"Catalina, anak, ilang oras na tayong nandito. Baka hindi na 'yon sumipot. Magdidilim na—"
"Mommy, please," naiiyak mong putol sa sinasabi nito. "B-baka... baka may nangyaring hindi maganda kay A-Amir ko." Hindi pwedeng mangyari ang iniisip ng iyong mommy. Alam mong mahal ka ni Amir at hindi nito tatalikuran ang ipinangako nitong kasal sa'yo. "Susulpot siya, 'My."
"Pero, anak," naiiyak nang niyakap ng ginang si Catalina. "Hapon na, eh. Hindi na 'yon susulpot siguro."
"Hindi, 'My." Kumalas ka sa pagkakayakap sa mommy mo dahil wala kang papaniwalaan ngayon kundi ang bulong lang ng iyong puso. "P-please, 'wag mo namang ipagpilitan 'yang sinasabi mo dahil lalo akong pinanghihinaan ng loob. Naniniwala ako sa mga pangako ni Amir sa'kin, 'My."
Nanlalamig ang buo mong katawan at maingay na ang paligid dahil sa nagkakagulong bisita ninyo nang hindi sumipot ang groom mo. Panay ang dasal mo na sana, sumulpot na ito. Na sana, 'wag magkatotoo ang spekulasyon ng iyong mommy.
"A-Amir..." Tanaw mo ang bukana ng simbahan pero walang Amir na sumulpot. "D-dumating ka na, p-please."
Natuon ang pansin mo sa pinsan mong hangos na tumatakbo palapit sa altar. Kinabahan ka nang makita mo ang pamumutla ng mukha nito. Kahit ga'no pa kaganda ang paligid dahil napuno ng puting bulaklak ang disenyo ng simbahan, pumait ang pakiramdam mo dahil alas nuwebe ng umaga ang kasal niyo ni Amir pero ala-singko na ng hapon ngayon. Ayaw mong mag-isip ng masama dahil masaya kayo ng nobyo mo bago kayo nagkahiwalay kaninang umaga.
"Catalina." Mahigpit na hinawakan ng binata ang nanlalamig na kamay ng pinsan. "Paalis na papuntang Malibu si Amir. Kakatawag niya lang at... at h-hindi na matutuloy ang k-kasalang ito. Nasa airport na siya papuntang Manila. Pinsan..." May pag-aalalang inalalayan nito ang babae nang maging mabuway ang pagkakatayo nito.
"H-hindi!" Tumulo na ang luha mo bago mo tinaas ang laylayan ng suot mong damit pangkasal. "S-susundan ko siya sa airport. B-baka nabibigla lang si A-Amir. Kailangan naming mag-usap."
"Pinsan!" malakas na sigaw ng binata kay Catalina.
Tuloy-tuloy ka lamang sa pagtakbo palabas ng simbahan. Kahit may kabigatan ang suot mong damit pangkasal, hindi mo ito jnalintana. Mas mabigat ang dinadala mo sa dibdib ngayon. Kaya mo pa bang isalba ang relasyon ninyo ni Amir?
"H-hintayin mo'ko, A-Amir." Halos madapa ka na sa sobra mong pagmamadali. "Nangako kang ako lang ang babaeng papakasalan mo, nangako ka, Amir." Lumakas na ang iyak mo nang dere-deretso ka lamang lumabas sa pinaka-gate ng simbahan.
"C-Catalina!"
Tinatawag ka ng iyong mommy pero hindi mo siya pinansin. Nanlabo ang paningin mo nang sunod-sunod na sasakyan ang dumaan sa harap mo. Kailangan mo ng taxi papunta sa airport. Isang airport lamang ang mayro'n kayo sa lugar na ito at tutungo ka ro'n para pigilan si Amir sa pag-alis nito.
"Catalina! Huwag mo na habulin ang lalaking 'yon. Hindi siya kawalan, marami pang darating sa'yo, pinsan."
Naabutan ka na ni Jadey, ang iyong pinsan. Hawak nito nang mahigpit ang braso mo pero agad mong binaklas ito. Napailing ka lang nang sunod-sunod bago tinaas ang kamay mo para pahintuin ang taxi-ng una mong pinara.
"Ano ba, Catalina! Huwag mo na habulin ang lalaking 'yon. Manloloko siya, pinahiya ka niya sobra sa araw na'to." Awang-awa ang binata nang sundan nito ang babae papasok sa nakahintong taxi. "Huwag mong sayangin ang oras mo sa kanya, ni hindi ka niya kayang panindigan, Catalina."
Pilit mong tinulak ang lalaki nang hilahin ka nito palabas ng taxi. Katakot-takot na hilahan ang nangyari kaya nayamot na sa inyo ang taxi driver.
"Ano ba! Lumabas ka na, Miss. Huwag mong sayangin ang oras ko," inis na reklamo ng taxi driver. "Sayang ang kita ko ngayong araw kung hindi ka rin lang sasakay."
"Please, Jadey." Malakas mong tinulak ang lalaki sa huling pagkakataon at nang magawa mo ito, mabilis mong sinara ang pinto. "K-Kuya, umalis na tayo. Bilis!"
Nakahinga ka nang maluwag nang umusad ang sasakyan at agad kang napalingon. Kinakalampag ng pinsan mo ang labas ng taxi pero binilisan ni Kuya ang pagpapatakbo kaya nakalayo kayo agad.
"Miss, hindi ako gumagamit ng meter, ha. Magkano ang rent mo sa taxi ko?"
Nagkatitigan kayo ng driver sa front mirror nito. Wala ka ring maapuhap na salita dahil sa pagsigaw ng pinsan mo. Humahabol pa rin ang lalaki sa likod niyo hanggang tuluyan na itong maging maliit sa paningin mo.
"S-sa'n ka ba magpapahatid?" tanong ng driver. "Depende sa layo ang icha-charge ko sa'yo, ha. T-tsaka, k-kasal mo ba ngayon? B-bakit umalis ka ng simbahan?"
Hindi ka umimik. Wala kang bitbit na pera ngayon basta ang alam mo lang, kailangan mong maabutan sa airport si Amir. Nanginginig ang palad mo at pilit mo pang inaayos ang mahabang laylayan ng damit mo. Kayo pa ni Amir ang pumili nito at sobrang gandang-ganda ka sa design nito. Mistula kang prinsesa nang sukatin mo ito bago ang kasal niyo pero ngayon?
"Hoy, Miss."
"Airport po. Pakibilisan lang po, Kuya, para maabutan ko ang nobyo ko."
"1000, pwede na? Ma-traffic ngayon at aabutin tayo ng kulang-kulang isang oras sa byahe. Mura na 'yan at lugi pa'ko sa gasolina ko dahil nagmahal na ang lahat ngayon. Private use 'tong sasakyan ko. Baka isipin mo masyadong mahal ang singil ko. Sa short cut tayo dadaan kung may hinahabol ka, ok?"
"K-kuya, pakibilisan po." Napanguyngoy ka na dahil hindi mo makontak ang nobyo mo. Wala ka ring dalang cellphone. Naiwan ang gamit mo sa simbahan kaya wala kang magamit ngayon. "Ang pinakamabilis na daan papunta sa airport, p-please." Inayos mo ang belong tumatakip sa mukha mo nang sulyapan mo ang driver.
Tahimik ka lang lumuha at sadyang hindi mo maintindihan kung bakit nagbago ang isip ni Amir. Baka nabibigla lang ito. Baka magulo ang utak nito kaya nakapagdesisyon itong hindi ka siputin sa araw ng kasal ninyo. Parang napakatagal ng biyahe ninyo at napakabagal ng oras sa pakiramdam mo. Huminto bigla ang taxi sa gasoline station at nakangiti kang binalingan ng driver.
"Miss, ok lang bang ikaw ang magbayad ng pang-gas ko? Wala pa kasi akong kita ngayon, ikaw ang una kong customer. Mabilis lang 'to. Mga 500 pesos lamang ang ipapakarga—"
"K-Kuya, wala akong dalang pera. Baka meron ka diyan at babayaran na lang kita mamaya, please." Kailangan mong abutan si Amir. "P-please, pakibilisan naman po."
Nahampas ng driver ang manibela nito bigla sa sobrang inis nito. "Anak ng teteng naman, oh! D-dapat sinabi mong wala kang pera. S-Sana hindi na kita sinakay."
"K-kuya, please. B-bilisan mo n-naman, oh. Baka hindi ko na s-siya maabu—"
"Labas!" hiyaw ng driver bigla. "H-hindi pa tayo nakakalayo sa simbahan. Maghahanap na lang ako ng ibang pasahero ko."
Akma mong hahawakan ang lalaki pero umiwas ito sabay labas sa sasakyan. Gumilid ito papunta sa kung sa'n ka nakaupo. Pinanlisikan ka nito ng mata kaya wala kang nagawa kundi ang lumabas. Nakaramdam ka ng takot sa paraan ng pagkakatitig nito sa'yo. Nahabol mo na lamang ng tingin ang sasakyan nang humarurot ito bigla palayo sa'yo.
Ngayon mo lamang napansin ang mga matang nakatutok sa'yo. Nakadamit pangkasal ka at nang maalala mo na naman ang lalaking papakasalan mo, nataranta ka na. Kailangan mong pumunta ng airport. Pilit kang pumara ng mga sasakyang dumaan sa harap mo pero kahit isa, walang huminto. Napaiyak ka sa kalunos-lunos na tagpong ito. Nakaramdam ka ng awa sa sarili mo pero hindi ka susuko agad hangga't hindi mo nakakausap si Amir.
"E-excuse me? Sa'n ang punta mo, Miss?" Isang lalaki ang nagtanong nito sa dalaga. "M-Mukhang huli ka na sa kasal mo, ah."
Nakasandal ang lalaki sa isang tricycle nang tingnan mo. Naka-park lamang sa gilid si Kuya kaya nabuhayan ka ng loob. "K-Kuya, please, tulungan mo'ko. Kailangan kong pumunta ng airport ngayon. Babayaran kita mamaya, may hinahabol lamang ako."
Napangiti lang ang lalaki nang mapatingin sa'yo sabay muwestra ng kamay nito sa isang tricycle. "Sakay... sakay," malakas na sigaw ng lalaki. Tinulungan pa nitong ipasok ang mahabang laylayan ng damit mo para hindi ito maipit ng gulong ng tricycle. "Sige, aalis na tayo, Miss."
Labis-labis ang pasasalamat mo nang umandar na ito. Mabilis ang pagmamaneho ni Kuya at panay din ang overtake nito. Hindi matatawaran ang kaba mo nang mahigpit kang mangunyapit sa kinauupuan mo. Nililipad ng hangin ang belo mo sa mukha sa bilis ng pagmamaneho nito. Ilang minuto pa ang lumipas, nasa isang malawak na kalsada na kayo. Malakas na ugong ng tricycle ang naririnig mo kasabay ng malakas na pagdagundong ng iyong dibdib. Sana maabutan mo si Amir! Napatingin ka sa gilid ng kalsada dahil under construction pa ito. Nakakapanginig ng laman ang takot na naramdaman mo nang mapatingin ka sa baba dahil nasa mataas na bahagi kayo ng kalsada at bangin ang nasa gilid nito. Ganito ba ang daanan papuntang airport? Under construction pa ito at nasa 40 ang speed limit ng lugar kaya kailangang bagalan ng driver ang pagmamaneho.
"K-Kuya, dahan-dahan ng pagmamaneho baka madisgrasya tayo. Bangin na ang gilid ng kalsadang ito." Isang malakas na sigaw ito mula sa'yo pero hindi ka narinig ng driver. "K-Kuya," hiyaw mo nang lalong bumilis ang pagpapatakbo nito. Nilamon kayo ng alikabok nang madako ang tricycle sa parteng hindi pa aspaltado. "Huwag dito, delikado. Sa kabila ka mag-drive. Ano ba, Kuya!"
Umuuga-uga na ang tricycle makalipas ang ilang sandali bago ito dahan-dahang bumagal pero makalipas ang ilang minuto,, muli na naman itong bumilis.
"K-Kuyaaa!" tili mo bigla nang halos maghiwalay ang katawan mo sa kaluluwa mo sa paraan ng pagpapatakbo nito. "P-please, bagalan mo n-naman!"
Nahintakutan ka nang maramdaman mo ang pagtalon-talon ng katawan mo nang mapadaan kayo sa mabatong bahagi ng kalsada. Wala kang makita! Puro usok at alikabok ang pumuno sa loob ng tricycle kasabay ng sunod-sunod na pag-ubo mo.
"Ihinto mooo!" Hindi mo napigilang sumigaw dahil mukhang overspeeding na ang ginagawa nito. Pero lalo lang itong bumilis hanggang naramdaman mo ang malakas na hangin sa mukha mo. "K-kuyaaa!"
Ang kinatatakutan mong bangin, bakit mukhang nahuhulog ka? Halos bumaliktad na ang sikmura mo nang mapasiksik ka sa pinakagilid ng sinasakyan mo kasabay ng pagbalot ng alikabok sa buong tricycle at pagbaliktad nito bigla. Nasa taas na ang paa mo at nasa baba na ang ulo mo nang mapasigaw ka muli nang pagkalakas-lakas.
"Hindiiii! A-ayoko p-pang m-mamataaay. Tulooong!" malakas mong palahaw nang napagtanto mong bumubulusok na ang sinasakyan mo nang dumeretso ito sa bangin. "Ahhhh."