SABADO ngayon kaya't naisipan namin ni Pauline na mag-bar tutal, linggo naman bukas at mahaba ang oras namin para makapagpahinga. Kaya naman, wala pang alas singko ng hapon ay nagligpit na ako ng aking mga gamit. Hindi ako masyadong na-stress ngayon dahil si Mr. President ang nandito sa kompanya. Medyo busy kasi sina Sir Jazz sa pag-aasikaso para sa exhibit. Kaya naman buong maghapon na hindi ko rin nakita rito ang anino ni sunflower girl. Palagi silang magkasama ni sir kaya wala rin akong ideya kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanila. Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan bago ako lumabas. Dumaan muna ako sa office ni Mr. President para makapagpaalam dito. Eksakto naman'g palabas na rin ito kaya't hindi na ako naabala pa. "May dala ka bang sasakyan?" ani Mr. Preside