Chapter Two
"Don't bring all your things. Ang mga mahahalagang papeles na lang ang dalhin mo." Sabi nito bago siya bumaba ng kotse. He accompanied her to fetch their things para makalipat na sila sa bahay nito. Gusto niyang salungatin ang gusto nitong mangyari pero may kung anong pwersa na pumipilit sa kanya na sumunod na lang sa agos ng pangyayari.
"Hindi ko naman talaga dadalhin lahat. Sandali lang naman kami doon diba? Uuwi din kami rito kapag magaling na si Angelo." Anya na bumaba na ng sasakyan.
"Do you think hahayaan kong mapalayo pa sa akin ang anak ko? You've taken away those five years na dapat kasama ko siya, na dapat tinuturuan ko siyang maglakad, maglaro at matutuong magbasa. That will never happens." Sabi nito na nagpatigil ng kanyang boung sistema. Magtatalo na naman ba sila? Ano ang ibig nitong sabihin? Kukunin nito sa kanya ang anak nila, ilalayo din sa kanya? No! hindi siya makakapayag.
"Anong ibig mong sabihin? Ilalayo mo ang anak ko sa akin? Ang sabi mo kanina hanggang sa gumaling lang si Angelo? Kung iyon din lang naman ang magiging kapalit mabuti pang huwag mo nag ituloy ang pagtulong sa amin." Aniya.
"At ano ang gagawin mo? Lalayo ulit, hahayang magdusa ang bata sa sakit nito para hindi lang malayo sayo? Come on, Herian maging practical tayo ngayon. What I’m saying is, if we need to act like friends, then gawin natin for the sake of Angelo.”
"Lolokohin natin ang bata? Hindi ko magagawa ang gusto mo. Mas masasaktan lang siya kapag nalaman niyang temporary lang ang lahat."
"Can we just talked about this later? Look, pagod ako sa opisina ngayon at madami pa akong tatapusing trabaho. Makapaghihintay naman siguro iyan, diba? And besides it's about our son, we need to give more time about that."
Hindi na siya sumagot. Mukha na nga itong pagod na pagod. At hindi naman siya ang tipo ng taong mamimilit para lang masunod ang gusto niya. Kaya tiningnan niya lang ito tsaka pumasok na sa loob. Birth certificate lang ng anak at ilang mga importanteng dokumento ang dinala niya. Nagdala na din siya ng ilang pirasong damit nila.
Agad na silang dumeritso sa bahay nito, condo to be exact. She thought sa bahay pa rin ng mga Montejo ito nakatira. Pero mas maganda na rin na sa condo sila nito titira. Hindi pa siya handang makaharap muli ang pamilya nito.
"Dalawa lang ang kwarto dito. May kusina rin kaya pwede kang magluto anytime you want." Sabi nito habang binubuksan ng pintuan unit nito.
Boung top floor ang inukupa nito kaya medyo tahimik at walang gaanong tao. Napanganga siya ng makapasok na sa loob. Halos lahat ng nakikita niya ay mamahalin, kulang na lagyan ng paalala na " Mahal ang presyo namin, mag-ingat sa kilos mo" Everything shows how rich is Troy Montejo. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa tagapagmana ng pinakamalaking Construction Company sa bansa.
“This will be Angelo's room. Pwede mo nang ilagay ang lahat ng gamit niya dito." Sabi nito habang ituro sa kanya ang kawartong nasa kanang bahagi. Binuksan nito ang pinto para ipakita sa kanya ang loob. Walang masyadong gamit maliban sa isang cabinet at T.V kaya agad niyang naisip na iyon marahil ang guest room ng bahay.
"Maganda at maluwag naman siya. Kasya naman siguro kami rito sa kama." Aniya habang inilalapag ang mga dalahin.
"Si Angelo lang mag-isa rito. Doon ka sa kabilang kwarto matutulog."
"Hindi ba dalawa lang ang kwarto dito? Paano iyan? Kung mag-isa lang dito si Angelo, at doon naman ako sa kabila, Saan ka matutulog?" Tanong niya na itinuro pa ang dalawang kwarto.
"Of course sa kawarto kung saan ka matutulog. Alangan namang sa sahig o sofa mo ako patutulugin." Anito na sumandig sa mesang nasa malapit. Halatang pimipilit nitong hindi matawa, siguro dahil sa reaksyon niyang nanlalaki ang mata.
"What? Hindi pwede! Ayoko!" Sunod-sunod na pag iling ang ginawa niya.
"Why not? Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. And besides we need to do this dahil magtataka ang anak natin. Ano ang sasabihin mo sa kanya kung bakit magkahiwalay tayong matutulog? Away mag-asawa?"
"Pwede namang dalawa kami sa kwarto diba? At tsaka sanay siyang magkatabing kaming matulog." Sabi niyang hindi tumitingin rito.
"Saan mo patutulugin ang magiging nurse ni Angelo? Sa kwarto ko? Ano ba, Herian. Akala ko ba gagawin mo ang lahat for our child, pero ang magsama lang tayo sa isang kwarto, hindi mo kaya? At hindi ka naman siguro mahihirapan since nagawa na natin dati ang pinakaintimate na pwedeng gawin ng isang lalaki at babae."
Lalo siyang namula sa mga pinagsasabi nito. Parang gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. Bakit ba ang daming lumalabas sa bibig nito na hindi naman nito dapat sabihin? Hindi ba at galit ito sa kanya kani-kanina lang?
"S-sige, aasikasuhan ko lang ang mga dadalhin ko sa Ospital."Sabi niya na tumayo na sa kama at tunungo ang pinto.
"Saan ka pupunta?"
"Sa labas, kukunin ko ang mga gamit namin."
"Labas? Narito na lahat ng gamit niyo sa loob. Ano pa ang kukunin mo doon?" Natampal niya ang sariling noo ng maalala niyang nasa loob na nga pala lahat ng gamit nila ng anak. Nawawala na tuloy siya sa sarili dahil mga pinagsasabi nito.
"Ay, Oo nga pala." Lalong nadagdagan ang pamumula ng mukha niya.
"I think you need to rest. Looks like wala ka na sa huwesyo at naging makakalimutan ka na." Sabi nitong tumayo na ng tuwid at naglakad patungong pinto. "Mag-oorder lang ako ng pagkain. After dinner na tayo pupunta ng hospital. We need to schedule Angelo's operation as soon as possible. I don't want to gamble my son's life. If you need something, sabihin mo lang sa akin." Iyon lang ata lumabas na ito ng pinto.
Naiwan siyang napahiga sa kama. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga matang magdamag nang walang tulog. Ang daming nangyari sa araw na iyon, ang daming pagtatalo pero alam niyang maayos din ang lahat. matatapos din ang lahat ng problema niya. At si Troy, alam niyang kaya pa rin naman niya itong pakisamahan. Kakalimutan muna niya lahat ng hinanakit niya rito, lahat ng galit at inis para sa anak niya.
Hindi niya namalayang nakatulog na siya sa dami ng iniisip. Hindi na niya nakita ang muling pagbukas ng pinto at ang pagtitig sa kanya ni Troy na may lungkot sa mukha.
***
She rubbed her sweaty palms together. Kanina pa siya tayo ng tayo then, uupo saglit at tatayo na naman at maglalakad ng ilang metro at mauupo na naman. Para siyang pusang hindi maihi. Paano ba namang hindi siya magka ganyan, today is Angelo's operation. Nag match ang bone marrow nilang mag-ama. And she thanks Lord for that. Wala si Troy ngayon dahil may pinuntahan itong napakaimportanteng meeting sa Davao pero he assured her na susunod ito.
"Pwede ba Herian, Maupo ka na lang dito? Nahihilo ako sa kakasunod ng tingin sa iyo eh." Sabi sa kanya ni Jasmin, ang best friend niyang freelance writer din katulad niya. Ito ang nagbabantay kay Angelo sa tuwing kailangan niyang umalis at maghahanap ng mahihiraman ng pera.
"Kinakabahan kasi ako. Baka nasasaktan ang anak ko O di kaya ay baka magkamali ang doktor sa gagamitin niya equipment at mapano pa si Angelo. O ‘di kaya baka bigla na lamang mag brown out at hindi na makikita ng Doktor kung ano man ang hihiwain niy-" Natataranta niyang sagot dito.
"Or baka mamaya, dalawa na kayo ang nakahiga sa Hospital bed dahil bigla ka na lang natumba diyan."
"Jasmin naman, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. He's my life, alam mo iyan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag..." Hindi niya kayang ituloy ang kung ano ang nasa utak niya.
"Kasi naman, huwag kang mag-isip ng mga negatibong ek-ek na iyan. Hope that Angelo can surpass this. He's a brave boy, alam mo iyan. Paano pa siya lalaban kung ang sariling ina niya, pinaghihinaan na ng loob?"
Napatingin siya sa kaibigan. She could felt some guilt inside her. May point ang kaibigan niya. Lalaban ang anak niya, alam niyang lalaban ito.
"Halika ka nga ditong bruha ka at nag mabigyan kita ng yakap ng pagsuporta." Natatawa siyang lumapit at niyakap ito ng mahigpit.
"Everything will be fine." Sabi nito. Napaka swerte niya at may isang Jasmin na andiyan lagi sa tabi niya kapag nangangailangan siya ng tulong. Ngayon niya napagtanto na superheroes did exist.
"Thank you talaga." Iyon na lang ang nasabi niya hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakayakap dito. Wala kasi siyang masyadong tulog mula pa kagabi dahil sobrang pag-aalala. And it's been a week since nagkasama sila sa isang bahay ni Toy, pero hindi naman sila gaanong nag-uusap. Paano ba naman kasi, ang aga nitong gumising at gabi na kung umuwi. And yes, they both sleep in his room pero sa sofa ito natutulog. Ngayon nga, kahit operation na ni Angelo ay wala din ito, nasa Bohol ito at may ka meeting na malalaking negosyante. But he promised na makakapunta ito.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog. Nagising na lang siya dahil sa amoy ng isang napaka pamilyar na pabango. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya.
"Tuxedo?" Tanong niya sa isip nang magising. "Troy?" Nanlaki ang mga mata niya ng malaman niyang nakahiga pala siya paharap sa lap nito. Nakapikit lang ito kaya hindi niya masabi kung tulog ba ito o nakapikit lang. Dumating na pala ito, hindi man lang niya namalayan.
"Ahmmm." Ungol nito na nanatiling nakapikit. He seems over exhausted.
Tinangka niyang bumangon pero hinila siya nito pabalik at this time, napasubsob na siya sa dibdib nito. Her heart pounded erotically. Ang bilis-bilis na halos iyon na lang tanging bahagi ng katawan niya na gumagana.
"T-Troy?"
"How I miss to cuddle you like this." Sounds like tired na mahinang anas nito.Namula siya sinabi nito. Oo nga at hindi na sila nagtatalo palagi pero hindi ibig sabihin ay na okay na ulit sila. But she can't deny this kilig feeling na nararamdaman niya ngayon. Na miss din niyang kayakap ito, ang humiga sa bato-bato nitong tiyan at haplusin ang mukha nito.
'Huwag ka munang umalis. Let's just wait the Doctor here." Oo nga pala, nakalimutan niyang kani-kanina lang ay natataranta na siya. Nakalimutan niyang nasa alanganing sitwasyon ang anak nila at heto silang dalawa ngayon, naglalandian.
"P-Pero." Niyakap siya nito lalo. At lalo namang bumilis ang t***k ng puso niya sa ginawa nito. Dinig na dinig niya ang bawat paghinga nito at ang hininga nitong dumadapyo sa tuktok ng buhok niya.
"I'm so tired, Herian. So please, dito ka lang muna sa tabi ko." Lalo siyang nag blush sa sinabi nito. Hindi alam kung ano ang nakain nito sa Bohol at bigla na lang itong naging sweet sa kanya. Baka naman nasobrahan sa pagkain ng durian o di kaya'y nahipnotized ng mga engkanto sa chocolate hills o baka sinapian ng kaluluwa ng mga tarsier?
She didn’t want to but she did hugged him back. Ang sarap sa pakiramdam. Sa tingin niya, nagka amnesia na yata siya dahil biglang hindi na niya maalala ang mag hinanakit niya rito. Nakalimutan niyang five years ago ay sinaktan siya nito ng sobra. Hindi pala lahat ay nagagamot ng paglipas ng panahon, sometimes, the one who hurted us is the one who can ease the pain and heal the wounds he made. "Na miss ko ito. Na miss ko ang mga yakap mo." Sabi pa nito.
"Ahem! Ahem! Ang sweet naman, parang Rico at Claudine, Wowie at Juday lang ang peg natin ah? Nasa hospital po tayo at wala sa gilid ng manila bay o luneta park." Bigla siyang kumalas sa yakap nito nang dumating si Jasmin, may dala dala itong supot ng Jolibee.
"Jasmin!"
"Ikaw, Troy ha? Kaya naman pala inutusan mo akong bumili ng pagkain. May balak pala kayong maglanggaman dito." Ngumisi ito sa kanya ng nakakaloko. "Kailan pa kayo nagkabalikan? Ikaw, Herian, akala ko ba bestfriend tayo? Bakit mo man lang sinabi sa akin, ha?" Umarte pa itong galit sa kanya.
"Itikom mo nga ang bibig mo, Jasmin. Ano ka ba? hindi kami nagkabalikan." Aniyang tiningnan si Troy na nagpapagpag ng tuxedo nito.
"Hindi raw pero daig pa ang mga teenager kung mag PDA."
"Ano ba Jasmin!" Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Hindi pa kami nagkabalikan. Pero malapit na." Singbilis ng lightyears na bumaling ang ulo niya kay Troy nang bigla na lamang itong magsalita sa likod niya sabay akbay sa kanya. Ano ba ang pinagsasabi nito?
"Oh my Godness! Grabe to the nth power na ito, Herian! Kinikilig ako sa inyong dalawa. Sabi na nga destiny talaga kayong dalawa eh. Kayo na talaga buhay na halimbawa ng dalawang taong nagmamahalan na nagkahiwalay, sinubok ng panahon pero sila pa rin ang nagkatuluiyan sa bandang huli. O, diba? Parang mga kwento lang sa w*****d? " Naglulundag ito sa hallway ng ospital. Habang siya naman ay namumulang hinarap si Troy.
"Anong pinagsasabi mong magkabalikan tayo?" Naiinis niyang tanong rito na pilit hinihinaan ang boses.
"Nothing. May masama ba sa sinabi ko?" Parang wala lang dito ang sinabi habang sa kanya, parang bomba ang impact. Hindi niya tuloy alam kung pinag ti-tripan lang siya nito. But there's something inside of her na umaasa na sana seryoso ito.
"Nothing? Iyun lang ang sasabihin mo? Nakakinis ka, alam mo ba iyon?"
"Ano ba ang gusto mong marinig?" Nagtayuan lahat ng balahibo niya sa katawan nang inilapit pa nito ang mukha sa kanya.
"Excuse me. Who's the parents of Angelo?" Thanks God at biglang dumating ang surgeon na nag opera sa anak niya. Agad silang lumapit dito.
"Ako po ang Mother niya. Kumusta po ang anak namin?" Salubong na tanong niya sa doktor na kasalukuyang tinatanggal ang sout na gloves.
"Well, Mrs…” Simula ng Doctor na naghihintay kung paano siya tatawagin.
"Misis Montereal." Si Troy na ang sumagot. Automatic na naman siyang napalingon dito. Pero nakatingin ito ng seryoso sa doktor.
"Okey Misis Montereal, after five hours of operation, I would like to say na succesful ang operasyon ng anak niyo. He's such a strong child I must say." Nakangiti nitong sabi sa kanila na naghatid sa kanya ng saya.
"T-Talaga po, Dok? Salamat po ng madami. Maraming salmat po talaga!" Hindi niya napigilang yakapin ito.
"Hahaha. Congatulations sa inyo. Makakasama niyo pa siya ng napakaraming taon." Natatawang sabi nito while tapping her shoulder.
"Maraming salamat ulit, Doc." At si Jasmin naman ang niyakap niya. "Jasmin, Salamat din sa iyo. Salamat sa pagbabantay sa anak ko."
"Ano ka ba? Okey lang iyon. At tsaka bawas gastos din iyon sa akin ngayong pasko dahil hindi ko na bibigyan ang inaanak ko ng regalo.Hahaha."
"Luka ka talaga— Anong?" Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil bigla na lang siyang hinila ni Troy at ubod higpit na niyakap. Para siyang video na pause. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Would she hugged him back or push him away?
"He's safe now. Wala ka nang dapat aalalahanin but to take care our son and of course...me." Bulong nito sa kanya. At ayan naman ang pag-iinit ng mukha niya. Nagtataka na talaga siya kung si Troy pa ba talaga ang nakayakap sa kanya. Bakit nagbago bigla ang pakikitungo nito sa kanya?
"T-Troy?"
"Hoy! Kayong dalawa diyan. Sobra ba talagang ka sweetan ang ginagawa niyo. Hindi na kayo nahiya sa amin nitong ni Dok." Bigla niyang naitulak si Troy. Narinig niyang tumawa ito ng mahina.
"At pinagtatawanan niya ako?" Isip niya.
"Don't mind us, Doc, Jasmin. By the way, thank you so much doctor for saving our son." Inakbayan ulit siya nito while talking to them. Naiilang na talaga siya sa inaasal nito.
"It's my job, Mr. Montejo. And pwede na kayong kumuha ng private room for him para sa kanyang recovery."
"Gusto po sana namin ay sa bahay na lang siya magpagaling. We will hire a private nurse for our son." Si Troy.
"Well, pwede naman ang gusto niyo but then kailangan pa rin niyang manatili rito ng mga dalawang linggo para maobserbahan ng maayos.
"Gagawin po namin kung ano ang dapat at kailangan naming gawin Doc." nakipag shake hand ito sa doctor. Nakipag kamay na rin siya dito.
"Kung gayon ay maiwan ko na kayo. Congratulations again." Iyon lang at tumalikod na ito.
Pagkaalis ng Doctor ay agad niyang tinanggal ang kamay ni Troy na nakapatong sa balikat niya. Habang si Jasmin ay pagkain ang pinag tuunan ng pansin. "Mag-usap nga tayo, Troy. Ano ba ang nagyayari sayo?" Lalo siyang naiinis dahil humikab lang ito.
"Usap lang kayo diyan. Huwag niyo akong pansinin." Sabi pa nito habang namumuwal sa kinakaing hamburger. Hindi niya mapigilan ang sarili matawa sa itsura nito.
"Mukhang masarap ah? Can you give me some. Jasmin? I haven't eat my dinner yet dahil dumeritso na kaagad ako dito." Nilingon niya si Troy na hinihimas himas pa ang tiyan. Ang cute nitong tingnan. May boses tuloy na bumulong sa kanya.
"Ano, Herian? Makakaya mo pa bang awayin ang cute na nilalang na iyan?"
Agad niyang pinilig ang ulo. Ano na ba itong nagyayari sa kanya? Nababaliw na yata siya.
"Hey, Herian? Why don't you join us here? Mukhang nalipasan ka yata ng gutom? Hindi ka ba kumain habang wala ako dito?" Alok nito sa kanya ng hamburger.
" Oo nga friend. Para kang baliw diyan na pailing-iling ng ulo mo. Malulungkot ang anak mo kapag nakita ka niyang namayat, sige ka."
"Salamat na lang pero busog ak--" Halos batukan niya niya si Troy nang bigla na lang nitong sinubo sa kanya ang kinakain nitong hamburger.
"Wew! Kumain ka na lang Herian." Kumindat pa ito sa kanya. Habang siya ay hawak hawak ang dibdib dahil pakiramdam niya ay bumara sa lalamunan niya ng hamburger na sinampak nito sa bibig biya.
"Hahahahaha." At ang bruha niyang kaibigan ay humagalpak sa tawa. Pinagtutulungan na talaga siya ng dalawa.
"Bahala kayo sa buhay niyo!" Inis na sabi niya sa mga ito ang matapos ibigay boung lakas at effort malunok lang ang lintek na hamburger ng jolibee na yun.
"Mag coke ka muna, Friend" Pahabol pa ni Jasmin.
Naiinis siyang nag martsa palayo sa dalawa na nag apir pa talaga dalawa. Si troy ba talaga ang taong iyon? Ang layo-layo sa Troy na nakilala niya Three weeks ago. Hindi na ito ang Troy na masungit at hindi man lang ngumingiti. Anong nagyari?
"Hmp. Bahala sila." At tuloy tuloy na siyang pumasok sa maliit na chapel ng ospital. Magpapasalamat siya Diyos at inigtas nito ang anak nila.