ILANG beses ng tumunog ang aking cellphone simula pagdating ko dito sa bahay. At sa tuwing titingnan ko ito ay si Jazz pa rin ang tumatawag. "Oh, friendship! Ba't 'di mo sagutin 'yan?" Hindi na nakatiis pa si Pauline. "Hayaan mo lang 'yan." Tipid kong tugon. "Nagkasagutan na naman ba kayo?" Muli niyang tanong na ang tinutukoy ay si Jazz. Hindi ako nakasagot agad. Sa halip ay nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntonghininga. "Sus, sabi ko na nga ba eh." Dagdag pa niya at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. "Ano ba talaga ang-" Naudlot ang iba pang sasabihin ni Pauline nang biglang may kumatok sa pintuan. "May inaasahan ka bang bisita na darating ngayon?" Aniya bago tumayo at tinungo ang pintuan. Umiling naman ako kaya't napilitan na rin itong buksan ang pinto. Namilog