagal pa bago mo makikita ang Papa mo."
"And now you meet me, Angelo at hindi ako papayag na mawalay ka pa sa akin." Agad na lumipad ang tingin niya rito. Hindi siya nito pinansin. Umupo ito sa tabi ng anak at hinalikan ang kamay na may dextrose.
"Talaga po bang kayo ang Papa ko?"
"Kailangan pa bang itanong 'yan? Look at me. We both look so gwapo right?" Inilapit nito ang mukha sa anak. Tinitigan naman ni Angelo ng mabuti ang ama. Narinig niyang tumawa ang anak.
“Meron din ako nito.” hinawakan nito ang maliit na nunal sa ilalim ng mata ni troy.
Tumingala siya bigla. Parang gusto niyang umiyak. Hindi niya inaakalang makikita niya anak na kasama ang ama nito. Her son looks very happy. Ramdam niya ang saya pero hindi niya maiwasang matakot. Takot sa mga sinabi nito kanina. Paano kung may kapalit ang tulong na ibibigay nito sa kanila?
"Are you happy?"
“Opo, opo!” sunod-sunod ang tango ni Angelo.
“Mas magiging masaya ka kapag sa bahay ko na kayo titira di’ba?”
"Talaga po? May bahay kayo?" Mababakas sa mukha ng bata ang sobrang kasayahan.
"What!? No!" Automatic niyang salungat sa sinabi nito. Sabay naman na napatingin sa kanya ang dalawa." I mean, sandali lang anak at mag uusap lang kami ng papa mo." Sabi niya sabay hila kay Troy palabas ng kwarto.
"Anong pinagsasabi mo sa bata, ha?" Agad niyang sikmat dito pagkalabas nila.
"Why? Dapat naman talagang sa bahay ko na siya titira dahil anak ko siya"
"Hindi ako papayag! Hindi ko hahayaang kunin mo siya sa akin. Siya na lang natitira sa akin, Troy!"
Napakamot itong napasandal sa pader. "Sino bang nagsabi na kukunin ko siya sayo? What I mean to say is that both of you will be staying in my house until Angelo's health stabilizes."
"Ano!?" Gulat na gulat na tanong niya rito.
"Ano ka ba Herian? Karapatan kong makasama ang anak ko at ayokong malaman niya ang totoong sitwasyon nating dalawa. Ayoko siyang masaktan, he's too young for that."
"Hindi naman kailangang sayo kami titira and-"
"That's my condition. At wala ka nang magagawa pa. That's final."
"Pero-"
"No more contradictions. Take it or leave it." Anito na dumeritso na ng tayo.
"Pag-iisipan ko muna-" Bakit ba ang hilig nitong putulin ang mga sinasabi niya?
"No need. Aalis tayo ngayon. Kukunin natin ang mga gamit niyo para ilipat na sa bahay ko." Sabi nito na nagpatiuna nang pumasok sa loob.
"Sandali------"
"Ako na ang magpapaalam kay Angelo. I'll send someone to take good care of him here."
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang rito. Pagkatapos nilang magpaalam ay agad na silang pumunta sa inuupahan niyang bahay para kunin ang ang mga gamit nila. Hindi na siya nagreklamo pa. Gagawin niya ang lahat para sa kapakanan ng anak niya kahit na ang kapalit pa ay makasama ang lalaking nagbigay sugat sa kanyang puso. Tatanggapin niya lahat kahit na ang kapalit niyon ay ang paglunok niya ng sariling pride-ang tanging na natitira sa kanya.